NAKASALAMPAK si Rubick sa isang sulok ng masters bedroom habang naririnig ang papalayong sasakyan. Hindi niya akalain na aabot sa ganito. Akala niya kailangan lang ni Lahynna ng sapat na oras para maipagluksa ang anak nila. And he was grieving also, on his own. Ayaw ni Lahynna na damayan nila ang isa’t-isa. Pinabayaan niya ito sa gusto nito. Pero hindi niya akalain na sa pagbibigay niya, mas lalala ang sitwasyon. She decided to leave their house. Doon muna daw ito sa pamilya nito dahil mas masakit na naaalala nito ang mga panahon na nagbubuntis ito at naroroon sa bahay nila.
Why, she was so rude!
Ito lang ba ang nasaktan sa lahat ng nangyari? At siya? Hindi ba siya nasaktan? Wala ba siyang karapatang maghinanakit sa mga iniaakto ng asawa?
Nakisabay pa si Eina na hindi niya maintindihan kung paanong nagawang palabasing matched sila ng anak nito. Buo ang paniniwala niyang hindi niya anak ang bata. Wala ang lukso ng dugo na katulad ng naramdaman niya nang unang marinig ang iyak ng anak nila ni Lahynna.Pero hindi iyon paniwalaan ng asawa. Sino nalang ang maniniwala sa kanya?
Tumunog ang cellphone ni Rubick na nasa bulsa ng jeans. Sa pag-aakalang si Lahynna ang tumatawag at sa pag-asang nagbago ang isip nito ay mabilis na sinagot niya iyon na hindi pinansin ang caller ID.
“Babe…”
“Hello Sir, may mga for signature po kayo rito sa office. Pupunta po ba kayo rito o dadalhin ko nalang sa bahay—”
“To hell with those damn papers!” Galit na singhal niya sa sekretaryang siya palang tumatawag.
“Pero Sir, matagal na po itong—”
“I don’t care! Sunugin mo kung gusto mo!”
At ibinato niya ang cellphone sa dingding. Hindi niya dapat na pinagbuntunan ng frustration at galit ang sekretarya pero nawalan na siya ng kontrol sa sarili. Pain, anger and weariness were controlling over him. And all of it was consuming him already.
Sa mga sumunod na araw ay wala nang ginawa si Rubick kundi ang maglasing. Hindi tumatawag ang asawa at mukhang wala na nga itong pakialam sa nararamdaman niya. Hanggang sa puntahan na siya ng ina sa bahay nila ni Lahynna at sabihing nagpa-transfer ang asawa sa Cebu branch.
Oh! She was back to life. Mabuti pa ito, nakabalik na. Siya kaya? Kailan siya makakabalik?
“You should pay your son a visit, hijo. Hinahanap ka niya.” Masuyong sabi ni Miranda kay Rubick.
“Patay na ang anak ko, Mom. At dinala ni Lahynna ang abo niya.” Mapait na sagot ni Rubick na muling tumungga ng alak.
Pati ang anak niya, inilayo na din ni Lahynna. Nag-iisa na naman siya. And he was nothing to look forward to. Kung pwede lang hilingin na nagkapalit nalang sana sila ng sitwasyon ng anak ay gagawin niya. He rather die than living in hell like this.
“I’m talking about Rain. Kaka-recover lang no’ng bata at—”
“Hindi ko siya anak!” galit na singhal niya sa ina.
Natutop nito ang dibdib sa pagkabigla. Mabilis naman niyang kinalma ang sarili at frustrated na hinagod ang sariling buhok.“I’m sorry.”
Humugot ng hininga ang ina at magaan siyang tinapik sa balikat. “Kung naniniwala ka na hindi mo siya anak, then atleast be polite with your wife’s nephew. Hindi mo kailangang idamay ang bata sa galit mo sa ina niya. They were living with me and Rain believes you were his father. Hindi mo siya kailangang tawaging anak. Just be considerate and polite with his request. Besides, he was just a kid… who was sick.”
