Kung inisip ni Blessy na madali lang sa kaniya ang kalimutan si Fender, maling-mali siya. Dahil nagsimulang naging magulo ang kaniyang tahimik na mundo. Paulit-ulit na lumitaw sa utak niya ang lahat at, mas malinaw niyang naaalala ang lahat. Hindi basta-basta isang lalaki lang si Fender sa buhay niya.
“Sister, bakit ang lungkot niyo po?”
Napatingin siya sa batang nagngangalang Raiza at masuyong hinaplos ang mahaba nitong buhok. “Mukha ba’ng malungkot si Sister Blessy?”
Inosente itong tumango. Marahan naman siyang napabuntunghinga at malambing na ngumiti rito. Hindi niya pwede ipakita sa mga bata na apektado siya.
“Sister, nagluto ako ng paborito niyong ginataan hito ni Mother Jean.”
Hindi siya napakibo sa sinabing iyon ni Manong Ben. Masaya ito nang makita siyang bumalik ng Felopina. May naaalala siya sa ginataang hito na binanggit nito.
“Okay lang ba kayo Sister? Aba ay kailangan niyo yata magpahinga at may sugat pa kayo.”
“O-okay lang ako Manong. Salamat po sa pag-alala.”
Tumango ito. Parang may gusto itong itanong sa kaniya pero pinili nitong tumalikod at bumalik sa bahay-kubo nito. Marahan siyang napabuntunghinga. Sandali siyang napatingin sa kaniyang brasong may nakalagay pa rin sling. Hindi niya pa nagagalaw iyon pero ‘di naman masakit. Ang tanging masakit lang sa kaniya ngayon ay ang kaniyang puso. Nasasaktan siya.
“Sister Blessy! Sister Blessy!”
Napatingin siya sa kay Lindo. Ang batang makulit at hyper kahit sakitin. Ngumiti siya rito at ginulo ang buhok ng bata. “Ano ‘yon?”
“Bakit ‘di ko na nakikita po si Kuya Fender? Umuwi na rin po ba siya ng Maynila?”
Bahagya siyang nagulat sa naging tanong na iyon ni Lindo. Paano ba niya makakalimutan ang lalaki nito kung gano’n?
“Oo nga po Sister, saan na si kuya Fender? Kahit strikto si kuya minsan, mabait naman siya,” dugtong ni Raiza.
“A-ah… Kasi sa—”
“Hay naku kayo talaga. Ang dami niyong pinagtatanong kay Sister.” Biglang singit ni Mother Jean, hindi man lang niya namalayan na dumating ito. “Nakahanda na ang tanghalian. Magsikain na tayo.”
Tumango na lang siya sa sinabi ni Mother Jean at sumunod dito habang tulak-tulak nito ang wheelchair ng batang si Raiza.
GALIT na pinagmasdan ni Zerus ang babaeng tumakbo sa kaniya papalayo papuntang Baryo ng Felopina. Oh fuck! Akala nito, matatakasan siya papalayo? Kahit magtako pa ito sa kabilang mundo, susundan at susundan niya ito. Hindi pwedeng ito lang ang nakaalala, at siya hindi. Kailangan niyang malaman kung ano ang meron sa kanila rati.
Puta! Kumalma ka. Pagalit na sigaw niya sa isip nang magsimulang manigas ang kaniyang alaga sa ilalim ng suot niyang pantalon. Sa tuwing lumilitaw sa kaniyang utak ang magandang mukha ni Blessy, nagiging ganito ang reaksyon ng kaniyang katawan.
Kampante siyang ‘di siya guguluhin ni Ramona, dahil oras na manghimasok na naman ito sa kaniyang plano. Magkalimutan silang magkapatid silang dalawa. Sawang-sawa na siya sa pagiging psychopath ng dalaga.
“Yow Zerus!” Si Uno ang nasa kabilang linya. “Ipapaalala ko lang sa ‘yo na hanggang ngayon gumagalaw pa rin ang mga tao ni Dr. Hayes para patayin ka. Ingat-ingat sa bawat galaw mo. ‘Di natin hawak ang utak ng isang Hayes kung ano ang kaya niyang gawin sa ‘yo.”
“The hell with him.” Ngumisi siya. “Dapat patay na ‘yang gagong Doctor na ‘yan ngayon.”
