Chapter FH 2: TWS 30

"Ma'am, naka-book na po ang flight ninyo para sa Davao trip two weeks from now. Tumawag po sa akin si Sir Liam para i-synchronize sa schedule ninyo. Morning flight po ang kinuha niya," sabi ng sekretarya niyang si Darla. Nagkataon na season break ng football kaya mahaba ang panahon para magbakasyon ang mga manlalaro. "Ma'am, hindi ko talaga inaasahan na naglaka-boyfriend na kayo sa wakas."

Mukhang mas excited at kinikilig pa ang sekretarya niya kaysa sa kanya sa pagkakaroon ng nobyo. Sinukuan na kasi nito ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Ilang beses na itong nagreto sa kanya at nag-set up ng date pero tinatanggihan lang niya. At sa pagdating ni Liam sa buhay niya ay excited itong ayusin niya ang schedule niya para lang magkaroon siya ng oras na makasama si Liam.

"Hindi ko pa naman siya boyfriend,"nakangiti niyang tanggi at inangat ang tingin sa pinipirmahan niyang papeles.

"Ano kayo, Ma'am?"

Saglit siyang tumigil sa pagpirma para mag-isip. "Exclusively dating?"

"Exclusively dating lang, Ma'am? Hindi pa rin kayo?" nanghahaba ang ngusong wika nito. "Di pa niya sinasabing mahal niya ako. Paano ko naman magiging boyfriend iyon?"

Marami nang nagtatanong sa kay Cattleya kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Liam pero ayaw niyang mag-assume lalo na't di niya alam ang tunay na nilalaman ng puso nito. Basta ang alam lang niya ay masaya sila kapag kasama nila ang isa't isa.

"Baka naman sa mismong trip ninyo sa Davao, sa harap ng buong angkan niya, saka siya magpo-propose. Malay ninyo, Ma'am," kinikilig na sabi ni Darla.

"Sana nga." Ayaw niyang umasa ng kahit ano mula kay Liam. The best thing she could do is wait for the to wait for the right time. "Pupuntahan ko muna si Kuya Pierro sa Manila Pavillion. Sasamahan daw naming mag-KTV ang mga Korean client."

"Hindi ba type ka ng isa sa kanila?"

Ngumiwi siya. "Sorry na lang siya but I am taken."

Hindi pa niya boyfriend si Liam pero di maipagkakamali ang nararamdaman niya dito. Gusto niya ito. Handa siyang mag-commit dito kung aalukin siya nito.

Iba pala ang pakiramdam ng may inspirasyon. Gumigising siya sa bawat araw ng may ngiti. She had something to look forward to. Kung dati ay mabilis siyang mabugnot kapag may kapalpakan ang mga tauhan niya. Ngayon ay mas mahaba na ang pasensiya niya. At kahit pa masama ang mood niya, makausap lang niya si Liam o kaya ay makita ay maganda na ulit ang mood niya. Hindi pa siya nakaramdam ng ganito noon. She even liked herself better.

Tinawagan niya ito habang papunta siya sa hotel pero di nito sinasagot ang tawag niya. Ang alam niya ay may training ito ng hapong iyon. Malapit nang mag-alas siyete ng gabi. Magte-text na lang siya dito at hahayaan itong matulog.

Papasok pa lang siya ng restaurant ng hotel nang makitang papalabas si Pierro habang may kausap ito sa telepono. His face looked deadly. May hindi magandang nangyari.

Hinarang ni Cattleya ang daraanan nito. "Kuya, saan ka pupunta?"

"I am leaving. Hindi ako sasama sa KTV."

"Bakit? May problema ba?" Okay naman ang relasyon nila sa mga Koreans. Sana naman ay walang problema sa deal nila.

"Pupuntahan ko na si Raiza. Huhulihin ko sila ng lalaki niya," anito at nilagpasan siya.

Kumabog ang kaba sa dibdib niya. Heto na nga ba ang sinasabi niyang gulo. Hindi pala tumigil si Pierro sa hinala nito na may ibang lalaki si Raiza. Her mind was working overtime. Mukhang hindi na simpleng hinala ito at malaking gulo ang nakatakdang mangyari.

