Chapter FTCM3: MFTS 32

BUMALIKWAS ng bangon si Beliza nang marinig na tumunog ang cellphone niya. Nataranta siya nang makitang tumatawag si Lolo Pio, ang adviser at handler ni Jeyrick. “Hello. Good morning po, Lolo,” bati niya dito at sinuklay ang buhok.

“Pasensiya na kung nagising kita. Lipat ka na dito sa kabila. Mag-agahan na tayo.”

Nag-text siya kay Cardo. Ano nang nangyari doon? Baka naligaw na sa Maynila. Nakalimutan niyang mag-alarm para ma-monitor kung nasaan na ito. Pero nakahilamos na at nakapag-sepilyo ay wala pa rin itong reply.

Tinawagan niya ang cellphone nito pero ring lang nang ring. “Hala! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya,” nag-aalala niyang usal.

Sunud-sunod ang katok niya sa condo nila Jeyrick. Kailangan niyang sabihin dito ang plano ni Cardo na lumuwas. Bumukas ang pinto. “Jeyrick si Car...”

“Good morning!” bati ni Cardo sa kanya na nakasuot pa ng apron at may hawak na sandok. She felt relieved and nostalgic at the same time. Bumalik siya sa panahon sa Lias kung saan ito ang nagluluto para sa kanya.

Niyakap niya ang lalaki. “Nandito ka na pala.”

“Hindi ako si Jeyrick,” sabi ng lalaki.

Tiningala niya si Cardo. “Ha?”

“Hindi ako ang boyfriend mo.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Beliza at kumalas sa lalaki. “S-Sorry. H-Hindi ko alam bakit ko ginawa iyon. Inaantok pa siguro ako.” Because you miss him. But you can’t say it out loud.

“Umupo ka na sa mesa. Matatapos na akong magluto,” kaswal na sabi ni Cardo na parang walang nangyari.

Nakayuko siyang umupo sa mesa at hindi na nakumusta ang lalaki dahil lumabas na sina Jeyrick at Lolo Pio mula sa kuwarto. Kalaunan ay dumating na rin ang iba pang staff na mag-a-assist sa binata. Sinabayan siyang kumain ng mga ito. Sana lang ay walang nakakita nang yakapin niya si Cardo.

It was wrong. Pero masaya siya habang yakap nito.

“Salamat dahil sasamahan mo si Beliza sa review school,” sabi ni Jeyrick kay Cardo. “Bakasyon mo ito pero nakakaabala kami...”

“Kaibigan ko si Beliza. At alam ko kung gaano niya kagusto na makapasa sa board exam. Maliit na bagay lang ito,” sabi ni Cardo at tipid na ngumiti sa kanya.

“Sumunod kayo sa pictorial namin pagkatapos. Para naman maipakilala kita sa manager ko. Uso ngayon ang mga guwapong pulis,” sabi ni Jeyrick.

“Ayoko,” kontra agad ni Beliza.

“Bakit naman hindi? Guwapo naman ang pinsan mo,” komento ng reporter na si Madison. Ito ang kasama sa publicity team ni Jeyrick at may exclusive access sa karamihan ng events na dinadaluhan ng binata.

“Masyadong magulo ang showbiz.” Maraming nakikialam sa buhay ng mga celebrities. Kailangang magpanggap di lang ng sikat na tao kundi pati mga tao sa paligid nito. Hindi na siya makahinga minsan. “Tahimik naman ang buhay niya sa Barlig.”

Natawa lang si Cardo. “Tama si Beliza. Wala naman akong planong mag-artista. Masaya na ako na natutupad mo ang pangarap mo.”

“Hindi ko gustong ma-offend ka nang sabihin ko na ayokong mag-artista ka o sumikat,” usal ni Beliza habang papunta sila sa napili niyang review school sa Espana. “Iba lang talaga ang mundo ni Jeyrick.”

“May problema ba kayong dalawa ni Jeyrick? Di mo ba gusto ang trabaho niya? Alam ko na ayaw mong pumunta siya ng Maynila para maging artista o singer,” sabi ni Cardo sa kanya.

“Masaya ako para sa career niya. Noon pa siya dapat sumikat. Noon pa sana siya nagkaroon ng pagkakataon na iahon ang pamilya niya.” Siya ang nagsimula ng kasinungalingan, hindi si Jeyrick. “Pero kapag sikat ka na, parang pag-aari ka na ng publiko. Iba pa rin kapag tahimik ang buhay at simple...”

“Natutuwa ako kapag nakikita ka minsan sa TV o kahit sa mga video ninyo ni Jeyrick. Sana lang mas madalas kang ngumiti. You have a nice smile. Ako ang number one fan mo.”

Siniko niya ito. “Sira!” Kung alam lang nito na ito ang nagpapangiti sa kanya.

Dalawang oras lang ang itinagal nila sa review center. Sa isang linggo na magsisimula ang review niya. Hindi siya nainip dahil kakwentuhan niya si Cardo. Mas normal ang pakiramdam niya ngayong kasama ito.

“Punta na tayo sa pictorial ni Jeyrick?” tanong ng lalaki.

“Pwede bang huwag muna? Gusto kong kumain muna ng ice cream.”

“Saan ka kakain ng ice cream?”

“Habang namamasyal sa Intramuros.”

Yumukod ang binata. “Your wish is my command.”

Parang batang nagtatakbo si Beliza sa kalsada ng Intramuros habang hawak sa isang kamay ang apa ng ice cream. “Sa wakas nakapunta rin ako dito!”

“Hindi ka pa ba nakakapasyal dito?”

Umiling siya. “Sabi mo dadalhin mo ako dito dati.”

“Marami yata akong ipinangako sa iyo na hindi ko natupad.”

Nagkibit-balikat siya. “Pwede ka namang bumawi sa akin. Gusto kong mag-National Museum, maglakad sa Baywalk, manood ng dancing fountain, magpalipad ng saranggola...”

“Paano pa tayo makakahabol sa pictorial ni Jeyrick?”

“Tatawagan ko si Jeyrick.” She just wanted this day with the man who could make her happy. Kahit sa araw lang na ito, magkasama sila ni Cardo.

“BELIZA, we missed you at the pictorial yesterday. You missed so much. Alam mo bang nakita na ng news team ang photographer ni Jeyrick? Parte na rin siya ng publicity team. Ipapakilala kita mamaya.”

Sinalubong ni Madison ng beso si Beliza pagpasok ng bar. Itinuro din nito sa kanya ang tsinitang babae na may hawak ng camera. Mas malaking misteryo ang naka-discover kay Jeyrick na photographer.

“Nag-enroll na ako sa review school,” sagot naman ng dalaga.

“Hi, guwapulis! Remember me?” anang si Hepburn sa lalaki na kasunod niya.

“Siyempre naman. Pwede ba kitang makalimutan?” sabi ni Cardo sa malambing na boses saka pinapungay ang mga mata. He was really a charmer.

“Ready na ba si Jeyrick sa first gig niya?” tanong niya sa kay Madison.

“Oo. Nakita ko sila nang mag-rehearse kaninang umaga. Pati mga fans hinahanap ka sa live stream namin. Saan ka ba nagsuot?”

Itinuro niya ng hinlalaki si Cardo na binakuran ni Hepburn. Kinukumbinsi ng lalaki na magmodelo ang binata. “Sinamahan niya ako na mamili ng ipapadala sa amin.”

“You look better now. Di tulad ng nakakaraang araw na kasama ka namin. Mukha kang haggard,” komento ni Madison. “You even look...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.