Chapter Story 2 - Chapter 18

Eksaktong pagmulat ng mata ni Jackylyn, isang banyagang silid ang nagisnan niya. Napaupo siya at pinilit alalahanin ang nangyari. Saka lang niya naalala na may mga armadong kalalakihan ang sumugod sa apartment niya— sumikdo ang puso niya nang biglang bumukas ang pintuan at hindi niya napaghandaan ang pagbiglang pasok ng isang taong hindi niya inaasahang makita.

“Welcome home Jaakkina,” sobrang lamig ng boses nito na pumuno sa apat na sulok ng silid.

Nangatal ang buong katawan niya habang nakatitig dito. Sunod-sunod na pumatak ang luha sa kaniyang mga mata at nagsimula siyang kinain ng kaniyang kahinaan. Ang nasa kaniyang harapan ay ang walang iba kundi ang matandang Don at kasunod nito ay mga tauhan. May hawak itong kopita ng wine at kalmadong sumimsim do’n habang tiningnan siya na puno ng pang-uuyam.

“H-how... H-how did you find me?” nanginginig ang kaniyang labi nang tanungin niya ito.

Napuno ng halakhak ng matanda ang buong silid at marahang humakbang patungo sa sofang nando’n. Magarbong umupo ito at pinaikot-ikot ang iniinom na wine sa kopita.

Hindi niya alam kung ano ang plano nito pero ngayon nasa poder siya ng demonyong matanda, isa lang ang pumasok sa isipan niya, she’s in dead end. It’s either she will fight for her life, or be killed by his grandfather.

“Jaakkina dear... Tsk tsk...” tumalim ang mga mata nitong tumingin sa kaniya, “You think I didn’t know?” At ngumisi ito ng nakakainsulto.

Hinamig niya ang sarili at nagawa niyang kontrolin ang takot niya para rito. Biglang tumigas ang kaniyang anyo at napatingin sa matanda na nang-uuyam ang kaniyang mata. “Of course alam kong alam mo.”

Tumigas ang anyo nito, “How dare you to infuriate me!” tumaas ang boses nito at galit na tumayo. “Killing him doesn’t mean you’re free. Pinagbigyan ka lang ng mabait mong lolo na magpakasaya sandali sa labas, I know how boredom hits my beautiful granddaughter so I let you roam. Of course you knew how powerful I am. I can move mountains and hills. Thank goodness for Zerus, my faithful servant. He lead the way to where you belong.” Bumalik ito sa pag-upo at ngumisi.

Tulirong napatingin siya sa mga tauhan nito at nakita nga niya si Zerus, nakangisi na nakatingin sa kaniya.

“You trusted the wrong person,” may pang-uuyam sa boses nito, “Theon Willoughby.”

Parang binagsakan siya ng langit at lupa sa nalaman. Paano? Hindi malaking impossible ‘yon. Niligtas siya ng ilang beses ng lalaki at sabihin na natin na mali ngang nagtiwala siya rito pero imposible ang sinabi ni Zerus na si Theon ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa harapan ng lolo niya.

“Good job Jaakkina. Pinatay mo ang bastardong hindi marunong sumunod sa kasunduan. 1 billion for your price pero binawi ang pera ko without even giving me weeks and months to find you nang mamasyal ka sandali. But it’s okay, ngayon nandito ka, an auction will held sooner in Black Market for highest amount.”

Hindi! Hindi pwede.

“Demonyo ka talaga kahit kailan! Demonyo ka talaga. Papatayin kita! I swear papatayin kita kahit lolo kita.” nangangalaiti siya sa sobrang galit. Hindi siya nito pwedeng ibenta sa Black Market. Iba ang dadanasin niya sakali ro’n kung mabebenta at may bibili sa kaniya.

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito at tumayo na. “Lock her at once and secured all the premises!” utos nito sa mga tauhan at nilisan ang lugar na iyon na sumisigaw siya sa galit.

Ilang oras siyang nag-isip nang kung anong pwedeng gawin para makatakas pero lahat na yata ng survival mode na tinuro sa kanila ni Yx sa isla ay walang silbi. Her only hopes is Yx. Oras na makita nitong nag-iba ang location niya ayon na rin sa suot niyang kwentas, malalaman ng lalaki kung nasaan siya.

