Chapter FE: TDTYS 68

“A-ANO?” usal ni Aurora at napapamaang na pinagmasdan si Alvaro. Sinabi nito na siya siya ang bago nitong personal assistant.

Personal assistant. Parang napakalayo sa nobya o girlfriend o babaeng mahal nito. Paanong bigla siyang naging personal assistant nito? Wala nga siyang alam kung ano ang ginagawa ng personal assistant.

Pero hindi siya sinagot ni Alvaro. Tuwid lang ang tingi nito sa mga reporter habang nakangiti. Na parang kontrolado na nito ang sitwasyon. Paano nito nagagawang magsabi ng kasinungalingan habang nakatingin nang direkta sa mata ng mga tao? Alam niyang artista ito pero iba ang pag-arte sa pagsisinungaling.

“Hindi mo pa yata siya naipapakilala sa amin,” sabi ng isa pang reporter.

“Kasisimula pa lang niya at nagte-training pa rin. I didn’t come around to introducing her yet.”

“Ano ang pangalan mo, Miss?” tanong ng babaeng reporter na kaedad ng Tiya Manuela niya.

Tiningala niya si Alvaro. Kailangan ba niyang sabihin sa mga tao kung sino siya? Ngumiti lang ang binata at sumagot sa mga reporter. “Her name is Aurora. Aurora Carbonell.”

“Mukhang hindi siya tatagal sa iyo, Ethan. Pangalan lang hindi na makasagot. Pipi yata ang PA mo,” kantiyaw ng isang baklang reporter.

“Give her a break. Emotional pa rin siya sa ganda ng play. I am sure you are moved,” singit ni Echo at saka siniko pa si Alvaro. “Naiyak pa nga si Kuya Ethan.”

Nagtawanan ang lahat at nawala na sa kay Alvaro ang atensiyon sa wakas. Napilitan na lang din makitawa ni Aurora kahit na alam niyang di naman umiyak si Alvaro. Kailan ba matatapos ang interview na ito? Maiiyak na siya sa kaba, pagkatuliro at sa di maipaliwanag na sakit dahil sa pagkakaila sa kanya ni Alvaro. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago.

Tumikhim ang nobyo niya. “I was moved. I am a patron of arts and history. The cast and the production are great. Lahat ng Pilipino ay dapat itong mapanood. This is a production that every Filipino will be proud of.”

“Dapat si Shaira ang isinama mong manood nito,” sabi ng isang reporter. “Niyaya mo sana siyang mag-date.”

“Maybe next time if she is not so busy,” sabi ni Alvaro.

SAKA lang sila nakawala sa mga reporter nang lumapit na ang security ng teatro para samahan sila palabas nang di na sila dumugin pa. Nang pumasok sa van ay halos hindi makahinga si Aurora. “Are you okay?” tanong ni Alvaro at inabutan siya ng bote ng mineral water.

“O-Oo. O-Oo naman,” sabi niya at tinungga ang tubig. Ganoon pala ang pakiramdam ng maipit sa gitna ng mga reporter.

“I am sorry, Aurora. Hindi po alam na ganito pala ang mangyayari. Di ko alam na naghihintay ang mga reporter sa akin. Plano ko talagang iwasan sila at sa ibang pinto dumaan para nakaabang na pala sila,” anang binata at hinaplos ang buhok niya. “Ito ang isa sa dahilan kung bakit ingat na ingat akong lumabas tayo dahil ganito ang mangyayari. Kasalanan ko ito dahil di ako naging maingat.”

“Hindi naman na nila ako guguluhin, hindi ba? S-Sinabi mo nang PA mo ako,” sabi niya habang pinipigilan ang hininga.

Masakit na maikaila sa harap ng mga tao. Masakit na di niya narinig dito na sabihing siya ang babaeng mahal nito. Pero ganoon din naman ang nangyari sa kanila ni Alvaro nang nasa Isla Juventus pa sila. Kinailangan din niyang itago ang relasyon nila. Kung takot siya sa ama niya noon oras na malaman ang relasyon nila, mas matitindi ang mga reporter na mistulang pating na sasagpang sa kanila oras na malaman ng mga ito ang katotohanan. Ngayon na lang niya naunawaan ang sitwasyon kung bakit pinoprotektahan siya ni Alvaro. Kayang-kaya siyang lamunin ng buo ng mga ito lalo na kapag sama-sama.

Nag-ring ang cellphone ng nobyo pero di nito pinansin. “Alvaro, bakit ayaw mong sagutin?”

“It is Icca. I don’t want to talk to her.”

“Pero baka importante iyan.”

Napansin niya na sa rearview mirror na napapangiwi si Echo na nagmamaneho. “Kuya Ethan, gusto ka daw makausap ni Icca. Hindi mo daw kasi sinasagot ang cellphone mo. Anong sasabihin ko?”

“I don’t want to talk to her yet,” anang si Alvaro na di maipinta ang mukha.

