CHAPTER 15

WALANG inaksayang oras si Rubick. Mabilis na tumakbo siya para puntahan si Lahynna. Pakiwari niya ay milya ang tinatakbo niya dahil inip na inip siyang marating ang wardrobe room para kumuha ng tamang kasuotan sa pagpasok sa DR. Siya ang naiinip sa sarili maski pa pakiramdam niya ay double time na siya sa pagkilos.

Pagkapasok na pagkapasok sa delivery room ay mabilis na nilapitan niya ang asawa sa delivery table.

“Belle… I’m here, baby.”

Habag na habag si Rubick sa anyo ni Lahynna. Maputla na ito. Basang-basa ng pawis at maski naka-oxygen na ay tila naghahabol pa din ito ng paghinga.

“You can do it, baby.”

Mahigpit na hinawakan niya ang kamay nito. Pinaparating rito na maging matapang gayong sa totoo lang, siya itong gusto nang sumuko ng dibdib dahil sa nakikitang paghihirap nito. Kung pwede lang niyang ipalit ang sarili rito ay gagawin niya.

At gusto niyang awayin ang lahat ng naroroon dahil napapasigaw si Lahynna sa kung anong ginagawa ng mga ito sa asawa.

“Push… Lahynna, push!” giit pa ng doktor.

Nandoon pareho ang Ob-Gyne at Physician ni Lahynna pero kahit dalawa na ang mga ito, parang nahihirapan pa rin sa kondisyon ng kanyang asawa.

Gusto tuloy daklutin ni Rubick ang mga ito dahil sa isip niya ay ang mga iyon ang nagbibigay ng pahirap kay Lahynna. Ah, wala na sa tama ang daloy ng kanyang isip. Pati doktor ay gusto niyang pag-initan.

Nang humigpit ang kapit ni Lahynna sa kamay ni Rubick ay damang-dama niya kung anong klaseng sakit at paghihirap ang dinadanas nito ngayon. At sumusumpa siya na pagkatapos nilang malagpasan iyon ay hinding-hindi na siya papayag na magbuntis pa ulit ito. Mauuna siyang mamatay sa matinding takot at pag-aalala para kay Lahynna. Tumigil lamang ang kanyang pagsabay sa mabilis na pagdaloy ng kanyang isip nang marinig ang pagpunit ng matinis na iyak ng sanggol. Natigilan si Rubick.

Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam. Parang may bumabagyong mainit na damdamin sa kalooban niya habang naririnig ang iyak ng maliit na nilalang. Lumulutang sa alapaap ang kanyang puso. Paanong ang isang maliit na sanggol ay may kakayahang magparamdam ng ganoon katinding damdamin sa tulad niya?

Matapos na sandaling idampi sa tiyan ni Lahynna ang sanggol ay iniabot iyon sa nurse, deretso sa incubator. Hindi mapigil ni Rubick ang mga mata sa pagsunod ng tingin sa maliit na nilalang na naroroon lang sa incubator. Napakaliit nito. Parang kasing liit lamang ng bote ng alak. Patuloy iyon sa pag-iyak habang iniistima ng napakaraming nurse. May kung anu-anong ikinakabit rito at ‘di niya naiintindihan kung para saan ang mga iyon.

But… oh! It’s a boy!

Kitang-kita niya mula sa kinatatayuan ang kasarian nito. At ganoon nalang ang muling pagbaha ng kanyang kaligayahan. Every cry of the little thing was like eratic beats of his heart. Mas lalo niyang minamahal si Lahynna ngayon dahil sa katapangang ipinakita nito habang iniluluwal ang anak nila. Hindi niya hiniling iyon kay Lahynna. Pero ipinilit nitong ibigay sa kanya para mapaligaya siya. At tama ito. Ang maliit na nilalang ang isa pang makapagpapasaya sa kanila.

Mapagmahal na bumalik ang atensyon niya sa asawa. Lumuluha si Lahynna. At ‘di niya napansin na ganoon din siya. Napag-alaman lang niya iyon nang abutin ng asawa ang kanyang mukha at pahidin ang kanyang luha.

Inabot niya ang kamay nito. Hinagkan iyon. “Thank you, love.” Sambit niya rito. Tumango lang naman ito. Tila napapanga na di niya alam.

“Come on… L-Lapitan mo siya…”

Isa pang halik sa noo nito at pinakawalan niya ang kamay ni Lahynna. Pero nakakatatlong hakbang palang siya nang marinig ang pagtunog ng monitor. Paglingon niya ay ‘di na magkandatuto sa pagkakagulo ang lahat doon.

Nagse-seizure si Lahynna!

Hindi siya nakakilos mula sa kinatatayuan habang pinapanood ang lahat. Habang nagkakagulo ang mga ito, siya naman ay parang gustong tumakas sa reyalidad. Ayaw niyang paniwalaan ang nakikita. Ayaw niyang isipin at paniwalaang katawan ni Lahynna ang umiigtad sa tuwing lalapat ang defibrillator pads sa dibdib nito. Pigil niya ang paghinga habang pinapanood ang pinakanakakatakot na yatang eksenang nakita niya sa buong buhay niya.

“No… Good Lord, huwag siya please!” Piping dasal niya na napatingin sa krus na nasa ulunan ng hospital bed ni Lahynna.

Sa pagkakataong iyon ay ‘di niya din makakayang isuko ang buhay ng kanyang anak. Dalawa na ang mga itong mahalaga sa kanya. Kung papipiliin siya ng Diyos sa kanyang mag-ina, hindi niya kayang pumili. Gugustuhin pa niyang ibigay ang buhay sa isa sa mga ito kaysa piliing mawala ang isa.

“Please Lord…” Pagsusumamo ng kanyang puso at isip.

Ni hindi niya kayang tingnan ang namumutla at lungayngay nang asawa. Napapalibutan na ito ng nagkakagulong medical team. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Para siyang naparalisa. Nadikit ang mga paa niya sa sahig. At ayaw na din niyang huminga habang patuloy na tumutunog ang monitor na nagsusumigaw ngpapawalang heart beat ni Lahynna.

“Belle…” Halos walang boses na kumawala sa kanyang bibig habang bumababa ang mga mata niya rito.

Tatlong hakbang lang ang pagitan nila. Pero pakiramdam niya ay ang layo-layo ni Lahynna. At patuloy pa itong lumalayo kung hindi niya ito hahabulin.

Noon siya natauhan. Iniisang hakbang niya ang asawa at mabilis na hinawakan ang halos walang buhay na nitong kamay.

“Fight! Fight love, fight!”

Lumuluha habang napakahigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ng asawa. Maski inaawat siya ng mga staffs at pinapalayo ay hindi siya nagpaawat. Hindi niya iiwan si Lahynna maski ano ang mangyari. Gusto niyang maramdaman ng asawa na naroroon lang siya. Hindi niya ito isusuko maski pa gusto na nitong sumuko.At para bang naawa sa kaniya ang nasa Itaas. Nagkaroon ulit ng heart beat si Lahynna.

Ganoon nalang ang relief ng lahat. Sa isip ay nagpasalamat siya sa Diyos saka hinagkan ang kamay ng asawa. Nagpatuloy ang mga doctor sa pag-aasikaso rito at ‘di pa din siya umalis sa tabi ng asawa. Walang pwedeng magpaalis sa kanya sa tabi ni Lahynna.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.