UMANGAT ang mukha ni Rosette sa isang tasa ng kapeng ibinaba ni Erastus sa maliit na mesita roon sa balcony ng unit nito. Doon na lang siya pumuwesto at nagbasa kaninang dumating na ito galing sa trabaho. Hindi pa rin kasi siya nakaka-move on sa sagutan nila kanina.
Nahihirapan na talaga siya. Paano ba palambutin ang puso ni Erastus? Paano ba siya nito makikita bilang isang babae na karapat-dapat ding mahalin? Dahil tuwing magtatangka siya, ipinapamukha lang ng pagkakataon na hindi siya nito kailanman magugustuhan.
“Mag-usap tayo, Rosette,” sabi nitong pumuwesto sa railings ng balcony.
Doon ito sumandal habang matiim na nakatitig sa kanya. Binawi niya ang mga paningin at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa. “Nag-uusap na tayo, `di ba?”
“Cut that sarcasm, out!”
Asar na nagbuntong-hininga siya saka ito binalingan. “Alam mo, nahihirapan na akong makisama sa `yo. Kapag hindi kita iniintindi sa kasungitan mo, lalo kang nagsusungit. Kapag naman naging mabait ako sa `yo, masungit ka pa rin. Ano pa ba’ng gusto mong pakisama, ha?”
“Ako pa pala ang masungit, ngayon?”
“Sino pa ba?”
“Hindi ako masungit!”
“Yeah, I can see that, ” sarkastikong tugon naman niya.
“Rosette, please lang. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko. Let’s talk in a more decent way.”
Nag-cease fire ang galit na boses nito bagaman maigting pa rin iyon. Itinupi naman ni Rosette ang librong binabasa. Ang una niyang plano ay balewalain si Erastus subalit hindi siya nakatiis nang maramdamang seryosong-seryoso na ang timbre nito.
“Okay. Ano ba’ng gusto mong ipakipag-usap?”
She was back into being civil to him. Siguro ay bukas na lang ulit siya magiging mabait at malambing kay Erastus dahil hindi pa rin siya nakaka-move on sa nakitang malambing na pag-uusap nito at ni Shunn kanina.
“Sinabi mo na kailangang nating pumunta sa Engkantasya.”
Nilunod ng kaba ang damdamin ni Rosette. Bakit bigla-bigla ay mas interesado na ito sa Engkantasya at sa pagbabalik niya rito roon? Gusto na ba nitong umalis? Paano na siya? Iiksi na nang tuluyan ang buhay niya.
“Yes. Gusto mo na ba agad makabalik sa mundo natin? May naaalala ka na?”
She play it cool then. Walang mangyayari kung papadaig siya sa takot at kaba.
“I’m hearing some voices in my mind. Flashes of scenes na hindi ko alam kung kaninong alaala dahil hindi ko naman sila nakikilala. And… You. Were. There.”
Lalo siyang binagyo ng kaba. Naaalala siya nito? Ano ang mga alaala nito ang naaalala patungkol sa kanya? At sa dami ng pwede nitong maalala ay kasama siya sa mga iyon. Ano ba ang dapat niyang maramdaman? Matutuwa ba siya o ano? Dahil kung kasama siya sa mga naaalala nito maski di pa ito bumabalik sa Engkantasya, ibig sabihin na maski paano ay mahalaga siya rito.
O baka ang mga naaalala nito patungkol sa kanya ay ang mga paglapit nito para makahingi ng tips kung paano magpapapansin sa kaibigan niyang si Kroen.
Umasim bigla ang mukha ni Rosette.
“Nando’n talaga ako sa alaala mo. Magkasama tayo sa Engkantasya, eh. Tapos parati mo pa akong nakikita.”
“Alaala ko ba talaga `yon?” nalilitong tanong nito sa kawalan.
Nais niyang maawa kay Erastus. Gaano ba kahirap para sa taong nawalan ng alaala at nais na makaalala? Napakahirap. Hindi man niya naranasan pero alam niya at nakikita niya kay Erastus na napakahirap ng sitwasyon nito.
Hindi na nakapagpigil si Rosette. Tumayo siya at lumapit kay Erastus. Inabot niya ang guwapong mukha nito at magaang na hinaplos. How she ached doing it again and again…
Tuwing magkakaharap sila ay nangangati ang kamay niyang haplusin ang napakaguwapong mukha nito. Gustong-gusto niyang gawin iyon subalit parati niyang pinipigilan ang kanyang sarili.
“You’ll remember everything. Soon.”
Napatitig naman ito sa kanya. At dahil sa pagsasalubong ng mga mata nila, ay parang nais na namang malunod ng puso niya sa mga damdaming pinupukaw nito sa kaloob-looban niya.
Pakiwari nga niya, nagiging normal na lang ang pagwawala ng puso niya tuwing magkakalapit sila ni Erastus. Tulad ng dati… tulad noon na hindi na niya namalayan kung paanong nakasanayan na lang niya ang mabilis na pagririgudon ng kanyang puso kapag magkasama sila. Tuwing lumipad sila patungo sa malawak na kagubatan. Sa mga sandaling masaya silang nagkukuwentuhan patungkol sa mga natutuklasan nito sa mundo ng mga mortal kapag kinakailangan nitong tumawid.
