Bumalik ang mabait na ngiti sa labi ni Icca. “Saan mo nakilala si Aurora, Ethan?” malumanay na tanong nito.
“She is from Isla Juventus,” sagot ni Ethan.
“That island where he stayed for a whole month?” bulalas ni Icca.
Tumango si Aurora at kumapit sa braso ni Alvaro nang ikwento kung paano sila nagkakilala. “Tinulungan po ako ni A-Alvaro nang may nagnakaw ng bag ko sa Calbayog. Ipinagtanggol niya ako kahit na nasaktan siya. Ang galing po niyang makipaglaban sa magnanakaw. Parang si Jackie Chan na Fernando Poe, Jr.,”
Namaywang si Icca at di na maipinta ang mukha. “Huhulaan ko. Doon galing ang pilat mo sa tiyan na di mo maipaliwanag sa akin?” Tumuro ito sa direksyon ni Alvaro. “Nasaksak ka na pero di ka pa bumalik dito nang mga panahon na iyon? Tumuloy ka pa rin sa isla kung saan wala man lang kahit anong facilities. Paano kung namatay ka na lang doon?”
“Napag-usapan na natin iyon. Tapos na. Aurora took care of me. Nakabalik na rin ako dito.” Ibinuka ni Alvaro ang mga kamay. “There is not use discussing that incident anymore.”
“No! Ethan, that little misadventure of yours is worse than I thought. Hindi pa ito tapos dahil idinala mo dito ang girlfriend mo at itinago mo sa akin. At mas nauna pang nalaman ng repoters ang tungkol sa kanya.”
“Sinabi ko nang PA ko siya.”
“And do you think it will work? It is just a matter of time before they find out the truth! Alam mo naman kung anong kasunduan natin nang maging manager mo ako, Ethan. No secrets. I want to know everything no matter how gritty the detail is. Dahil kapag pumalpak ka, papalpak tayong lahat.”
Pinisil ni Echo ang balikat ng babae. “Icca, calm down.”
“Calm down? Puro ka calm down!” Pumiksi ang babae at nilingon si Echo. “Paano siya nakarating ang girlfriend ni Ethan dito kung walang tumulong sa kanya? Kasabwat ka ba dito, Echo?” Biglang iniwas ni Echo ang mga mata.” Nanlaki ang mga mata ni Icca. “Kasabwat ka nga nila. Ikaw ang nagdala sa girlfriend ni Ethan dito sa Manila.”
“Hey!” anang si Echo.
“’Yung sinabi na magko-cover ka sa isang NGO sa Visayas, sa Isla Juventus ka nagpunta. Alam mo ang tungkol sa relasyon nina Ethan at Aurora pero di mo sinabi sa akin,” ‘nagngangalit na sabi ni Icca.
Nalungkot si Aurora dahil pati ang relasyon nina Echo at ang nobya nito ay nadadamay pa dahil sa pagtatago sa sekreto nila ni Alvaro. Walang ipinagkaiba nang matuklasan ng ama niya ang relasyon nila ng binata kung saan nadamay pati ang mga kasamahan niya sa pagtatanghal ng dula. Ayaw naman niyang makasira ng relasyon. Kasalanan ba niya ang nangyayari? Mali ba na pumunta pa siya doon? Bakit parang mali ang lahat para sa kanila ni Alvaro?
“Hey! He is my brother. Ako ang pinagkakatiwalaan niya na magtago sa relasyon nila. Wala nang kinalaman ang relasyon natin doon dahil di pa naman tayo nang sunduin ko si Aurora. This is between you and my brother. That is professional. Personal naman ang relasyon natin at walang kinalaman sa kay Kuya Ethan at kay Aurora o sa trabaho ninyong dalawa. Don’t start with me, Icca,” babala ni Echo dito.
