@Tweets4Lavander: Day 523: I miss you more than ever now. I miss you because I need you as you complete me. I miss you because you mean so much to me.
“FOR YOU. Welcome back!” bati ni Nick kay Lavander nang makabalik sila sa school. Hindi siya nito nasundo ngayong araw dahil na-late raw ito ng gising. Pero pagdating niya ay nauna naman ito sa kanya at ngayon ay may inabot pa na isang piraso na lakatan na saging.
“Para saan ito?”
Kinuha ni Nick ang gamit niya. Sabay silang naglakad patungo sa classroom. Hindi nito kasunod si Christoff at naintindihan naman niya kung bakit. Hindi sumasabay si Christoff kapag ganoong nahuhuli si Nick sa klase. Mabuting estudyante si Christoff. Gusto nito ay palaging maaga.
“Mahilig ka sa banana `di ba? Ava Banana?”
Nanlaki ang mga mata ni Lavander. “Nakita mo ang twitter ko?”
Kumunot ang noo ni Nick. “Yeah...but what’s the fuss about that? Nagre-research ako about sa `yo and I come up with that. May dapat ba akong ipag-alala?”
Napakagat-labi si Lavander. “Wala naman.”
Normal lang naman na mag-usap sila ni Christoff roon. Magkaibigan sila. Kung nakita rin iyon ni Nick ay wala namang masama rin sa mga pinag-uusapan sila. Pero bakit may pakiramdam siya na guilty siya?
Tumango si Nick. “Good.”
Ibinalik ni Lavander ang saging na binigay ni Nick. “Pero hindi naman talaga ako mahilig sa banana...”
Kumunot ang noo ni Nick. “Then?”
“It’s the Anna Banana song. Iyong commercial ng PLDT noon? Nagustuhan ko lang `yung song na `yun and adopt that as my user name.”
“Oh, okay.”
“Did you follow me on twitter?”
Umiling si Nick. “Hindi. Hindi ako mahilig sa social networking sites,”
Hindi na ipinagtaka ni Lavander iyon. Bihira lang rin gumamit ng Facebook si Nick. Madalas silang nag-uusap sa cell phone lang.
Naging maayos naman ang unang araw ng taon. Noong uwian nga lamang ay hindi siya naihatid ni Nick dahil kailangan nitong makaabot para sa suit fitting raw nito sa dadaluhan nitong kasal ng pinsan sa susunod na buwan. Dahil malakas ang ulan, inihabilin siya nito kay Christoff. Inihatid siya ng lalaki pauwi.
Kinuha ni Lavander na pagkakataon iyon para bumawi sa ibinigay nito sa kanya. Binilhan rin niya ito ng regalo. Isang simpleng statement shirt iyon.
“Nakakahiya naman,” kakamot-kamot pang wika ni Christoff.
“Anong nakakahiya? Bawi ko lang ito sa ibinigay mo sa akin.”
Tumango si Christoff. “Eh si Nick?”
Natigilan si Lavander. Nakalimutan niya ang lalaki! “O-oh. I’m yet to buy pa. Naubusan kasi ako ng pera...”
Natulala si Christoff. “At inuna mo ako kaysa sa kanya?”
Napakagat-labi si Lavander. “Yes...”
Nagliwanag ang mukha ni Christoff. Pero maya-maya ay nag-iba rin ang timpla. “H-hindi yata tama iyon, Lav...”
Matamang tinignan ni Lavander si Christoff. “Anong hindi tama roon? Kaibigan naman kita.”
“At nililigawan ka niya. Sa ginawa mo na ito sa akin, parang ipinarating mo na mas espesyal ako kaysa sa kanya.”
“At ayaw mo ba noon?”
Napatitig si Christoff kay Lavander. Medyo nagulat naman si Lavander sa nasabi niya. Paano siya nagkaroon ng lakas loob para sabihin ang mga salitang iyon?
Pero maya-maya ay naisip ni Lavander na maayos na rin iyon. Doon niya makikita kung ano ba ang reaksyon ni Christoff sa kanya. Parang sa sinabi niya kasi ngayon, pinaramdam niya na espesyal ito sa kanya. Gusto niya ito kung ipagkukumpara kay Nick. Sa magiging reaksyon nito, malalaman niya kung tama ba na mag-presume siya na may gusto nga rin talaga sa kanya ang lalaki.
Nang yumuko ang lalaki, pinagsisihan ni Lavander ang ginawa. “Hindi pa rin tama.”
Hindi iyon ang gusto ni Lavander na sagot. Para kasing ipinamukha sa kanya ni Christoff na mahina ito---isang lalaki na hindi gusto ng kanyang Daddy. Isang lalaki na sa tingin niya ay hindi nga nararapat sa kanya. Hindi nito maggawang ipaglaban ang gusto...o baka naman dahil sa hindi naman talaga siya nito gusto? Baka nga masyado lang siyang nag-presume.