Paska! Bakit nangyari ‘to?! Totoo ba'ng sinabi ni Zerus na si Theon ang dahilan kung bakit siya nakita at nasundan? No, siguro naging careless lang siya. Shit, shit, shit! Nagiging careless lang naman siya dahil sa presinsya ng lalaki na laging sunod nang sunod sa kaniya. Nagiging mas vulnerable siya, mas mahina, mas madaling gibain.

Napatingin si Yx sa sa eksaktong location ni Jackylyn. Napakuyom siya ng kamao nang makitang nakuha ito ni Don Jukka. Siya ang nag-send sa dalaga ng picture nito para i-aware na masyadong halata ang pader na tinayo nito sa sarili, masyadong halatang natitibag na.

That message was an awareness from him. He thought Jackylyn would noticed that after all, magaling ito sa pag-analyse ng bagay-bagay that is why he let her handle the cyber stuff. Magaling ang dalaga at mabilis matuto kaya laging nakaagapay siya sa pagtuturo nito pagdating sa cyber world. Isa si Jackylyn sa pinakamahusay niyang hacker pero dahil sa presinsya ng isang lalaking kilala niyang Theon Willoughby, nawawala ang focus at concentration nito.

Mabilis ang kaniyang kamay sa pagtipa sa keyboard at ilang sandali lang ay nag-sending file na. He needs to do something! Nanganganib ang buhay ng dalagang minsan niyang niligtas mula sa aksidente. Bilang leader nito, karapatan niyang iligtas ang babae.

Pinadala niya ito sa misyon na dapat siya ang gumawa pero alam niyang kailangan ni Jackylyn mismo na makaharap ang lalaking bumili rito sa napakalaking halaga. Sinadya niyang ito ang pumatay para isang araw, makakaya nitong harapin ang lolo nitong kinakatakutan. Kahit aaminin man ng dalaga o hindi dahil alam niyang darating ang araw na magtatagpo ang landas ng dalawa. Alam niyang hanggang ngayon, ando’n pa rin sa puso nito ang takot na pilit niyang inaalis.

Minsan lang talaga, nakakabaliw ang pag-ibig at hindi lingid sa kaniya ang nakaraan nito pero nanatiling tahimik at tikom ang kaniyang bibig. May kalayaan ang mga tauhan niya pagdating sa usapang puso but this time, kailangan niya nang manghimasok.

Habang si Jackylyn naman ay paikot-ikot sa loob ng silid na iyon. Can’t be! Hindi niya hahayaan ang matandang hayop na ‘yon na ibenta na naman ulit siya. Aalis siya sa mansiyon na ‘to by hook or by crook. Hindi siya binigyan ng pangalawang buhay para lang maging alipin lagi sa takot niya rito.

Hinamig niya muna sandali ang sarili, nagsisimula na naman kasi siyang manginig sa galit. Hindi makakabuti sa kaniya ang emosyon na ‘yon kaya pinilit niya ang sariling kumalma. Isa siyang Rokassowskij, at ang dugong nananalaytay sa kaniya ay dugong kinasusuklaman niya kaya hindi siya pwede nitong ibenta sa kahit sino para sa pansarili nitong kagustuhan.

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pintuan at kasunod no’n ay ang matandang Don at mga bagong kasambahay. Napakagat siya ng labi at pinipilit ‘wag mapaiyak sa harapan nito nang mareyalisado niyang wala na ang dalawang katulong na isa sa mga tumulong sa kaniya para tuluyang makatakas sa impyernong kulungan niya.

Pinatigas niya ang kaniyang anyo nang tumingin sa matanda na may sungay sa ulo. “En halua nahda kasvosi taalla.” I don’t wanna see your face here.

Hinithit muna nito ang cigarette pipe at bumuga sa hangin habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa baston. Hinintay nitong mawala ang usok bago ito nagsalita.

“Valmista hanet kerralla! Han tulee luokseni.” Make her ready! She’ll be coming with me.

Mabilis na tumalima ang mga babaeng katulong sa kaniya para bihisan siya pero mariin siyang umayaw at nagwala. Hindi siya sasama rito kahit anong mangyari!

“Make her sleep.” puno ng authority ang boses nito at sumenyas sa mga tauhan.

