Chapter FE: TDTYS 49

"Wasn't a chopper a bit too overdramatic?" nakangiting wika sa kanya ni Ethan nang makalapit si Icca sa kanya.

"It's the fastest way to get here. And what happened to you?" tanong nito sa mataas na boses at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Mukha kang nasunog na monghe! Isang buwan ka lang nawala, nakalimutan mo na ang salitang ‘shave’? And what’s that smell?” Nanguluntoy ang ilong nito nang ilapit sa kanya. “You smell like sweat.”

Isinuklay na lang ni Ethan ang daliri sa buhok. He knew his charm won’t work this time. Icca was looking at him as if he was someone she had never seen before. A failure according to her perfectionist standard, of course. Alam niya kung ano ang nakikita nito. Ang dati ay laging tabas niyang buhok ay mahaba na. Hindi rin ahit ang balbas niya. Hindi siya nakaranas ng facial o spa sa loob ng isang buwan at di rin nakatikim ng sunblock ang moreno niyang balat. At kahit na kaliligo pa lang niya, basta di niya gamit ang pabango na inutos nitong gamitin niya ay di pa rin siya pasado dito.

Hinawakan ng manager niya ang kamay niya. “Come. Let’s go back. Kung aalis tayo ngayon makakabalik na tayo sa Manila before nightfall.”

"Gaya ng sinabi ko kay Paola at Shaira, I am staying here," matigas na sabi ni Ethan at kumawala sa pagkakahawak ng babae.

"Icca, kausapin mo nga 'tong si Ethan. Kanina pa namin siya kinukumbinsi pero ayaw pa rin niyang bumalik sa Maynila," reklamo ni Paola habang nakahawak pa rin sa braso niya.

"Talk some sense into him, would you?" wika naman ni Shaira. Nakahanap ng panibagong kakampi ang mga ito.

Matalim ang mga mata siyang tiningnan si Icca. "You still don't want to go back? Ethan, it's already been a month. Siguro naman nakuha mo na 'yong hinahanap mong 'me time'.”

May pagod sa boses ng manager niya. Di niya ito masisisi maging sina Shaira at Paola. Isang buwan siyang nawala. Isang buwang nag-alala ang mga ito sa kanya. Isang buwan siyang hinanap ng mga ito. He wished he could go but his heart and his conscience didn’t want him to.

“This isn't a simple me time anymore. I have a new life here. Masaya ang buhay ko dito. Dito ko natagpuan ang sarili ko. I am staying," mas matigas na sabi ni Ethan. Hindi niya pwedeng iwan si Aurora. Kailangan siya nito. Ito na ang buhay niya ngayon. Kaya niyang iwan ang lahat ng pinaghirapan niya sa Maynila para lang sa dalaga.

“Are you insane, Ethan? Ano bang pinagsasasabi mo? Kung hindi ka babalik, paano na ang pelikula natin? You can’t do this,” halos nagha-hyperventilate na sabi ni Shaira sa pagkataranta.

"Ethan, madami nang naghihintay sa pagbabalik mo. Nag-aalala na sa 'yo ang mga fans mo dahil halos isang buwan din silang walang balita sa 'yo. Kaya please, sumama ka na sa 'min pabalik sa Maynila," pagsusumamo naman ni Paola. "Maraming magluluksa kapag tuluyan ka nang nawala. Ikamamatay nila ang pagkawala mo."

"They will move on. Hindi lang ako ang artista."

“Hindi ako aalis dito hangga’t nandito,” sabi ni Shaira at ibinaon na ang paa sa buhangin.

“Ako rin. Dito na lang tayong lahat. Dito na tayong lahat. Magbabakasyon ka, magbabakasyon din ako forever kasama mo,” anang si Paola at sumalampak sa buhangin. Cowboy ito. Hindi ito matatakot na humilata lang sa buhangin at doon matulog. Nakilala niya si Paola sa pagiging fan na di mangingiming mag-vigil sa mga location ng shooting niya. Natutulog ito sa kung saan ito masandal na puno. Hindi niya ito maitataboy doon.

