Umalis si Zerus sa harapan ni Blessy. Mabilis siyang nakabalik sa kaniyang sasakyan matapos may nangyari sa kanila ni Blessy sa loob ng hospital room. Mahimbing na itong nakatulog at nakiusap ito sa kaniya na ‘wag niya itong iwan sa ikatatlong pagkakataon bago nito pinikit ang mata na nakayakap sa kaniya.
Parang sasabog ang ulo niya sa sakit habang nakatitig siya sa magagandang mata nito. May nakalimutan siya sa nakaraan niya, iyon ang alam niya pero ‘di siya sigurado. Tandang-tanda niya ang kaniyang kabataan na nakatira siya sa kalye at naghihirap na parang daga. Naalala niyang nakatira siya ng ilang buwan sa isang dumpsite at nagkaro’n ng mga kaibigan pero pagdating kay Blessy, wala siyang maalala. Hindi niya matandaan na may nakaraan silang dalawa.
Humugot siya ng malalim na buntunghinga at ipinilig ang ulo. Kailangan niya ang tulong ng kaniyang kaibigan at wala siya sa katinuan ngayon para maghukay ng impormasyon ng babae. Ang gusto niyang gawin ay magpunta sa isang bar at uminom ng hard drinks. Gusto niyang alalahanin ang magandang mukha ni Blessy sa kaniyang nakaraan pero wala, wala siyang maalala. Parang siradong pintuan ang kaniyang utak.
Deritso niyang tinungo ang pribadong bar ng kaniyang kaibigan. Nang makita siya nito, ang lakas ng tupak nitong sinalubong siya at niyakap.
“Putangina Zerus, buhay ka!”
Gusto niyang matawa sa paraan ng pagtawag nito. “Hey Uno!”
“Himala nagawa mong bumisita sa ‘kin, ah? I clearly remember na sa lamay ko lang ka dadalaw. It’s a miracle! Anong nakain mo, Zerus parekoy?”
“Kamalasan.”
Natawa ito at mabilis siyang inakbayan. Giniya siya nito sa counter and mostly sa mga taong nasa bar nito ay mayayamang tao at ‘di basta-basta ang mga posisyon kung trabaho ang pag-uusapan. Agad nagpunta si Uno sa unahana at ito ang nagbigay sa paborito niyang inumin na ito lang ang nakakagawa ng perpektong lasa. Magaling itong maghalo ng inumin. Kaya siguro naging magkaibigan sila ng dalawa ng lalaki.
“Anong kamalasan ang nangyari sa ‘yo? We’re friends ‘yan ang last check ko sa status natin dalawa.” Nilapag nito sa harap niya ang baso at deritso niya iyong tinungga. “Mukhang malaking kamalasan nga nga ang nangyari sa ‘yo, Zerus parekoy!” natatatawang napailing-iling ito at muling nag-mixed ng drinks sa harapan niya.
Ilan sa mga babaeng nando’n sa loob ng bar ay humanga sa skills ng kaniyang kaibigan at kung paano nito pasayawin ang mga bote at baso sa hangin. Napailing siya, alam ni Zerus na hindi lang sa bote at baso magaling si Uno. They’re both deadly.
“How much?”
“Mura lang. 300 na may tumagataginting na K sa dulo.”
“Fuck! Ganiyan ka mahal ang inumin mo?”
Ngumisi lang ito at tumango. “Yes. Per shot, parekoy.”
Nagkibit lang siya ng ballikat at nilabas ang pitaka. “Digged this woman—”
“Yow wait! Hindi ako naghuhukay ng patay!’
Tumalim ang tingin niya kay Uno at tumawa lang ito. Nagkibit ng balikat at muling binigay sa kaniya ang mixed drinks nitong tinatawag na Deadly Ono. Pangalan pa lang ng inumin, nakakapatay na talaga ng bulsa.
“I’m joking. Sige sino ba ‘yang babae na ‘yan at matinding kamalasan ang binigay sa ‘yo?”
Napabuntunghinga siya at binigay niya ang pangalan ng ni Blessy.
“Blessy Gevarra Finlac? Okay, got it!”
HINDI siya makatulog. Mag-uumaga na at wala siyang planong balikan muna si Blessy sa Hospital kahit kanina pa nag-uudyok ang kaniyang utak na bumalik sa silid nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa malaking silid niya at ‘di mapakali. Bakit at paano niya nakalimutan ang babae? May parte ng kaniyang puso na nagsasabi na matagal na silang magkakilala at ito ang nagmamay-ari ng puso niyang matagal ng patay.