Yes. His mother was right. Anong kasalanan ng bata para idamay niya at hindi pagbigyan ang munting hiling nito na bisitahin niya? Besides, he was lonely and broken. Kung si Lahynna ay nakahanap na ng escape sa pagdadalamhati nito, bakit siya ay hindi? Pero ang mga napakalulungkot at napakahihirap na araw ay dumating at natapos, isa pang napakasamang araw ang dumating ulit kay Rubick.
Lahynna was requesting for an annulment. Dumating nalang doon ang papel galing sa abogado. Doon na hindi nakapagpigil sa sarili si Rubick at sumugod sa bahay ng mga Polinar. Para lang ituro siya sa Cebu kung saan ito tumitira sa ngayon.
Yes. She had escaped away from him. Ganoon lang kadali para kay Lahynna na iwan siya at hindi iyon matanggap ni Rubick. Pakiramdam niya, paulit-ulit na nawawasak ang mundo sa harapan niya.
“HOW could you threw me as easily just like that, Lahynna Belle?” Puno ng hinanakit na sumbat niya sa asawa at isinalya sa mesa nito ang lintik na folder na naglalaman ng annulment papers. “Ganito lang kadali sa ‘yo na tapusin ang lahat sa atin? Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito? Hindi ka pa ba kontento na iniwan mo ako at gusto mo pang tuluyang burahin ako sa buhay mo? Hindi pa ba sapat ang lahat ng dinanas ko at ginagawa mo sa akin ito?”
Kahit lunch break ay hindi pinalagpas ni Rubick ang pagkakataon na harapin ang asawa. Na sa pagkagulat niya ay walang kaemo-emosyon ring hinarap siya. Eksaktong wala nang tao sa department nito maliban kay Lahynna.
“Yes. Hindi naman kita kailangan. Mas kailangan ka ng mag-ina mo.”
He was totally shattered. Her words were like daggers uncountedly stabbing his heart. She was so ruthless. At hindi niya mapaniwalaang ang asawa ang naririnig.
“Hindi mo ako kailangan?” Bumuga siya ng hangin.“Ganoon lang ‘yon? Just because you don’t need me anymore you’ll ditch me as easy as that?”
Oh, Lord! Why can’t You just take me now? Just fucking now!
“Yes. And besides, hindi ba sinabi mo na hindi ka tutulad sa father mo? You can’t be a father to your child if I had you.”
“What a fucking lame excuse?!” Dumadagundong ang boses niya sa buong laboratory department maski nasa filing space sila. Ginagawa niya ang lahat para makapagtimpi pero itinutulak siya ni Lahynna sa limit niya. “Ngayon ko nalang ito sasabihin at hindi ko na uulitin dahil pagod na pagod na akong ipagsiksikan sa iyo ang totoo. Hindi ko anak ang batang iyon. At kung suporta din lang ang kailangan ni Eina, ooh sure! I’ll give her what she wanted just for the sake of that fucking test result!”
Lahynna heaved a sigh. Hindi siya sigurado kung sign iyon ng pagbaba ng depensa nito at na naniniwala na ito sa kanya. Pero inabot niya ang mga kamay nito, sumunod na hinapit sa baywang at dinala sa kanyang dibdib.
How he missed her. He really missed his wife. He really missed holding her like that, feeling her, being with her. He had been in hell for months and this moment was like a piece of heaven. Na mabilis nitong ipinagdamot sa kanya nang kumawala na ito sa mga bisig niya.
“Then do it. Be a father to your son. Be a good father to your new family… I am setting y-you f-free…”
The words were said slowly. As if it was intended to kill him slowly and painstakingly. Pero kahit gaano kaingat ang pagkakabigkas nito, isa pa rin ang epekto. He died with her words she kept on stabbing him.
“‘Yon ba ang gusto mo?” He grimly asked her. He was between anger and pain. And any moment he will going to lost his control. “Then, sure!” Pinilit ni Rubick na huwag mabasag ang boses.
