"The sheep hears the Lord's voice. Kung ayaw pa rin magbago ng isang tao matapos mong ibahagi ang salita sa kaniya, hayaan mo. Hindi lahat ng tao ay tupa ng Panginoon. There are wolves among the flock of sheeps."
Bumuntong-hinga ako matapos marinig ang sabi ni Pastor. Siguro nga, hindi tupa si Levi. O kaya, niyakap na niya talaga ang kaisipan na kabilang siya sa kampo ng kalaban. Wala akong magagawa kung 'yon ang desisyon niya. Like I said, if the victim don't want to speak up, there will be no charges.
Ilang oras pa ang dumaan, at natapos ang preaching. Nagkaroon kami ng activity, at ilang praise jams. May impartations pa. I breathe the Spirit again. Again and again. Pastor David said that it was a continuous process. Like, breathing an air.
You breathe in the wonders of the Spirit, you breathe out the wonders to people. A process. That's why it is good to worship God in Spirit and truth everyday, and feel the presence without cease.
"You sure you're good to go, child?"
Tumango ako at ngumiti kay Tito. "I can manage na po, Tito."
"Okay. God bless you."
"God bless you too, Tito."
Pinaandar ko na ang kotse at pinatakbo palabas ng driveway ng Victory Talisay. I asked Papa to give me back my student license, and promise him that I will be very careful next time. Of course, madali siyang pumayag. Inisip ko na lang na dahil siguro sa nangyari sa akin noon sa ilalim ng ulan kaya binalik niya na walang pagdadalawang-isip.
Hindi ko alam kung magpapasalamat sa tatlong lalaking tambay na humabol sa akin noon, o hindi. Pero naalala ko ang sinabi ni Pastor.
"If you want to come confidently in the throne of God, you need to forgive those who trespassed against you. It is by forgiveness that all things were mantained. Jesus died that He may reconcile man to God. There is reconciliation through forgiveness."
Sinabi pa niya na mapapatawad ako ng Diyos Ama kung papatawarin ko ang mga taong nagkasala sa akin. Napabuga ako ng hangin.
"You know, Lord, noon sobrang hirap patawarin 'yong tatlong taong 'yon. Ang hirap magpatawad, Lord. Kaya salamat kasi pinili Mo akong isa sa mga makakaalam sa katotohanan. Ngayon, hindi ko na ramdam ang bigat na dulot ng mga taong 'yon. Pinapatawad ko na sila, Lord." Lumunok ako. "Pinapatawad ko na rin si... Levi." Mariin kong pinikit ang mga mata at bumuntong-hinga. "Salamat po. At... kahit na sinaktan niya ako nang husto, papatawarin ko na siya, Lord." Ngumiti ako. "Ako nga, Lord, sobrang bigat ng kasalanan ko pero napatawad mo ako. Kaya oo, Lord. Totoo... pinapatawad ko na silang lahat."
Niliko ko ang manibela. Napabuga ako ng hangin at muling ngumiti. Gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang bikig sa lalamunan, at bigat sa dibdib. Haaay. Si Lord lang pala ang makakapagbigay ng kalayaan sa akin.
BINATI ko si Mama at Papa nang makauwi ako sa bahay. Alam na nila kung saan ako nagsusuot isang araw sa isang linggo. Sinabi ko na sa kanilang kasali ako sa Victory Church sa Talisay. Inimbitahan ko sila pero ayaw nilang sumama. Hinayaan ko na lang at pinagdasal sila sa Diyos.
Wala na rin 'yong mga merchandise ko. Pinasunog at pinalibing ko na lahat sa katulong. Ang kulang na lang ay 'yong reading app. Iko-close ko na lang 'yong account, i-a-uninstall, saka lilinisin ang storage ng phone para wala nang kalat.
Pero pagbukas ko pa lang sa app, tumambad sa akin ang sabog na notification. Nang tingnan ko, pinagguguluhan ng mga kapwa ko readers ang account ni CareLikeGoldFish. May isang comment na pumukaw sa interest ko. Levi.
Mabilis kong binisita ang author's profile ni CLGF. May recent message siya roon.
