Chapter FCM4: FMBYS 75

“PALOMA! PALOMA! PALOMA!” sigawan ng mga tao sa loob ng KIA Theater nang matapos ng dalaga ang huling solo number niya. The atmosphere was electric.

Matatapos na ang dalawang oras na concert niya pero buhay na buhay pa rin ang mga fans. Supportive ang mga ito sa bawat number nila ni Jeyrick. Di sila bumibitaw. Iwinawagayway ng mga ito ang banner, sumasayaw at nakikisabay din ito sa pagkanta.

Akala niya ay wala nang manonood sa kanya. Na ibu-boo siya ng mga tao kapag siya ang nagpe-perform o kaya ay di siya papalakpakan. Pero pinalalakas ng mga ito ang loob niya na sinuklian naman niya ng galing at dedikasyon. Nagpalakas din sa loob niya na makita ang ngiti sa mukha ng pamilya ni Paloma gayundin ang mga kababayan ni Jeyrick at ang pamilya nito. Maging ang ibang mga Igorot ay nakasuot din ng traditional dress ng mga ito bilang pagsuporta kay Jeyrick.

Parang nasasakal ng emosyon ang dalaga at gusto niyang maiyak sa saya at lungkot. Because this was the point where she had to say goodbye - to her showbiz career, to her fans and to Jeyrick. She would quit on a high note. Sikat siya. Hindi pa siya laos. Maayos na ang pamilya niya. At higit sa lahat, maayos din ang buhay ni Jeyrick at naabot na nila ang mga pangarap nila. Pwede siyang bumalik sa simple niyang buhay. She was ready to let go now.

Inilapit na niya ang bibig sa mikropono. Paano ba niya ito sisimulan? Nang marinig niya ang direktor sa earpiece niya. “Don’t say anything, Paloma. Hayaan mo lang si Jeyrick. Just relax.”

Nagtaka ang dalaga. Lalong nagwala ang mga tao nang lumabas si Jeyrick sa entablado. Nakasuot ito ng gray hoodie na nagpasikat dito bilang si Carrot Man at may nakasukbit na gitara sa balikat. “Anong nangyayari?” tanong niya. Siya ang nag-request ng special announcement. Di siya aware kung may special number si Jeyrick o may speech ito.

Isang upuan ang inilagay sa likuran niya at may inilagay din na stool para kay Jeyrick. “Sa loob ng dalawang oras, kinakantahan ko kayong lahat. Pero bago matapos ang gabing ito, may isang espesyal na babae akong gusto kong kantahan sa gabing ito. Paloma, this is for you.”

Nakagat ang labi habang ini-strum ni Jeyrick ang gitara. Namatay din ang ilaw sa buong stadium maliban sa spotlight na nakatutok sa kanilang dalawa. Malakas ang kaba sa dibdib ni Paloma habang pinapakinggan ang himig na lumalabas.

You and me underneath the stars

Sharing dreams, having fun

Opening our hearts

Do you think the stars will listen?

Do you think our wishes will be granted?

Suminghap ang dalaga. That was her song. He was singing her song. Iyon ang kauna-unahang kantang na-compose ni Paloma. At sa unang pagkakataon matapos ang audition niya sa You’re A Star anim na taon na ang nakakaraan, ngayon lang ulit niya narinig ang kanta sa gabi ng katuparan ng pangarap nila ni Jeyrick at ito mismo ang kumakanta.

Ngumiti ang dalaga kahit na nagbabantang tumulo ang luha saka sinabayan sa pagkanta si Jeyrick. This was real. It was more than a dream come true. Tinalikuran siya ng lahat, sinabing di maganda ang kanta niya at hindi marketable. Pero dahil sa kay Jeyrick, naririnig na ng marami ang kanta niya. And it was so beautiful. Na animo’y isang anghel ang kumakanta ng kanta niya.

I would walk for miles in the dark

Fight the monsters along the way

Just say you’ll be my light

My guiding voice in the night

Together we can touch the sky above

We can make it happen.

Come with me and be my star.

Bumilis ang tempo ng tugtog at lalong bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Hindi na niya alam kung paano papasok o kung anong kakantahin dahil hindi niya alam ang areglo. Nakapikit si Jeyrick habang kumakanta.

Now that we are here, the dream is real

The dawn is coming, the darkness is fading

The morning light will take you away

But please don’t leave me

Dumilat si Jeyrick at nakikiusap siyang tiningnan. As if he didn’t want her to leave. Alam ba nito na aalis na siya?

Tumayo ito sa harap niya at nagpatuloy sa pagkanta. Ang kaninang madilim na teatro ay napuno ng mga ilaw na animo’y mga bituin mula sa LED lights na hawak ng mga manonood. It was beautiful.

Parang nang gabing nasa Kadaclan sila nang mabuo niya ang kantang iyon habang nakatitig sa mga bituin. Hindi ang mga bituin sa langit ang umaawit kundi ang puso niya na si Jeyrick lang ang nagpapakanta.

