CHAPTER 20

WALANG ganang nanonood si Lahynna sa paligid mula sa floor to ceiling glass panel wall. Abala ang lahat sa pagsososyalan sa birthday ng matandang De Juego pero siya ay mag-isang umiinom sa isang bahagi ng receiving area. Nasa labas ang party pero nagkukuta siya roon sa loob. Wala naman sana siyang balak na pumunta sa party kung hindi lang siya personal na pinuntahan ng celebrant sa departmet nila at kinumpirma na pupunta siya. Nakahiyaan na niya ang boss.At gusto niya ngayong magsisi. Dahil naroroon din si Rubick. At ang mag-ina nito. Napakasakit at napakahirap makitang masaya ang tatlo. Samantalang dapat ay maging masaya na rin siya para sa mga ito.

Pero paano siya magiging masaya kung sa bawat tao roon, ang kinikilalang mag-ina ng kanyang asawa ay si Eina at Rain. Hindi pa naaaprobahan ang annulment nila pero kung kumilos ang pinsan ay parang ito na ang legal na asawa.

“Bakit mag-isa ka rito?”

Mula sa pagkakasalampak sa couch doon sa recieving area ay napaunat ng upo si Lahynna at inayos ang sarili. Malapad ang ngiti sa kanya ni Lax, ang new hired lab analyst. Natutuwa siya sa lalaki dahil friendly ito, sa labas o sa loob man ng trabaho. Gumanti ng ngiti si Lahynna.

“Well, hindi ako mahilig sa party. Nahiya lang ako kay boss kaya ako pumunta dito.”

Napatango-tango si Lax at iniangat ang sariling baso na parang nagyaya ng toss. Nagbigay naman si Lahynna saka tahimik na sumimsim sa sariling baso. Ang lalaki ay nanatiling nakatitig sa kanya.

“Nasabi ko na ba sayong napakaganda mo, Lahynna?” Tila hindi nakapagpigil na sambit ni Lax.

She smiled at him and raised her right hand to show her wedding ring. “Oh, right!” Nanghihinayang na napaungol ang lalaki. “So, totoo na you are married? And on process ang annulment?”

“Nakikinig ka pala sa tsismis.”

“No. I just overheard dahil madalas na pag-usapan ka ng ibang lab analyst kapag break time.”

Mapait na napatango-tango nalang si Lahynna. Kaya nga hindi niya i-expose ang totoo sa DJP-main dahil alam niyang magiging pulutan siya ng tsismisan. Ayaw niyang kaawaan siya o ‘di kaya ay husgahan ng mga ito ang asawa. Eto nga na hindi naman niya ginagamit ang apelido ni Rubick pero hindi pa din siya nakaligtas sa tsismisan.

Naramdaman ni Lahynna ang isang mahinang tapik sa kanang balikat. “It’s okay. Ganoon talaga ang magaganda, parating pinag-uusapan. Parang showbiz.” At binuntutan nito ng tawa ang sinabi.

Siguro para pagaanin ang loob niya. She was so thankful there was someone like Lax who was willing to accompany her. Nababawasan ang pagseself-pity niya kapag nakikita ang bagong pamilya ni Rubick.

Natawa nalang din si Lahynna. “Hindi ako maganda. Cute lang.”

“Humble ka pa, pareho na din ‘yon.” At tumatawang nakipag-toss ito ulit sa kanya.

“Hindi ba nasabi ko na sayong hindi ka dapat umiinom ng alak?! Nasa first trimester palang ang baby natin at gusto mong maapektuhan iyan ng iniinom mo?”

Napasinghap si Lahynna nang marinig ang dumadagundong na boses mula sa kanyang likuran. Napalingon siya roon at ganoon nalang ang ngitngit niya nang makitang lumalapit ang nakasimangot na gwapong mukha ng asawa. Kitang-kita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. Napatayo ng hindi oras si Lahynna habang malalaki ang hakbang na lumapit si Rubick sa kanila.

“What the—”

“What the hell, Lahynna?! Hindi porke party ito ay papayagan na kitang uminom. I am just concerned with the baby!”

