HINDI napigilan ni Lahynna ang mga luha habang pinapanood ang maliit na sanggol na kakawag-kawag sa incubator. Napakaliit nito at gustong mapunit ng puso niya habang nakikita ang kung anu-anong tubo na nakakabit sa maliit at payat na katawan. Ayaw pa sana siyang dalhin roon ng asawa dahil kaka-recover palang niya pero nagpilit siya. Gusto niyang makita ang anak. Para lang manlumo sa nakikita.
Naramdaman ni Lahynna ang magaang paghaplos ni Rubick sa likod niya habang nakaupo sa wheelchair. Tuluyan siyang napahagulhol at walang nagawa si Rubick kundi ang yakapin siya ng mahigpit.
“He can make it. He is a fighter katulad ng Mommy niya.” Sa paos na tinig ay sambit ni Rubick habang mahigpit siyang yakap ng asawa. “Come on. Stop crying. Makakasama sayo iyan.” Saway ni Rubick sa paghikbi ni Lahynna.
“Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, ano pa ba ang hindi kayang lagpasan ng kondisyon ng letseng puso ko?”
Isang malalim na buntong-hininga ang naging sagot ni Rubick. Mabilis din naman siyang kumambiyo pabalik. Sa attitude niyang iyon, she might upset him even more. Nasa loob ng DR si Rubick habang nanganganak siya. At alam niyang hindi biro ang dinanas nito ng mga sandaling iyon.
They should face this one together. Sa isa’t-isa lang sila pwedeng kumapit at kailangan nilang maging matatag pareho.
“Yes.” Mahinang sambit ni Lahynna habang lumuluha pa din. “He can make it. I knew he can make it.”
Kumawala si Lahynna sa asawa at muling hinagilap ng mga mata ang sanggol nila. Hindi pa naglilipat sandali ay humahangos na lumapit si Eina. Sa pagtataka niya ay humahagulhol ito ng iyak at nang makalapit sa kanila ay pabigla itong lumuhod sa kanilang harapan.
“Please… please help me. Ayokong makisabay sa pinagdadaanan niyo pero parang awa niyo na.”
Umaagos ang luhang inabot ni Eina ang kamay ni Lahynna sa pagtataka niya. “Ina ka na din, Hynna. Alam kong alam mo ang nararamdaman ko.” Nahinto sa pagluha si Lahynna at nagtatakang tinitigan ang pinsan. Saka nama nito tiningala si Rubick na tila naguguluhan rin sa inaasal ni Eina. “Tulungan mo ako. Tulungan mo akong maipagamot ang anak mo.”
Napasinghap si Lahynna. Hindi niya sigurado kung saan siya nabigla. Sa nalamang kailangang ipagamot ang anak ni Eina o sa paggigiit nito na anak ni Rubick ang bata. Bakit ngayon? Bakit ngayon lang ito nagpilit ilaban ang anak nito samantalang noon, pwede nitong gawin iyon?
“What the hell!” singhal ni Rubick kay Eina at pagalit na hinaklit nito sa braso patayo ang kanyang pinsan.
“Hindi ko anak ang anak mo, Eina.” Bumaling ito sa nursery kung nasaan ang anak nilang naka-incubator. “Siya. Siya lang ang anak ko. Siya lang!”
Halos marinig na ni Lahynna ang pagtatagisan ng mga bagang ni Rubick habang galit na isinasalya ang braso ni Eina palayo.
“Kung kailangan mo ng tulong, tutulong ako pero hindi mo kailangang gumawa ng kwento. And would you please stay away from my wife? You were upsetting her!” Ulit ay bulyaw ni Rubick kay Eina.
Tumigas ang mukha ni Eina at galit ring tinitigan si Rubick. “You can deny it all you want. Hindi ko hinihiling na kilalanin mo si Rain pero obligasyon mong tulungan akong suportahan siya sa pangangailangan niya dahil anak mo siya.” Galit na ring singhal ni Eina rito. “Pride nalang ang meron ako. And I’m loosing it now para maisalba ang buhay ng anak ko. Now, go! Ipa-DNA test mo siya para malaman mo ang totoo!”
Parang nabasag ang buong mundo sa tapat ng tainga ni Lahynna. Base sa nakikita niyang paghahamon ni Eina, siguradong-sigurado ang pinsan na si Rubick ang ama ng anak nito.
Hindi niya alam kung paano magre-react. Hindi niya makapa sa dibdib ang pagtutol na suportahan ni Rubick ang anak nito sa pinsan niya. Dahil naiisip niya na paano kung sila ang nagkapalit ng sitwasyon ng pinsan? At ganitong kailangang maipagamot ang anak niya? Ano ang mararamdaman niya kung tututulan iyon ng legal na asawa?