“Puta! Sino ka ba talaga sa buhay ko? Bakit ‘di ko maalala ang nakaraan natin kung sakaling may nakaraan tayo?” galit siyang napasalampak ng higa sa malambot na kama. Kahit ang Ono drinks, ‘di umepekto sa kaniya.
Dinial niya ang numero ni Uno at nababagot na sinagot nito ang kaniyang tawag, “Got something for me?”
“Putangina! Ginagawa ko pa ang utos mo. Maghintay ka. Isang oras pa lang ang nagdaan simula nung umalis ka rito sa Bar ko. Baka trip mo matulog muna?”
“I can’t. Kailangan na kailangan ko malaman ang buong pagkatao niya.” Napasapo siya sa kanyang ulo. Sumasakit na iyon at ando’na ng matinding urge na gusto niyang malaman lahat laban sa babae.
“Fuck!” tumawa ito sa kabilang linya. “Kailangan na kailangan mo pala. Why won’t you do it for yourself? Mas magaling ka sa ‘kin.”
“Gago! Alam natin pareho kung gaano ka kagaling humawak pagdating sa ganiyang bagay. Kakambal mo yata ng ang lahat ng may kinalaman sa technolohiya.”
“Hindi, ah!”
“Gusto mo ipaalala ko sa ‘yo kung paano mo pinabilog at pinaglaruan si Hayes?”
Ang lakas ng halakhak nito sa kabilang linya. Nagkasamid-samid pa ito. “Well, what can I say? Ikaw ang may utos at isa pa parekoy, magaling si Hudson Herrence Hayes. Full name para damang-dama ko ang takot sa kaibutiran ng puso ko. Magaling ang isang putanginang iyon pero dahil sa babae nagiging bobo.”
Wala siyang pakialam. Kaaway niya pa rin ang Doctor. “Magdada ka pa ba? Kailangan ko na. Sayang ang binayad ko sa ‘yong dalawang milyon dahil lang sa napakamahal mong inumin. Lasang muriatic naman.”
“Gusto na kasi kitang lasonin kaya gano’n ang lasa.”
“Fuck you!”
Biglang namatay sa kabilang linya at ilang segundo lang ay may natanggap siyang files mula rito. Naka-restrict iyon at may password pang nilagay ang gago niyang kaibigan. Naiinis na ginamitan niya iyon ng tricks para mabuksana ng restricted files at bumungad sa kaniya ang lahat ng impormasyon ng babae simula pagkabata.
Hindi siya natulog hangga’t hindi niya mabasa lahat ng 50 pages na binigay nito sa kaniya. Tiningnan din niya ang mga picture ni Blessy simula sa bata pa ito hanggang sa naging Juniorate Sister. Huling napatitig siya sa maamong mukha nitong nakangiti sa harap ng camera habang nakaputing belo at may hawak na rosaryo sa kamay.
“Ah yes! That rosary.” Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis na kinuha ang jacket niyang nilagay sa ibabaw ng kama. Kinuha niya mula ro’n ang rosaryo at napatitig do’n. May pakiramdam siyang sa kaniya galing ito. “Sino ka ba talaga, Blessy? Damn. Dapat matagal ko ng hinalukay ang pagkatao mo pero sa tuwing ginagawa ko ‘yon, may humihila sa ‘kin na ‘wag gawin ang bagay na iyon.”
Parang may kung anong sumuntok sa puso niya nang mabasa ang lahat ng sinend sa kaniya ni Uno. Hindi niya namalayang may pumatak ng luha sa kaniyang mata. Kumikirot ang kaniyang puso sa isiping sobrang hirap ng pinagdaanan nito. Lahat nakasaad sa files na pinadala sa kaniya ni Uno at binasa niya ito. Wala siyang pinalagpas at wala siyang mabasang pangalan niya ro’n. Walang nakalagay na may lalaki itong minahal.
Napasabunot siya kaniyang buhok at inulit pa niya sa ikalawang pagkakataon, pero wala siyang mabasa na may karelasyon ito. Pinatay niya ang kaniyang laptop at marahang napabuntunhinga. Deritso niyang tinungo ang kaniyang kama at pasalampak na humiga ro’n. Kailangan niyang matulog sa ngayon. Hindi siya nangangamba na susugurin siya ni Hayes dahil alam niyang ang buong atensyon nito ngayon ay nasa babaeng nagngangalang Abhaya.
