“ Where is she?!” mabilis na tanong niya sa matandang nakaupo ngayon sa sofa at naninigarilyo. Limang lalaki ang nasa likuran nitong nakasuot ng kulay itim lahat.
“You mean my lovely Jaakina?” Ngumisi ito.
Damn! Parang gusto niyang pasabugin ulo nito ngayon din.
“I bought her, so where is she?!” tumalim ang kaniyang mata na nakatingin dito. Handa siyang makipagpatayan kung iyan ang gustong pag-usapan ng matanda.
Tumawa ito ng sobrang lakas at napuno ang buong silid ng halakhak nitong puno ng sarkastiko. “Kulang ang presyong binigay mo, bata. 100 for her price is not enough, so make it times two.”
Siya naman ang natawa ng sobrang lakas at matalim na tiningnan ito. “Tell me where is she?” nangangalaiting saad niya na halos magsilabasan na ang ugat sa kaniyang leeg.
Ngumisi ito at sumenyas sa mga tauhan nitong tumbahin siya. Agad nagsitanguan ang mga ito at lumapit sa kaniya. 5 to 1? Not bad. Naningkit ang kaniyang matang napatingin sa bawat isa ng mga ito at dahil ngayon ay sinagad nito ang pasensya niya, patay kung sa patay! Babalian niya ng leeg ang mga taong ito sa harap mismo ng matanda.
“You think I didn’t know you Mr. Theon Willoughby? If my memory serves me right, you helped Jaakkina before and, even managed to killed that bastard,” saad nito at alam ni Theon kung sino ang tinutukoy nito, “100 billion for her and 100 billion for hiding her before. Without that, you can’t take her with you and if you insist my gun show no mercy.”
“Told you moron! Kilala ka niyang gago ka! Padalos ka kasi.”
Narinig niya ang boses ni Mordeccai sa kabilang linya pero hindi niya pinansin ang sinabi nito. Alam naman niya talaga pero kung hindi siya sumugod dito, baka sa iba na nabenta ang babae at ‘yon naman ang hindi niya pahihintulutan. Mag-aaway ang langit at lupa kung ‘yan ang usapan!
“Then guess I’ll take her by force!” ngumisi siya ng nakakaloko.
Isang sipa ang tumama sa lalaking umatake sa kaniya ng mabilisan. Kitang kita sa bawat galaw ng mga kalaban niya ngayon ang pagiging maliksi pero dahil nasa dugo nila ang pagiging magaling sa lahat ng klase ng martial arts, nakaya niyang makipagsabayan sa mga ito na hindi siya nasasagi kahit dulo ng kaniyang buhok.
“Tangina! Magpapakamatay ka bang hayop ka?! Ang gagaling ng mga kalaban mo mukhang mga assassin ‘yan!”
Nanatili siyang kalmado kahit nagsisigaw na si Mordeccai sa kabilang linya. Wala siyang pakialam kung mga assassin o hindi. Kaya rin niyang makipagpatayan.
“You know what to do. Finish him!” Tumayo ang Don at pumasok sa isang pintuan na karugtong sa kabila.
Fuck! Hindi pa sila nito tapos! Akmang hahabulin niya ito pero naharangan siya ng isa at nasipa. Napaatras siya at binigyan ang sariling tatapusin niya ito sa loob ng sampung minuto. Napatingin siya sa kaniyang suot na relo at sinenyasan ang mga ito na sabay na aatake sa kaniya para matapos na.
“Theon puta kaaaa! Mahal pa kitang tangina ka!”
Tinawanan lang niya ang malakas na sigaw ng kaibigan na akala mo ay siya ang mamatay. Kung sabagay, there’s a big possibilities that he can’t make it.
Napamura si Theon ng sobrang lutong nang matamo niya ang isang malakas na sipa sa kaniyang tiyan. Hindi niya nailagan iyon dahil may dalawa pang sumugod para paluhurin siya. Fuck! Napaatras siya sa sakit pero agad din sinalo ang isang paa na muling sisipa sa kaniya at binalibag ito sa mga kasama nito.
Tumawa naman ng sobrang lakas sa kabilang linya si Mordeccai at pumalakpak. “That’s it dupe! Iba talaga magagawa ng malandi mong puso, ‘no?”
“Shut up,” pakli niya habang sinasalag bawat tira ng mga ito.
“Mama mo shut up!” tinawanan lang siya nito at nawala sa kabilang linya.
Fuck this. Kung patuloy pa siyang bwesitin ng mga hayop na ‘to na wala yatang balak tantanan siya. Pwes, hindi rin naman nagpapabwesit ang kamao niya at paa. Nagpahid siya ng dugo na kumawala sa kaniyang labi at napangisi naman ang isa sa gumawa nito sa kaniya.
Tumalim ang kaniyang mata sa isang lalaking bumunot ng baril at balak yata siyang patayin. That’s more exciting! Pinapasigla nito ang kaniyang dugo.