Inabot ng isang kamay ni Erastus ang kamay niyang nakahawak sa guwapong mukha nito ngunit hindi naman nito inalis doon. Tila ba gusto lang nitong hawakan iyon. Gusto lang nitong maramdaman ang kamay niya. At nais niyang mapapikit sa mainit na kamay na sumasakop sa likod ng kanyang palad. Nais niyang namnamin ang masarap na damdaming hatid noon sa kalooban niya.
“Kapag sumama ako sa `yo, ano’ng mangyayari dito? Paano ang mga magulang ko? Ang mga kaibigan ko? At ang tungkulin ko? Magtataka sila sa pagkawala ko.”
“Mapapalitan ng ibang tao ang katauhan mo rito sa mundo. Maging ang pagmamahal sayo ng mga kaibigan at pamilya, pati ang paggalang sayo ng mga nasasakupan mo sa trabaho ay malilipat sa iba. Sa nilalang na papalit sa katauhan mo. Samakatuwid, may isisilang bilang kahalili mo. Babalik din ang balanse ng mundo natin, Erastus. Hindi ko pa sigurado ang mismong kahahantungan ng mundo natin pero alam kong iyon ang mas makakabuti. Para sa mga tao at para sa atin. Hindi ka kabilang dito, Erastus. Sa Engkantasya ka kabilang. Kailangan nating tumawid at kapag nakatawid tayo…” Inabot niya ang sisidlan sa kanyang kwintas. “Maglalaho ang lagusan. There’s no turning back the moment you crossed the portal, Erastus. ”
“Gusto kong malaman kung ano ako noon at kung ano man ang obligasyon ko sa mundong sinasabi mo.”
Nahimigan niyang tila naguguluhan pa rin si Erastus. Ngunit ang ikinatuwa niya ay handa itong tumawid at iwan ang buhay nito sa mundo ng mga tao, para sumama sa kanya pabalik sa Engkantasya. Mas matimbang pa rin dito ang malasakit nito sa kapwa nila mga elemento.
Hindi na nakuhang sumagot pa ni Rosette. Wala na siyang kayang gawin kundi ang ngumiti rito. She was glad to know that Erastus was still the same Erastus that she loved and will forever love.
Ngayon niya nauunawaan kung bakit sa tabi nito, ang puso niya ay di mapakali. At di niya maipaliwanag sa mas maayos na paraan ang kanyang mga damdamin. Dahil sobrang mahal na niya ito… At ang pag-ibig ay tunay na walang maayos na paliwanag.
“You were so captivating when you smile just like that.” Napasinghap si Rosette nang maramdamang itinataas ni Erastus ang baba niya. “Sana palagi ka na lang ganyan na di ako tinatarayan.”
For a moment ay gusto na naman niyang umasam na hahalikan siya ni Erastus. Gusto niyang halikan siya nito. Gustong-gusto niya!
Subalit hindi niya alam kung paano ipapahiwatig dito ang nais niya sa hindi nakakahiyang paraan.
And as if he heard what her heart wanted, his face slowly decending on hers. Naramdaman na lang ni Rosette ang pamimigat ng mga talukap niya habang buong pusong umaasam sa masarap na halik na kanina pa niyang kinatatakaman.
Millions of delicious tiny volts flow down her very senses the moment his lips touched hers. That was such a soft sensual kiss. Tila pagdapo ng malambot na pakpak ng isang paruparo sa maselang talulot ng bulaklak. She enjoyed tasting the sensuous pleasure his lips were capable of giving her. His tongue was doing wonders inside her mouth. At wala siyang balak na pigilan ito. Sa halip ay mas binibigyan pa niya ito ng layang gumalugad roon. It was so hard to rebuff his kisses doing marvelous feels inside her whole being.
Puno ng tamis at paggalang ang halik nito na hindi niya kailanman ipagpapalit sa kahit na anong bagay sa kahit na anong mundo. Kung nalaman lang niya noon pa man na ganoon kasarap ang mahalikan, noon pa sana niya ibinuwis ang kanyang buhay para matikman lang iyon.
Nang huminto na si Erastus sa paghalik sa kanya ay para bang nais pa niyang magreklamo. Kung maaaari lang hilingin sa lahat ng Bathala na huwag na lang tapusin ang maigsing sandali na iyon. Isang sandaling parating nagpapalipad sa kanyang puso sa alapaap.
“Goodnight, Rosette.”
Namula ang mukha ni Rosette nang sa pagmulat ng mga mata niya ay nakita niyang malapad na nakangiti si Erastus sa kanya. Tila namamangha na natutuwa. Gusto niyang mapahiya dahil alam niyang nahuhulaan nito na nagugustuhan niya ang halik nito. Nagugustuhan niyang hinahalikan siya nito maski hindi naman siya ang babaeng minamahal nito.
Gaano nga ba katanga iyon?
“G-goodnight.”
Mabilis na tumalikod siya at iniwan si Erastus doon. Mas gugustuhin pa niyang lamunin na lang siya ng lupa kesa magtagal sa harap ng lalaki.