“Kung gusto mo ako na ang—”
“No. Hayaan mo na ang laro ko.”
“Yeah, matinik ang isang ‘yon. Mahihirapan ako lalo na’t madulas din si Hayes.” Humalakhak ito sa kabilang linya saka nagpaalaam.
Binaba niya ang kaniyang cellphone dala at matamang pinagmasdan si Blessy kasama ang mga bata. Saka na siya magpapakita sa dalaga mamayang gabi. Mahilig ito sa habul-habulan, at gusto rin niya ang larong ginusto nito.
Malaya siyang nakapasok sa loob ng silid ni Blessy. Napansin niyang mahimbing na itong natutulog kasama ang dalawang noviciate. Marahan siyang humakbang papunta sa gawi ng dalaga at hinaplos ang malambot nitong pisngi.
Blessy… Gusto kitang maalala. Gusto kong malaman kung sino ka sa buhay ko. Bakit mo pinagkakait sa ‘kin ang bagay na ito?
Napahugot siya ng malalim na hangin at hinawakan ang kabilang kamay nitong walang sling. Mahimbing itong natutulog at ang inosente nitong mukha ay nagbibigay ng kapayapaan sa magulo niyang utak.
“Fender umalis ka na…”
Napatitig siya kay Blessy. Nakapikit ang mata nito. Siguro nasa panaginip siya ng babae at hinintay niya ang kasunod na idudugtong nito.
“Umalis ka na sa buhay ko. Kakalimutan ko na ang lahat sa ‘tin at pipilitin kong mamuhay na wala ka!”
Bullshit no! Nagulat siya sa dalawang butil ng luha ang malayang bumagsak sa magandang mata nito. Parang may kung anong sumuntok sa kaniyang puso at may nagtutulak sa kaniyang gisingin ang dalaga. Hindi. Kapag nagising siya, ipagtutulakan lang niya ako papalayo. Mas mabuting pagmasdan ko lang siya habang natutulog at— dinadalaw ng anuman nakaraan namin…
MARAHANG napangiti si Blessy nang makita si Fender na nagluluto nang araw na iyon. Naghalo ang kilig at saya sa puso niya nang una niya itong masilayan habang nagluluto. Akala niya, pag-gising niya, wala na ito. Na panaginip lang ang pagkikita nila.
“Ang gwapo naman ng nobyo mo, ineng.”
Napahagikhik siya sa komentong iyon ni Nanang, ang care taker ng bahay na kasa-kasama niya ngayon.
“Gwapo po siya kapag mag-isa lang. Kapag may katabi po siya, nagmumukha siyang unggoy.”
Natawa naman ang matanda sa kaniyang sinabi. Habang siya at hindi magawang alisin ang matang malayang nakatitig sa likuran ng binata. Nakasando lang ito at litaw na litaw ang malalaki at mahahabang tattoo sa katawan ng binata. Sa totoo lang, nadudumihan siya sa mga tattoo, pero sa parte ni Fender, mas nagiging intimidating at hot nitong tingnan sa mga kulay na nasa katawan nito. Bilang isang artist, na-appreciate niya ang kagandahang nakikita sa mga kulay at ink na nakaukit sa katawan ng lalaki.
“Good morning love!” Bigla itong humarap sa kaniya at masaya siyang binati ng umaga. Gwapong-gwapo ito tingnan sa sandong puti at boxer shorts.
Namula ang kaniyang magkabilang pisngi at humakbang papunta sa pabilog na mesa. “Good morning!” Umupo siya sa silyang nando’n.
“Walang love?” paglalambing nito at humakbang papalapit sa kaniya.
“Ha?”
Natawa ito. “Naalala mo ‘yong lagi kong sinasabi ko sa ‘yo?”
“Alin doon?” takang tanong niya. Napatitig siya sa mga mata nitong nakatunghay. Halos ilang dangkal lang ang layo nilang dalawa ni Fender.
Bigla itong ngumisi. “Na gwapo ako.”
Natawa siya ng malakas. Physical na katawan lang ang nagbago sa boyfriend niya pero ang ugali nito, gano’n pa rin. Mapagbiro.
“Anong niluluto mo? Gutom na ako.”
“Ano pa ba? Eh, ang paborito mo.”