“Ilman aseen kayttoa, Don Jukka tarvitsee rahansa.” No using gun, Don Jukka need his money. Sansala ng isang kasama nito. Sumenyas ito na ibaba ang baril.
Napangisi siya sa sinabi nito at napailing-iling. Alam niyang hindi siya papatayin agad, kailangan nito ang kaniyang perma kung sakali. Sayang din ang pera kung sakaling papatayin siya agad. Alam niya ang gustong mangyari ng matandang demonyo, ang palugmukin at pahirapan siya at sumunod sa gusto nito. Pero isa lang din ang gusto niya, ang makuha ang dalaga.
Humigit siya ng malalim na buntunghinga at nagbilang ng hanggang sampo saka nagsimulang umatake sa mga ito. Sampung segundo para sa minutong sinayang ng mga tanginang ito. Mabilis na umigkas sa hangin ang paa niya at pinagbibigyan ang mga ito ng tig-iisang malakas na sipa sa dibdib at ang iba ay sa leeg. Napaigik sa sakit na natumba ang mga ito sa marmol na sahig. Hindi naman fatal ang kaniyang ginawa, siguro magsusuka lang ng dugo.
Mabilis na sumunod si Theon sa pintuan kung saan dumaan si Don Jukka pero agad siyang nagpagulong ng wala sa oras at sinarado ang pintuan nang pinaulanan siya ng bala. Fuck, fuck!
“Mordeccai!” tawag niya sa kaibigan pero walang sagot mula rito. Inulit niya nang ilang beses ang pagtawag nito at saka pa ito sumagot sabay hikab. Puta! Tinulugan pa talaga siya ng walang kwentang kaibigan niya.
“Check all the CCTV of this house. Now!” utos niya at gumapang sa kabilang bahagi ng silid. Mukhang desido na yatang patayin siya ng matanda or kung ano man, wala siyang pakialam. Kaya naman niyang makipagsabayan kung ‘yan ang usapan pero kailangan din niya ang tulong ng kaibigang Attorney.
“Practically speaking Mr. Willoughby, I’m here fucking thousand years ago and was watching your back, waiting you die in line asshole.”
Hindi niya na pinansin ang pambubunganga nito. “Where's Jackylyn? Find her!” Wala siyang baril na dala kaya mahihirapan siyang makipagsagutan ng barilan.
Isa sa rule ng mansion bago nagsipasok lahat ng mga mayayamang bidder, walang dadalhin na baril o kahit na kutsilyo. Mahigpit ang security dahil maliban sa kinakapkapan, dumaan pa sila sa full body scanner.
“She’s in the wonderland with the wicked witch.”
“Puta ka talaga ayusin mo ‘ko!”
“Kinaladkad ng tauhan ng lolo niya papalabas ng mansiyon. Oh wait, yeah I think they’re going somewhere—” Nawala ito ng ilang segundo at bumalik. Narinig niyang may pinukpok ito sa kabilang linya. “Matulog ka lang putangina ka,” sabi nito.
“What?!” nanlaki na ang butas ng kaniyang ilong.
“Nothing. Itong kasama ko lang dito sa CCTV room ang ingay. Good news, nasa ground floor sila going sa sala. Jackylyn was having trouble with Don. Jukka. May handcuff ito at tali sa leeg and—”
“Enough,” putol niya. Nangangalaiti siya sa isiping tinratong hayop ang babae. Hindi lang talaga niya ma-imagined kung bakit may ganitong tao sa mundo, sariling dugo at laman pero binibenta.
Napatingin siya sa mga taong pinatumba niya na naging unconscious sa sahig, kukunin niya ang baril at susundan si Jackylyn.
“Theon, catch!”
Napatingin siya bigla sa lalakong mula sa kung saan ay pumasok at may baril na hinagis sa kaniya. Damn! Nasalo niya ito ng mabilis at gulat na gulat na napatingin dito.
“Farhistt?!”
Paano ito nakapunta rito sa Finland at nagawang magbigay sa kaniya nang baril? Ang pagkakaalam niya, hindi sila close ng lalaki at mas lalong hindi masyadong magkaibigan. Kaya lang siya lapit sa squad na kinabibilangan ni Farhistt ay dahil sa pinsan niyang si Hudson.
“Yeah, fucking tighten up your stomach! This gonna be one hella fucking hell. Save Jackylyn! Ako na bahala rito. Bring Mordeccai with you,” deritsang saad nito. Nakasuot ito ng black leather jacket at may dalang malakas na uri ng baril.
Natuliro si Theon sa nalamang kilala ni Farhistt ang kaniyang kaibigan pero wala silang oras para mag-usap. Tumango siya bilang pasasalamat sa tulong na ginawa ng lalaki sa kaniya.
Tama nga si Farhistt, ito na ang bahala sa iba dahil nung lumabas siya sa isang silid, puro nakabulagta na sa tabi ang ilan sa mga tauhan. Sumalubong agad sa kaniya si Mordeccai na seryusong seryuso ang mukha at may dalawang baril na dala. Mukhang kanina pa yata ito napasubo sa labanan.