Thank you to all readers. The Last Resort will be unpublish due to personal reasons.
- Levitus Yushen Tuñacao.
Napakurap-kurap ako. Si Levi?
Sukat noon, bigla na lang na-unpublish ang TLS, at nawala ang account niya. As in nawala. In-delete na niya ang account niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. All this time, si Levi si CareLikeGoldFish?
Ibig sabihin... 'yong The Last Resort... sinulat niya base sa karanasan?
Kaya pala pamilyar na pamilyar ang eksena. Akala ko nagkataon lang pero, sinulat niya ang totoong nangyari sa nawawalang biktima ng Boljoon. Pero... sino-sino ang karakter? Sino si Magnus? Sino si Haret?
Napalunok ako. May hindi pa pala siya nasasabi sa akin. Kaya siguro doon sa Club Fort Med, palaging cellphone ang hawak niya dahil nagsusulat siya. Noong panahon kasing magkasama kami, ni minsan, hindi siya nagpahalatang nagsusulat siya. O sadyang... tumigil na siya sa pagsusulat? Naalala kong wala nang update ang TLS simula noong pumirma ako ng kontrata.
Bumuntong-hinga na naman ako at ginawa ang balak ko. Saka, binalik ko ang cellphone sa bedside table. Tumitig ako sa kisame. Nagulantang ako nang may biglang sunod-sunod na katok ang narinig ko sa pinto.
Mabilis akong tumayo at patakbong binuksan 'yon. Si Mama. "Kakain na."
"Sige po."
Sumunod ako sa kaniya. Matapos ang hapunan, nagpaalam akong babalik na ako sa kuwarto. Ngumiti lang si Mama habang tumango naman si Papa. Ngumiti at bumati ako sa katulong na nakasalubong ko sa hagdan. Napansin ko pang natigilan siya at taka akong tinititigan. Nagkibit-balikat ako at patakbong tinungo ang kuwarto.
Nag-unat-unat ako. Saka ngumiti sa salamin. Napag-isip-isip ko na ang dapat gawin. Kung hindi ko kayang isawalat ang pagiging witness ko sa pagbaril ni Levi kay Seariel, mas mabuti sa ibang bagay na lang.
Agad kong tinawagan si Tito. "Ready na po ako."
Ilang minuto siyang tahimik bago nagsalita. "Pinag-isipan mo 'to nang mabuti, anak?"
"Opo, Tito."
"Sige. Bukas ng umaga, alas-siyete, kailangang nandoon ka na sa venue."
"Naintindihan ko, Tito."
"Rishell, masaya akong makatrabaho ka kahit saglit lang. Salamat at binigyan mo ako ng rason para kumalas na sa showbiz."
"Maybe through this, Tito, we can save lives."
"I hope so."
Binaba ko na ang tawag. Kinonekta ko sa WiFi ang cellphone at gamit ang isang dummy account sa Youtube, in-upload ko ang kuha ng micro-cam. 'Yong gabi kung saan huli akong ginamit ni Levi.
Siniguro kong malinaw na nakunan ng camera ang mukha ko, at ang mukha ni Levi. Sana, maraming magising sa katotohanan.
Bigla na lang tumunog ang cellphone. Sinagot ko ang tawag. "Tito?"
"Na-upload mo na, 'nak?"
"Yes po."
Bumuntong-hinga siya. "Hindi dapat scandal ang pinakalat natin. Baka mag-lust over ang mga tao riyan."
Natawa ako at napakamot sa pisngi. "Yong first part lang Tito. 'Yong naghahalikan kami ni Levi, at nang matapos ang ano namin. I cut the unnecessary parts. Ang importante lang naman ay 'yong malaman ng tao na may nangyari sa aming dalawa."
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Mabuti naman, 'nak."
"I don't want to be a reason why people commit sin, Tito."
"That's why you're risking your name."
"Yes. I hope that people will see that idols are sinners too. That there is a danger in worshipping sinners like us."
"God really used you, Rishell."
Napangiti ako at at tinitigan ang repleksyon sa salamin. "I never thought that God will use me. Thanks be to Him..."