“A-Anong sakit ni Rain?” Sa mahinang boses ay naitanong ni Lahynna.
Noon nagbaling ng tingin sa kanya ang pinsan. Mulina naman itong humagulhol. “Katulad mo din, Hynna. May heart failure din ang anak ko. I think it runs in the family. At alam mong hindi kami ganoon kayaman para tustusan ang pagpapagamot ni Rain.”
Nanghihina ang tuhod na napasalampak ito sa sahig. Nang tingalain niya si Rubick ay nagtitiim-bagang pa din ito. Hindi na malaman ni Lahynna kung sino ang paniniwalaaan. Both were so sure of what they believed. At para matapos na ang lahat ng confussions…
“Ipa-DNA test niyo na si Rain since pumayag na si Eina.” Malamig na sambit ni Lahynna.
Hindi niya kayang tingnan ang asawa. At gusto naman niyang magalit kay Eina. Bakit ngayon pa nangyari ang lahat ng ito? Papayag din naman palang magpa-DNA test si Eina, bakit hindi pa noon? Bakit nakisabay pa ito sa napakahirap na stage ng buhay nilang mag-asawa?
KASABAY ng paglabas ng paternity test results ng anak ni Eina ay ang pagbitaw naman sa buhay ng anak nila ni Rubick. Parang paulit-ulit na nagugunaw ang mundo ni Lahynna sa magkasabay na delubyo na iyon ng kanyang buhay. Nag-positive ang paternity test kasabay ng pagkawala ng anak niya. Huminto sa pag-function ang mahina na nitong baga dahil hindi iyon fully developed.
Gusto nalang niyang mabaliw sa matinding sakit.
Ilang beses niyang sinisi ang sarili sa nangyari. Baka hindi siya naging maingat kaya nagkaroon siya ng premature delivery. Baka may mga mali siyang nagawa habang nagbubuntis. O baka may nakalimutan siyang gawin o inuming gamot o di kaya ay may mali siyang nakain kaya hindi naging malusog ang bata sa sinapupunan niya. Siya ang may kasalanan kaya nawala ang anak nila. At sa bawat sandali, wala nang ginawa si Rubick kundi ang aluin siya. Pero hindi niya ito pinapansin. Ang paulit-ulit niyang naaalala ay ang resulta ng paternity test. Ang guilt sa nangyari sa anak nila. Ang sakit na dala ng mga rebelasyon at pangyayari. Dumating na ang kinatatakutan niya, ang multong alam niyang existing pero palagi niyang sinasabi sa sarili na baka wala naman talaga. Baka paranoid lang siya. Pero heto. Nagpakita na. Nasa harapan na niya. At natatakot siya. Natatakot siya sa mga pwedeng gawin ng multong matagal na gumugulo sa isip niya.
“You should eat, Belle. Para maka-recover na ang katawan mo.” Puno ng pagsuyo na sabi ni Rubick habang isinusubo sa kanya ang kutsarang may lamang arozcaldo.
Ibinaling ni Lahynna ang mukha palayo rito.
“Hindi ba dapat nasa ward ka ng anak mo?” Malamig na sabi ni Lahynna sa asawa.
Malakas na bumuntong-hininga si Rubick at ibinaba ang mangkok sa side table roon sa kanilang silid.
“Naipa-cremate na si baby Randrei, alam mo iyan.”
Walang emosyong bumaling siya rito. “I was talking about Rain.”
“Ano ba, Lahynna Belle!?” Napatayong bigla si Rubick at sa pinipigil na emosyon ay tumitig ito sa kanya. “Si Randrei lang ang anak ko. Hindi ko anak si Rain!”
“Bakit itinatanggi mo pa din sa akin ‘yan, Rubick? Ayan na nga ang paternity test ‘di ba? Nag-match ang DNA ninyo ng bata!”
“Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero sigurado akong hindi ko anak si Rain. Si Ralph ang ama ng bata.”
Si Ralph? Si Ralph na taga doon din lang sa subdivision nila. Dating barkada ni Rubick at nakakasama sa mga drag race, na sa hindi niya alam na dahilan ay hindi na nito nakakasama. Siguro dahil tutok na ang huli sa trabaho noon sa ospital bilang isang nurse. Isa pa nga ay pamilyado na.
Mapait na ngumiti si Lahynna. She couldn’t believe her husband was acting like this. Pati ang kaibigan nito ay idinadamay pa sa gulo nila?
