Chapter FCM4: FMBYS 62

"PERFECT couple talaga kayo. Nakakakilig. Sana kayo na lang sa totoong buhay. Araw-araw ko 'yang idinadasal."

Naiilang na ngumiti si Paloma nang pirmahan ang magazine ng teenager fan. Nasa meet and greet event sila kung saan ini-launch ang magazine na sila ni Jeyrick ang cover. Puno ng mga tao ang venue at excited na makita sila. Pero kadalasan na comment ay maging personal ang relasyon nila ng binata. Nakakailang para sa kanila ni Jeyrick dahil alam ng lahat na girlfriend pa rin nito si Paloma.

"Thank you. Sana abangan ninyo ang upcoming projects namin,” sabi niya nang ibalik dito ang magazine at magpa-picture sa cellphone nito.

“Kahit araw-arawin na ninyo ang paglabas sa TV - umaga, tanghali at gabi. Lagi akong nakatutok sa live feed ninyo ni Carrot Man sa internet. Kayo na ang pinaka-aabangang couple sa showbiz ngayon.”

Jeyrick created a sensation. At dahil transparent itong tao, nakita kung paano ito sundan ng camera sa kada minuto at maging siya ay ganoon din. Minsan ay nagugulpi na ang pakiramdam ni Paloma dahil parang kasali sila sa Pinoy Big Brother at laging naka-live video pero di siya makaangal. Ang ganitong klaseng kasikatan ay minsan lang dumadating sa buhay ng isang tao kaya sinasamantala nila. Strike while the iron is hot, sabi nga ng Tita Bevz niya.

"Carrot Man, kawawa naman 'yung girlfriend mo. Laging inaapi ng ibang fans mo,” anang sumunod na fan na nagpapapirma sa kanila. Nasa mahigit treinta na ito at isa sa admin ng grupo nila ni Jeyrick.

“Hindi na lang namin pinapansin, Chengkay,” sabi ni Jeyrick. “Salamat dahil di ka sumasali sa pamba-bash kay Chengkay.”

"E bakit di ninyo sawayin ang basher?"

"Di rin naman sila nakikinig,” malungkot na usal ng binata.

Sa kabila ng aral na ngiti, alam niyang mabigat ang emotional effect kay Jeyrick di lang ng sarili nitong basher kundi maging ang mga nanlalait kay Beliza. Di sanay sa gulo at intriga sina Jeyrick at Beliza kaya normal lang na maapektuhan ang mga ito.

Bumaling sa kanya si Chengkay. "Miss Paloma, sabi ng isang commenter, ikaw daw ang may kagagawan kung bakit naba-bash ang girlfriend ni Carrot Man."

"Excuse me?" Di na niya maiwasang magtaas ng kilay at boses.

"Kasi ikaw ang gusto nila para kay Carrot Man. Wala naman akong masamang ibig sabihin. Fan na fan po ninyo ako. Pasensiya na po.”

“Walang problema,” aniya at nakangiting pinirmahan ang magazine nito.

Matapos ang book signing ay tumuloy sila sa isang buffet restaurant. Pinauna nila ang ibang staff na kumain at naiwan sila ni Jeyrick sa mesa. "Paloma, pwede bang makausap ka tungkol sa bashers ni Beliza?”

Humalukipkip agad si Paloma nang mabanggit ang babae. "Bakit? Pagbibintangan mo ba ako na mastermind ng pamba-bash sa girlfriend mo?"

Hindi pa rin sila magkasundo ni Jeyrick pero nagagawa nilang umakto na close sila kapag may ibang tao sa paligid. Her guards were up whenever he was getting personal with her. Di pa nakaka-recover ang bugbog niyang puso sa nakaraang pagtatalo nila.

"Hindi. Makikiusap sana ako kung pwede sawayin mo ang mga fans na nanlalait sa kanya,” anito sa malumanay na boses. “Alam ko na di dapat pansinin ang mga basher pero nasasaktan na si Beliza. Tao lang siya. Hindi pa nga tapos ang kaso sa stalker niya na pinagtangkaan ang buhay niya, pupunuin din ng banta ng mga bashers. Nariyang sasabunutan daw siya kapag di ako iniwan, kakaladkarin at kung anu-ano pa.”