Hindi rin siya nangangamba na ma-locate siya ni Hayes dahil nand’yan si Uno. Naka-face disable siya sa ngayon at kaya rin gumalaw ng tao ni Uno kung satellite ang pag-uusapan para mahanap siya. Kaya Uno ang naging pangalan ng kaniyang kaibigan dahil lagi itong nangunguna. Kaya nitong pantayan ang galing ni Hayes kung cyber world ang pag-uusapan.
Pinikit niya ang mata at ilang sandali lang, ginupo siya ng antok. Nagising lang siya nung kinakatok ang kaniyang ulo sa sobrang sakit. Puta! Napabangon siya at agad tinungo ang banyo. Sobrang sakit ng kaniyang ulo na parang gusto niyang suntukin ang pader.
Pinili niyang mag-shower at may pupuntahan pa siya ngayon araw. Wala kay Hayes ang atensyon niya ngayon. Nasa kay Blessy at marami siyang gustong alamin. May nangyari sa kanila at wala siyang nararamdamang pagsisisi na inangkin niya ito sa loob ng hospital room. Totoong mahal niya ang babae pero may gusto lang siyang malaman sa nakaraan nilang dalawa. Hindi pwedeng si Blessy lang ang nakakaalala sa kaniya at siya, hindi. Gusto niyang maalala ito. Gusto niyang maalala kung ano ito sa buhay niya at kung bakit nakalimutan niya ito.
“Hangover?”
Hindi na siya nagtaka nang biglang sumulpot sa kung saan si Ramona. Para itong kabute minsan.
“Leave me alone, Ramona. Baka nakalimutan mo ang sinabi ko?”
“Na pupunuin mo ang ulo ko ng bala?” Tumawa ito. “Oh, I’m scared! So scared.” Umirap ito sa hangin at saka binato sa kaniya ang gamot. “Drink that. Iinom ka ‘di mo naman pala kaya. Tsk. What a pussy.” Tumalikod na ito at malakas na sinara ang pintuan ng kaniyang silid.
Hindi niya iyon ininum. Sanay na siya sa hangover. Mabilis siyang nagsuot ng damit at lumabas ng bahay. Narinig pa niyang tinawag siya ni Ramona pero ‘di siya lumingon dito. Nagluto ito ng breakfast niya at maliban sa maalat ito magluto, nakakalason din ang sabaw.
Agad niyang tinawagan ang kaibigan Doctor. Nalaman niyang naka-out na si Blessy sa Hospital at may sumundo ritong isang Madre. Hindi siya nahirapan sa pagsunod. Dahil pati current address nito, binigay sa kaniya ni Uno. Gusto niya itong lapitan at kausapin pero habang nakita niya itong pumasok sa simbahan, bigla siyang nawalan ng gana. Hindi siya pumapasok ng simbahan at wala siyang Diyos na kinikilala. May mga bata siyang dinadalaw sa bahay ampunan pero sa ngalan ng simbahan? Napailing si Zerus.
Agad niyang pinasibad ang kaniyang sasakyan sa ibang deriksyon at pinuntahan ang kaibigang si Uno. Hindi pa sila tapos dalawa. Marami siyang ipapagawa rito. Limit ang kaniyang galaw kahit sabihin na ‘di siya mapapatumba ngayon ni Hayes. Sinisigurado niya muna ang kaniyang kaligtasan ngayon lalo na at marami siyang gustong malaman sa kaniyang nakaraan na nakalimutan niya.
Malungkot na napatingin si Blessy sa kaniyang repleksyon sa harap ng may kalakihang salamin. Nasa kaniyang silid siya ngayon. Tinitigan niya ang kaniyang suot na itim na belo at mahabang damit na magpapatunay na pag-aari siya ng Diyos. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang kaniyang mga luha. Naalala niya na ang lahat. Naalala niya na kung sino siya. Kung anong klaseng pagkataong meron siya.