“How could you point fingers when there’s the evidence? Ninety-nine percent matched ang DNA niyo. Napakalakas ng dugo mo na dumadaloy sa katawan ng anak mo at itinatanggi mo ang bata? How could you?!” galit na singhal niya rito.
Hindi na sigurado ni Lahynna kung ano pa ba ang eksaktong dahilan ng ipinagmumukmok niya. Ang pagluluksa sa anak nila o ang rebelasyon ni Eina. Parehong masakit. Sobrang sakit na hindi niya alam kung paanong nakakaya pa ng puso niya ang lahat. Siguro, pinatatag na din siya ng mga nagdaang sitwasyon. She had been through a lot. She had made her heart broken, not just once. At naka-survive siya sa lahat ng iyon. Mabisa siguro ang treatment na ini-undergo niya sa buong nakaraang taon.
Pero ang sitwasyon nilang ito ngayon, hindi niya alam kung kailan matatapos. O kung matatapos pa ba ang lahat ng ito. O kung patuloy pa rin ba siyang nakatayo hanggang sa matapos na ang lahat ng ito.
“I can’t believe you were doing this to me, Belle.” Mapait na wika ni Rubick. Derekta ang mga mata nito sa kanya at para bang tumatagos hanggang sa kanyang kaluluwa ang damdamin ng kanyang asawa. “Bakit mo ginagawa sa akin ito? Haven’t you trusted me, anymore?” Nangislap ang mga mata nito sa luha. Kitang kita niya ang sakit sa mga mata nito. “Don’t you even have a little faith in me? Bakit ganoon kahirap para sa ‘yo na paniwalaan ang salita ko? Bakit mas mahalaga pa sa ‘yo ang sinasabi ng kapirasong papel na iyon?”
Hindi siya nagsalita. Parang hindi na din magawang i-process ng isip niya ang sinasabi ni Rubick. Basta ang alam niya lang, ginawa lang mahirap nina Rubick at Eina para sa kanya ang lahat. Nangarap siya ng masaya at magandang pamilya kasama si Rubick. Kahit may anino ng multo ni Eina na palaging gumugulo sa isip niya. Papayag at papayag din naman pala ang pinsan niya na ipa-DNA ang anak, bakit ngayon lang kung kailan naikasal na sila? Kung kailan nagsisimula na silang buuin ang pamilya nila? Kung kailan nasa kasagsagan sila ng pagluluksa. Bakit nakisabay pa ito?
“My mother had taken care all of the responsibilities with Rain. Hindi ko alam kung paraan ba niya iyon para sabihing naniniwala siya sa lintik na kapirasong papel na iyon! She had been quiet all the time but her actions confirmed me what she believed in. At ikaw…” Basag ang boses na sambit ni Rubick. “Of all people, Belle. Ikaw nalang ang inaasahan kong maniniwala sa akin. Kahit ba ikaw, hindi nagtitiwala sa akin? That I am not like my father. That I won’t raise a bastard… Pero,” Humugot ito ng malalim na hininga saka pabasta nalang tumalikod at naglakad palabas ng silid nila.
Napahagulhol nalang siya ng iyak habang dinadaklot ng isang kamay ang dibdib. She was a fighter she can get through all this.
SA MAY garden, pinili ni Rubick na palipasin ang sama ng loob. Bakit ganoon si Lahynna? Bakit wala nang kapangyarihan rito ang salita niya?
Fine. Nandoon na siya sa thought na pwedeng may mabuo kahit isang beses lang at may proteksyon pa. Dahil maski sa sitwasyon nilang mag-asawa, naging maingat naman siya, pero nabuo pa din si Randrei. Pero kasi, iba ang sitwasyon nila ni Lahynna. Sinadya ni Lahynna na sirain ang proteksyon. While with Eina, he secured the condom in his wallet. May huwsiyo din siya nang may mangyari sa kanila ni Eina. Habang sa asawa, nawawala siya sa tamang huwisyo kapag ito ang kasama at kaniig. And besides, Ralph was giving him the gist na posibleng nadisgrasya nito noon si Eina. Well. Medyo maere kasi sa pagkukwento ng sexcapades nito si Ralph habang nagkakasama sila sa drag race. Medyo nabubwisit nga siya sa isang iyon dahil wala nang bukambibig kundi ang pagpapasarap nito sa pinsan ni Lahynna. Ito at si Eina ang madalas na magkasalo sa kama kaya paanong siya ang itinuturong ama? Paanong siya ang naging ama?
Frustrated na hinagod ni Rubick ang likod ng ulo saka nilingon ulit ang loob ng bahay. Paano ba niya maaayos ito? At bakit ba ngayon pa? Ngayon, kung kailan mas kailangan nila ni Lahynna ang isa’t-isa?