CHAPTER 18

Six months later…

PABABA si Lahynna sa front porch nang marinig niya ang pamilyar na ingay na nagmumula sa may lawn area.

And surely, doon na naman nakatambay ang grupo sa malawak na grounds nila. Napansin niya ang kapatid na si Lanryd na nagmamadaling lumabas ng bahay dala ang bowl ng potato chips.

“Anong mayro’n?” Inginuso ni Lahynna ang direksyon ng lawn.

“Ah, may tournament ng DOTA 2. Kasama ‘yongteam namin sa championships.”

Namilog ang mga mata ni Lahynna sa excitement. “Talaga?”

Tumango si Lanryd at mabilis na siyang iniwan ng kapatid. Nagtatakbo ito papunta sa lawn. Malamang na excited din sa tournament. Ganoon naman palagi. Sa bahay nila madalas tumambay ang barkada ng kapatid at magpahanggang ngayon.

Wala pa rin palang nagbago…

Hindi na siya madalas umuwi sa Bohol para maiwasan na din ang masasakit na alaala. Pero kasi, mas masakit pala kapag nag-iisa.

Excited na dumeretso si Lahynna sa lawn para makinood din sa game ng grupo. Matagal na din siyang hindi nakakapaglaro. Madami na kasing nangyari sa buhay niya nitong nakaraan. Pasalamat nalang siya at kinaya niya ang lahat-lahat na hindi inaatake ng sakit. Ilang beses na siyang nagkaroon ng seryosong atake at iniingatan ng mga magulang na maulit ang mga iyon kaya hinahayaan siya ng mga ito na gawin ang sa palagay ng mga ito ay mas makagagaan ng loob niya.

Nahinto si Lahynna sa paglalakad nang matanaw ang pamilyar na pamilyar na bulto. At napahawak nalang siya sa sariling dibdib. Magkakahalong damdamin ang nagpapahirap sa kanya sa araw-araw at hindi niya alam kung paano pa niya nakakayanan ang mga iyon.

Kanya-kanyang sigawan na ang mga naroroon sa lawn dahil sa tuwa. Siguro ay nananalo ang team.

“Oy, Hynna! Aba, himala na lumabas ka ng lungga mo ngayon?” bati sa kanya ni Eina.

Sandali siyang luminga sa paligid. Hinahanap niya ang baby nito. Pero si Rubick ang naabot ng kanyang mga mata. Nilalaro nito ang bata na mahigit dalawang taon na. Para siyang sinaksak ng punyal sa tapat ng kanyang puso. Anak nila dapat iyon. Siya dapat ang nasa tabi ni Rubick. Siya dapat…

Pinilit ni Lahynna na patayin ang masamang damdamin. Hindi iyon makakabuti sa kalusugan niya. Tumayo si Rubick karga ang bata at iniabot kay Eina.

He was still that tall, over six feet and standing so attractive. Still lean but she knew that behind his semi-fitted polo, were the powerful muscles on his chest and shoulders. Dati nang maganda ang katawan ni Rubick pero sa tuwing dumadalaw ito sa DJP-Main, para bang parating may nagbabago rito. He always shows in her with so much improvements. And this recently, she noticed how perfect his sculpture is. Nag-gi-gym ba ito nitong nakaraan at naging ganoon kaganda ang katawan? Lumapad at gumanda ang hubog ng balikat nito. His skin was lightly tanned and it doubled his attraction. Tripled it with his snob and silent appearance.

God! What did she missed?

“Have to go. Umuwi na kayo pagkatapos ng game.”

Kung magiliw ang boses ni Rubick sa bata, kasing-lamig naman ng yelo nang si Eina na ang kausapin nito. Nanatili siya sa kinaroroonan habang minamasdan ang tatlo. Kahit naka-side view ay pansin niya ang ekspresyon ng gwapong mukha ni Rubick.

Pockerfaced itong sumilip sa laro ng grupo at puno ng reservation nang magpaalam sa mag-ina nito. Sa mag-ina nito na dapat ay siya at ang anak nila. At parang gustong kumawala ng puso niya nang sandaling bumaling si Rubick sa kanya.

