Chapter FTCM3: MFTS 24

"Ang lambot ng karne. Bagay na bagay sa fresh na gulay. Sobrang sarap ng sabaw. Tapos umuulan pa sa labas. Sarap mo talagang magluto, Lilybeth," puri ni Beliza sa pinsan ni Jeyrick habang kumakain sila ng hapunan sa kusina. "Ngayon lang ako nakatikim ng ganito."

Bahagya siyang nag-review matapos mag-miryenda kanina. Kinatok siya ni Beliza para sabihin na handa na ang hapunan. May tinolang usa nang nakahain at perfect para sa malamig na panahon.

"Naku! Hindi ako ang nagluto niyan. Si Cardo na pinagluto ko dahil mas magaling siya sa mga usa-usa. Kapatid ko ang nakahuli," paliwanag ni Lilybeth na sunud-sunod din ang subo. "Sabi ko nga pwede na siyang mag-asawa. Girlfriend na lang ang kulang."

"Di ba maraming may gusto sa iyo sa Barlig?" tanong niya kay Cardo. "Wala kang gusto sa kanila?"

Natawa lang si Cardo. "Wala. Busy pa ako."

"Busy daw. May gusto iyan. Di lang alam kung bakit di niya ligawan. Natotorpe yata," kantiyaw ni Lilybeth dito.

"Oy! Hindi ako torpe," tanggi ng lalaki. Bumaling sa kanya si Cardo. "Pero masarap ba talaga ang luto ko?"

"Oo. Ipatikim mo sa babaeng gusto mo. Tingnan ko lang kundi ka niya pikutin," sabi niya at sumubo ulit.

"Hindi naman ako nagmamadali. Kaya ko siyang hintayin hanggang handa na siyang tanggapin ako sa puso niya. Hanggang di pa siya ikinakasal sa iba, maghihintay ako," sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya.

Tinampal ni Lilybeth ang pinsan sa balikat. “Pag-ibig na talaga ‘yan. Kaso di ka naman kaya tumandang binata niyan kahihintay sa kanya?”

“Sana hindi,” sabi ng lalaki habang nakatitig pa rin sa kanya.

Hindi makagalaw Beliza sa kinauupuan. Kahit ang puso niya ay tumigil sa pagtibok at na-freeze ang lahat ng senses sa katawan niya. Bakit nakatitig pa rin si Cardo sa kanya? Parang kinakausap siya ng mga mata nito. Parang siya ang babaeng tinutukoy nito. Mahal pa rin siya nito?

Iniwas niya ang tingin dito at pinag-usapan na ng mga ito ang tungkol sa pagbili ni Lilybeth ng lupa at patataniman daw nito ng mansanas. Sinabihan pa sila nito kung paano mag-invest habang bata pa.

Pero di pa rin nawawala sa isip niya kung sino ang babaeng gusto ni Cardo na di pa rin nito nililigawan hanggang ngayon. Nagre-review siya pero lumulutang ang utak niya kung sino ang babaeng iyon. Wala tuloy siyang maintindihan sa reviewer niya. Parang sumasayaw ang mga letra.

Si Glenda ba? Kumusta na ba ang babaeng iyon? Iniwan naman ako ni Cardo dahil sa kanya. Di ba pa sila? Patay na patay sa kanya ang isang iyon.

Sinubukan niyang mag-connect sa internet para mahanap sa Facebook si Glenda pero di siya makakonekta. Walang signal sa lugar na iyon.

Nasabunutan na lang ni Beliza ang sarili sa sobrang frustration. “Bakit ba siya ang iniisip ko? Bakit ba hindi ako nagre-review?”

Sa huli ay sumuko din siya at naisipang magtimpla ng kape. Baka sakaling magising siya at matauhan kapag nakainom ng matapang-tapang na Barlig coffee. Tahimik na ang kuwarto ni Lilybeth nang madaanan niya. Marahil ay tulog na ito. Napagod din ito sa pag-aasikaso sa kanya.

Marahan siyang bumaba ng hagdan. Nagulat pa siya nang makitang nakahiga sa sofa sa sala si Cardo. Yakap nito ang sarili at mukhang namamaluktot sa lamig. Ano bag ginagawa nito at sa sala ito natulog? May kuwarto naman ito sa taas. Wala pa itong unan. Paano ito makakatulog nang mahimbing?

Gigisingin sana niya ito pero naisip niya na baka maputol pa ang tulog nito. Naglaba na ang lalaki kanina at ipinagluto pa sila. Ito rin ang nagligpit ng pinagkainan at pinaglutuan. Habang buhay prinsesa siya sa bahay nito. Gagawin na lang niya na komportable ang tulog nito.

Umakyat si Beliza at pumasok sa kuwarto nito. Kumuha siya ng kumot at unan. Binitbit niya gamit lang ang isang kamay. Tinapik niya ang balikat nito. “Cardo.”

Bigla itong bumalikwas ng bangon at pagtayo ay pumorma na parang makikipaglaban. “Beliza!” usal nito at saka kumurap. Binuksan nito ang isang kahon ng DVD collection ng Discovery Channel pero baril pala ang laman. Dali-dali itong pumunta sa tabi niya at luminga sa paligid, nakikiramdam. “Anong nangyari? Bakit ka nandito? May nakita ka bang kahina-hinala sa kuwarto mo? Tingin mo ba nasa labas ang stalker mo?”

