Chapter 45

"Okay lang ba talaga na sasama ako sa 'yo?"

Pinagsiklop niya ang mga kamay namin. "I already told you, Rishell. I can freely share moments with you after you've signed the contract."

Ano bang meron sa contract? Napabuga ako ng hangin. Nagsisi akong hindi binasa ang nakasulat doon. Tuloy hindi ako maka-relate sa sinasabi ni Levi na contract.

Ngumiti ako. "Okay. Uhm, hindi mo kasama ang team?"

"No." Inikot niya ang manibela gamit ang isang kamay. "I will submit my newly written song lyrics."

"Oh. Ikaw ang nagsusulat ng lyrics?" manghang tanong ko.

Ngumiti siya. "Yes. I love to write those things."

Tumango-tango ako. Grabe, akala ko ang management ang nagbibigay ng lyrics. Siya pala 'yong nagsusulat? Mas lalong sumidhi ang paghanga ko sa kaniya.

Huminto ang kotse sa ANEW Recording Studio. Umibis siya kaya umibis din ako. Tahimik ang paligid. Sabagay, nasa loob ng isang private land property ang studio. Puro puno ang nakapalibot sa three-storey building. Hindi mahangin at wala 'yong awit ng ibon na typical sa lugar na ganito. Tiningala ko ang gusali bago sumunod kay Levi sa loob.

Kaunti lang din ang tao sa loob. Isang receptionist, maintenance, at ECE officer lang 'yong nasalubong namin. Napayakap ako sa sarili. Nakakakilabot ang katahimikan sa loob.

"L-Levi?"

"Hmm?"

"Ganito ba rito palagi? Parang ang creepy."

Natawa siya. "It's usually quite. And I love the stillness of this place. Why? Are you scared?"

"Hindi naman. Nakapagtataka lang."

Tumango siya. "This is one of ANEW's studio branches. Sa susunod na isasama kita, doon sa Mandaue na. Para hindi ka matakot. But I love seeing you in that face. So priceless."

"Levi naman, e." Napalabi ako. "Hindi ako nagbibiro. Ang creepy naman kasi ng napakatahimik na studio."

"Okay. We'll visit Mandaue's branch. Maingay doon."

"Uhm."

Huminto siya sa isang kulay maroon na pinto. Binuksan niya 'yon at lumingon sa akin, na parang sinasabing sumunod ako. Ngiti akong tumango.

Isa pala 'yong control room. Nandoon sa loob ang isang lalaki, nakaupo sa swivel chair, habang kinakalikot ang audio mixing consoles. Umikhim si Levi kaya lumingon ang lalaki sa gawi namin.

"Yushen," bati ng lalaki. Tumayo siya at lumapit kay Levi at nakipagkamay. "Mabuti't nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay."

Tumango si Levi at binawi ang kamay. "Ipapasa ko sa management ang next release. Can I use your live room?"

Sabay tumingin sa malaking glass wall ang dalawa. Napatingin din ako ro'n. May babae at lalaki sa loob ng live room. Nag-uusap sila pero hindi ko naririnig ang boses. Bigla, tumingin sa gawi namin 'yong babae at lalaki. May sinenyas ang lalaki at mabilis namang pinindot ng kausap ni Levi 'yong red button. Nabuhay ang micropono sa loob ng live room.

Sinuot ng babae at lalaki 'yong earphone. Narinig ko bigla 'yong auto tune ng kanta sa speakers na nasa gilid ng control room. Ah. Ang ganda ng jazzy rendition ng dalawang nasa live room. Pinikit ko ang mata at nakinig sa musika.

"Sinabi ba ni Maingey na lalagyan niya ng pampalasa ang susunod na Album?"

Natahimik saglit si Levi. "No, she haven't."

"Kung gano'n, ako na ang maglalagay."

"You? I thought we're under Maingey?"

May narinig akong yabag. Palapit sa gawi ko kaya nagmulat ako ng mata. Bumungad sa akin ang seryosong titig ng lalaki. "Sino ang babaeng 'to, Yushen?"