Hindi inaalis ang tingin na inabot niya ang folder. Binuklat iyon at mula sa suot nitong lab gown ay inabot niya ang ballpen sa breast pocket ng asawa. Saka wala ring tinginan na pinirmahan ang bawat pahina ng mga papel na para bang pumipirma siya sa sarili niyang death certificate.
“Lahat ng gusto mo, Belle, ibinigay ko at ibinibigay ko. And this one. It was killing me painfully yet, I will still give this to you. I will still do this for you to make you happy. So, be happy now!” Saka walang lingon-likod na lumayo sa asawa at lumabas ng department na iyon.
Ah. She was not his wife now. Sa sandaling maaprobahan na ang annulment ay tuluyan na ding matutuldukan ang meron sila ni Lahynna.
NANLULUPAYPAY at humahagulhol na napaupo sa swivel chair si Lahynna. Halos magiba ang pinto sa pagkakabagsak ni Rubick nang lumabas ito ng filing space sa laboratory department. She just did what she thought was right. Kahit gaano kasakit at kahirap ay nagparaya siya.
Pagkaalis niya sa bahay nilang mag-asawa ay sinilip niya ang anak ni Eina sa ospital para alamin ang kondisyon ng bata. At kahit ilang beses niyang pinaalalahanan ang sarili na hindi dapat makaramdam ng simpatya para sa mag-inang nagbabantang, kung hindi man mang-aagaw ay makihati sa kanyang asawa. Pero nang makapasok na siya sa hospital room ni Rain. Nang makita niya ang nakakaawang kondisyon ng bata, at nang marinig niyang wala itong ibang hinahanap kundi ang ama nito, hindi niya napigilan ang sarili na mapunit sa dalawa. Paano niya magagawang makipagkompetensiya sa isang musmos at may sakit pa, na tulad ng sa kanya? Paano niya magagawang ipagdamot dito ang kaisa-isang tao na pwedeng makapagbigay lakas rito para malagpasan ang kondisyon nito?
Nagdesisyon si Lahynna na lumayo muna. Malaking escape at alibi ang pagbalik sa trabaho at pagpapa-transfer sa main branch. Mas mabuti iyong nasa malayo siya at makakapag-isip na hindi naaapektuhan ng mga nasa paligid. Hindi iisang daang beses na pinag-isipan niya ang desisyong hiwalayan na ng tuluyan si Rubick. Hindi rin naman niya maibibigay ang nag-iisang bagay na makakakompleto sa kaligayahan nito.
Alam niya at nakita niya kung gaano kaligaya si Rubick nang ipanganak niya ang baby nila. By then, she felt like she had completed him. Pero nang mawala ang anak nila, nakita rin niya kung paano itong muling nawasak. Si Eina at Rain ang pwedeng bumuo at komompleto sa matagal nang pangarap ng kanyang asawa.
That must be very lame. And she maybe very coward. Hindi na niya kayang lumaban pa kung sa simula palang, alam na niyang talo na siya. She was being beat by her insecurities. It ruled over her and she surrendered.
Basa ng luha ang mukha niya nang abutin ang folder na isinalampak ni Rubick sa kanyang mesa. Mapait na tinitigan ang pirma ng asawa sa lower part ng papeles.
“I’m so sorry, Rubick. Puro sakit nalang ang ibinigay ko sa ‘yo. Pinaasa lang kita at sa huli ay binigo rin. Nasasaktan at pinahihirapan lang natin ang isa’t-isa and its better for us to part ways.” Nguyngoy ni Lahynna habang niyayakap ang folder.
Na-realized niya kung gaanong sakit at paghihirap ng loob na ang dinanas ni Rubick sa buong duration ng samahan nila. At hindi na tamang dagdagan niya iyon. He deserves to be happy. Matagal na itong nasasaktan at nahihirapan. Sa pamilya palang nito ay puro sakit na ang dinanas nito, pati ba naman sa buhay may asawa ay pahihirapan pa niya si Rubick? He deserves to be with someone who will make him happy more than she can.
“I’m so sorry. This is not easy for me too but I have to…”