His eyes were sad it poked her heart. His handsome face was devoid with emotions but his eyes said it all. He was such a lonely handsome man. At siya ang dapat sisihin sa lahat ng iyon.

Nagsimulang humakbang si Rubick palapit sa kanya. Napapalunok si Lahynna nang malapit na malapit na si Rubick sa kinatatayuan niya. Derektang nakatitig siya sa mga mata nito at ganoon din ito sa kanya. Pero nang tumapat na ito sa kanya ay para bang hindi siya nito nakita at lumagpas na, deretso palabas ng gate nila.

Walang lingon-likod na sumakay ito sa itim na four-wheel na hindi napansin ni Lahynna na naka-park pala sa tapat ng bahay nila. At parang gustong sumabog ng puso niya sa magkahalong sakit at pangungulila. Ni hindi siya nito tinapunan ng ilang sandali para batiin.

“Bye, Daddy! Uuwi agad kami.”

Pinigilan ni Lahynna ang mapahikbi. He wasn’t the same man who will look at her with so much love and adoration. Hangin nalang siya ngayon kay Rubick. At kapag natapos na ang proseso ng annulment papers nila, tapos na tapos na din sila.

Mayaman sina Rubick. At ipinagtataka niyang hindi pa ito kumikilos para mapadali ang proseso ng annulment. Dahil sa bagay na iyon kaya maski paano ay umaasa siyang hindi pa nagbabago ang isip ni Rubick. Hindi pa din nito gustong maputol ang dating meron sila.

May pag-asa pa. Sana hindi pa huli ang lahat ngayong gusto niyang bumalik.Siya ang nagtulak palayo sa asawa. Kahit na hinahayinan siya ni Rubick ng maraming alternatives para sa sitwasyon nila, itinulak pa rin niya ito palayo sa kanya.Ilang beses na lumapit ulit si Rubick sa kanya para kumbinsihin siya.

“Eina and Rain can live with my mother and I’ll provide for them. At tayo, bumalik tayo sa dati, Belle. Pwede pa tayong bumalik sa dati.”

“And then you will raise a bastard? May uuwian kang mag-ina sa kabila tapos uuwi ka sa akin dahil responsibilidad mong umuwi bilang asawa ko?”

“What the hell, Lahynna Belle!? Hindi lang basta obligasyon ang tawag do’n? I want to be with you for the rest of my life! Ikaw ang gusto kong makasama at hindi sila.” Singhal nito sa kanya na parang pinipigilan lang ang damdamin.

Malamig na sinalubong niya ang mga mata ni Rubick. “And you told me you will never repeat what your father had done before? Pero ang alternate na ibinibigay mo sa akin ay hindi malayo sa ginawa ng Daddy mo. Ang ipinagkaiba lang namin, kapatid ni Mommy Miranda ang naging kahati niya samantalang sa akin ay pinsan.”

Umawang ng malaki ang bibig ni Rubick. Pain crossed his eyes it slays her. Yet, she needs to stand strong in front of him.

“No, Rubick. Ayokong matulad kay Mommy Miranda na sa sobrang pagmamahal niya sa Daddy mo…”

“Damn you!” Sigaw ni Rubick sa kanya. Namumula ang mga mata sa nagbabantang mga luha. Pagkuway bumaba na ang boses. “You didn’t trust me anymore. Hindi ko agad iyon na-realize. Wala na nga tayong pag-asa pa.”

And now, she was suffering with the results of her decision. Because she was achingly missed him… he missed him so damn much! Dumaan at lumipas ang mga araw, linggo at buwan na hindi niya ito kasama. And all those times were like hell. She was like living deep down in the fiery pit of hell. Sa bawat sandaling hindi niya ito kasama, para siyang pinagdamutan ng hangin para huminga. Pinagdamutan ng umaga, para bumangon. Parang pinagdamutan ng tunog at kulay ang kanyang mundo. Para siyang tinakasan ng totoong buhay.

Ni hindi niya alam kung paanong nagsisimula at natatapos ang araw niya na wala ang totoong ibigsabihin ng salitang “buhay”. Yes, Rubick was her life… that was taken away from her. Ah… No. Siya ang nagtapon kay Rubick. Pinakawalan niya ito ng ganoon nalang. At napakahirap palang talaga na mabuhay na wala ito. She couldn’t imagine how her life would still move after letting him go. Ang tanga-tanga lang niya!