Ngumisi siya. Okay then, fine. Kung magpapatulog siya sa mga ‘to. Mabilis niyang ginamitan ng martial arts ang mga nagtangkang lumapit sa kaniya. Apat ang napatumba niya habang nang-uuyam ang mga mata na nanonood ang matandang Don. Ngumisi ito habang humihithit ng sigarilyo.

“Enough with the presentation,” anito.

Tumango ang limang lalaki na naka-steady lang sa isang tabi. Nung una napatumba niya ang isang lalaki pero dahil mas alam niyang magagaling ang mga ‘to sa larangan ng martial arts, isang pisil lang ng isa sa batok niya... Agad siyang bumagsak na tulog.

KUNG nakakamatay lang ang tingin ni Jackylyn kay Don Jukka baka kanina pa ito natumba at nangisay. Hindi niya mabilang kung ilang beses niya itong pinatay sa isip kahit iisang dugo lang ang nanalaytay sa kanilang dalawa.

Nagwagi itong dalhin siya sa Finland at pinasuotan ng malaswang damit na halos kita na ang buong kaluluwa niya sa sobrang daring ng tabas nito. Nakaupo siya sa isang malambot na kama na kulay pula at tanging mapusyaw na ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa bawat bahagi ng apat na sulok ng silid. Nakakadena ang kaniyang dalawang kamay at kahit anong gawin niyang palag, hindi siya makawala.

Maraming lalaki sa malaking silid na iyon at kahit hindi niya nakikita ang mga mukha ng mga ‘to, alam niyang mabibigating tao at hindi basta-basta ang mga nando’n. May camera man na nakaharap sa kaniya at alam niyang naka-live siya sa darkweb. The auction will start soon ayon sa kaniyang lolo habang siya ay natuyo na lahat ng luha niya. Ang iniisip na lang niya ay kung paano makakalabas sa silid na bitbit ang ulo nito.

“Two hundred thousand million USD for my precious grand daughter.” malakas na sabi nito habang humihithit ng sigarilyo.

Nanginginig sa galit si Jackylyn habang nagsisimulang nagpataasan ng presyo ang mga bibigating lalaking matatanda man o bata sa kaniyang paligid. Kaniyang payabangan ang mga ito sa pagtaasan ng presyo para lang makuha siya.

“One billion dollar.” Tumayo ang isang matabang lalaki na maraming tattoo sa katawan. Ngumisi agad ito nang lahat ay tumahimik at wala ng sumalungat sa presyo na pinatong sa ulo niya.

“Enough with this!” nangangalaiting sigaw niya sa matandang kaswal lang na nakaupo sa isang tabi.

“Going once... Going twice... So—" nauwi sa ere ang anuman sasabihin ni Don Jukka nang salungatin ito ng isang lalaki.

“100 billion dollar.” malakas na saad nito.

Napasinghap siya nang marinig ang napakalaking halaga na sinambit ng isang lalaki sa likuran. Baliw ba ito? Baliw na nga! At mauuna yata siyang mababaliw ngayon. Nagsimula siyang magwala sa kinauupuang kama. Bahagya lang siyang natigilan nang marinig ang yabag ng sapatos ng lalaking nagtaas ng napakalaking presyo para sa kaniya, dahan-dahan itong lumabas mula sa madilim na kinauupuan papunta sa kaniyang kinaruruonan.

“Onko se tarpeeksi? Luulen, etta on.” Is that enough? I guess, it is. Pero ang buong atensyon nito ay sa kaniya nakatingin.

Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil naka-hoodie pero sobrang pamilyar ng boses nito. Kung hindi siya nagkakamali... Napasinghap siya at hindi makapaniwala. No, baka kaboses lang ng lalaking lumitaw sa isip niya pero sa puso niya, sana nga lumitaw ito at iligtas siya sa lugar na ‘yon.

“Rahat eivat koskaan tuo minulle tyytyvaisyytta, young man.” Money never bring satisfaction on me, young man. Puno ng pinalidad na sagot ni Don Jukka habang marahang sumisimsim ng wine sa kopita.

“That’s good to hear. I’m taking her with me.” Tinanggal nito ang hoodie at humarap sa kaniya na nakangisi.