Namilog ang kaniyang mata at mabilis na lumapit sa lalaki. Tapos na itong magluto at nakita niya ang kaniyang paboritong ulam sa lahat! Biglang nanubig ang kaniiyang bagang at agad tinikman ang luto nito. Ang lawak ng ngiti niya nang humarap siya rito.
“Ang sarap!”
“Mas masarap ka…”
“Bastos!”
Humalakhak lang ito at mabilis siyang ninakawan ng halik sa labi. “Upo ka na ro’n at baka kung saan pa aabot ‘tong usapang ulam natin. May plano pa naman ako na ikaw gawin kong almusal keysa rito—”
“Fender!”
“Joke lang.”
Inirapan lang niya ito at ningingiting giniya siya nito pabalik ng mesa. Habang siya, hindi mawaklit ang masayang ngiti sa kaniyang labi. Ito ang pinakamasayang araw para sa kaniya. Sa loob ng tatlong taon na wala si Fender, ‘di niya alam kung paano maging masaya ulit. Pero ngayon nasa harapan niya na ang binata, kontento na siya. Lahat ng galit at pagtatampo niya, himalang nawala lahat. Sadyang malaki ang puso niyang mahalin ang binata sa kabila ng lahat.
“SAAN tayo pupunta?” nagulat si Blessy nang halikan siya ni Fender sa labi. Nakabihis na ito habang bitbit sa isang kamay ang maleta niya at paniguradong mga damit niya ang laman.
Nagpipinta siya nang mga sandaling iyon at nagpapasalamat siya na ‘di na umalis sa tabi niya ang lalaki. Magdalawang linggo na silang magkasama at kung saan siya, lagi itong nakasunod sa kaniya. Sumasama ito sa kaniya kahit sa school at halos mabalaliw ang mga kaklase niya sa tuwing nakikita ng mga ito ang lalaki. Nasa isang pribadong paaralan siya nag-aaral at nasa 4rth year highschool na siya kahit papaano.
“Kalma ka lang love, magtatanan na tayo.”
Napakunot siya ng noo, “Magtatanan?”
Natawa ito sa kaniyang reaksyon at pinisil ang kaniyang matangos na ilong. “Oo. Sasama ka naman, right?”
“Baliw ka! Magkasama na tayo tapos magtatanan pa tayo? Paano ang pag-aaral ko? Pangarap mo ang mag-aral ako tapos magtatanan tayo? Mali yata.”
“Ang cute mo.” Muli siya nitong ninakawan ng halik at tanging irap ang kaniyang binigay rito. Nakadami na ito sa kaniya. “Let’s go. Our flight is waiting!”
“Saan—”
Hindi na siya nakaimik nang buhatin siya nito at nilagay sa balikat nito. “Sa airport ka na magtanong! Itatanan na kita.”
“Fender Hearst!”
Dinala siya ni Fender sa Iceland. Kung si Blessy ang tatanungin, wala siyang kaalam-alam kung paano siya nakalabas at nakarating sa lugar na ito na sa panaginip lang niya gustong mapuntahan. Si Fender ang nag-asikaso ng kaniyang passport at lahat-lahat. Gusto niyang magtanong kung paano nito ginawa ang bagay na iyon ng mabilisan. Ito rin ang gumawa ng excuse letter sa kaniyang teacher na mawawala siya for 1 week dahil may emergency siyang pupuntahan.
“Hindi ako makapaniwala!” naluluhang sambit niya. Nasa Kakslauttanen Arctic Resort sila kumuha ng glass igloos, kung saan malaya nilang nakikita ang kalangitan mula sa loob.
“Hindi ka makapaniwalang gwapo ako?”
“Tse!” Inirapan niya si Fender nang sumulyap siya rito. Kailan ba kasi ito matinong kausap niya? “Hindi mo nga sinabi sa ‘kin na dito ang punta natin. Kung ‘di ko pa nakita ang visa na ‘di ko alam paano mo nakuha iyon, ‘di ko pa malalaman.”
Ngingiting lumapit ito sa kaniyang pwesto at mahigpit siyang niyakap sa likuran. “Ano ba sa ‘yo ang surprise love?”
Hind siya kumibo. Pinipilit niyang ‘wag mahalata nito ang ngiting kumawala sa kaniyang labi at baka pumalakpak na naman ang ego ng lalaking mahal niya.