Humakbang palapit sa akin si Levi at hinapit ako sa baywang. "She's my girlfriend."

"At dinala mo siya rito? Alam ba 'to ni Kendrick?"

Bumuga ng hangin si Levi. "She'll be with us. She signed the contract, and you know what that means." Kakaiba ang tingin ni Levi sa lalaki.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawa. Hindi ko alam kung anong ibig nilang sabihin pero alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Umikhim ako. "May I know kung... anong pinag-uusapan niyo? Di ko kasi maintindihan."

Pero hindi ako pinansin ng lalaki. Umikhim lang siya at bumaling kay Levi. "Mabuti. Maupo na muna kayo at kailangan ko pang tapusin ang trabaho ko."

Napabuga ako ng hangin sa pagkapahiya, pero hindi na umimik. Inalayan ako ni Levi paupo sa bench na ilang hakbang mula sa recording desk. Sinundot ko siya. "Anong sinasabi niya?" pabulong kong tanong.

Hindi siya umimik. Hinagkan niya lang ako sa pisngi para tumahimik ako. Umupo siya at hinila ako paupo sa kandungan niya. Napahawak ako sa braso niyang pumaikot sa baywang ko.

"Levi..."

"Hmm." Naramdaman kong binaon niya ang mukha sa tuktok ng ulo ko. Nilaro niya ang dulo ng buhok ko.

"Matagal pa ba? Kasi, uhm... gusto kong magbanyo."

Kinalas niya ang braso at pinatayo ako. "I'll accompany you." Hinawakan niya ang kamay ko at akmang hahakbang palabas ng control room, nang tawagin siya ng lalaki.

"Hindi ka pwedeng lumabas. Malapit na silang matapos."

Tumiim ang bagang ni Levi at nagbaba ng tingin sa akin. Wait, 'wag mong sabihing -- "I'm sorry, baby."

Hilaw akong napangiti. Okay, ayos lang. Naintindihan ko. "Uhm, saan ba ang banyo?"

"Miss, magtanong ka sa maintenance," sabi ng lalaki.

Tumango ako at hilaw na namang ngumiti sa lalaki. Grabe 'tong si Kuya. Ansungit. Lumabas ako ng control room at nagpalinga-linga sa hallway. May lalaking nagma-mop sa malayo. Nilapitan ko ang lalaki at umikhim. "Kuya, sa'n ang rest room?"

Huminto siya at nag-angat ng tingin sa akin. Napaatras ako nang magtama ang tingin namin. Ano, kasi... walang puti sa mata niya. Puro itim. Mariin akong pumikit at dumilat. Normal na ang mga mata niya.

Ngumiti siya. Pero biglang gumapang ang kilabot sa kalamnan ko. Humagikgik siya. "Kaliwa, Miss. 'Yong puting pinto."

"U-Uh, s-salamat po." Mabilis akong pumihit at patakbong tinakbo ang kaliwang hallway. May puting pinto nga ro'n. Agad akong pumasok at ginawa ang dapat gawin.

Kinabahan pa ako nang lumabas ako mula sa banyo at naglakad sa hallway. Nakita ko si Kuyang Janitor. Nagma-mop pa rin siya sa parehong lugar. Hindi pa ba siya tapos? Pabalik-balik lang 'yong stroke ng mop sa sahig.

Tumingin siya bigla sa akin at ngumisi. Nanlaki ang mga mata ko at patakbong tinungo ang maroon na pinto. Nakakatakot siya! Hindi na ako kumatok. Diretso kong pinihit ang seradura at pumasok sa loob. Pero natigilan ako nang makita ko si Levi. Nakatayo siya patalikod sa akin. Kasama na niya 'yong babae at lalaki na nasa live room kanina.

Pinalibutan nila 'yong lalaking nakatoka sa control room. May binubulong sila. Something like... worship, power, darkness, addiction, blindness? Tapos... mga salitang hindi ko na maintindihan.

