Natigalgal siya sa huling sinambit nito. Naiwan sa ere ang lahat ng sasabihin niya. Parang may kung anong mahika ang sinabi nitong napasunod siya at ‘di na nagreklamo sa yakap at halik nito. Ang kaninang mapusok at nakakasakit na halik ni Fender ay ngayon naging banayad. Punong-puno iyon na pagmamahal at respito sa kaniya.
“Fender!” Napaliyad siya nang kagatin nito ang kaniyang leeg at marahang sinipsip iyon. Mahigpit siyang napahawak sa ulo nito at wala siyang naramdaman kahit anong pagtutol. Marahil pati katawan niya, ito ang hinahanap kahit bawal. Kahit ‘di pwede.
Naramdaman niyang umangat ang kaniyang katawan sa ere, pinangko siya nito. Hindi siya nagtanong kung saan siya dadalhin ni Fender. Patuloy na magkahinang ang kanilang labi sa isa’t isa na parang wala ng bukas.
Sinandal siya ni Fender sa isang kahoy. Madilim ang parteng pinagdalhan sa kaniya ng lalaki at walang makakapansin sa kanila kung sakaling magising si Mother Jean.
“Umm!” nakagat niya ang kaniyang labi nang simulang hubarin ni Fender ang kaniyang kasuotan. Hinayaan niya lang ito. Napahawak siya nang mahigpit sa buhok nito nang simulan nitong sipsipin ang kaniyang leeg. “Ahhh Fender!”
“Yeah?”
Pinikit niya ng mariin ang kaniyang mata at pinipilit na ‘wag makalikha ng maingay. Pero paano ba tumahimik kung pinalasap na naman sa kaniya ni Fender ang bagay na ‘di na pwedeng balik-balikan? Napasinghap siya nang walang alinlangang binaba ang kaniyang suot na undies habang ang labi nito at nasa kaniyang dalawang dibdib. Sa punong-kahoy siya kumuha ng lakas at mahigpit na napahawak do’n.
Marahang minamasahe ng daliri nito ang kaniyang pagkababae at sa ginagawa ni Fender, mas lalo siyang napapaliyad sa sarap ng sensasyon na bumalot sa kaniyang buong pagkatao. Ilang sandali pa ay tumayo ito at marahan siyang hinalikan.
“I love you Blessy…” Parang papel siya nitong iniangat sa ere at hindi niya inasahan ang pagbiglang pasok ng panauhin nito sa kaniyang pagkababae.
“Ahhh!” napaungol siya. Yumakap ang kaniyang kamay sa leeg nito at kumukuha ro’n ng suporta. Isinandal siya nito sa punong-kahoy habang ang kaniyang dalawang hita ay nakayapos sa beywang nito at nakaalalay ang kamay ni Fender sa kaniyang pang-upo.
“Fuck Blessy, you’re making me crazy!”
“Fender!”
Puno ng pagmamahal na umulos sa kaniya ang lalaki habang paulit-ulit na sinambit ang kaniyang pangalan sa hangin. Ang mga kuliglig kanina sa paligid ay maingay, ay biglang tumahimik. Pati ang buwan na kanina lang ay maliwanag ang sinag na binibigay ay biglang nagtago sa makapal na ulap na parang ayaw pagmasdan ang pag-iisang katawan ulit nila ng lalaking minahal niya.
“I swear I won’t let you run away from me again, love. You’re mine and I feel it.”
Hindi siya tumugon sa sinabi ni Fender. Nanatili siyang nakapikit at ninamnam ang sarap na pinagsaluhan nila, ang ritmong ginawa nito na paborito niyang gawin nila noong panahon may sila pa. Nung panahon na sa kanila pa kampi ang tadhana.
Marahan nagsibagsakan ang kaniyang mga luha. Kahit anong pigil niyang ‘wag umiyak sa harap ng binata habang inaangkin siya, hindi niya kayang kontrolin ang kaniyang emosyon. Dahil ang totoo, kakamuhian siya nito sakaling malaman nito ang totoong nangyari sa kanila bago sila parehong nawalan ng alaala ng kanilang nakaraan.
“Love, please don’t cry.” Natigil si Fender sa pag-angkin sa kaniya. Masuyo nitong hinalikan ang kaniyang noo at napasubsob sa kaniyang leeg. “Ayuko mag-sorry sa nangyari sa ‘tin ngayon pero fuck! Ang marinig kang umiyak ay parang sumasakal sa puso ko.”
“Hindi mo kasi naiintindihan Fender…” marahan siyang napahikbi.