"Nagsisimula nang magkahinala ang reporters na nawawala ka. It is starting to agitate the fans. Akala mo ba matatahimik ang buhay mo dito sa isla? No. Reporters will swarm this place. Fans will come here to camp. You have no security whatsoever. And your perfect little life of anonymity will burn into ashes. Iyon ba ang gusto mo? Ang sirain ang tahimik nilang buhay dito?" tanong ni Icca.

The reporters. Kung natagpuan siya ng tatlong babae, di malabong mahanap din siya ng ibang reporters. Marami nang nakakaalam kung nasaan siya. There could be a leak. At wala siyang magagawa sa mga taga-isla kundi ang lumayo. The would hate him. Baka tratuhin pa siyang salot ng mga ito.

Pero paano na si Aurora? Paano siya magpapaliwanag dito?

Napabuntung-hininga ang manager niya. "Kung ordinaryong office worker ka lang, hahayaan kitang manatili sa isla na 'to kahit gaano pa katagal. But no, you're Ethan Ravales. The most sought-after actor in the country. Madaming maaapektuhan kung bigla-bigla ka na lang magdedesisyon na manatili dito. Hindi lang ako, your co-actors, your fans, kundi pati na rin 'yong mga tao na patuloy na nagbibigay ng tiwala sa 'yo. So please, Ethan, be reasonable. 'Wag lang ang sarili mo ang isipin mo. And if you really care about the people of this island, you will come home with us."

Naguluhan si Ethan. Hindi niya alam kung ano ang pipiliin. Gusto niyang humingi pa ng palugit. Another week, another month maybe. Pero may responsibilidad siya sa ibang tao. Mga tao na nakadepende sa kanya para sa trabaho ng mga ito. Hindi niya pwedeng biguin si Paola dahil sa loob ng limang taon ay nagsilbi ito sa kanya. Ni wala itong personal life dahil sa pagtatrabaho sa kanya. Hindi nito ginugol ang isang buwan sa pagbabakasyon. Ginugol nito iyon sa paghahanap sa kanya.

At si Shaira, kahit sabihin niyang ayaw niya itong makapareha at magpanggap na naman na may love interest sila sa isa’t isa. Isa iyon sa dahilan kung bakit siya umalis. Pero kung hinanap din siya nito, ibig sabihin ay kailangang-kailangan nito ang project kasama siya. Alam niyang nakasalalay sa kanya ang muling pamumukadkad ng career nito.

And of course, there was Icca. Siya ang prime talent nito.

He shut his eyes tightly and pinched the bridge of his nose. Kailangan na niyang magdesisyon sa lalong madaling panahon. At kailangan niyang gawin ang pinakamahirap na desisyon sa buhay niya. "Just... just give me a day. Tatapusin ko lang ang lahat ng kailangan kong gawin. Then- then I'll go."

“Fine. Twenty-four hours. Kailangan bukas nandito ka na at babalik na tayo sa Manila,” anang si Icca sa maawtoridad na boses. “Kapag gusto mo pang makipagpilitan, kakaladkarin kita papunta sa chopper nang nakatali. Maliwanag ba?”

“Clear,” aniya sa matatag na boses. Twenty-four hours. That was not enough but he had no choice. Kapag di siya sumama, itataob ni Icca ng buong isla katulong sina Shaira at Paola maisama lang siya. Ayaw na niyang lumala pa ang problema niya sa mga ito.

“Errrr... If we are staying in this island, saan kami matutulog?” tanong ni Shaira.

“Do they have a hot shower here?” tanong ni Icca at hinaplos ang sariling braso. “May kuryente ba sila o internet? I need to charge my phone and check my emails.”

“Wala. Sumunod kayo sa akin. Kayong mga babae, doon kayo kay Tiya Manuela. At ang mga kasama naman ninyong lalaki ay doon sa kapitan tutuloy,” paliwanag ni Alvaro. “Huwag kayong mag-alala. Mababait ang mga tao dito. Huwag lang kayong umasa na tatratuhin kayo na parang nasa mamahaling resort o hotel kayo dito. Simple lang sila dito.”

“Walang aswang dito?” nakangiwing tanong ni Paola.

Matalim niyang tiningnan ang P.A. At nagpatuloy sa paglalakad. It would be an excruciating twenty-four hours for them. But it would be harder for him. Paano ba siya magpapaalam sa loob ng beinte-kuwatro oras sa babaeng may hawak ng puso niya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.