Chapter 511

Wala na sigurong plano ni Mister Ratunil na maging manager ko. Halos dalawang buwan na siyang hindi nagpakita sa akin. Tinawagan ako ng recruiter kung okay ba sa akin na hahanapan ako ng bagong manager pero sinabi kong ayos lang sa akin ang PA ko na minsan ay nagiging manager ko.

"Ate Rishell! Pa-picture naman."

Nag-angat ako ng tingin. 'Yong tatlong babaeng fan ni CareLikeGoldFish na humingi sa akin ng pabor noon. Nakangiti sila na abot sa mata.

I was taken back by their smiles. "N-No. I-I'm sorry."

"Ay ate naman, idol na idol ka namin!"

"Oo ate. Sobrang galing mong kumanta!"

"Grabe, ang ganda ng boses mo te!"

Mabilis kong niligpit ang gamit at tumayo. "I'm sorry. I have to go, and please, don't come near me again." Patakbo akong lumabas ng canteen. Kanina ko pa ramdam ko ang titig ng mga estudyante sa akin. Titig na hangang-hanga sila.

Noon siguro... masisiyahan ako. Pero ngayon, mas gusto ko na lang na lumayo sa kanilang lahat.

"Ate, picture please!"

"Omg! Idol!"

"Si Rishell Larica, nandito kyaaah!"

"Ate, pakilala mo naman ako sa Vine!"

Mas binilisan ko ang lakad at nilampasan ang mga fangirls na humarang sa daanan ko. Sinita naman sila ng security guard na nagro-roaming kaya nakawala agad ako sa mga titig nila. Mabilis akong nagtungo sa likod ng TVL Bulding.

Napasandal ako sa pader at napatingala. Asul na asul ang langit at panaka-naka lang ang maninipis na ulap. Magandang araw. Ang sarap pagmasdan. Nawawala ang alinlangan, takot, at masasamang ala-ala ko. I heaved a sigh.

Paano kaya kung... hindi ko pinirmahan ang kontrata? Ganito pa rin ba ang buhay ko? Paano kung si Tiden nga ang naging idolo ko at hindi si Levi, mangyayari kaya 'to?

Tiden...

Sukat noon, naalala ko ang kaibigan ko. Mabilis kong dinukot ang cellphone at tinawagan ang numero ni Tiden. Gusto kong humingi ng tulong sa kaniya. Alam kong siya lang ang maaasahan ko sa oras na 'to.

Walang sumagot sa unang tawag kaya tinawagan ko siya ulit. Nakahinga ako nang maluwag nang sinagot niya sa pang-apat ng ring. "T-Tiden hindi ko -"

"Who's this?" masungit na tanong ng isang matinis na boses. Babae.

Nangunot ang noo ko. "Number ba 'to ni Tiden Rude?"

"Uh, yes. Honey, bangon. May tumatawag sa 'yo."

Nakarinig ako ng langitngit ng kama. Maya-maya pa'y paos na boses ni Tiden. "Anong kailangan mo?"

Napalunok ako. "T-Tiden."

Ilang segundo siyang natahimik bago muling nagsalita. "Rishell? May problema ba?"

"Uh, m-meron." Nakagat ko ang labi. "Si L-Levi... hindi ko na siya kaya, Tiden."

"Sinabi ko sa 'yong - Nica! 'Wag kang magulo. Tumatawag si Rishell." Umungol siya. "Nica p-please, mamaya na. Hindi ka ba napagod kagabi, ha?" Umikhim siya. "Pasensya na, Rishell. Magulo kasi 'tong kasama ko."

"O-Okay lang." Umikhim ako. "D-Did you two uhm..."

"Yes. I'm having some fun."

"Oh." Lumunok ako. "A-Ayon, hindi ko na kasi kaya si Levi. Gusto ko sanang humingi ng tulong sa 'yo."

Kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari. Iniwan ko lang 'yong mga sensitibong parte gaya ng pag-r*pe sa akin ni Rei at 'yong... mga lalaki. Kumuyom ang kamao ko.

"I'm sorry, Rishell." Narinig ko ang buntong-hinga niya. "Hindi kita naprotektahan laban kay Levi."

"N-No. It's my fault after all." Lumunok ako at huminga nang malalim. "Nagpadala ako sa emosyon ko. I shouldn't let him get me. And I know, I'm paying the consequences with my impulsive decisions. If only I could turn back the time..."

Ilang minuto kaming natahimik. Umihip ang hangin at tinangay niyon sa himpapawid ang ilang tuyong dahon.

Umikhim si Tiden. "I know that he is part of satanic cult. Sinubukan niya kaming dalhin sa kulto pero hindi ako pumayag. Hindi kami pumayag. Inisip kong tama na 'yong basbas ng demonyo sa kanta namin, at 'yong kontratang pinirmahan namin kay satanas kapalit ang kasikatan at pera. Hindi na kaya ng konsensya ko ang pumatay at uminom ng dugo ng tao para sa kapangyarihan."

"So... you k-knew. And you're part of that r-revolution."

"Rishell." Bumuntong-hinga siya. "Hindi lang kami ang pumirma ng kontrata kay satanas. Marami pang idolo, hindi lang sa musika, pero pati na sa ibang industriya partikular sa showbiz at literatura. Hindi mo pa alam kung gaano kadilim ang industriyang tinatahak mo ngayon. Kaya mag-ingat ka. Lalo na kay Levi." Narinig ko ang paglunok ni Tiden. "Sana... hindi ka magpapadala ulit sa kaniya, Rishell. Masaya akong hindi ka pa kumokontrata ng demonyo."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.