Dumestansya ito sa kaniya at kahit ‘di niya nakikita ang mukha nito, alam niyang malamlam ang mata nitong nakatingin sa kaniya. Pareho silang hubad at magkadikit pa rin ang kanilang katawan pero yata balak si Fender na paghiwalayin ang katawan nilang dalawa.
“Paano ko maiintindihan kung ‘di mo sasabihin sa ‘kin, Blessy?”
Nakagat niya ang labi at hindi sumagot. Handa ba siya? handa na ba siyang sabihin dito ang nakaraan nila? Mabilis siyang napailing. Ayaw niyang balikan ang nakaraan na iyon.
“Wala na akong sasabihin pa.”
“Damn it!” Lumayo ito sa kaniya. Dinampot nito ang kaniyang kasuotan at mabilis na pinasuot sa kaniyang katawan. May pag-iingat iyon pero ramdam niya ang mabilis na pagkilos ni Fender. “Stay quiet, Blessy. May naririnig akong yabag,” anas nito nang matapos siyang bihisan.
“Ha?” agad naman siyang naalerto. Inisip niyang si Mother Jean iyon at baka nagising sa ungol na ginawa nila ni Fender.
“Isa, dalawa, tatlong tao. Fuck!” Mabilis siya nitong hinila papalayo at hindi na siya nakapag-react sa bilis ng pangyayari.
“Bitawan mo nga ako!” mahinang saad niya at pilit niyang tinatanggal ang kaniyang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak nito pero wala yata itong balak bitawan siya.
“They’re after us,” mahinang anas nito.
“Ha?”
“Once you see him, shoot him down. The organisation wants him dead.”
Napasinghap siya nang marinig niya ang boses na iyon sa may kalayuan. Napatingin siya kay Fender, kahit madilim sa kanilang pinagtataguan alam ni Blessy na alisto ito. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya na parang pinoprotektahan siya anumang mangyari. Ramdam ni Blessy na panganib ang naghihintay sa kanila oras na makita sila ng mga taong naghahanap dito.
“Kayong dalawa, do’n kayo sa loob ng simbahan. Andito lang ang Zerus na iyon.”
“Copy.”
Lihim siyang nagdasal sa Diyos at abot-abot ang kaniyang kaba nang marinig niya ang mga hakbang papasok sa loob ng simbahan. Hindi niya alintanang nanginginig na siya sa takot pero nang yakapin at hagkan siya ni Fender sa ulo, sandali siyang kumalma. Nakaramdam siya ng kaligtasan pero hindi siya sigurado kung hanggang kailan na ligtas sila.
“Listen Blessy, I want you to trust me this time,” pabulong na saad nito sa kaniya na sapat lang na marinig niya. “I’ll bring you with me.”
“What?” pabulong na sagot niya. Hindi pwede ang sinasabi nito. Hind siya pwedeng sumama kay Fender.
“Delikado buhay mo ngayon. Isa lang ang pwede mong pagkatiwalaan at ako ito.”
Biglang gumuhit ang galit sa puso niya. “Sino ba kasi ang nagsabing sundan mo ako rito, ha? Nagdala ka pa ng gulo.”
Hindi ito nakasagot sa kaniyang sinabi pero ramdam niyang nagtatagis ito.
“Umalis ka na Fender, hayaan mo na ako rito.”‘
“Damn no!” tumaas ang boses nito dahilan para matunugan sila ng kaaway na sinasabi nito. “Fuck! Narinig nila tayo.”
“Ha?” Bago pa siya nakasagot, nahila na siya nito papalayo at sunod na narinig ni Blessy ay sunod-sunod na putok ng baril.
Napatili siya pero agad niyang tinikom ang bibig habang tumatakbo sila. Hawak-hawak ni Fender ang kaniyang isang kamay. Ayaw pa niyang mamatay. Marami pa siyang gagawin. Gusto pa niyang maglingkod sa Panginoon at ialay ang buong buhay niya rito.
“Zerus Craige!” malakas na sigaw nung isa.
Gusto niyang masindak kahit ‘di niya ang pangalan ang tinawag nito.
“Akala mo matatakasan mo kami!”
“Fender!” naiiyak na tawag niya sa pangalan ng lalaki.
“I won’t let them harm you. Magtiwala ka lang sa ‘kin.”
Tumango siya. Ano pa ba ang magagawa niya kundi ang magtiwala rito. Nagkasabit-sabit ang kaniyang mahabang damit nang pumasok sila sa masukal na parte, papunta iyon sa talon kung saan siya nakita ng binata na walang malay.