Gusto niyang kunin ulit si Rubick. Gusto niyang bumalik sa kanya ang buhay na pinakawalan niya, six months ago. Gustong-gusto niya.

Kaya lang… may babawiin pa ba siya matapos ang masasakit na damdaming ibinigay niya kay Rubick?

“Ate?! Halika dito, nananalo na kami!” sigaw sa kanya ng kapatid.

Pinilit niyang ngitian ulit ang kapatid. It’s been six aching months. Anim na buwan na ang matuling lumipas pero hindi pa din nauubos ang sakit. Paano ba naman? Lagi din silang nagkikita. Madalas ito sa main branch ng DJP kung saan siya nagpa-transfer. Balak na nga niyang humanap ng ibang trabaho pero somehow, ayaw niyang iwan ang kompanya. Ayaw niyang maputol ang koneksyon nila ni Rubick…

Just by seeing him… was the only thing that keeps her going. Ipinagdamot na nga niya ito sa sarili na makasama, pati ba naman ang makita ito ay ide-deprieve pa din niya?

“Ang galing nila, Hynna. The best talaga ang grupo natin.” Tuwang-tuwang sabi ni Eina habang karga ang bata.

Gusto niyang magalit kay Eina. O baka inggit ang nararamdaman niya sa pinsan at unti-unti iyong nauuwi sa galit. At hindi rin lubos maisip ni Lahynna kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ang babae para magpakita sa kanila pagkatapos ng lahat.

Hindi pinansin ni Lahynna si Eina. Hindi niya kayang makipag-plastikan rito kagaya ng ginagawa nito. Though sinabi ng kanyang mga magulang na kailangan niyang harapin ang mga taong nanakit sa kanya na may dignidad, hindi pa din niya kayang maging masaya para sa mga iyon.

“Saan kayo? Sentinel o Scourge?” pilit pinasiglang tanong niya sa mga ito.

“Scourge.” Sagot ni Damon sa tabi niya na sa laptop nakatutok ang mga paningin.

“‘Yong goblin dapat ang pinili mo, Damon!”

Pero wala na sa laro ang utak ni Lahynna. Nilipad na iyon papunta sa kakasakay palang sa Audi na lalaki. Weekend, ibigsabihin ay dederetso ito sa restaurant ng ina.

Ano kaya kung sumilip rin siya roon?

WALA sa parking space ang sasakyang dala ni Rubick kanina. Ibigsabihin ay hindi ito dumeresto doon sa Miranda’s Best. Napabuntong-hininga nalang si Lahynna. Hindi niya alam kung tutuloy pa sa loob ng restaurant o babalik na sa bahay para ayusin ang mga gamit dahil mamaya lang ay babalik na siya sa Cebu. Ilang buwan na naman ang bibilangin bago siya umuwi ulit ng Bohol.

And she missed this town very much. Sa huli ay nagdesisyon siyang pumasok sa restaurant. Wala si Miranda at ang bumati sa kanya ay ang dati pang manager ng restaurant. Kilala siya nito bilang asawa ni Rubick at magpahanggang ngayon ay kinikilala pa ding Mrs. De Juego.

“Thanks, Gerette.” Nakangiting saad niya nang ibigay sa kanya ng manager ang tagong mesa sa kaliwang bahagi ng restaurant. “So, what’s in the menu?”

“May bagong recipe si Ma’am Miranda. Baka gusto niyong subukan?”

Nagsimula itong ipakita sa kanya ang mga bago sa menu pero wala roon ang atensyon niya. Pasimple siyang nagtingin-tingin sa paligid at naghanap ang mga mata pero wala talaga roon ang hinahanap niya. Hindi siya nakatiis at nagtanong sa manager.

“Hindi ba dumalaw rito si R-Rubick?”

Umangat ang mukha ni Gerette sa kanya. “May ime-meet siyang client pero dederetso daw sila rito. Hindi pa nga lang po tumatawag kung on the way na.”