Hindi siya totoong pamangkin ng isang Pari. Hindi siya totoong lumaki sa simbahan. Lahat na inakala niyang totoo ay hindi. Impit siyang napaiyak at hindi niya kinaya ang sakit sumugod sa kaniyang puso. Pinipilit niyang kumalma pero mas lalo siyang tinraydor ng kaniyang luha. Walang tigil sa pagpatak ang mga iyon at hindi niya nakontrol ang sariling mapahagulhol sa sakit.
“F-fender… Bakit… Bakit lumitaw ka pa. Bakit ang tagal mo? Bakit… Nakalimutan kita? Bakit kung kailan pag-aari na ako ng Diyos, saka ka muling magpapakita. B-bakit?”
“Blessy.” Si Father Felipe. Nasa bukana ito ng pintuan ng kaniyang silid at malungkot na nakatingin sa kaniya. May katandaan na ito.
“Father!” Mabilis siyang lumapit dito at mas lalong lumakas ang kaniyang iyak. Hindi niya magawang yumakap kay Father Felipe. Ang Paring tinuring niyang tiyuhin at nag-iisang pamilya.
“Uncle mo ako. Pwede mo sa ‘kin sabihin kung bakit ka umiiyak ng ganiyan. Ito ang kauna-unahan kitang nakita na umiiyak.”
“F-father, naalala ko na lahat. Naalala ko na kung sino ako.”
“Blessy…”
“Isa akong malaking kasalanan Father. Isa akong kasalanan na dapat ‘di na binigyan ng pagkakataon mabuhay at maglingkod sa Diyos. Uncle Felipe, isa akong masamang tao.”
“Tama na ‘yan anak. Hindi ka masamang tao.” Tinapik nito ang kaniyang ulo at pinunasan ang kaniyang luha sa pamamagitan ng panyong dala nito. “Mananatiling kadugo pa rin ang tingin ko sa ‘yo, Blessy. Hindi mo man ako totoong tiyuhin, para sa ‘kin tinuring kitang kadugo at malapit sa ‘kin. Kalimutan mo na ang nakaraan, ang mahalaga ay nagpagamit ka sa gawain ng ating Panginoong Ama.”
Napailing-iling siya. Paano niya sasabihin sa kaharap na Pari ang isa pang kasalanan na ginawa niya sa piling ng lalaking una niyang minahal?
MARAHAN tinanggal ni Blessy sa ulo ang kaniyang belong suot. Sinunod niya ang kaniyang suot na krus na kwentas at suot na habit. Lumantad ang kaniyang katawan sa malaking salamin sa loob ng silid na iyon. Tapos niya ng ikompisal kay Father Felipe ang lahat, pati ang kaniyang nakaraan na naalala niya. Pero bakit may parte pa rin ng kaniyang pagkatao ang nangangapa ngayon? Hindi niya matanggap. Hindi niya matanggap ang nangyari ngayon naalala niya na ang lahat. Mas masakit pa sa tama ng baril ang kaniyang nararamdaman. Hinahati ang kaniyang puso at pagkatao.
Kaya pamilyar sa kaniya ang lalaki nung pinakilala sa kanila ito ni Mother Helen kung saan siya unang nag-noviciate. Una niyang makita si Fender nung nakipag-usap ito sa mga bata at kasama niya si Mother Helen. Nang mga sandaling iyon, sumakit ang kaniyang puso at parang mahahati nang pinakilala sa kanila ang lalaki. Nagdaop ang mata nila at pakiramdam niya, nalulunod siya sa lalim ng kislap ng mata nito. Pero inisip ni Blessy na isa lang ‘yon pagsubok. Kaya nung ‘di niya na nakita ang lalaki, tuluyan niya na itong nakalimutan. Naging busy siya sa gawain ng Diyos at sapat na para sa kaniya ang maglingkod sa Ama.
Pero heto, bumalik na ang lalaki at may nangyari sa kanila kahit bawal. May nangyari sa kanila kahit pag-aari na siya ngayon ng Ama. Makasalanan. Isang malaking kasalanan! Muli siyang napahagulhol sa kaniyang palad. Ang katawan niya, hinayaan niyang angkinin ulit ng lalaking iniwan siya at sinaktan. Totong binalikan siya nito pero huli na, huli na ang lahat sa kanila at wala siyang planong ibalik ang nakaraan nilang dalawa. Kung ano man ‘yong nakaraan nilang dalawa ni Fender, hanggang do’n na lang ‘yon lahat. Desido na siyang maging ganap na Madre at hindi si Fender ang magiging harang sa bokasyon na pinili niya ngayon.