“You gotta pay me for my expensive service. Medical ‘pag nagalusan, gas allowance kapag naubos gas ko, food allowance dahil ang mahal ng mga pagkain dito. You will pay me half billion!”
“Tangina mo buraot!” inis na pakli niya at tulad nga ng sinabi ni Farhistt, siya ang bahala naman kay Jackylyn.
Wala silang sinayang na oras, tinakbo nila ang mahabang pasilyo papuntang labasan ng bahay at kung saan nakapark ang sasakyan nila. Siya ang nag-drive sa unahan at hinayaan niya ang kasama na kalikutin ang laptop nito sa isang kamay habang nakikipagpalitan ng barilan ang isang kamay nito.
“What are you doing? Throw that laptop!”
“Gago, gumawa ako ng eulogy sakaling mamatay ang kagwapuhan ko dahil sa kalandian mo!”
“MAmaya na ‘yang pag-inarte mo Atty. Mordeccai. Ipapahiram ko ang cruise ko sa`yo nang isang taon pagkatapos nito, I swear.”
Agad ngumisi ito at tinapon ang laptop sa backseat. “If that’s the case, turn right moron. They're going to the airport. Once makakaalis sila ngayon, for sure ‘di mo na makikita si Jackylyn kahit kailan.”
Tumango siya sa sinabi nito at sinunod ang sinabi. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan sa gitna ng daan habang hinahayaan niya ang mga sumusunod na sasakyan ng kalaban. Good for him, nakapunta na siya ng ilang beses sa Finland at sumubok din talaga siyang mag-aral sa lenggwahe ng lugar na ito kahit sobrang hirap. Pero sa tulad niya, isang linggo lang niya itong pinag-aralan at fluent na siyang magsalita. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon dati, siguro dahil namimiss lang niya ang dalaga that time at sa isipin na Finnish ito kaya gusto rin niyang matuto.
Napamura sila sabay sa malakas na bunggo sa likuran ng kanilang sasakyan. Napatingin sila sa side mirror, isang itim na kotseng ayaw siyang tantanan at balak yatang ihulog sila sa tulay. Sinenyasan niya ang kaibigan hawakan ang manibela at ito ang sandaling magmaneho.
“Gago!” galit na sigaw nito. “Hindi ‘to movie!”
Habang siya ay nagawang makipagsagutan ng baril. Natawa siya nang tamaan ang nagmaneho at biglang nag-ekis-ekis ang takbo ng sasakyan nito dahilan para mahulog sa tubig.
“See, ang astig ko ‘di ba?” nakangising saad niya. “Fuck!” malakas na mura ni Theon nang hilain siya ni Mordeccai pabalik sa pwesto niyang pagmamaneho. Nabunggo ang ulo niya kaya inis na binalingan niya ito at akmang babatukan.
“Si Jackylyn!” turo nito sa daan. Mabilis siyang napasunod ng tingin sa kamay nito at nagpalinga-linga. “Biro lang.”
Gigil na sinapak niya ito sa ulo at isang malutong na tawa ang binigay sa kaniya. Nagseryuso siya sa pagmamaneho at mas binilisan pa ang takbo, kailangan nilang maabutan ang dalaga. Nakakatamad maghanap, hindi siya mahilig sa larong ‘Come And Get Me’.
Nakakangilong tunog ng gulong nang huminto sila sa harap ng airport na sinasabi ng kaibigan niyang halos sumubsob na sa dashboard at nangangalaiting tiningnan siya ng masama. Inismiran lang niya si Mordeccai at agad ng lumabas sa sasakyan habang nakasukbit ang baril sa suot niyang pantalon.
Shit! Gusto niyang sumigaw sa galit. Sa daming taong nando’n, nahihirapan siyang tingnan kung nasaan si Jackylyn. Mukhang sinadya ng Don na dito ang deriksyon nito para malito siya. Kahit saan siya lumingon at tumakbo, wala siyang makita kahit anino. Napapalingon na lang ang mga taong nando’n at kahit guard ay hindi siya kayang pigilan para pumasok
“Theon dapa!”
Awtomatikong napadapa siya sa malakas na sigaw ng kaibigan na mabilis na nakasunod sa kaniya. Narinig niya ang malakas na putok ng baril mula sa kung saan at kung hindi siya nasabihan ni Mordeccai, baka bumagsak na siyang duguan. Awtomatikong napatingin siya sa paligid habang nakaumang ang baril, nakita niya ang lalaking may dalang sniper na muling titira sa kaniya pero agad siyang gumulong sa kabilang bahagi kung saan may isang poste. Nagsitakbuhan ang mga tao sa panicked at kaniya-kaniyang takbuhan ang mga ito sa exit door.
“Mordeccai!” Napatingin siya sa kaibigan. Tulad niya nasa isang poste ito at nagtatago.
“Run blimp! Go after her, now. Ako na ang bahala rito.”
***