Kahit anong pigil ni Blessy na ‘wag mapasigaw sa bawat putok ng baril, hindi niya kaya. Parang sasabog ang kaniyang puso. Sunod-sunod na nagsipatakan ang kaniyang mga luha. Galing na sila rito ni Fender dati. Galing na sila sa mahabang takbuhan na muntikan kumitil sa buhay nilang pareho. Ayaw niyang maulit ang bagay na iyon.
“Natatakot ako!”
“Alam ko, pero nandito ako. Hindi kita pababayaan.”
Tumango siya. Hilam sa luha ang kaniyang mata at isali pang nahihirapan siyang tumakbo ngayon. Bumalik ang takot na matagal niya nang nakalimutan. Habang dinig niya ang malakas na pagmumura ni Fender. Gumaganti ito at sa bawat putok ng baril na pinapakawalan nito, napapaiyak siya.
“Tama na! Ayuko nang ganito.”
Naramdaman na lang niyang umangat sa ere ang kaniyang katawan at hindi niya tatanungin kung bakit. Binuhat siya nito na parang balewala rito ang kaniyang bigat. Hindi na siya tumutol dahil alam niyang mismo pati sarili niyang paa ay tinaraydor siya. Sumiksik siya sa dibdib ni Fender habang hinahabol sila ng kalaban.
Madilim ang paligid pero parang sanay na ang lalaking tumakbo sa ganito kadilim na buhat siya. Hindi na siya nagtaka dahil alam niya kung anong klaseng trabaho meron ito dati. Ilang sandali pa ay narinig niya ang malakas na lagaslas ng tubig sa unahan. Malapit na sila sa talon.
Napasigaw siya nang bigla silang tumalon sa tubig. Ang lamig na nanoot sa kaniyang kalamnan mula sa talon ay nagpapahiwatig sa kaniya na nasa malapit lang ang panganib. Mabilis na lumangoy si Fender habang hawak ang kaniyang isang kamay at pumasok sila sa kabilang kweba kung saan nasa likod ito ng bumabagsak na tubig ng talon.
“We’re safe here.”
Agad siyang lumayo sa binata at napakurap-kurap ng mata. Nag-adjust sa dilim ang kaniyang mata at ang tanging naririnig lang ni Blessy ay ang malakas at maingay na pagbagsak ng tubig sa talon sa kanilang unahan. Sa tagal niya sa lugar ng Felopina, ngayon lang niya nalaman na may iba pang kweba. Napailing-iling siya at napasiksik sa isang tabi.
“Blessy…”
“Huwag kang lumapit sa ‘kin,” mabilis niyang sagot.
“Pasensya ka na kung—”
“Please? Pwede ba hayaan mo na ako, Fender? Hayaan mo na akong maglingkod sa Diyos. Huwag ka nang lumitaw pa mula kung saan at magdadala ulit ng panganib. Pagod na pagod na ako sa ganiyan. Sa tuwing lumilitaw ka, panganib ang dala mo. Nanganganib lagi ako sa ‘yo.”
“Nararamdaman kong isa ka sa rason kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.”
Natameme siya sa naging sagot nito. Malayong-malayo iyon sa kaniyang gustong marinig at tama si Fender, siya ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ito ngayon pero hindi niya iyon ginusto. Dahil kung siya ang masusunod, hinding-hindi niya hahayaan na maging kriminal ito para lang sa kaniya.
Bahagya siyang nagulat nang maramdaman niya init na nagmumula kay Fender. Hindi niya namalayang nakalapit ito sa kaniya ngayon. Mas lalo siyang sumiksik sa isang tabi. Baka maulit na naman ang nangyari kanina sa halik at haplos nito.
“Blessy, tayo lang dalawa rito. Gusto kong malaman kung ano ang nakaraan natin. Lahat nang iyon.”
Hindi siya kumibo. Napasulyap siya sa unahan kung saan malayang umaagos at bumabagsak ang tubig ng talon kahit ‘di niya masyadong nakikita. Nararamdaman, oo. Napahugot siya ng malalim na hangin at ilang beses na napailing. Sasabihin ba niya?
“F-fender…”
“Handa akong makinig.”
Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata. Kaya ba talaga niyang sabihin lahat sa lalaki kung ang nakaraan nila ay puno ng sakit?
“Kapag sinabi ko ba sa ‘yo ang nakaraan natin, lalayuan mo na ako? Hindi mo na ako gugulihin?”
Matagal na katahimikan ang sumunod.
“Depende,” sagot nito.
Napabuntunghinga siya. Inaasahan niya ng sasabihin iyon ni Fender kaya pinili niyang ‘wag magsalita. Hindi ito ang tamang panahon para ipaalala rito ang nakaraan. Mayamaya ay napasinghap siya nang marinig ang malakas na alingawngaw ng baril sa paligid. Agad naman s’yang niyakap nito ng mahigpit.