Bumuntong-hininga si Echo at kinausap ang nobya nito. “Icca, may kausap pa kasi si Kuya Ethan ngayon. Fine. I will turn on the loud speaker.” At bumuka ang bibig ng lalaki. “I am sorry.”

Kasunod niyon ay pumailanlang na sa sasakyan ang boses ng isang babae. “Ethan! I’ve been receiving messages regarding your interview and your new PA. New PA? Saan ka naman nakakuha ng PA nang wala akong kaalam-alam? Bakit ka nagdedesisyon nang di ipinapaalam sa akin? Who is that woman? Don’t tell me you are dating another girl and you are not informin me. Now you got caught and what? You are dating another girl in the middle of filming a new movie. What is on your mind?”

Parang gusto na lang paliitin ni Aurora ang sarili. Bawal lumabas si Alvaro kasama ang ibang babae. Bawal itong mahuli. At base sa reaksyon ng manager nito ay hindi ito natutuwa sa nangyayari. Parang malaking problema ang dala niya sa nobyo.

“Icca...” ungol ng binata at mariing ipinikit ang mga mata.

“Papunta na ako sa condo mo. We will talk.”

“Fine. Ihahatid lang namin si Aurora,” sabi ni Alvaro sa seryosong boses.

“No. Isama mo siya. Gusto kong makilatis ang babaeng ka-date mo. And you should know that I will not be lenient about this. Hindi na biro ng mga problemangh pinapasok mo, Ethan. Nagiging careless ka na.”

“Yes, Madam,” sabi ni Alvaro sa pagod na boses.

“K-Kasama ako?” kinakabahang tanong ni Aurora at humawak sa braso ng binata. “B-Baka magalit din sa akin ang manager mo.” Parang nakakatakot ang babae. Kung pating na mabangis ang mga reporter, mistula namang dragon si Icca na magbubuga ng apoy sa bawat madaanan nito. Ano ba itong napasok niya?

“Don’t worry. Kasama mo naman ako. Di kita hahayaang lamunin niya nang buo,” sabi ni Alvaro at inakbayan siya.

“Hey! That’s my girlfriend you are talking about. Konting hinay naman sa pagsasalita. Nasasaktan ako,” protesta ni Echo.

“You love her even if she’s a tigress. Come on! Alam mo naman kung ano ang opinyon ng lahat sa kanya,” anang si Alvaro at tumawa lang.

Bahagya rin siyang tumawa at bahagyang nabawasan ang takot niya. Alam niyang di siya pababayaan ni Alvaro. Kailangan lang niyang magtiwala dito.

LALONG ihinukot ni Aurora ang sarili habang tinitingnan siya ng manager ni Alvaro na si Icca. Nakasuot ito ng pulang dress na walang manggas at itim na sapatos na mataas ang manipis na takong. Maging ang labi nito ay may bahid na pulang lipstick. Parang tumatagos ang titig nito na animo’y inuuri siya. Lalo lang siyang nanliit.

“How old are you?” tanong ng babae sa kanya.

“B-Beinte uno p-po,” sagot naman niya.

“You are twenty-one? Sigurado ka na hindi ka minor? You look so young and naive with that doe-like look in your eyes. Because I don’t want Ethan to get into trouble with the law. He already had enough trouble dating you,” walang gatol na sabi ng magandang babae subalit may matalas na dila.

“Icca, huwag mo namang i-intimidate si Aurora,” saway ni Alvaro dito at itinago siya sa likuran nito. “Huwag mo nga kaming tratuhin na parang mga kriminal kami.”

“Ethan, kung alam mo lang ang trauma na dinanas ko nang isang buwan kang nawala at di pa rin ako nakaka-recover hanggang ngayon tapos...”

Hinatak ni Echo ang nobya palayo sa kanila at pinapirmi sa tabi nito. “Icca, just relax. Ang usapan natin kakausapin mo nang maayos sina Kuya Ethan at Aurora. Not like they are being interrogated by the CIA.”

Umikot muna ang mga mata ni Icca bago ngumiti sa kanya at inabot ang kamay. “Hi! I am Icca Ramos, Ethan’s manager. And you are...”

Kinamayan niya ang babae. “Aurora. Ako si Aurora Carbonell,” magalang niyang sabi. “Ikinagagalak kitang makilala, Icca.”

Nagulat ang babae at saka nakakunot ang noong bumaling ng tingin kay Alvaro.

“So, this is your date. So different from your usual dates, Ethan.”

“You mean my pre-approved dates? Of course, Aurora is different. I am not dating her as part of my job. She’s my girlfriend,” walang gatol na sabi ni Alvaro.

Ngumisi si Icca. “At saan mo nakuha ang babaeng ito...”

Napasiksik si Aurora sa katawan ng nobyo dahil sa takot. Parang gusto na niyang tumakbo palabas sa condo at umalis na lang.

“Icca, language please,” anang si Icca na may kasamang babala.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.