Ikinalito ni Lahynna ang mga pinagsasabi ng asawa. Hindi siya buntis kaya bakit umaarte ng ganito si Rubick? Napansin niya ang biglang paglayo ni Lax at noon niya naintindihan ang gustong mangyari ni Rubick. Ipinapahiya siya nito sa kausap.

“Damn you!”

Galit na ibinaba ni Lahynna ang wine glass sa center table at pahaklit na hinila ang kwelyo ng polo ng asawa.

“Anong karapatan mong gawin sa akin iyon, ha, Rubick?!”

Hinablot ni Rubick ang kamay niya at hinila siya papasok sa isang silid na malapit lang sa kinaroroonan nila. Hindi niya alam kung bakit siya sumama. Siguro dahil ayaw din naman niyang may makakita sa kanila na nag-aaway.

“I still have the right to stopped you from flirting with other guy since the annulment haven’t been approved yet! Alam ng karamihan sa mga bisita na asawa pa din kita.”

“Oh, really?” sarkastikong ngumiti siya. “Alam ng mga tao na may asawa at anak ka na at hindi ako ‘yon! Si Eina ang asawa at si Rain ang anak mo. Baka nakakalimutan mong maliban kay Kuya Robyn at Mommy Miranda ay wala nang ibang dumalo sa kasal natin galing sa side mo. Kaya paano nila malalaman? Don’t worry, hindi ka naman magmumukhang iniiputan sa ulo kahit makipag-usap ako sa ibang lalaki.”

Nagngingitngit at parang sasabog ang dibdib ni Lahynna. There, nailabas niya din ang kanina pa niyang tinitimping sama ng loob at selos. Sana ay lamunin nalang siya ng sahig ngayon para matapos na ang lahat ng pangit na pakiramdam na bumabagyo sa loob niya.

“At wala kang karapatang ipahiya ako sa bagong kaibigan ko!” Galit na dagdag sikmat niya sa asawa.

Umigkas ang gilid ng mga labi ni Rubick sa nang-uuyam na paraan. “Kaibigan, huh?” singhal nito. “Kaibigan? Baka naman lalaking ipapalit mo sa akin. Kaya ba atat na atat ka nang maaprobahan ang annulment papers? Kaya ba ganoon nalang ang pagkainip mo sa process ng annulment? Sinabi ng abogado, naka-schedule kang makipagkita sa kanya this week.”

“Yes to the last. Pero mali ang iniisip mo. Wala akong balak makipag-affair sa kahit kanino.”

Nalilitong napatitig siya kay Rubick. Oo at balak niyang makipagkita sa abogado nito. Gusto niyang humingi ng legal advice kung papaano patigilin ang process ng annulment. Since mukhang wala na namang pakialam si Rubick sa annulment nila, umaasa siyang mas magiging madali ang lahat.

“Hindi ba? Kaya nga ayaw mo nang bumalik sa akin ‘di ba? Kasi may mas higit kang nakita kaysa sa akin. Oh, yes. That Lax, guy! Maganda nga naman ang credentials niya. Galing sa magandang pamilya. May sinasabi din sa buhay.” Mapait na ngumiti si Rubick. Dinig niya ang bahid ng insecurities sa tinig nito at gusto niya itong takbuhin at yakapin at pawiin ang lahat ng iyon. He was greater than anyone else. He was the greatest man for her. “But guess what Belle, mawawalan ng trabaho ang Lax na iyan kapag hindi ka pa niya nilayuan. At gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang annulment! Hindi ka magiging masaya, Lahynna Belle. Isinusumpa ko iyan!” Galit na galit na singhal nito sa kanya.

Hindi niya alam kung dapat na siyang matuwa dahil may isang bahagi sa sinabi nito ang pabor sa kanya. Pero mas nag-alala siya na may madamay pa sa gulo nilang mag-asawa.

“What the hell are you talking about, Rubick?!" Pigil ang pagkawala ng galit ni Lahynna. “You should stop throwing stones on me! You are driving me mad!”

“And you are driving me fucking murder!” Balik-sikmat nito sa kanya. Pinapantayan ang intensidad ng kanyang galit.

Sa gigil niya ay nahablot niya ang kurbata nitong hindi naman maayos ang pagkakatali!

“You, idiot! You don't know what you are talking about! Shut up!"