Panginoon ko, tulungan niyo ako kung paano malulutsutan ang pagsubok na ito. Tulungan niyo ako…
“I guess they want me to kill them. Stay here Ble—”
“Huwag!” Pinigilan niya ang kamay nito nang tumayo ito.
“Sandali lang ako. Papatayin ko lang sila.”
Napakagat siya ng labi at napailing, “Hindi ka Diyos para kumitil ng buhay.”
“Pero isa akong demonyo na kayang bumili ng kaluluwa kung ikaw ang pag-uusapan.”
Mapait siyang napangiti. Naalala niya kung gaano kalaking pagsasakrapisyo ang ginawa ni Fender laban sa kaniya, kung paano ito naging kriminal na siya ang dahilan, at kung paano nito lahat kinaya ang sakit para lang sa kaligtasan niya. Isa sa rason na ayaw niyang sabihin dito ang nakaraan nila dahil kung meron man sisihin sa lahat ng nangyari sa buhay nito, siya. Siya iyon.
“Hindi mo naman kailangan gawin iyon. Lahat ng tao ay kayang magbago.”
“Hindi nagbago ang puno ng niyog at naging santol.”
“Fender…”
Napahugot ito ng malalim na buntunghinga at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay niyo. Walang salitang humakbang ito papalapit sa bukana ng kwebang pinagtataguan nila.
“Alam mo kung bakit ayaw kong sabihin kung ano ang nakaraan natin?”
Bigla itong tumigil sa paghakbang.
“Dahil ang totoo, ako ang dahilan kung bakit ilan sa nakaraan mo ay ‘di mo maalala.”
“Stay here Blessy.” Hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi.
Napilitan siyang tumayo at sinundan ang yabag nito. “Sasabihin ko na lahat. Please, huwag ka lang pumatay ulit. Please...” Huminto siya nang huminto ito. Ilang beses siyang kumurap-kurap, nahihirapan pa rin mag-adjust ang kaniyang mata sa dilim ng kwebang iyon.
“Then tell it to me.” Isang kamay ang humawak sa kaniya at giniya siya sa isang tabi. “Simulan mo nang magsalita.”
Ilang beses siyang huminga ng malalim at kahit nangangapa ang kaniyang mata sa kadiliman na bumabalot sa buong sulok ng kweba, nakuha niyang umupo sa isang tabi. Naramdaman din niyang umupo ito at namayani sa kanila ang mahabang katahimikan. Doon lang siya naglakas ulit ng loob magsalita nang marinig niya ang malalim na buntunghinga ni Fender sa kaniyang tabi...
“Masaya ka ba?” nakangiting tanong sa kaniya ni Fender nang lingunin siya nito.
Tapos na ang isang linggong bakasyon nila sa Iceland at aaminin ni Blessy na sobrang nag-enjoy siya sa presinsya na kasama ang lalaking mahal na mahal niya. Engage na sila at wala siyang naramdamang pagtutol sa bagay na iyon. Si Fender lang ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay at handa siyang sumama rito kahit sa’n sila magpunta basta kasama niya ito.
“Oo naman. Parang ayuko na ngang umuwi ng Pinas.” nangangarap na saad niya.
Nakasunod siya rito ngayon habang bitbit nito ang kanilang maleta papasok ng bahay. Kakauwi lang nila at kahit nakakapagod ang byahe, worth it naman lahat. Ang Iceland ang pinakamagandang memory na nabuo niya na kasama ang lalaki.
“Pwede tayong manatili sa Iceland kung gusto mo.”
“Hindi nga?”
Ang lakas ng tawa nito sa kaniyang reaksyon. “Ayaw mo? Hindi ako nagbibiro.”
Napangiwi siya. “Ayuko. Baka kapag do’n tayo nakatira, lagi mo akong aangkinin dahil sa lamig ng temperatura.”
“Pero magiging asawa mo naman ako.”
“Hindi pwede!”
Tinawanan lang siya nito at kinindatan. Hindi na lang niya pinansin ang pang-aalaska sa kaniya ni Fender. Dahil ang totoo, pati siya ay nagustuhan ang ginawa nila sa lugar na iyon. Inangkin siya nito nang inangkin at inaamin niyang sobrang sarap ng binigay nito sa kaniya. Hindi niya iyon makakalimutan kahit pa kamatayan ang susunod na kaniyang kahahantungan.
“FENDER! Fender nasaan ka? Fender...” madilim ang kaniyang nakikita.