Napalunok ako. Nagmamalikmata ba ako? Pumikit ako at dumilat. Nakahinga ako nang maluwag. Nagmamalikmata nga ako. Hindi pwedeng bigla na lang dumami ang mga tao sa loob. Apat lang sila sa gitna ng control room. Tama, apat lang sila.

Pumaling sa kaliwa ang ulo ko. Parang gustong lumabas ng kinain ko kanina. Nasapo ko ang bibig at mariing pumikit para pakalmahin ang tiyan ko. Nang magmulat ako, nakita ko ang mga taong nakasuot ng itim na roba. Naka-hood sila kaya hindi ko makita ang mga mukha. Nakapalibot sila kina Levi, sumasabay sa sinasabi ng apat.

Wait... is that incantation?

Nanghina ang tuhod ko. Napaluhod ako sa bigat ng hangin sa loob. Niyukyok ko ang ulo at pumikit nang mariin.

"Rishell."

Dinaluhan ako ni Levi. Tinulungan niya akong tumayo nang maayos. Nilibot ko ang tingin. Teka, bakit nawala ang mga taong naka-hood?

"L-Levi, m-may nakita ako. S-Sino 'yong mga taong naka-itim?"

Kumunot ang noo niya.

Lumunok ako. "M-Marami sila. Kanina... m-maraming -"

"Rishell," pigil niya sa sinabi ko. "Breathe, baby. Breathe."

Doon ko napagtantong kanina ko pa pinipigilan ang sariling hininga. Humugot ako nang malalim na hininga. Saka nanginginig na humawak sa braso ni Levi. "S-Sino sila? Saka... nag-i-inkantasyon kayo?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "What do you know about incantation?"

"I-I don't know. Pero may nabasa ako, at nakita ko kayong ginagawa 'yong inilarawan sa libro."

Bumuga siya ng hangin. "I'll explain it to you later. But for now, have a sit. Relax. No one will hurt you, okay?" Ngumiti siya.

Ilang segundo akong napatitig sa mukha ni Levi. Sobrang gwapo niya sa malapitan. Umawang ang labi ko. Mas lumapad ang ngiti niya kaya napangiti ako. "S-Sige."

Pinaupo niya ako. Pinagmasdan ko lang siyang lumapit sa lalaking nakatoka sa control room. Nagpaalam naman 'yong babae at lalaki kanina, saka lumabas. Pumasok si Levi sa pinto na nagdudugtong sa live room at control room.

Sinimulan na ni Levi ang pag-record ng kanta, na sinabayan ng lalaking nakaupo sa swivel chair at nakatalikod sa gawi ko. Narinig ko siyang may binubulong na hindi ko maintindihan. Pero may pamilyar sa binubulong niya. Pareho sa narinig ko kanina.

Tinaas niya bigla ang kamay sa glass wall na naghihiwalay sa control at live room. Lumakas ang bulong ng lalaki. At pakiramdam ko, lumakas din ang volume ng music sa speakers.

Umalingawngaw sa loob ng control room ang boses ni Levi. Noong una ay naintindihan ko pa ang lyrics pero habang tumatagal, nagiging distorted ang boses niya. Naging magaspang at malalim. Hinihingal. Umuungol. Parang nangangalmot. At dumadagundong na parang kulog kasabay ang matinis na halakhak.

Nasapo ko ang bibig habang pinapakinggan ang kanta. Parang hinukay bigla ang sikmura ko. Pero may napansin ako. Habang tumatagal, naging banayad ang musika sa pandinig ko. Nakakahalina. I threw my head back. Para akong nalasing. Lango akong ngumiti at tumingala sa kisame. Nakita ko sa itaas ang isang tatsulok. Kagaya ng tattoo sa collarbone ni Levi. My smile widened.

Pleasure engulfed me as Levi's voice continued to envelope the whole room. Ah, too pleasurable...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.