“Hindi yata tama iyon.” Hindi na niya binabasa ang komento sarili niyang account minsan dahil may mga nagbabanta rin ng kung anu-ano dahil sila ang on-screen partners ni Jeyrick. Sanay na siya sa showbiz pero hindi si Beliza.

“Alam ko na may kalayaan silang sabihin kung gusto nila ang isang tao. Opinyon nila iyon. Iniisip nila na pag-aari nila ako dahil artista ako at utang na loob ko sa fans ko ang kasikatan ko. Pero di ako papayag na may magbabantang manakit kay Beliza. Ipinagtanggol ko siya pero sabi ni Tita Bevz baka daw lumayo ang loob sa akin ng mga fans. Baka makatulong kung manggaling sa iyo dahil karamihan sa basher namba-bash dahil sa iyo,” may halong pakiusap na sabi ng lalaki.

Tumango siya. "Sige. Magpo-post na ako ngayon." At inilabas niya ang cellphone para mag-create ng Instagram post.

We are entertainers but we are humans, too. We all have personal lives and love ones who must be respected. Beliza is @carrotman’s girlfriend. She is also a friend to me and a good person. Irespeto natin ang relasyon nila ni Jeyrick. I won’t tolerate harassmen and bullying committed under my name. Hindi ba tayo pwedeng humanga sa amin ni Jeyrick nang di nirerespeto ang personal naming buhay? I do appreciate the love but we must not forget our manners.

"Maraming salamat,” sabi ng binata at ngumiti sa kanya. Kahit malungkot ang mga mata nito, alam niyang sinsero iyon.

"Bakit nag-post ka nang dinedepensahan si Beliza? Imbyerna ka sa babaeng iyon, di ba?" usisa ni Hepburn nang pauwi na sila.

"Nakiusap si Jeyrick."

Umirap ang pinsan. "Kundi siya nagpanggap na girlfriend ni Carrot Man, wala sanang gulo. Ikaw namang si utu-uto, sunod naman.”

“Hindi kaya ni Beliza na ipagtanggol ang sarili niya. Tao lang din siya. Nangako ako napoprotektahan ko sila ni Jeyrick.”

Napangiti lang si Paloma nang mabasa ang komento ni Jeyrick sa Instagram niya. Salamat @paloma143.

Isang simpleng salamat lang ay kinikilig siya samantalang ang ginawa lang naman niya ay ipagtanggol ang fake girlfriend nito. She missed Jeyrick’s sincerity. Noong di pa sila nababahiran ng showbiz. Noong puro pa ang mga emosyon na ipinapakita nito. Di gaya ngayon na kahit ang ngiti nito ay aral na. Noong mahal pa siya ito at masaya sila.

PARANG sasabog ang tainga ni Paloma habang pinapakinggan ang paulit-ulit na pagkanta ng photographer na si Sunny ng Laydi-laydek ay Il-ilan, ang hit na Igorot song na ni-revive ni Jeyrick. Ito ang photographer na naka-discover kay Jeyrick. Ito pala ang dating amo ni Chacha na ngayon ay official president ng fans club ni Jeyrick. Pero di gaya ni Chacha, pasimpleng fan at pasimple lang ang pag-ibig nito kay Jeyrick.

Nasa Bauko sila sa taniman ng carrot ng pamilya ni Beliza kung saan nagsimula ang pagiging carrot man ng binata. Sa loob ng isang linggo ay iikot sila sa iba't ibang bahagi ng Mountain Province para itanghal ang iba't ibang magagandang tanawin, makasaysayang lugar, produkto at kultura. Ila-launch ang tourism campaign nila ni Jeyrick sa Lang-ay Festival na magsisilbing simula rin ng iba’t ibang festival sa bawat bayan at tribo na sakop ng Mountain Province. Malaking bagay ang pagsikat ni Jeyrick para makaengganyo ng mga turista ang probinsiya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.