Pipilitin niyang kalimutan ang lahat nang nangyari. Kakalimutan niyang nagkita sila ng lalaking minahal niya. Ang lalaking buong-puso niyang binigay ang kaniyang pagkatao rito. Ang lalaking akala niya kaya siyang ipaglaban at ang lalaking nagwasak sa inosente niyang puso.
“No. Tama na ang pag-iyak, Blessy. Hindi mo kasalanan na nagmahal ka ng maling lalaki. Hindi mo kasalanan. Kalimutan mo ng nagkita kayong dalawa. May nangyari sa inyo pero pasaan ba at makakalimutan natin ito. ‘Wag mo na siyang iyakan. Hindi ang tulad ni Fender Hearst ang magpapaiyak sa ‘yo sa ikalawang pagkakataon. Tama na.” Ngumiti siya sa harap ng salamin. Kahit papaano, gumaan ang kaniyang pakiramdam habang kinakausap niya ang sarili.
Tama si Father Felipe. Nag-eecho pa sa kaniyang utak ang sinabi nito sa kaniya.
‘You were planned for God’s pleasure, Blessy. Yes, we are products of our past, but we don’t have to be prisoners of it. God’s purposes is not limited by our past. He specializes giving people a fresh start. Lagi mo ‘yan tatandaan, anak.’
Pinunasan niya ang kaniyang luha at nagtungo siya sa loob ng banyo. Maliligo siya at sana, kasabay ng pag-agos ng tubig, makakalimutan niya ang nangyari sa araw na ito.
Isa sa pinasalamat ni Blessy, wala sa tabi niya si Fender nung nagising siya. Dahil ang totoo, ‘di niya alam kung paano pakikiharapan ito.
Pagkatapos niyang maligo, deritso niyang tinungo ang kaniyang silid at maingat na nagsuot ng kasuotan. Ingat na ingat siyang ‘wag magalaw ang kaniyang sugat. Nagtungo siya sa kama at maingat na humiga ro’n. Kung sino man ang bumaril sa kaniya, nagpapasalamat siya rito. Dahil sa nangyari, tuluyan siyang namulat sa matagal niya ng pagkakatulog. Akala niya rati, parte lang ng panaginip niya ‘yong mga mukha na lagi niyang nakikita. Mga sitwasyon na paulit-ulit na umeiksena at mga boses na naririnig.
Anyong ipipikit niya na ang kaniyang mata para matulog nang marahang hinangin ang kurtina ng kaniyang silid. Maingat siyang tumayo at lumapit do’n para isara ang bintanang nakalimutan niyang isara.
“Blessy.”
Napaatras siya nang lumitaw sa harapan niya ang lalaking naging dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Umilap ang kaniyang mata at tumingin sa ibang deriksyon. Sumikdo ang kaniyang puso.
“Umalis ka na. Magpapahinga na ako.”
“No!” Mabilis itong lumundag sa kaniyang harapan. Lahat ng kasuotan nito ay puro itim at may suot itong mask. “We need to talk, Blessy.”
“P-please? Umalis ka na. Kung ano man ‘yon nakaraan natin, kalimutan na natin. Ayuko ng balikan pa kahit anong yugto ng buhay ko.” Humakbang siya paatras. Ayaw niyang mapalapit dito at iniiwasan niyang mapatingin sa abuhin nitong mata.
“That’s why I’m here. Gusto kong malaman kung anong nakaraan natin. Gusto kong maalala kita. Gusto kong malaman kung sino ka sa buhay ko.”
Awtomatikong nagtaas siya ng tingin at napatitig dito. Walang emosyon ang mata nitong nakatitig sa kaniya at alam ni Blessy, ilang segundo lang ay malulunod siya sa mga titig nito. Sunod-sunod siyang napailing at nagbaba ng tingin. Kung tama ang narinig niya, hindi lang pala siya ang nakalimot, pati rin ito. Kung sabagay, may point ito. Dahil kilala niya ang dating Fender.
“Kalimutan mo na ang naka—”
“I can’t! I fucking can’t!” Hinagip nito ang kaniyang isang braso. “May nangyari sa ‘tin at sa tingin mo, makakalimutan ko ‘yon? Puta, hindi! Now tell me, sino ka ba talaga sa buhay ko? Bakit pakiramdam ko, isa kang malaking bahagi ng pagkatao ko na nawala? Blessy, sino ka ba talaga?!”