Bahagya siyang nagtaka. Kanina pang nakaalis si Rubick, bakit wala pa rin doon? Dinismiss niya si Gerette sa pagbibigay rito ng order niya at matyagang naghintay sa kanyang mesa. Pinagdiskitahan ni Lahynna ang cellphone at nag-games.

Damn! Mahina ang signal ng wifi!

“Hynna?”

Umangat ang mukha ni Lahynna pagkarinig sa pamilyar na boses.

“It was you, really!”

Ngingiti-ngiti si Robyn na basta nalang umupo sa couch sa tabi niya. Ilang beses palang niyang nakaharap ito. Ang una ay noong ikasal siya at ang mga sumunod ay kapag may okasyon sa bahay ng mga ito o di kaya ay kapag bumababa ng barko.

“Kuya Robyn? Kailan ka pa dumating?”

“Well…” Nagkibit-balikat si Robyn. “Hindi ba nabanggit ng asawa mo na ako na ang nag-take over ng management sa DJP rito sa atin?”

“Oh?”

‘At hindi rin ba nabanggit ng kapatid mo na pina-process na ang annulment namin at hindi na kami nag-uusap para may maidagdag sa grounds ng annulment?’

Gusto niya sanang sabihin pero pinigilan niya ang sarili.

“Yes.” Sabi nitong nakangiti pa din. “Bakit hindi niya sinabi sa ‘yo? Di ba nga kaya siya madalas sa Cebu kasi nagpa-transfer na siya do’n?”

Mas lalo niyang ikinagulantang ang narinig. Hindi niya alam na doon na din nagtatrabaho si Rubick. Oo at nakikita niya ito doon paminsan-minsan pero sa pagkakaalam niya ay para lang makipag-usap sa ama at may idini-discuss patungkol sa kompanya.

“K-Kailan pa?”

“Last week?” Biglang tumawa si Robyn. “Why so shock? Iyang asawa mo talaga.”

Last week… yes, last week nga ay napapadalas na nakikita niya si Rubick sa DJP-main. At madalas din na gusto niyang mainis na sa tuwing dadaan ito, parang humihinto ang mundo ng mga babae sa buong paligid. Kandabali ang leeg ng mga iyon sa paglingon sa asawa.

“Saang department?”

“Administrative.” Kibit-balikat ni Robyn.

Oh, that! Nasa laboratory department siya at hindi naman umaakyat sa itaas kaya paano nga niya makikita si Rubick? Isa pa, kung wala namang kinalaman sa obligasyon niya sa kompanya ay hindi naman niya binibigyan ng pansin.

Bigla niyang naalala ang minsang pag-uusap ng mga kasamahang laboratory analyst.

‘Grabe! Ang gwapong no’ng nasa itaas! Sana palagi akong ipatawag ni Sir para lagi akong makakasilay.’

‘Landeeeh, ‘te?’

‘Naku, bakla! Kung makikita mo lang ang bagong mukha sa administrative department. Oh, dear!’ Napapaungol na sambit ni Kiena. ‘The man was so handsome and really sexy! Grabe, laglag ang underwear ko!’

‘Talaga? Gusto ko ding makita. Kasing gwapo ba ‘yon ng asawa ni Hynna?’

‘Asawa ni Hynna?’

Sandali siyang natigilan nang marinig ang pangalan niya. Humina ang boses ng dalawa at sigurado siyang ang pinag-uusapan ng mga ito ay ang naging eksena nila ni Rubick noong sumugod doon ang asawa. Absent si Kiena nang araw na iyon at nakakasigurado si Lahynna na uusok ang tsimisan ng dalawa at siya ang magiging topic ng mga ito. But who cares? Maigi nalang at Polinar pa din ang nakasulat sa nameplate niya. Kapag nalaman ng mga ito na asawa siya ng isang De Juego, tiyak na lalo nang pinagpiyestahan ng mga ito ang buhay niya.

Ang nakakapagtaka lang, nag-iisa siya sa department nila nang sugudin siya ni Rubick. Ang sumunod at huli nilang komprontasyon ay sa labas na nangyari.

Mga tsismosa talaga.

‘Hynna? Pwedeng kami nalang ang mag-akyat ng report mo mamaya? Gusto ko ding sumilay sa gwapo do’n sa Administrative department.’

