Inilapag ni Cattleya ang resignation letter sa mesa ni Pierro. “Hindi na ako papasok ngayon. I am tendering my resignation effective immediately. Iniwan ko sa sekretarya ko ang lahat ng delegation ng trabahon maiiwan ko pati na rin kung sino ang ire-recommend kong kapalit.”
“Pwede ko bang malaman kung bakit?” tanong nito.
“H-Hindi ko na kayang magtrabaho dito.” Mahirap magtrabaho sa isang taong puro kasinungalingan ang ipinakikita sa kanya. “I need to find myself. I need growth. Hindi dito.”
“Is it the position? You are not happy to be just an assistant? Mas malaking sweldo?”
“Hindi ito tungkol sa pera. Di na ako masaya.”
Matapos ang mga nangyari nang nagdaang mga araw, pakiramdam niya ay pagod na pagod ang puso niya. Gulping-gulpi siya. She needed to heal. She wanted to find her own happiness. Ayaw na niyang maging robot lang na sunud-sunuran sa pinsan niya. Gusto niyang maging masaya.
Umiling ito at tumayo saka naglakad patungo sa wall-to-ceiling glass window kung saan natatanaw ang buong Makati. “Lahat na lang kayo iniiwan ako - ang mag-ina ko, ikaw at si Liam.”
Natilihan siya. "What? Wala na rin si Liam? Did you fire him?"
Iba ang personal na buhay sa propesyunal na isyu nila kay Liam. He was a good player. Malaki ang kontribusyon nito sa team at may kontrata ito. Di ito pwedeng basta na lang pakawalan. Kailangan ito ng EL Mundo.
"No. Nagpaalam siya nang maayos sa akin. Pumunta siya sa opisina ko kahapon at sinabi niya na hindi makakabuti sa El Mundo kung mananatili siya sa team kung may ganyang isyu at wala akong tiwala sa kanya." Iwinaksi nito ang kamay. "So he resigned."
Tumigil sa pagtibok ang puso ni Cattleya habang nakatitig dito. Nag-resign si Liam, hindi sinensate. Pinag-aralan niya ang mukha ni Pierro. "Did you pressure him to resign?"
"No. Ang totoo napag-isip-isip ko na negosyante pa rin ako. Malaki ang gastos ko para lang makuha siya. Malaking bagay na nasa El Mundo siya. Malaki ang nagagawa ni Liam sa performance ng team. Iba ang laro ng team kanina nang mawala si Liam. Parang nagkakapaan sila. Iba pa rin kung kasama si Liam na naglalaro. Sa simula pa lang buhay na buhay na ang team."
That was the football fanatic and the businessman talking. "How about your personal side here? Kuya, naniniwala ka na niloko ka niya at ni Raiza," paalala niya.
Ipinamulsa nito ang kamay sa slacks at hinarap siya. "Gusto kong malaman mo na tinatanggap ko na ulit si Raiza. Handa akong alagaan siya at ang mga anak namin."
Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Tinanggap na ulit nito si Raiza. At inaangkin muli nito ang ipinagbubuntis na bata. Ano bang nangyari nang mawala siya? May himala ba?
"Bakit?" paalala niya. “Takot ka bang mawala ang kayamanan mo?”
Kumunot ang noo nito. "I love her. Wala na akong pakialam sa kung sa akin man ang bata o hindi. Masyado lang akong nabigla nang nakaraan at inakusahan ko siya. Hindi kasi niya ipinagtapat sa akin na dati silang may relasyon ni Liam o sa ibang lalaki. You see, tinanggap ko si Raiza sa buhay ko kung anuman siya. I didn’t ask questions. Nang sabihin niyang buntis siya, inisip ko na tsansa ko na iyon para makuha ang kayamanan ni Lolo. I deserve it. Ako ang apo niya. He trained me for greatness. At di ako papayag na isang katulad mo ang basta na lang dadating at aangkinin ang dapat na para sa akin.”