Napakagat siya ng labi. Pinilit niyang ‘wag mapaluha sa nakikitang galit at pagkalito sa mata ni Fender. Puno ng pagtatanong ang mata nitong nakatunghay sa kaniya habang mahigpit ang kamay itong nakahawak sa kaniyang braso.
“Bitawan mo nga ako. Please, gusto kong magpahinga.”
“Okay,” anas nito.
Pero hindi niya inasahan ang pagbiglang hila nito sa kaniyang braso papalapit dito at niyakap ang kaniyang beywang. Ang sumunod na ginawa nito ay nagpahina sa kaniyang tuhod. Sinakop nito ang kaniyang labi at dumistansya lang ito sa kaniya nung naghahabol na sila pareho ng hangin dalawa.
“Aalis lang ako rito kapag sinabi mo sa ‘kin kung ano ang nakaraan natin.”
“Wala nga tayong nakaraan—”
“Ito. Sinong nagbigay nito? Kanino ‘to galing?”
Napasinghap siya nang ilabas nito ang rosaryong matagal niyang iniingatan. Dati, inakala niya galing ito sa kaniyang yumaong Ina. Agad niyang kinuha iyon sa lalaki at matalim itong tiningnan.
“Gamit ko ito. Pagnanakaw ang ginawa mo, Mr. Hearst!”
“Bullshit!” pagmumura nito.
“Huwag kang magmura rito!”
Hindi ito tuminag. Basta lang itong nakatitig sa kaniya at ‘di niya alam ang nasa isip nito. Lihim siyang nagdasal na sana umalis na ito at hayaan siyang magpahinga. Wala siyang lakas na loob na magkwento sa nakaraan nilang dalawa. Masasaktan lang sila pareho. Mas mabuting wala itong maalala. Mas mabuting ‘di siya nito kilala.
“Babalik ako mamaya Blessy. Ihanda mo na ang sarili mo. Dahil sisiguraduhin ko mamaya na aangkinin kita nang paulit-ulit hanggang sa sasabihin mo ang lahat sa ‘kin.”
Bago pa siya makapag-react, mabilis nawala sa harapan niya ang lalaki at lumundag sa bintana. Nanghihinang napahawak siya sa kaniyang puso at ‘di alam ang gagawin sa mga sandaling ito. Mahigpit siyang napahawak sa rosary at napatitig do’n.
Diyos ko, Ama! Bigyan niyo akong lakas ng loob. Pagsubok lang ito. Bigyan niyo ako ng lakas.
Kaya nang gabing iyon, lumipat siya ng ibang silid. Nakiusap din siya kay Father Felipe na ibalik siya sa bayan ng Felopina. Mas makakabuti sa kaniya ro’n ang manatili. Malabong pupunta si Fender sa bayan na iyon kaya mas mabuting do’n muna siya pansamantala. Wala siyang nilihim sa Paring tinuring niya na rin pamilya. Sinabi niya rito na nagpunta sa silid niya ang lalaking labis niyang minahal dati. Kaya pumayag ito na ibalik siya sa bayan ng Felopina pero hindi niya kasama si Sister Pearl.
Mabilis siyang sinalubong ng mga kabataan nang makita siya. Nag-iyakan ang mga ito sa kasiyahan at kaniya-kaniyang yakap ang mga ito sa kaniya. Lumayo lang ang mga ito nang lapitan siya ni Mother Jean na nagtataka.
“Akala ko sa susunod na taon pa kayo rito ulit? Aba ay teka, anong nangyari sa balikat mo?!”
Ngumiti lang siya sa matandang Madre at nagbigay ng galang dito, “Mahabang kwento Mother. Pero mamaya rin po ay ikikwento ko po sa inyo.”
Napa-sign of the cross ito at tumango. “Ikaw talaga Sister Blessy. Hindi ka yata nag-iingat no’ng bumalik ka sa Maynila pero sige, welcome ka rito at alam mo ‘yan.”
Ngumiti lang siya at sumunod na kay Mother Jean. Dito sa lugar na ‘to, pipilitin niyang kalimutan ulit si Fender. Kakalimutan niya rin ang gabing may nangyari sa kanila sa Hospital. Lahat ng ginawa nito, kakalimutan niya at pipilitin niyang mamuhay ng tahimik kasama ang mga bata.