Malamlam na ang sinag ng araw pagtapak ko sa harapan ng resort. Pasado alas-cinco na. Naka-engrave sa itaas ng entrada ang Panglao Regent Park. Pumasok ako at nagpunta sa reception at kinuha ang key card para sa b-in-ook kong kwarto.
"West wing, Maam. Room 375. We have different deals for room service. You can browse for the services and other deals in full menu at your room. For assistance and other needs, you can contact our reception officer. Have a nice stay!"
Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang key card na inabot niya. In-assist ako ng crew papunta sa West Wing. Napatingala ako sa tatlong palapag na mahaba at kulay puting gusali. Sa tingin ko nga, may rooftop pa sa itaas. Sa unang tingin, mukhang dormitoryo ang gusali, minus sa parihabang asul na pool at hanay ng kayumangging pool chairs sa gilid nito.
Isang malinis na regular hotel room ang pinagdalhan sa akin ng crew. Nagpaalam siya habang pumasok na ako sa loob. Binaba ko ang backpack sa kama at napatingin sa nag-iisang kabinet, maputing kama, at nightstand sa gilid niyon. May pinto ng banyo.
Nice. Hindi engrande pero swak sa isang single lady na tulad ko. Pinulot ko ang book of menu na nasa kama at padapang humiga. Binubuklat-buklat ko lang 'yong libro hanggang tumunog ang relo ko. Alas-sais na.
Nagbihis ako, nagpabango, bago lumabas ng kuwarto. Sinukbit ko sa balikat ang shoulder bag at bumaba sa lobby ng west wing. Lumabas ako ng resort. Nag-hire na lang ako ng taxi para pumunta sa concert ng Vine. Hindi ko pa kasi kabisado ang buong Tawala.
INAKALA siguro ng manager na hindi pa kilala ang Vine sa Bohol, kaya sa Tawala Public Auditorium dinaos ang concert. Pwes, mali si Maingey. Halos gitgitan na ang mga tao sa loob at kahit na medyo maliit akong babae, nakipagsiksikan ako sa mga tao. Para lang makalapit sa bouncer. Umasim pa ang mukha ko nang maamoy ang putok ng babaeng nakipagsiksikan din. Hay nako.
"Kuya!" pigil-hinga kong sigaw sa bouncer na palaging present sa concert ng Vine. Lumingon siya sa akin. Ngumiti ako. "Papasukin niyo naman ako sa VIP area, may VIP ticket ako!" Tinaas ko pa ang ticket.
Kumunot lang ang noo niya sabay senyas sa akin. Lumapit agad ako at lumusot sa harang na binuksan niya para makapasok ako sa loob.
"Hanapin mo na lang ang seat number. Maraming tao, mahirap iwanan ang puwesto."
"No prob, Kuya! Salamat!"
Patakbo kong tinungo ang VIP seats. Hinanap ko ang number at agad naupo. Mahirap nang manakawan ng upuan. Napangiti ako nang umilaw ang stage. Pero wala pa ang Vine.
Mabilis kong dinukot ang digital camera sa loob ng shoulder bag at nag-picture. Tapos, in-set ko sa video mode. Nilibot ko nang three-sixty degrees ang kuha ng kamera. Grabe, andaming tao! Hindi naman ganito karami noong last concert. Siguro mas maraming Vinepress dito sa Bohol.
Kinunan ko ang sarili at ngumiti sa kamera. "Hello there, fellow Vinepressers! I am here at VineAtBohol and grabe! Andaming Vinepress dito! Kanina nga, halos masubsob na ang mukha ko sa kili-kili ng isang lalaki. Buti iniwas niya ang kili-kili niya." Natawa ako. "So ayun nga, nag-ask ang ilan sa hindi nakabili ng ticket na ipag-vlog ko sila. So... here it is! Enjoy watching and don't forget to hit like and subscribe for more vids!"
Binaba ko ang camera at tiningnan ang stage. Mas lalong umingay ang mga fans nang may lalaking umakyat sa stage. Si Kuyang nag-pi-prepare ng musical instruments lang pala.
Pinagsawa ko ang sarili sa pagkuha ng litrato habang hinihintay ang pagtugtog ng Vine. Mas marami na ring mga fan ang naupo sa iba pang VIP seats. Napangisi tuloy ako. Mabuti nalang at naka-reserve ang mga upuan sa bawat VIP tickets. Noong last time kasi, basta may VIP ticket, pasok agad sa area. Lugi ang huling makakaabot kasi occupied na lahat ng upuan sa harap.
Mas mabuti ngang si Tiden ang nag-reserve ng upuan sa akin. Nasa ikalawang row ako kaya halos sa mismong harap ko na magpi-perform ang Vine. Maasahan talaga ang isang 'yon.
Ilang minuto pa nang may babaeng umakyat sa stage. Umkhim siya at nilapit ang mic sa bibig. "Good evening, Vinepress! Are you excited to see your idols?"
"Yes!"
"We love you, Vine!"
"Hanga ako sa inyo, idol!"
Natawa ang babae sa stage. Hinawi niya ang hibla ng buhok sa mukha. "Vine is a band consist of five members. This group was established last two years ago, when Maingey Thea Cavalder happened to hear the performance of Seariel Render also known as Ariel and Levitus Yushen also known as Levi. These two boys are dedicated, achiever, and will do anything to reach their goals. That's why Maingey Thea didn't hesitate to establish the band with only two members.