“Umalis ka nga sa pagkakayakap sa ‘kin. Sikip-sikip, eh!” kunwari pagmamaldita niya rito.
“Ayaw,” parang batang sagot nito sa kaniya. “Naglalambing lang baby mo eh, damot mo naman.”
“Baby ka d’yan. Ang laki-laki mo na tapos baby ka? Bitaw nga kasi, ang sikip-sikip!”
“No.”
Pinalakihan niya ito ng mata pero ‘di pa rin ito bumitaw. Napairap na lang siya sa hangin at pagkatapos, napatitig sa braso nitong iba’t ibang desinyo ang mga tattoo. Humarap siya sa binata at matamang tinitigan ito. Wala siyang lakas ng loob na magtanong laban sa kulay na nakaukit sa katawan ni Fender sa loob ng dalawang linggo.
“Bakit po, love?”
Dumako ang kaniyang tingin sa leeg nito kung saan nagpupumilit pumuslit ang tattoo na desinyong krus. “Hubarin mo ang suot mong t-shirt.”
Lumarawan ang gulat sa magagandang mata nito at pabirong tinakpan ang katawan. “Blessy! Virgin pa ako ‘no!” nag-boses bakla ito at maarteng tiningnan siya.
Napilitan tuloy si Blessy na hampasin si Fender sa dibdib. “Mas lalo naman ako. Baliw ka ba?” natatawang sagot niya rito.
Humalakhak ito sa kaniyang sinabi at masuyong hinalikan ang kaniyang kamay nang abutin nito. “I love you.” Nagseryuso ito at sinunod ang kaniyang gusto. Dahan-dahan itong naghubad ng pang-itaas sa kaniyang harapan at do’n niya pa lang nakuhang titigan ang katawan ng lalaki.
Mula sa leeg nito, hanggang sa dibdib patungo sa puson. Nakaukit do`n ang iba’t ibang klase ng desinyong ‘di niya mabigyan ng pangalan ang iba. Para sa iba, marumi tingnan pero sa kaniya, isa iyong magandang tanawin. Kalahati pa lang ng dibdib nito at tiyan ang may tattoo. Marahan niya itong dinama at matamang napatitig kay Fender.
“Hindi ka ba nagagalit na may tattoo ang katawan ko?”
Umiling siya. Nakikita niya sa mga mata nito ang kakaibang damdamin na ngayon lang niya napansin. Matamang nakatunghay ito sa kaniya ngayon. “ I like it. Bakit ako magagalit?”
Malungkot itong dinama ang kaniyang pisngi saka napabuga ng hangin. “Kahit sabihin ko halimbawa sa ‘yo na kung ilan tattoo ang nakita mo, ganiyan karaming nawalang buhay sa kamay ko?”
Natigalgal siya sa sinabi ni Fender. Bahagya siyang napaatras at nagtatanong na napatitig sa mga mga nito. May kung anong takot ang lumukob sa pagkatao niya sa mga sandaling iyon at ‘di niya inasahan na sasabihin iyon ni Fender harap-harapan.
“Hey, I’m joking love!” isang malakas na halakhak ang lumabas sa lalamunan nito.
Inis na inirapan na lang niya ang lalaki at sinimangutan ito, “Ang hilig mo talaga akong asarin. Akala ko tuloy may pinatay kang tao ulit.”
Napakamot lang ito sa batok at kiming ngumiti. Sandali naman siyang nag-excuse sa harap ni Fender at deritsong nagtungo sa CR para magpalit ng damit. Gusto niyang magpahinga mula sa mahabang byahe at pakiramdam niya, umiikot ang kaniyang mundo. Halos 14 hours ang byahe nila at first time n’yang sumakay ng eroplano kaya parang bangag siya. Mamayang gabi niya na pagmasdan ang northern lights at kumuha ng picture. Nang umagang iyon, natulog siya habang kayakap ang binata.
Halos hindi siya magkamayaw sa kakatingin sa northern lights kinagabihan. Nasa labas sila at halos lahat ng nakikita ni Blessy ay makakapal na snow at ilang mga couples na nando’n. Makapal ang suot nilang coat dahil sa lamig ng temperatura pero ‘di niya ininda. Masaya siya! Nasa tabi niya lang si Fender habang abot hanggang langit ang ngiti nitong nakatunghay sa kaniya. Magkahawak kamay silang dalawa at kung si Blessy ang tatanungin, ayaw niya nang matapos ang gabing ito na kasama ang lalaking mahal na mahal niya.