Mariing nagdikit ang mga labi ni Icca at parang maiiyak. Sa palagay niya ay ayaw nito na nawawalan ng kontrol sa pangyayari. Hindi niya alam kung may karapatan itong pakialaman ang personal na buhay ni Ethan pero mukhang kasama iyon sa trabaho ng babae. At mukhang kontrabida siya ngayon sa paningin nito dahil inilalagay niya sa alanganin ang trabaho nito bilang manager ni Ethan. Gusto niyang maipakilala bilang nobya ng binata pero hindi sa ganitong sitwasyon.
Ginagap ni Alvaro ang kamay niya. “Icca, mula nang maging ipanganak ako, lagi kong sinusunod lahat ng rules na in-impose sa akin. Mula sa magulang mo hanggang pumasok ako sa showbiz. I am already twenty-nine years old. Oras na siguro para magdesisyon ako sa sarili ko. I want to be with Aurora. I want us to go out on dates without being hounded by the press. Ayokong bigyan pa kita ng problema.”
“Ang sabihin mo, ayaw mong pakialaman ko ang relasyon ninyo kaya mo inilihim.”
“Yes. Dahil si Aurora lang ang parte ng buhay ko na walang kinalaman sa showbiz. I got everything under control until... The reporters came.”
“At nawala ang lahat sa kontrol. Sinabi mo pang PA mo siya Sa dinami-dami ng pwede mong ikatwiran, bakit iyon pa?”
“Iyon lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ko siya kasama. Kung sasabihin kong kaibigan ko siya, mas madami silang tanong,” katwiran ng babae.
“You took her on a date without thinking about the consequences. Ethan, kung kailan ka tumanda, saka mo pa ako binigyan ng problema.” Mariing pumikit si Icca habang sapo ang magkabilang sentido. “You know that this is movie is important. It will be a top grosser. We are anticipating roughly a billion gross in this film. Kahit ang mga fans mo abroad excited na. We can’t afford any slip up like this. Pwede ka namang mag-date ng ibang babae pero hindi sa gitna ng may sinu-shoot kang movie.”
“Sinabi ko na ngang PA ko si Aurora,” katwiran ni Alvaro.
“Na di mo laging nakakasama?”
“A trainee. A temporary one. Di naman nawawala ang concentratin ko sa trabaho ko. Gusto mo ba na huwag na lang kaming magkita ni Aurora?”
“Never mind. Gagawa ka pa rin ng paraan para magkasama kayo. Tatakas ka pa rin?” nakataas ang kila na sabi ni Icca.
“What I do with my free time is none of your concern,” matigas na sabi ni Alvaro.
“As long as it interferes with your career, it concerns me. Ano ba ang gusto niya? Gusto ba niyang mag-artista? Makapasok sa showbiz? Maging beauty queen?” At saka puno ng paghihinala siyang nilingon ng babae.
“No. Hindi siya sumama sa akin dahil ambisyon niyang mag-showbiz,” depensa ni Alvaro. “What is wrong with you, Icca? Ni hindi niya alam na artista ako nang nagkakilala kami. Nakita mo naman ang Isla Juventus. Walang kuryente o signal ng cellphone. Walang internet.”
“Pero ngayong alam na niyang ikaw si Ethan Ravales?”
“Mas gusto ko po ng tahimik na buhay,” sagot ni Aurora. “Masaya naman po ako sa tahimik na isla namin. Pero sumugal po akong lumuwas dito sa Maynila para makasama si Alvaro. Kung may pangarap man po ako, hindi iyon ang mag-artista at pagkaguluhan ng maraming reporters.”
“Kung gusto mo ng tahimik na buhay, hindi dapat si Ethan Ravales ang naging boyfriend mo. Hindi basta-basta maitatago ang relasyon ninyo. Akala mo ba ay mapo-protektahan ka niya habampanahon at maitatago? Those reporters are sharks, honey. Trabaho nila na maghanap ng lead sa bawat balita. Ngayong nakita ka na nila, hindi ka nila titigilan. Handa ka na bang sundan nila ang kilos mo?”