"Kumokontrata si Levi ng demonyo. May demonyo sa katawan niya. At ginagamit niya 'yon para sa kapangyarihan, dahil may plano siyang pasukin ang mas madilim na mundo ng kulto. Alam ko, Rishell. Dahil muntik na niya akong mahila."
"M-Muntik ka nang mahila?" Napahinga ako ng malalim. "Does that mean, ayaw mo sa ginagawa mo, Tiden?"
Narinig ko siyang suminghot. "Dahil akala ko magiging masaya ako, Rishell. Akala ko masaya ang maging sikat, sinasamba ng tao, hinahangaan. Pero hindi ko lubos akalaing isang patibong ng demonyo ang daang tinahak ko noon."
Napakurap ako nang manlabo ang paningin ko. "W-Wala ka bang balak kumalas? Wala ka bang balak na iwanan 'to, Tiden?"
"Gusto kong kumalas. Gustong-gusto ko, Rishell. Pero anong magagawa ko? Binili na ni satanas ang kaluluwa ko. Wala na akong takas sa kaniya. Kahit saan ako magtago, mahahanap niya ako. Huli na para kumalas, Rishell. Huli na ang lahat."
Nakagat ko ang labi at napahikbi. Pareho kami ni Tiden. Nahihirapan kaming pareho sa kalagayan namin ngayon. Napatingala ako sa asul na kalangitan. "Is there someone who's powerful than him?" Suminghot ako. "Baka merong isang taong mas malakas sa kaniya. Mas makapangyarihan sa kaniya, Tiden."
"Naghanap din ako, Rishell, pero bigo ako."
"Do you this man named Jesus? Noon, nasabi sa akin ni Levi na kalaban siya. Pero, habang tinititigan ko ang mata niya, bigla na lang may takot na umusbong doon. Do you know him, Tiden? Baka matulungan tayo ni Jesus." Naiyak ako. "Sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na ako, Tiden. Hirap na hirap na ako sa sitwasyong 'to kaya desperada na ako. Gusto kong makawala."
"Jesus... hindi ba pangalan 'yon na sinambit ni Seariel?"
Nahinto sa eri ang hikbi ko. "What do you mean? Sinambit ni A-Ariel?"
Natahimik siya saglit. "Rishell... 'yan ang pangalan na sinambit ni Seariel noon. Sinabi niya sa akin na kakalas siya at hihingi ng tulong kay Jesus para makawala. Muntik din akong maniwala sa kaniyang matutulungan nga ako ni Jesus. Pero... nakita ko na lang ang malamig na bangkay niya sa labas ng recording studio. Baka hindi siya ang hinahanap natin, Rishell."
"Wait..." Lumunok ako. "Malamig na bangkay? Don't ridicule me. Anong sinasabi mo? Hindi pa patay si Ariel. Nakita ko kanina ang live interview niya sa TV. Imposible 'yan, Tiden."
"Si Seariel... binaril siya ni Levi, Rishell. Si Seariel Render Von Labastida ang sinasabi kong hihingi ng tulong kay Jesus."
"Oo nga. Si Ariel. Ano bang sinasabi mo?"
Ilang minuto siyang natahimik. Bago nagsalita ulit. "May kakambal si Seariel Render, Rishell. Si Seaniel Rondor Van Labastida. Si Seaniel ang nakilala mong Ariel dahil matagal nang binaril ni Levi ang totoong Seariel. Namatay si Seariel noong huling concert namin sa Argao."
Argao. Napakurap ako. Hindi ba... 'yon ang araw na namatay si Jonaira at may nawawalang biktima sa Boljoon?
"Don't make fun of me, Tiden!"
"Hindi ako nagbibiro! Matagal nang kargo ng konsensya ko ang nangyari sa totoong Ariel. Hindi ako makapagsalita dahil papatayin ako ni Levi. Kung hindi man, si Maingey ang papatay sa akin." Huminga siya nang malalim. "Demonyo ang dalawang 'yon, Rishell. Hindi takot pumatay dahil kapwa kasama sa kulto. Madali sa kanilang magpaikot ng medya, at madali sa kanilang pagtakpan ang krimen dahil nasa likod nila ang makakapangyarihan sa lipunan."
