Chapter FCM4: FMBYS 70

“Thirdy, huwag kang gagawa ng eksena dito,” babala ni Paloma sa lalaki. Wala talaga siyang tiwala na di ito gagawa ng isyu kapag madidikit sa kanya.

“No. I am just giving him an advice. Right, Carrot Man?” tanong ni Thirdy at tinawag ang waiter para umorder ng wine. “Tell me, what are you doing to my princess? Hindi pa tapos ang isyu ng break up ninyo ng girlfriend mo, ang picture mo kasama ang photographer mo at pati ngayon kakaladkarin mo si Paloma sa eskandalo po.”

“Hindi ko siya kinakaladkad sa eskandalo,” mariing sabi ni Jeyrick. “Tahimik lang kaming kumakain dito na normal na naming ginagawa.”

“At hindi mo na ako kailangang depensahan, Thirdy. Sa iyo ko huling inaasahan iyan,” mariing sabi ni Paloma nang maalala kung paano ito magpaawa sa mga tao noong maghiwalay sila. Pati mga kaibigan niya ay ginipit nito para di siya magkaroon ng trabaho at bumalik dito. Ngayon ay ito pa ang lumalabas na tagapagtanggol niya. What a hypocritical bitch! And felt being used again.

“Paloma, you know how much I love you. Buong relasyon natin, di ako tumingin sa ibang babae. I protected you. While this man doesn’t treasure you and you don’t deserve that. Bakit mo mas pipiliing makasama ang lalaking ito kaysa sa akin? Makinig ka naman sa akin,” malumanay na sabi ni Thirdy na may kasamang pagsusumamo. “Tinrato ka niyang parang mistress dahil may girlfriend na siya pero malambing pa rin siya sa iyo. Ngayon naman nariyan ang photographer niya. Malay mo kung ilang babae pa ang kasa-kasama niya kapag di kayo magkasama…”

“Wala kang alam sa totoong nangayari. Wala kang alam sa amin ni Paloma,” mariing wika ni Jeyrick habang kuyom ang palad. “Alam ni Paloma ang lahat tungkol sa akin. Wala akong itinatago sa kanya.”

Tinungga ni Thirdy ang baso ng whiskey at tumayo. “Mahal mo ba siya? Kaya mo ba siyang mahalin katulad ng pagmamahal ko?” hamon nito.

“Enough!” bulalas ni Paloma at tumayo na rin. “Jeyrick, umalis na tayo. Nasira na ang gabi ko.”

Nagtitinginan na ang mga patron ng restaurant. May napansin pa siyang kumukuha ng picture. Great! Gamit na gamit na naman siya ni Thirdy. Sumenyas si Hepburn na ito na ang bahalang magbayad.

Tiniyak ni Jeyrick na nasa pagitan nila ito ni Thirdy. “Ano bang kaya mong I-offer kay Paloma, Carrot Man? Ibinigay ko sa kanya ang lahat at handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Kaya mo bang tapatan iyon?”

Tumigil sa paglalakad si Jeyrick at tiningnan ang lalaki. “Marami na kaming pinagdaanan ni Paloma. Hindi man namin sabihin sa publiko ang mga pinagsamahan namin, alam niyang totoo ako sa kanya. At tungkol sa mga pictures ni Sunny….”

Hinatak niya si Paloma ang lalaki. “Huwag mo na siyang kausapin, Jeyrick. He is like a troll. The more you engage him, the more he enjoys it. We are over, Thirdy. Masaya na ako sa buhay ko kaya sana maging masaya ka rin sa buhay mo nang wala ako. Huwag mo na sana akong guluhin o ang mga taong malapit sa akin. May hangganan ang pagiging civil ko sa iyo,” banta niya at tuluyan nang lumabas ng restaurant.

Sumakay agad sila ng van na nakaabang sa restaurant. Kasunod niya si Hepburn at si Jerzel. “Ang intense,” bulalas nito. “Haba ng hair mo, Madam Paloma. Dalawang lalaki ang nag-aagawan sa iyo.”

“Hindi nakakatuwa ang mahabang buhok ko. Gusto ko na ngang ipaputol.” Alam naman niya na mas gusto siyang sabunutan ni Thirdy.

Alam naman niya kung bakit pilit siyang hinahabol ng lalaki. Para sa magulang nito, isa itong failure dahil di siya nanatili sa tabi nito. Isang failure na iniwan ito ng babae. He must suck it up.

“Paloma, pasensiya ka na kung nadadamay ka sa gulo ko. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya na di ko gustong maging kasiraan mo ako dahil iba ang boyfriend ni Sunny at di ako iyon.”

“Buti di mo sinabi. Sorpresa natin kay Sunny ang tungkol kay Hero.”

“Pero pati pangalan mo nasisira dahil sa gulo ko. Parang puro gulo ang dala ko sa iyo. Sa halip na puro trabaho lang ang pag-usapan, nagugulo pati personal mong buhay. Parang di kita nirerespeto.”

Pagak na tumawa si Paloma. “Respeto? Jeyrick, kahit anong gawin ko, marami namang mga tao na walang respeto sa akin. Some just hate me for no reason at all. Gumawa man ako ng maganda o hindi, may masasabi ang mga tao. As if naman pinagsasabay-sabay mo ang girlfriend mo kung maawa sila sa akin. Sabi mo nga kay Thirdy, mas mahalaga kung ano ang palagay natin sa isa’t isa. Kung ano ang tingin ko sa iyo. Dalawang araw na lang lalabas na si Hero. Malilinis na ang pangalan mo.”

Subalit nanatili pa rin ang pag-aalala sa anyo nito. “Paloma, alam ko malayo ako kay Thirdy Concepcion. Kaninang nakaharap ko siya, lalo kong nakita ang kaibahan natin. Nakakapanliit.” Sa palagay ni Paloma ay bumagsak ang kompiyansa nito nang makaharap si Thirdy kanina. He could be really intimidating. He was like a demigod compare to a mere mortal.

“Tao lang din si Thirdy. Baka nga di niya kayang magbuhat ng isang bultong bigas mula Chupac hanggang Ogo-og o kaya magtanim ng palay maghapon.”

“Di na niya kailangang gawin iyon, Paloma. Siya si Thirdy Concepcion. Nagtataka nga ako bakit ayaw mo nang bumalik sa kanya.”

“Hindi na ako masaya sa kanya. Huwag kang magpapasindak doon. Tapos na kami. Di na importante sa akin kahit anong sabihin niya.” Di na siya hawak sa leeg ni Thirdy. Malaya na siya mula dito.

“Sabihin mo lang sa akin kung may magagawa pa ako para pasayahin ka o maging karapat-dapat ako para manatili sa tabi mo. Gagawin ko iyon.”

Tiningala niya ito at umiling. “Wala. Dito ka lang sa tabi ko kahit anong mangyari.” Ginagap niya ang kamay nito. “Huwag mo na akong iiwan.”

Kinabig nito ang ulo niya sa balikat nito. “Hindi na. Hangga’t di mo sinasabi na ayaw mo ako sa tabi mo, di ako lalayo.”

Di mabibili ng pera ang kaligayahan. Kahit mawala ng lahat ng karangyaang tinatamasa niya ngayon basta kasama niya si Jeyrick ay di na siya natatakot.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.