Sa pagtataka ni Lahynna ay natahimik si Rubick. It's not so him who would shut up when she said so. Sa nakaraang mga buwan na palagi silang nagkakairingan, hindi ito nagpapatalo. Papantayan at sasabayan nito ang galit niya and no one from them would back out. Kaya nga hindi nila maayos ang kanilang gusot dahil pareho silang nagpapataasan. But she realized something directly from his eyes. And it hits her.

Passion, need, longing and desire were rolled into one. And all were mirrored from his very eyes. Bumuka ang bibig nito para magsalita. Mahina. Sa sobrang hina parang ayaw na din nitong iparinig sa kanya.

“Then make me... Shut up... Like fucking now.” paos ang boses ng asawa at puno ng pagsuyo pero may kahalong paghahamon.

Parang sinibat ng mainit na sensasyon si Lahynna. Damdaming matagal niyang pinanabikan at ang asawa lang ang may kakayahang magparamdam sa kanya. Hindi niya napigil ang sarili at tumapon ang katawan palapit sa asawa. Sinalubong naman siya ng pasibasib na halik ni Rubick. And they were kissing savagely and hungrily. Matagal at halos ayaw maghiwalay ng mga labi nila na para bang sabik na sabik at uhaw na uhaw sa isa't-isa.

Halos hindi na sila humihinga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Derektang nakatitig ang nag-aapoy na mga mata ni Rubick kay Lahynna at ganoon din siya rito.

And as if their eyes speak their feelings out. Nang haklitin ni Rubick ang coat nito, pahubad sa katawan ay hinaklit naman ni Lahynna ang itim na blazer ng red fitted mini-dress. Sinalubong niya ang papalapit na si Rubick at nagmamadaling hinubadan ang isa't-isa. Mararahas ang mga pagkilos na halos hindi na nila namalayan kung sino ang naghubad kanino. Kung sino ang humalik kanino. Isa nalang ang malinaw sa kanila ngayon. Sabik na sabik sila sa isa't-isa. Gusto niyang pagbigyan ang sariling pangangailangan kaya walang pagdadalawang-isip na isinalya niya ang lahat ng inis at sama ng loob palabas ng bintana.

Sa isang sandali ay karga na si Lahynna ng malalakas na braso ni Rubick at ibinaba sa ibabaw ng kama habang walang sawa at walang ubos sa pananabik na hinahalikan nila ang isa't-isa.

“I missed you... I’ve missed you like hell, Lahynna Belle.”

NAGISING si Lahynna sa nakasisilaw na tama ng liwanag ng araw mula sa siwang ng glass panel curtain. Liwanag na pala. Ni hindi niya namalayan kung paano sila nakatulog na mag-asawa habang paulit-ulit na pinagliliyab ang kama doon sa guest room. Babangon na sana si Lahynna at kakawala mula sa mga braso ni Rubick pero kumilos ang asawa at possessive na hinapit siya palapit sa katawan nito.

Hindi napigilan ni Lahynna ang mapangiti, maski sa pagtulog, ayaw siyang pakawalan ni Rubick. Kagabi niya napatunayan kung paano siyang naghihirap at nasasabik sa asawa ay mas matindi pa pala ang nararamdaman nito. Hindi iilang beses siyang napaluha habang ibinubulong nito ang pangungulila sa kanya. At alam niya, maski hindi sila mag-usap, babalik na sila sa dati. Siguro, mamaya ay kailangan nalang niyang linawin rito ang dahilan ng balak niyang pakikipagkita sa abogado.

Marahang kumawala si Lahynna sa asawa at hinila ang manipis na bed sheet para itapis sa katawan. Kinumutan niya rin ang asawa. Hahayaan muna niyang makapagpahinga si Rubick. Kailangan na din niyang umuwi sa bahay at aayusin na niya ang gamit. Para kung sakaling magyaya si Rubick na lumipat siya ay nakahanda na ang lahat. Hindi na siya makapaghintay na magkasama ulit sila ng asawa sa iisang bubong.