“Cardo, relax ka lang. Walang kalaban.”

Safe ang pakiramdam niya sa bahay ni Cardo. Ni walang naliligaw na ibang tao doon at tanging patak ng ulan at huni ng kuliglig at palaka lang ang maririnig.

“B-Bakit ka nandito? Saka bakit ka may dalang unan at kumot?” Kinuha nito ang unan at kumot sa kanya at inilapag sa sofa. “May masakit ba sa iyo?”

Umiling siya. “Di lang ako makapag-review na mabuti. Ang hirap mag-focus.”

“Siguro dahil magulo ang buhok mo.”

“Ha?” usal niya.

“Magulo mo ang buhok mo kaya di ka makapag-review na mabuti. Kulang ka lang sa suklay.”

“Excuse me?” nakataas ang kilay niyang tanong. “Sinasabi mo ba na pangit ako kaya hindi ko makuha ang pinag-aaralan ko?”

“Wala akong sinasabing pangit ka. You are stressed. Dati kapag pressured ka o stressed ka sa mga quizes at exam mo, lagi mong nasasabunutan ang sarili mo sa kaiisip. Lalo ka tuloy nafu-frustrate. Come on, susuklayan kita.”

“At bakit?” tanong niya.

“Baka mas ma-relax ka. Dati kapag sinusuklayan kita, nakakapag-focus ka ulit,” nakangiting sabi nito.

“Noon iyon. Marami nang nagbago.”

Matagal na panahon na siyang di nagpapasuklay sa iba kapag stressed siya o aligaga sa pagre-review. Kaya naman niyang magsuklay mag-isa. Isa iyon sa mga habit na kinalimutan niya mula nang mag-break sila ni Cardo.

“Bakit di natin subukan? Pagkatapos kitang suklayan, tutulungan kitang mag-review. Siyempre ipagtitimpla din kita ng kape mo.” Iginiya siya nito paupo sa sofa. Itinabi muna nito ang baril bago nito binuksan ang TV. “Manood ka muna. Babalik din ako.”

Pumunta muna ito sa kusina. Nagsalang siguro ng kape. Maya maya pa ay bumalik ito at tinanong ang reviewer na kailangan niya. Umakyat ito sa kuwarto niya, may dala itong reviewer sa Business and Law Taxation at suklay.

Umupo si Cardo sa tabi niya at umupo naman sa sahig si Beliza. But she had that rigid pose still. “Hindi ka mare-relax kung hindi ka sasandal. Susuklayan lang kita. Hindi kita aawayin,” anang lalaki sa malumanay na boses.

Dahan-dahan siyang sumandal at pilit na nag-focus sa TV. Pero wala naman siyang naiintindihan sa palabas sa cable tungkol sa isang underwater archaeological documentary. Umuugong ang tainga niya habang pinakikiramdaman ang presensiya nito sa likuran niya. Sa halip na suklay, sumayad sa ulo niya ang mga daliri nito. Kumarayod ang dulo ng daliri nito sa anit niya at minasahe ang ulo niya.

Umungol na lang ang dalaga. That was good. She won’t say no to a head massage. Bumaba ang kamay nito sa balikat niya. Parang marshmallow na lang siya na natunaw at hinayaan ito. Matapos siyang muntik mamatay kahapon at sa lahat ng sakit na naramdaman niya, ngayon lang siya nakadama ng totoong sensasyon. It made her feel human. She could finally feel the sensation coursing through her veins.

“See? Stressed ka lang talaga,” sabi ng binata.

“Ikaw ba naman muntik nang mamatay, sino ba ang di mai-stress,” usal niya. Tapos ay malaking palaisipan pa sa kanya kung sino ang babaeng gusto ni Cardo. Wala naman siya dapat pakialam doon pero di lang mawala sa isip niya. Di rin niya alam kung bakit.

“Tense ka na naman,” sabi ng lalaki at tumigil sa pagmamasahe sa balikat niya.

“Sorry,” aniya at hinayaan ulit ang sarili na mag-relax.

“Huwag kang mag-alala. Sinabi ko naman na safe ka dito.”

“Kaya ba dito nakatulog sa sala?” tanong ng dalaga at pinatay ang TV. Wala rin naman siyang naiintindihan sa palabas. Mas gusto niyang pakinggan ang boses ni Cardo at ang patak ng ulan sa labas. It was soothing.

“Wala namang ibang papasukan ang mga gustong manakit sa iyo kundi dito lang. May mga aso din sa labas kaya tatahol ang mga iyon kapag may tao.”

“Di mo naman kailangang pahirapan ang sarili mo kung babantayan mo lang ako.Ni wala kang kumot o unan dito.”

“Wala pa iyan sa naranasan ko sa training at nang maging pulis ako. Sanay akong matulog sa lupa o sa semento nang walang unan o kumot.”

“Pero hindi dito sa bahay mo. Nakakahiya naman na buhay prinsesa ako sa bahay mo tapos dito ka lang natutulog.”

“Parte naman ito ng trabaho ko.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.