"H-Ha?"
"Maraming kasapi ng kulto ang nakaupo sa gobyerno, sa makapangyarihang angkan, sa media, sa simbahan, sa pribadong institusyon. Pinapaikot nila ang mundo sa isang pitik ng kamay, Rishell."
"K-Kaya natatakot kang bumangga sa kanila?"
"Oo. Dahil wala tayong takas mula sa kanila. Kahit magsumbong tayo sa pulis, anong magagawa ng korte sa krimen na walang kahit na anong ebidensya? Mabubura, Rishell. Walang ebidensya, walang saysay kung magsusumbong sa korte."
"P-Pero may witness..."
"Hindi sapat, Rishell. Madali lang sa kanilang magpaikot ng salita. Rishell, hangga't maaari, lumayo ka kay Levi. Hindi ka niya mahal. Hindi niya rin kailanman minahal si Nicole. Sinabi niya sa akin na katawan at kaluluwa lang ang habol ni Levi sa kaniya. At ngayon, ikaw na naman ang hinahabol ni Levi."
Naiyak ako. "Hindi naghahabol si Levi. Hindi siya ang naghahabol pero ako, Tiden. Ako ang naghahabol sa kaniya. Kasi kung hindi ko gagawin, manghihina ako. Para akong nakatali sa kaniya kaya gusto kong makawala. Nasusuka na ako sa pinanggagawa niya sa akin."
"Rishell..."
"S-Sige na. Kailangan ko nang ---" Natigilan ako sa pagsasalita nang mula sa harapan ko, bigla na lang sumulpot ang isang lalaki. "I-Ibaba ang phone," patuloy ko.
"Mag-ingat ka, Rishell."
Dahan-dahan kong binaba ang cellphone. Hinagod ko ng tingin ang lalaki. He shines like the sun. Sobrang puti niya. Nililipad ng hangin ang kulay kapeng buhok niya. Asul ang mga mata, makapal at sobrang itim na kilay, matangos na ilong... maninipis at mapupulang mga labi. He's the perfect definition of handsome man for me.
"S-Sino ka?" tanong ko.
Ngumiti siya. And my heart skip a beat. Sobrang tamis ng ngiti niya, nanlalambing. A gentle smile. Sa tingin ko, sa pagitan sa kanila ni Levi, mas gwapo sa paningin ko ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"How are you, Mi Amore?"
Nahalina ako sa boses niya. Banayad. Parang hangin sa bukang-liwayway.
"A-Ayos lang."
Humakbang siya palapit sa akin. Inabot niya ang pisngi ko at marahang hinaplos. Nakangiti pa rin siya. "Did you break a rule again, Mi Amore?"
Nangunot ang noo ko. Bigla, nag-iba ang anyo niya. Naging magaspang ang balat at kinikitaan ng himbis. A reptile-like skin. Tumubo ang sungay sa gitna ng noo niya. Humaba ang dila na kagaya ng isang sawa. Nagningas ang apoy sa mga mata. Nawala ang gwapong mukha na hinangaan ko saglit kanina.
Humalakhak siya. Isang tawa na galing sa hukay. Bigla niya akong binalibag. Naramdaman ko ang kalmot niya sa likod ko. Napaigik ako. Binalibag niya ulit ako at tumama ang likod ko sa pader. Nahulog ako sa lupa. Naghabol ako ng hininga at nanlalabo ang tinging tumingala sa lalaki. Bumalik ang gwapo at maamo niyang mukha.
"Don't dare to break rules again, woman. My lord will kill you," aniya at biglang naglaho.
Napahawak ako sa noo. Nagdurugo 'yon. Huminga ulit ako nang malalim at sumandal sa pader. Ilang ulit akong huminga nang malalim at nang dinilat ko ulit ang mga mata, nawala na ang sugat, kalmot, at pasa na iniwan ng lalaking 'yon. Hindi siya nag-iwan ng ebidensya. Pero kahit na gano'n, ramdam ko pa rin ang hapdi at sakit na gawa ng mga sugat.