“Talaga?” Halos wala sa sariling nasambit ni Lahynna.

May ideya na siya ngayon na posibleng si Rubick ang pinagkakaguluhan ng dalawang kapwa niya lab analyst. Gusto yatang sumakit ng ulo ni Lahynna. Bakit nagpalipat roon si Rubick? Kaya nga siya nagpa-transfer sa Cebu ay para maiwasan na ito.

‘Pero hindi ka din naman ginugulo noong tao, anong problema mo, Lahynna Belle?’

“Anyways, malapit na ang birthday ni Mr. De Juego. Ang alam ko, magpapa-party siya. Nakatanggap ako ng inivitation. Pupunta ba kayo… nina Rubick?” Pagbabagong paksa niya para mailayo ang sarili sa kung anu-anong isipin.

“Ako hindi. Kahit tinanggap ko na ang pagma-manage sa DJP, hindi ko pa din kayang makita ang mga katibayan ng kalokohan niya.”

Tumigas ang mukha ni Robyn at hindi niya mapigilang titigan ito. Katulad na katulad ni Rubick kung mag-react ang kanyang bayaw. Both were dangerously gorgeous. Mas angat nga lang para sa kanya si Rubick.Hindi napigilan ni Lahynna ang mapangiti. Noon, kapag nasa ganitong mood si Rubick ay yayakapin lang niya ang asawa. And then, his clenching teeth will loosen. Saka ito gaganti rin ng yakap sa kanya and they will end up kissing and hugging.

“Hey?” Marahang tapik ni Robyn sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa. “Are you still with me? Bakit may iba akong nakikita sa mga ngiting iyan?” May panunukso na ang sulyap na ibinigay nito sa kanya.

“May naalala lang ako.” Sabi niya.

“I could guess.” Ngingiti-ngiti pa rin ang kanyang bayaw na napailing nalang siya. “You know, Hynna. I don’t exactly understand what is going on between you and my brother. Umalis ako na maayos kayo, at dumating na ang gulo-gulo ng sitwasyon. But…” He heaved a sigh and looked at her. “I wanted you to know na para sa akin, ikaw pa din ang sister-in-law ko. At ang mag-ina sa bahay ay… mga obligasyon.”

Nagsimulang mamasa sa luha ang mga mata ni Lahynna. She was really touched with what he said. Kaya lang, bakit ang sakit pa din? Siguro kasi, kahit anong magandang salita ang marinig niya, ang ending naman, babalik pa din siya sa masakit na reyalidad.

“Pero kailangan nating tanggapin na may mga bagay na hindi na pwede kahit gaano pa natin kagusto, Kuya Robyn.”

Mariing naglapat ang mga labi ni Robyn. And just like a while ago, sa paningin ni Lahynna ay si Rubick ang nasa harapan niya. They were just the same. O baka kaya ganito ang nakikita niya ay dahil name-miss niya ng sobra ang asawa. Sobrang miss na niya si Rubick. At ang bawat araw na dumadaan ay parang impyernong hindi niya alam kung paano niya natatagalan.

“Hynna…” Mahinang sambit nito na tinapik-tapik ang kamay niya. “I knew you still love my brother. And so he is. He loves you to distraction. And as I may add, you were the only solid reason why he became a better person. A lot better than before. Also, just to remind you, in love, chances are unlimited, Hynna. Nasasaktan tayo, nahihirapan, but all of it are part of the package. Hindi pwedeng parating masaya lang kapag nagmamahal. Kailangan din nating malungkot at masaktan minsan. Pero hindi ibigsabihin noon na susuko na at titigil na tayong magmahal. Pwedeng magpahinga, Hynna. Pero hindi pwedeng sumuko. Hindi dapat sumuko. Dahil kapag sumuko ka, hindi mo na malalaman kung ano ang nasa dulo.”

Naipikit ni Lahynna ang mga mata at para mai-digest ng husto ng isip ang sinasabi ng bayaw. Alam naman niya iyon. Masyado lang siyang bingi sa ideyang iyon. Masyado siyang nilamon ng insecurities. Pero paano niya aayusin ang bagay na nasira na niya?