Kalalabas palang ni Lahynna sa guest room nang masalubong naman niya ang pababang si Eina. May bitbit itong feeding bottle na siguro ay ginamit ng nakaraang gabi. Saka walang pakundangang sinutsutan ang isa sa mga katulong, pabastang iniabot ang mga dala-dala at inutusang linisin iyon ng may pagmamadali. Napailing nalang si Lahynna sa kagaspangan ng ugali ng pinsan. Bago palang ito sa pamilya De Juego pero parang donya at reyna ng masyon na iyon kung makapag-utos.

Nagsimula siyang humakbang palabas ng maramdaman ang paghaklit ni Eina sa braso niya.

“So, dito ka pala natulog? Sino ang nagbigay sa ‘yo ng guest room? Bakit hindi ko alam?” Malditang sita sa kanya ni Eina.

Naipaikot pataas ni Lahynna ang mga mata. Hindi ganitong Eina ang nakita niya noong nagmamakaawa ito sa kanilang mag-asawa na tulungang maipagamot ang anak nito. Ang laki nga naman ng nagagawa ng pera para baguhin maski ang pag-uugali ng isang tao.

“Walang nagbigay sa akin. Nakatulog kami do’n ng asawa ko habang nagsososyalan kayo kagabi.” Sabi niyang may paghahamon ang tono. Idiniin pa niya ang dalawang salita.

Nakita ni Lahynna ang paglatag ng gulat sa mga mata ng pinsan. At sakaagad na napalitan ng galit. Akala nga niya ay sasakmalin siya nito nang makita ang pag-aapoy ng pagngingitngit sa mga mata nito.

“Pwede ba, Lahynna? Pakawalan mo na ang asawa ko! Annulment nalang ang hinihintay at dahil sa lintik na annulment na iyan, hindi ako mapakasalan ni Rubick.”

Umigkas ang kilay ni Lahynna at nang-uuyam na ngumiti sa pinsan. Hindi niya akalain na ganito na kataas si Eina. Sobrang taas na ng mga pangarap nito.

“You must be dreaming, my dear cousin...” Mapaklang aniya. “Ako pa din ang legal na asawa. At ‘wag mong maangkin-angkin ang hindi sa ‘yo. Anak lang ang meron ka na pinanghahawakan sa kanya. Pero ako ang mahal ni Rubick. Isaksak mo iyan sa kukote mo.” Humugot ng malalim na hininga si Lahynna. “And just so you know, nagbabalak na akong bawiin ang asawa kong ipinahiram ko sa anak mo. Pasalamat ka at hindi ako sobrang makasariling tao. Hindi ko nagawang ipagdamot sa anak mo ang ama niya maski iyon naman talaga ang gusto kong gawin.”

Nakita ni Lahynna kung paanong nagtimpi sa galit si Eina. Pagkuway napunit ang sarkastikong ngiti. “Pinahiram?” Kulang ay humalakhak ito sa harapan niya sa lapad ng ngiti nito. “Para sabihin ko sa ‘yo, hindi ko hiniram si Rubick. Kusang ibinigay ni Rubick ang oras niya para sa anak niya. Kung nakikita mo lang kung gaano kasaya si Rubick sa tabi naming mag-ina. Palibhasa kasi, naipaparamdam namin sa kanya ang pagiging kompleto. Kami ang bumubuo sa nasirang pamilya at pinangarap niyang mabuo. Samantalang ikaw Lahynna?” Puno ng pangmamaliit na sinuyod siya nito ng tingin. “Bukod sa magandang mukha at magandang reputasyong meron ka, ano pa ang maipagmamalaki mo? Ni hindi mo nga siya mabigyan ng anak na alam nating siya lang makakapagligaya kay Rubick. Anak na bubuo ng isang masayang pamilya na nawala sa kanya ng matagal na panahon. Ako… ako ang makakapagparamdam sa kanya ng pagiging buo at kompleto, Lahynna. So, back down! Wala kang maipagmamalaki sa akin kundi ganda. Hindi mo siya mapapasaya.” Pagkasabi noon ay tinalikuran na siya ni Eina at umakyat sa grand staircase.

Parang sinampal ng kaliwa’t-kanan si Lahynna na itinarak sa kinatatayuan. Aaminin niya maski masakit na tama si Eina.

Tama ito sa bahaging iyon. Pero…

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.