After months of playing around as duo, Cairo Junil also known as June and Tiden Rude also known as Tide entered the band. Then Nicolen Angel also known as Nicole, joined the band as the only girl member."
Naghiyawan ang fans. Mabagl lang akong pumalakpak. Narinig ko kasi ang pangalang Nicole.
"It was an overwhelming bumpy ride with you, Vinepress." Ngumiti ang babae. "Now, we will see our idols soaring high in the sky like an eagle spreading its wings. Are you excited to watch them perform live here in Tawala Public Auditorium?"
"A big yes!"
"Yes yes yes!"
"Vine I really love you!"
"Just shout the name of your idols as they're performing here live at Tawala, ladies and gentlemen, here are the members of Vine! Ariel, Levi, Tiden, June, and last but not the least, Nicole!"
Umugong ang hiyawan at palakpakan sa buong paligid. Napangiwi ako sa tinis ng hiyaw ng babaeng katabi ko. Napailing ako. Grabe si ate, a? Nakihiyaw na rin ako pero 'yong tamang tinis lang. Nadala na ako sa hiyaw ni ateng ni hindi man lang nag-sorry sa akin. Parang nabasag eardrums ko!
Naupo ang lima sa kani-kaniyang puwesto. Si Ariel sa drumset, sa Levi sa nakatayong mic-stand sa gitna pati na si Nicole, si Tiden sa gilid habang sinasabit ang electric guitar sa katawan, at si June sa keys.
"Good evening, dear fans."
Mas lalong nangisay sa kilig ang mga fans nang magsalita si Ariel. Natawa ako. Iba talaga ang karisma ng isang 'yon.
"Go, Seariel!" sigaw ko.
Napansin ko ang pagbaling ni Tiden sa gawi ko. Nagtama ang paningin naming dalawa. Tipid siyang ngumiti bago nagbaba ng tingin sa electric guitar na nakasabit sa katawan niya. Napanguso ako.
Ngumiti nang malapad si Ariel. "It's nice to see you here with us tonight. I am Ariel Labastida, your handsome leader of the band. Here are my members." Tinuro ni Ariel si Levi.
"Pleasant evening," bati ni Levi.
Unti-unti akong napangiti. Ang ganda talaga ng boses ni Levi. Nakaka-inlab... hay...
"I'm Levitus Yushen, your lead vocalist."
Si Tiden na naman ang nagsalita. "Tiden Rude, electric guitarist. Sweet lover, not a gamer."
Naghiyawam ang fans. Napangisi rin ako sa sinabi niya at nakikantyaw.
Umikhim si June. "Cairo Junil, your silent pianist. If you want to feel love, come and I'll whisper it to you."
Mas lalong nagwala ang fans. Napangiti si Jun saka nagbaba ng tingin sa keys. Natawa ako pero natahimik nang magsalita si Nicole.
"Hello everyone! Nicolen Angel here, your sub-vocalist and sweet princess. Give me some shout of praise!"
Humiyaw nang todo ang fans.
"Ang ganda mo, Nicole!"
"Ang galing-galing mo!"
"Idol! You're the best!"
"Walang makakatalo sa 'yo, Nicole!"
Nakita ko kung paano matawa si Nicole sa sinabi ng fans. Nangunot ang noo ko. Hmm... parang gustong-gusto niya ang paghanga ng tao. Tss.
Inagaw ni Ariel ang spotlight. "Sino ba rito ang nasaktan at nabigo? Itaas ang kamay at sumabay!"
Isang pabagsak na tunog ng drums biglang hudyat sa simula ng tugtog. Kumarera ang electric guitar na sinabayan ng malamyos na tugtog ng piano.
Napangiti ako at napa-headbang. Naka-on ang video recording ng digital camera. Sumigaw pa ako para i-cheer sila.
"Every night I dream
Vivid dreams of past
Past we took granted and forsook!"
Napatayo ako sa upuan at sumayaw sa kanta. Nakisabay ako na may kasamang hiyaw. Pati na rin ang ibang fans na nasa VIP seats. Tumayo sila para mag-headbang at magtatalon, saka sasabay sa kanta. Grabe! Ansaya nito!
Patuloy kami sa pagsayaw at pag-headbang. Pinutol ko na muna ang video recording at sinilid ulit sa shoulder bag ang digital camera. Ayos na siguro 'yong kuha. Baka magkaproblema mamaya. First song pa lang pero halos magwala na ang mga tao sa pagka-upbeat ng kanta.
Paano pa kaya 'yong heavy metal na latest song ng Vine?
Masaya akong sumasabay sa kanta ng Vine nang maramdaman kong may tumayo sa gilid ko. Hindi ko sana papansinin kaso ramdam kong nakatayo lang siya at hindi gumagalaw.
Wow, lahat ng tao sumasabay at kumakanta kasabay ng Vine pero ang 'sang 'to, nakatayo lang?
Kunot-noo akong bumaling at tumingala sa taong 'yon. Sa una ay hindi ko pansin ang facial features niya kaso habang tinititigan ko siya... natutop ko ang bibig.
Si Engineer Lyndon!