Hinabol niya si Pierro. "Kuya, sigurado ka ba? Baka naman nagkakamali ka lang ng hinala."

"Katatawag lang sa akin ng imbestigador. Nagpunta daw si Raiza sa isang condo samantalang nang yayain ko siyang lumabas kanina sinabi niya na dadalaw siya sa isang kaibigan niya sa ospital. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa oras na mahuli ko sila ng lalaki niya."

Lalong umigting ang anyo ng lalaki na lalong nagpakaba sa kanya. Naalala niya ang banta nito noong lasing ito na mapapatay nito si Raiza at ang lalaki nito oras na mapatunayan nitong nagtataksil ito. Kailangan niyang sagipin di lamang si Raiza at ang lalaking sangkot sa isyu na iyon kundi pati si Pierro. She must save him from himself. Hindi masamang tao ang pinsan niya pero mawawala sa sarili ang sinumang lalaki kapag pinagtaksilan. She didn't want her cousin to be another case of crime of passion. She was hoping that she could help him see sense.

Sumakay ito sa nag-aabang na kotse nito sa harap ng hotel. Ihinarang niya ang sarili nang akmang isasara nito ang pinto ng kotse. "Sasama ako sa iyo, Kuya."

Nagsalubong ang kilay nito. "Hindi na kailangan. Sumama ka na lang sa KTV. May mga kliyente tayo..."

"Hindi sila pababayaan ng mga executive mo at nandoon si Shayla. Kahit ipakaladkad ninyo ako sa bodyguard ninyo, sasama pa rin ako," giit ni Cattleya at pumasok ng sasakyan nito. Isinara niya ang pinto at humalukipkip. Wala na itong magagawa para paalisin siya doon.

Inutusan ni Pierro ang driver na paandarin ang sasakyan. "Kung sasama ka para pakalmahin ako... wala akong balak kumalma."

Nagkibit-balikat ang dalaga. At least she could stop him from killing anybody. Ayaw niyang may masaktan at pagsisihan nito sa huli.

Pinagsalikop niya ang palad. Gusto niyang magdasal na sana ay hindi kay Liam nagpunta si Raiza. Pero tumindi ang kaba niya nang mapansin nilang tinatahak nila ang pamilyar na lokasyon.

"Sa Burgos Circle tayo pupunta," sabi ni Pierro.

"Sa Burgos Circle?"Tumigil ang pagtibok ng puso niya. "Pero nasa Burgos Circle ang..."

"Oo. Ang ilan sa players natin. Hindi yata nag-iisip si Raiza. O gusto niyang sadyain na makita silang magkasama para pasakitan at ipahiya ako," nagngangalit na sabi nito at lalong tumiim ang anyo nito.

"Nasabi ba ng imbestigador kung sino ang hinihinala mong karelasyon ni Raiza?" marahan niyang tanong.

"Hindi pa."

"A-Anong unit daw ng condo siya pumunta?"

"Inaalam pa ng imbestigador para sa akin."

Bumuntong-hininga siya. "Kuya, it's a little premature. Hayaan muna natin ang imbestigador na kumpletuhin ang report niya. Umuwi na lang tayo."

Masama na ang kutob ng dalaga at hindi na niya ito nagugustuhan. Bakit kasi hindi mapagsabihan si Raiza? Gusto yata talaga nito ng gulo. Sa ginagawa nito ay tiyak na mas marami ang madadamay. Paano kung kay Liam ito pumunta?

"Hindi. Malapit na ako. At alam ko na makukuha ko rin ang sagot kung sino ang gusto niyang ipinampalit niya sa akin. Nobody treats me like a fool and get away with it." Palaban si Pierro. He was a man of power. Dudurugin nito ang sinumang nanloko dito kahit pa ang babaeng mahal nito. At sa laki ng katawan ng bodyguards nito ay tiyak na bali ang buto ng lalaking kasangkot doon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.