‘Sabi nang huwag magdesisyon out of intense emotion eh! Ano? Nagsisisi ka na ngayon, Lahynna?’

“You must be inlove.” Nasabi niya nang magmulat ng mga mata.

Ngumiti ng malapad si Robyn sa kanya saka kumindat. Natawa nalang siya. “Love changes many things. Specially people.”

Mukhang nahuhulaan na niya na isang babae ang dahilan kung bakit nakakapagpayo ito ng ganoon. Itatanong na sana niya kung sino ang maswerteng babae nang may biglang tumikhim sa harapan nila. Sabay silang napalingon roon. At bigla din ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Rubick was gazing grimly and intently at them. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang hinila ang kamay niyang dinudutdot lang naman ni Robyn kanina. May pakiramdam siya na parang sinisibat ng matatalim na mga mata ni Rubick ang kamay nila ni Robyn.

“The client is here.” Sabi nitong alam niyang para sa kapatid pero sa kanya naman direktang nakatingin.

Pakiramdam ni Lahynna ay tumatagos ang mga titig nito hanggang sa kanyang kaluluwa.At hindi niya alam kung paanong sasalubungin ang mga mata nito. Bakit ba siya pa ang nagi-guilty sa paraan ng condemning look na ibinibigay ni Rubick sa kanya eh wala naman siyang ginagawang masama.

“Good.” Nakangiting sabi ni Robyn at bumaling sa kanya saka siya tinapik ng marahan sa pisngi. “Transfer na ako sa table namin.” Paalam nito na napilitan siyang ngumiti.

Nakaalis na si Robyn pero nakatayo pa din si Rubick sa harapan niya.

“Stop flirting with my brother, my dear wife. Hindi pa naaprobahan ang annulment natin kaya akin ka pa din! Bigyan mo naman ako kahit konting respeto.”

Umawang ng malaki ang bibig ni Lahynna sa pagkabigla sa pagiging territorial nito. Idagdag pang matalim ang tono ng pananalita ng asawa.

“I’m not flirting, damn you!” Mahina pero pagalit na sikmat ni Lahynna sa asawa. “He was just being nice. After all, naging parte din naman ako ng pamilya ninyo.” Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang sarili habang nakikipaglaban ng titigan sa asawa. Nai-stress siya kapag ganitong marahas makitungo sa kanya si Rubick. “Or baka naman pagkatapos mong pirmahan ang annulment ay matic na inalis mo na din ako sa pamilya?”

Nakita niya kung paano maggalawan ang mga bagang ni Rubick habang nakatitig sa kanya. Tumalim din ang mga mata nito. But she didn’t put her armour down. Sinalubong niya ng may kasing intensidad ang mga titig ng asawa. She wouldn’t back down.

Gustong mapabuntong-hininga ni Lahynna. Paano nga sila magkakaayos kung ganito na nagpapatigasan sila? Pero ang mas malaking tanong, maaayos pa ba? Pakiramdam niya kasi, nasagad na niya si Rubick. Siya na rin ang umubos sa pag-ibig nito sa kanya. Ilang beses niya itong itinapon, tapos ngayon… magsisisi siya?

“Hindi ako ang unang bumitaw, Mrs. De Juego. Kaya ‘wag mo akong binabato.” Pagkasabi noon ay tinalikuran na siya ni Rubick.

Sinimulan namang iserve ang kanyang pagkain. At nawalan siya ng pakialam sa nagse-serve sa kanya dahil ang atensyon niya ay lumilipad papunta kay Rubick. Kung may ilang beses niyang pinigilan ang sarili at pinaalalahanang wala siyang karapatang mag-inarte habang nakikita kung paanong magpapansin ang magandang babaeng kasama ng magkapatid sa table. Iyon ba ang client ng mga ito? Bakit parang hindi naman business ang pinag-uusapan kung halakhakan ng tatlo ang basehan? At bakit ganoon kung lumingkis ang maputing braso ng babae sa braso ng asawa niya?

Hindi siya nakatiis, binayaran lang niya ang pagkain at lumabas na siya ng restaurant. Pakiramdam niya ay may sumasakal sa dibdib niya at hindi siya makahinga.

Nakakairita ang eksena sa loob!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.