Nasa isang madilim siyang silid at wala siyang nakikitang kahit anong liwanag. Nagsimulang gumapang ang ‘di matatawarang kaba sa kaniyang dibdib nang wala siyang marinig na kasagutan sa lalaki. Saan ba siya? Saan siya ngayon?
“Fender! S-saan ka? Saan ako?!” nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses. Hindi niya alam kung saan siya ngayon at kung bakit hindi sumasagot ang lalaki.
Kinapa niya ang kinauupuan, isa itong malamig na sahig at may malagkit siyang likidong nakapa. Kahit nagsimulang manginig ang kaniyang katawan sa takot, nakuha niyang dalhin sa ilong ang likidong nakapa ng kamay niya at inamoy iyon.
Napasigaw siya sa takot nang masigurong isa itong dugo. Agad niyang niyakap ang sarili at nagsimulang nagsipatakan ang mga luha sa kaniyang mata. Saan ba ang lalaki? Iniwan na naman ba siya nito ulit?
Kinapa niya ang kaniyang suot na singsing. Nasa kamay niya iyon at totoong kasama niya ito sa Iceland. Hindi siya nanaginip at mas lalong ‘di siya nag-hallucination. Kakauwi lang nila galing Iceland at magkasama lang sila kaninang pumasok ng bahay. Iyon lang ang matandaan niya. Nagkabiruan pa sila na do’n sa ibang bansa tumira pero bakit at paano siya napunta sa lugar na ito?
Ang mahinang iyak niya ay naging hikbi. Wala siyang makitang kahit ano at nag-iisa lamang siya sa silid na iyon. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa sariling tuhod at pinipigil ang hikbi. Kung nasa isang masamang panaginip siya ngayon, gustong-gusto niya ng magising.
“Fender!” nagliwanag ang kaniyang mukha nang biglang bumukas ang pintuan sa madilim na silid na kinalalagyan niya. Nasilaw pa siya sa liwanag na nagmula sa labas at pilit niyang inaaninag ang bulto ng lalaking nakatayo sa may pintuan.
“Kumusta?”
Agad gumapang ang takot sa kaniyang pagkatao nang marinig niya ang nakakakilabot na boses ng lalaking nasa pintuan. Hindi ito ang binata.
“S-sino ka? Saan ako? Saan si Fender!”
Marahan itong natawa at kasunod ang pagbaha ng ilaw sa loob ng silid. Tuluyan tumambad sa kaniya ang mukha nang lalaking kaharap niya ngayon. Sumikdo ang kaniyang puso nang tumama ang mata niya sa matalim nitong matang nakatunghay sa kaniya. May peklat ang pisngi nito at halatang bago pa lang ang peklat.
“You mean, Zerus?”
Zerus? Pabulong na tanong niya sa sarili. Bigla niyang naalala ang pangalan ni Fender ay Zerus.
“Saan siya! Saan niyo siya dinala?!” nilangkapan niya ng galit ang kaniyang boses habang sunod-sunod sa pagpatak ang mga luha sa kaniyang mata. Kahit anong gawin niyang pagmamatapang, sarili niya na mismo ang tumatraydor sa kaniya.
“Tingnan mo ang nasa tabi mo.” nakakalokong saad nito at naglabas ng sigarilyo saka sinindehan iyon.
Mabilis siyang lumingon at tumingin sa kaniyang tabi. Halos bumagsak ang kaniyang mundo nang may makita siyang duguang taong nakatiya at nakatingin sa kaniya. Patay na ito. May tama ng baril sa ulo at nagmula sa tama nito ang dugong nakapa niya kanina sa sahig.
Ang lakas ng kaniyang tiling pinakawalan habang humalakhak ang lalaki. Tuwang-tuwa itong nakikita siyang umiiyak sa takot. Halos hindi niya kayang tingnan ang patay na taong nasa tabi lang niya.
“Enjoy.”
Gusto niyang sumigaw sa pagtutol nang sinara nito ulit ang pintuan. Ang lakas ng kaniyang iyak ang tanging maririnig sa loob ng apat na sulok ng silid na iyon. Kahit nanginginig ang kaniyang mga tuhod at kamay, nagawa niyang gumapang papuntang pintuan. Malakas niya itong pinagbabayo para pagbuksan siya. Mamatay siya sa loob ng silid na iyon. Mamatay siya sa takot at sa isiping ganito ang sinapit ng lalaking mahal niya.
Hindi mabilang ni Blessy kung ilang oras siyang nasa loob ng silid na kasama ang isang bangkay. Halos wala na siyang mailuha at namamaos na rin siya. Naubos na rin ang kaniyang lakas sa kakabayo at kakasigaw na ilabas siya mula ro’n.
“Fender saan ka ba? Tulungan mo ‘ko rito…”