Para bang... tinago sa mga mata ang sugat pero ang totoo ay nandoon pa rin ang mga 'yon.
Bigla, tumunog ang cellphone. Dahan-dahan kong dinukot sa bulsa at sinagot ang tawag ni Levi.
"Invite your friends to dine in our house tonight, Rish."
Our house. Napaismid ako. Hindi ko kailanman matatanggap na bahay ang mansiyon niya sa Alcoy. Hindi 'yon bahay.
"I can't. T-They don't want to come over."
Natawa siya. "Don't lie to me, Rish. It's you who don't want them to come over."
"Alam mo pala," diin kong sabi.
"Don't try my patience, woman. You must win souls for my lord!"
"Hindi ko nga alam kung paano, at hindi ako sociable kaya bakit mo ba pinagpipilitan sa akin, ha?"
Humalakhak siya. "I'll punish you for this one, woman. Don't -"
"Go on," I retorted. "Manhid na ang katawan ko sa disiplina mo, Levi. Yan lang naman ang nagagawa mo, e. Hindi mo ako mahal, 'di ba? What's the use of this sh**!"
"I can make you scream, Rish!"
"Oh, I'll scream for pleasure. Alright!" Naglapat ang ngipin ko sa inis. "Kung tapos ka na, ibababa ko na 'to. May klase pa ako, ha*** ka!"
"That's it, woman?" Nagmura siya. "I'll look for another girl you s******!"
"Sige! Maghanap ka ng iba. Hindi ko pinipilit ang sarili ko sa 'yo, Levi! Hindi na!"
Naging malumanay ang boses niya. "Don't you love me, Rishell? You say you love me but... why are you spitting me out?"
Natigilan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Napahawak ako ro'n at naluha. Hindi. Hindi pwedeng ganito. Dapat galit ako sa kaniya. Dapat galit ako!
"I love you," bulong niya. "I love you, Rishell."
Napatingala ako at tinakpan ang bibig ko para hindi kumawala ang hikbi. Oo, galit ako sa kaniya. Pero... may puwang pa rin siya sa puso ko. May parte ro'n na umaasang totoo ang sinasabi niya. Na totoo ngang mahal niya rin ako... kasi kahit galit ako sa kaniya, mahal ko pa rin si Levi.
"I-I love you, Levi." Napahikbi ako. "I love you still... hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa 'yo. Mahal na mahal pa rin kita." Napahagulgol ako.
Narinig ko ang halakhak niya. "Good. That's it, woman. Love me, love me more, Rishell."
Mas lalo akong napaiyak. "Y-Yes... I still love you and it hurt me so much, Levi. Bakit sa lahat ng lalaki, ikaw pa 'yong minahal ko? K-Kung hindi mo lang sinuko lahat ng pagkatao mo sa diyos na sinasamba mo... sana, sana hindi ganito ang mangyayari sa atin."
"The cult was the one who nurtured me when my parents died, Rishell. I will give my life to protect them, my family."
Huminga ako nang malalim at malungkot na tumingala sa langit. "Minsan ba... minahal mo rin ako, Levi? Gusto kong malaman 'yong totoo. Minahal mo ba ako? Kahit isang gabi? Isang oras? Isang segundo man lang? Minahal mo ba ako nang totoo?"
"No."
Ngumiti ako at hinayaang maglandas ang luha sa magkabila kong pisngi. "Gano'n ba?" Humikbi ako. "Ansakit ng katotohanan, 'no? Parang tinarak ng kutsilyo ang puso ko. Ansakit, Levi."
Hindi na siya umimik. Huminga ako nang malalim at pinahid ang basang pisngi. "S-Sige na. May klase pa ako."
"I love you, Rish."
Pinatay ko ang cellphone at sinuksok sa bulsa ng skirt ko. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad pabalik sa mataong parte ng Unibersidad.
Love? Is there such thing for Levi?