Sa pagkakataong ito ay hindi na niya mapigilang umiyak dahil hindi lang nito pinahalagahan ang kanta niya. He also made it better for her. Ito ang Jeyrick na nagmamahal sa kanya. At naniniwala sa talento niya kahit siya mismo ay wala nang lakas ng loob. Natupad na ang mga pangarap niya. Higit pa sa pangarap niya. Appreciation. Love. Mga bagay na di nabibili ng pera.

“Just hold my hand and be my star,” pagtatapos ni Jeyrick sa kanta at napayakap siya dito. Habang sumabog naman ang buong theater dahil sobrang saya. At natitiyak niya na may luha rin sa mata ng marami sa mga ito.

Hindi niya alam kung gaano kahaba ang palakpakan at hiyawan. Di rin alam ni Paloma kung gaano siya katagal na yakap ng binata. Ayaw na niyang bumitaw dito. Ayaw na niyang umalis. Dahil masaya siya sa piling nito. Kahit na nasasaktan siya, kahit na ayaw siyang makasama ni Jeyrick, gusto pa rin niyang manatili sa tabi nito.

Yakap pa rin siya ng binata nang magsalita ito. “Nagustuhan n’yo ba ang kanta ko?” tanong ni Jeyrick sa mga tao.

“Oo!” sigawan ng mga audience.

“Parang hindi nagustuhan ni Paloma kasi iyak siya nang iyak.”

“Nakakainis ka!” sabi lang niya dito at hinampas ito sa balikat.

“Kita ninyo? Nakakainis daw ako,” sabi ni Jeyrick at parang ginagawa pa siyang katatawanan. “Hindi yata nagustuhan ni Paloma ang pagkakakanta ko sa kanta niya.”

Napasinghap si Paloma at tiningala ang binata. Umugong ang bulung-bulungan sa buong venue ng concert. “Jeyrick…”

Pumailanlang ang boses niya habang kinakanta ang composition niya. Mas bata pa ang boses niya noon, di pa gaanong aral. Napalunok siya. Iyon ang voice record niya sa MP3 player na bigay niya kay Jeyrick.

“Si Paloma ang kumakanta ng kantang iyan bago siya pumunta sa Maynila para sa audition ng You’re A Star. Si Paloma ang nag-compose ng kantang iyon anim na taon na ang nakakaraan,” sabi ng binata. “Dati mga simpleng teenager lang kami na nakatitig sa mga bituin sa langit, nangangarap. Sa amin sa Kadaclan, madalang makita ang mga bituin dahil laging makapal ang ulap. Pero nang gabing iyon, nagpakita sila para kantahan si Paloma. Sabi niya, naririnig niyang kumanta ang mga bituin. Tapos nagsimula siyang maggitara at nilapatan namin ng lyrics. Iyon ang una niyang composition. At nasundan iyon ng iba pa pero hindi niya naipaparinig sa iba. Hindi daw ganoon kaganda para tangkilikin ng mga tao. Hindi daw siya ganoon katalentado.”

“Sino nagsabi no’n? Iharap mo sa amin!” sigaw ni Chacha na nakataas pa ang kamao. Akala mo ay susugod at makikibaka na parang Katipunera.

“Sa nagsasabi na manggagamit si Paloma at wala siyang totoong talento, ang kanta na iyon at ang iba pa niyang na-compose na kanta ang patunay na may talento siya. At pasasayahin pa niya kayo kung bibigyan lang ninyo siya ng pagkakataon.”

Hindi siya makapaniwala na sinasabi iyon ni Jeyrick sa mga tao. Na ipinagmamalaki siya nito. Gusto niyang isipin na nanloloko lang ito. Na ginagawa lang nito ang lahat para sagipin siya sa kahihiyan o kaya ay pag-usapan ang concert nila. Pero hindi. Galit si Jeyrick sa mga mapagpanggap. Hindi nito uulitin ang kaparehong pagkakamali.

Tinitigan siya ni Jeyrick sa mga mata. His eyes were sparkling. Parang maiiyak ito pero may ngiti sa labi. He was looking at her as if he was really proud of her. “Hindi ang gold digger na Paloma ang nakilala ko. Ang Paloma na nakilala ko ay may mabuting puso. Siya ang nag-iisang nag-cheer sa akin dati habang ang lahat ay nilalait ako. Di niya iniwan ang kaibigan niya kahit na maparusahan siya nang walang kasalanan. Siya ang Paloma na bumili ng gray jacket na suot ko nang wala akong maisuot.”

“It was a birthday gift. You gave your jacket to the old man, silly,” di niya mapigilang magkomento dahilan para magtawanan ang mga tao.

Natawa rin si Jeyrick. “Ito ang Paloma na handang magsakripisyo para sa pamilya. Siya ang Paloma na ipagtatanggol ka kapag nabu-bully ka. At kahit ano pang sabihin na masama ng mga tao sa kanya, mga taong mapanghusga na di naman nakikilala kung sino talaga siya, mas kilala ko si Paloma kaysa sa iba. Hindi siya perpekto pero sa palagay ko di siya ang klase ng tao na mananadyang manakit ng iba.”

“Naniniwala ka sa akin?” tanong ng dalaga habang nakababa ang mikropono.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.