“Thank you!” Humarap siya rito at mahigpit na niyakap ang binata. Pakiramdam niya, mamamatay siya kapag aalis pa ito ulit sa buhay niya. “Gusto kong manatili tayong ganito. Gusto kong magkasama tayo lagi…”
“Your wish is my command, love.” Hinalikan siya nito sa noo at inangat sa ere. Napatili siya sa ginawa nito pero ‘di siya nagreklamo. “Hinding-hindi na ako mawawala sa tabi mo, pinapangako ko ‘yan. Hinding-hindi na ako aalis. Sa ‘yo lang ako, love. Sa ‘yong sa ‘yo lang at walang ibang magmamay-ari sa ‘kin kundi ikaw lang.”
Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito. “Salamat. Alam mong sa ‘yong sa ‘yo rin ako.”
Binaba siya nito at ‘di niya napaghandaan ang dahan-dahan pagluhod nito sa kaniyang harapan. Natitilihan siyang napatitig dito. Halos lumabas sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso sa lakas ng pagtibok. Malamig pero nag-iinit ang kaniyang magkabilang pisngi.
“Love…”
“A-anong ginawa mo? T-tumayo ka d’yan at malamig ‘tong yelong—”
“Shh… Makinig ka sa ‘kin.” Mahigpit na hinawakan ni Fender ang kaniyang kamay. Nakaluhod ito sa kaniyang harapan ngayon. “Mahal kita. Alam kong ‘di sapat ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Iniwan kita pero nandito na ako ngayon. Wala ng maiiwan. Wala ng maghihintay pa ng ilang taon. Blessy, sa tatlong taon na pagkawala ko, walang araw na hindi kita naiisip. Walang gabi na ‘di ko inaalala na naghihintay ka sa ‘kin. Nawala ako ng tatlong taon sa tabi mo at ayaw ko ng sabihin kong anong nangyari sa ‘kin sa loob ng tatlong taon. Ang mahalaga, akin ka na. Pwede na kitang mamahalin na walang alalahanin kung anong ipapakain ko sa ‘yo. Pwede na kitang mahalin na ‘di maghihirap sa piling ko.”
“F-fender…”
Ngumiti ito. “Wala na ako sa organisasyon na sinamahan ko, love. Malaya na ako. Malaya na akong mahalin ka at mamuhay ng tahimik na kasama ka. Wala akong pakiramdam kong mga bata pa tayo. Mahal kita at sapat na ito para sabihin sa ‘yo na, ‘Will you marry me? Love? Mahal na mahal kita kasi, at itatali na kita ng tuluyan sa ‘kin. Umu-oo ka please?” Mula sa suot nitong coat, nilabas nito ang kahetang kulay pula. Binuksan nito sa harap niya ang kaheta, at kitang-kita niya ang magandang singsing na may malaking bato sa gitna. Kung maganda ang northern lights, wala yatang makakapantay sa napakagandang singsing na inalay nito sa kaniya ngayon.
Imbes na humagulhol ng iyak sa harapan nito dahil nag-propose ito ng kasal sa kaniya, natawa siya ng malakas. Takang napatingin ito sa kaniya.
“A-ayaw mo?” kinakabahan tanong nito. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kahetang may singsing at alam niyang mahal iyon.
Ang lakas ng tawa niyang tinampal ang pisngi nito. “Baliw ka! Oo naman, papayag ako! Baliw ka!”
“Talaga?”
“Oo! Kulit mo rin.” Natatawang hinalikan niya ito sa labi. Smack kiss lang iyon. “Gusto mo bawiin ko ang oo ko? Magsabi ka lang at—”
“I love you!” mabilis siya nitong hinalikan sa labi at ang lawak ng ngiti nitong sinuot sa kamay niya ang singsing.
Kasyang-kasya iyon sa daliri niya at agad siyang binuhat. Nagsisigaw ito na engage na sila at wala na siyang kawala rito kahit kailan. Tama nga si Blessy, napakaganda ng singsing ng nasa kamay niya iyon. Itinaas niya iyon sa kalangitan at kasabay ng pagkinang ng diamond ring niya ang pagsasayawan ng northern lights sa kalangitan sa gabing iyon.