Napatanga si Jackylyn nang tuluyang masilayan kung sino ang nasa kaniyang harapan ngayon at bumili sa kaniya sa hindi basta-bastang halaga. Biglang nanubig ang kaniyang mga mata at sobrang lakas ng tahip ng kaniyang puso at parang mabibingi yata siya. Ando’n ‘yong urge na gusto niyang salubungin ito ng yakap!

Theon!

“I’m here,” umukit lang sa labi nito ang katagang ito.

Napatango siya at pinigilan ang sariling huwag umiyak at umarteng hindi niya ito kilala. Kapag oras na malaman ng lolo niya na kilala niya ang lalaki, dodoblehin nito ang presyo. Ganito ito karumi maglaro.

Habang nagpipigil naman si Theon na sunggaban ng yakap ang dalaga na kanina pa pinagpipyestahan ang katawan ng mga taong kasama niya sa loob ng malaking silid na iyon. Nasa malaking mansion sila ng Rokassowskij sa Finland. Dinoble nito ang laki ng mansion sa Pinas at sobrang daming tauhan nito na nakabantay sa buong paligid.

Nung matanggap niya ang mensaheng papuntang Finland ang dalaga at magiging auction item ito ng ganid nitong lolo, wala siyang pagdadalawang isip na sundan agad ito sa pamamagitan ng kaniyang private plane. Kasama niya sa kaniyang lakad ay ang kaibigang si Mordeccai na siyang nag-piloto dahil wala ang pilot niya. Halos patayin siya nito sa mura sa sobrang badtrip nito nang puntahan niya mismo sa office nito habang kausap ang kliyente. Wala itong magawa kundi ang sumama.

The Willoughby’s ay kilala sa mundo bilang isa sa pinakamataas na ratings pagdating sa electronics businesses. Isa ang company nila sa nag-supply ng mga electronics lalo na sa mga cellphones. Kaya mabilis siyang nakapasok sa pamamahay ng Rokassowskij na gamit ang apilyedong ito. Pera na kung pera ang labanan, pero kung ito ang magiging paraan para makuha niya ang babae ay gagawin niya.

“Wait for my grand daughter outside,” saad ni Don Jukka at tumayo ito. Tinaas nito ang tungkod hudyat na tapos na ang bidding.

Nagsilabasan ang lahat ng mga taong nando’n at sumunod siya bilang pagbibigay respito kahit ang totoo, kating-kati si Theon na patayin ang matandang nasa harapan niya. Sino ba ang mag-aakalang ibebenta nito ang babae para lang sa pera kung sobrang yaman nito?

Naghintay siya sa labas ng silid. Hinding hindi siya aalis na hindi kasama si Jackylyn. Bilyones man ang nawala sa kaniya pero kapalit naman nito ay ang dalaga. Money can be found anywhere but Jackylyn? No, nag-iisa lang ito at masasabi niyang wala itong katulad.

Napatingin siya sa orasan ng kaniyang wristwatch na suot, 10 minutes has passed. Naiinip siya sa paghihintay pero nanatili siyang kalmado at matalas. Hindi siya dapat pakampante dahil ang totoo, para siyang lion na pumasok sa isang kulungan.

“Yow!” bungad sa kaniya ni Mordeccai sa kabilang linya.

Mula sa suot niyang earbud, naririnig niya ang kaibigan na ngayon ay nanatiling naka-monitor sa kaniya ngayon. Isang spying camera ang piercing na kaniyang suot.

“Breathing,” nababagot na sagot niya at muli pang sumulyap sa pintuan.

“I’ll tell your wife Amara ‘bout this asshole. So better shut me with 50 billion as well.” At tumawa ito sa kabilang linya nang nakakaasar. “Gago! Kasal ka na ba’t naglalandi ka—”

“You know Paki?” putol niya.

“Who’s Paki?”

“Pakialam ko.”

“Puta ka!” inis na bwelta nito sa kabilang linya.

Lihim siyang natawa sa reaksyon ng kaibigan. Mahina talaga ang sense ng humour ng abogago niyang kaibigan. Ini-off niya ang tawag nito at naghintay pa ng ilang minuto pero lagpas bente minuto na, walang Jackylyn na lumabas. Fuck! Nag-abot ang kaniyang kilay at binuksan ang pintuan.

***

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.