“Itinuring mo pala akong kakompitensiya.” Nakakalungkot dahil itinuring niyang parang kapatid si Pierro. Mataas ang tigin niya dito.
“At dahil doon ay namuhay ako sa takot. Mga multo na kinatatakuan kong hahabol sa akin. Nabuhay pa ang hinala ko noon kay Raiza na may ibang karelasyon. I felt betrayed."
"Ang totoo alam ko na dating boyfriend ni Liam si Raiza. Hindi ko lang sinabi dahil ayoko ng gulo. Nang panahong iyon kasi may hinala ka nang may ibang karelasyon si Raiza." Kinagat niya ang pang-ibabang labi at hinintay ang pagsabog ng galit nito. Parang tinraidor din naman niya ito.
Ipinilig ng pinsan ang ulo at parang balewala ang nalaman. "It doesn't matter. Nakaraan na iyon. Ang totoo si Liam ang nakakumbinsi sa akin na bumalik kay Raiza."
"Anong sinabi niya?"
"Na hindi sa kanya ang bata. Sinabi din sa akin ni Raiza kung sino ang inakala niyang ama ni Pierson. Dahil kung may relasyon sila ni Raiza, ilalayo daw niya sa akin at hindi ko na makikita kahit na kailan. So far isang babae lang naman ang di siya natakot na ipagtanggol sa akin - ikaw. He treats women better. Di siya mangingiming mawala ang lahat basta makasama ang babaeng mahal niya. Iyan ang nakikita ko sa kanya. Ikaw ang mahal niya."
Sinapo niya ang dibdib at huminga ng malalim. “Sinabi niya sa akin pero di ko siya pinaniniwalaan. At nagbigay ako ng kondisyon sa kanya na bibigyan ko lang siya ng pagkakataon kung magkakabalikan kayo ni Ate Raiza.”
“What? You did that for me?” bulalas nito.
“Pwede kong balikan si Liam kung gugustuhin ko pero ayokong isipin mo na tinraidor din kita. Gusto ko... Gusto kong matiyak na maayos din ang pamilya mo bago ko piliin si Liam.”
Mapait itong ngumiti. “I don’t deserve you, Cattleya. Napakabuti mo sa akin pero hindi ako naging mabuting kapamilya sa iyo.” Hinawakan nito ang balikat niya. “Pwede mo nang puntahan si Liam.”
“T-Talaga?” tanong niya.
Ngumiti ito at tumango. "You should also know the truth. Pwede akong magkaanak. Nagpatingin ako sa doktor at nalaman ko na ang normal ang sperm count ko noon. Nagpa-test na ako sa doktor at nalaman ko na posible pa rin akong magkaanak. Premature si Pierson nang ipanganak. He is mine. At sa akin din ang dinadala ni Raiza.”
Masaya niyang niyakap ang pinsan. “Isang himala iyan!”
“Marami kaming sekreto ni Raiza. Marami kaming pagkakamali pero mahal namin ang isa’t isa.” Tipid itong ngumiti. "Ayaw niya akong tanggapin noong una pero lumuhod ako sa harap niya."
"Lumuhod ka sa harap niya?" di makapaniwalaniyang niyang usal. Parang wala sa karakter nito na luluhod at magmamakaawa sa isang babae.
"Kahit ano gagawin ko para lang mabawi siya. At dapat mo ring ayusin ang relasyon ninyo ni Liam. Puntahan mo siya. Hinihintay ka lang niya na bumalik sa kanya."
“Gagawin ko iyan.”
“By the way, kung gusto mong ilaban ang kaso at kunin ang kayamanan na para sa iyo, maiintindihan ko. Kung mananalo ka sa kaso, handa akong ibigay ang lahat ng ito basta nasa akin lang ang pamilya ko.”
“Kuya, ikaw na lang ang pamilya ko. Kayo nila Ate Raiza at ang mga anak mo. Hindi naman pera o kayamanan ang kailangan ko kundi kayo.”
Naluluha siyang niyakap nito. “Salamat.”
Oras na para kumpletuhin niya ang kaligayahan niya.