Sa araw na iyon, nakapagdesisyon si Lavander. Kailangan na niyang limutin ang kung ano man na nararamdaman niya kay Christoff. Magsisimula siya ngayon na i-appreciate ang lahat ng ginagawa ni Nick sa kanya. Pagkatapos ng lahat...sabi naman nila ay natuturuan rin ang puso na magmahal.
Present, Fourth Year College
@Tweets4Lavander: Day 730: Missing you comes in waves. And everyday, I am drowning...
@Tweets4Lavander: Day 729: What’s the worst? It’s missing you...and there’s nothing I can do about it.
@Tweets4Lavander: Day 728: Every day you are away, I feel my heart is either.
@Tweets4Lavander: Day 727: Cut the crap! I shouldn’t have missed you. I just have to look inside my heart...because I know you are always there.
@Tweets4Lavander: Day 726: I missed you like the stars missed the sun in the morning skies...
NALULA si Lavander nang mabasa ang first five tweets ng @Tweets4Lavander account sa Twitter. Sinubukan lang naman niya na tignan kung totoo nga iyon nang maintriga siya sa kahit hindi naman gaanong pinagkakaguluhan na post na iyon sa BSU Secret Files. Paano ba naman siya hindi maiintriga kay @Tweets4Lavander kung malakas ang pakiramdam niya na para sa kanya iyon? Parang sinagot kasi noon ang post rin niya sa mismong page na iyon. Sobrang nasasaktan na kasi siya sa nangyayari sa kanila ni Nick kaya bigla siyang napa-post. Kailangan niya ng outlet sa kanyang nararamdaman.
Ang Brookshire Secret University Files o BSU Secret Files ay isang fan page kung saan puwede ka na mag-post ng mga experiences mo sa lahat ng mga bagay tungkol sa campus. Ipapadala mo iyon sa page gamit ang google forms. May link sa mismong page ng BSU Secret Files. With that, magiging anonymous ang nagpadala ng kuwento. Maaaring magtago lamang iyon sa isang alias...and that alias leads her to @Tweets4Lavander twitter account.
Puro tweets tungkol sa pagka-miss sa isang tao ang account. At kung titignan ang pinaka-latest na tweet at iko-convert ang day na nakalagay roon sa taon...eksaktong two years iyon.
Kagaya ng pag-aantay ni Lavander kay Nick.
Lumakas ang kabog ng puso ni Lavander. Ramdam niya na malaki ang pag-asa na ganoon nga. They were apart to each other. Espesyal siya kay Nick. Mahigit kalahating taon rin na nanligaw sa kanya ang lalaki bago niya ito sagutin pero pagkatapos naman noon ay naglaho ito. Kung ginawa niyang outlet ang BSU Secret Files sa naging kalungkutan niya ngayong araw, paano kung ang ginawa naman na outlet ni Nick sa loob ng dalawang taon ay ang Twitter account na iyon?
Binalikan muli ni Lavander ang post sa BSU Secret Files. Pinag-aralan niya iyong mabuti. Ramdam niya naman na para sa kanya iyon. She mentioned Lav---isang nickname rin para sa kanya. Ginawa pa nito na kasali sa buong twitter username nito ang pangalan niya. And two years...eksakto ng pag-aantay niya kay Nick. It was not just pure coincidence...
Napapikit si Lavander. Bakit, Nick?
Ang daming ways para ma-contact siya nito. Bakit nito gustong itago ang sarili nito? Bakit siya nito iniwan? Bakit sinikreto pa nito ang nararamdaman?
Gusto niya ng sagot. Pero mahahanap nga ba talaga niya ang lahat kung susubukan niyang basahin ang mga tweets? Kung susubukan niyang i-mention o kaya ay i-message ang admin ng account na iyon?
O magiging panibagong daan iyon para sa pangalawang pagkakataon sa pag-ibig?
Sa naisip, kinilabutan si Lavander. Sinubukan niya muling pag-aralan muli ang post at natagpuan na lang niya ang sarili na mas lumuluha pa kaysa sa dati...
UNANG semester ng fourth year college. Sa lahat ng semester, iyon ang hinihiling ng lahat na sana ay mabilis na lumipas. Thesis semester kasi iyon. At ngayong araw ay siya ng pagsisimula noon. Nagsimula ang lahat sa pagpili ng group members.
“Group of six na po, Sir! The more the merrier!” suggest ng klase.
“Quiet!” saway ng professor. “You’ll not form a group.”
Natulala at napatanga ang lahat. “`Wag niyo pong sabihin na individual, Sir?”
“Almost.” Ngumisi ang professor. “Pero dahil mabait ako...I’ll have it by two’s!”
Umungol ang lahat, maliban lamang kay Christoff. Hindi naman siya kinakabahan sa isipin na individual. Sa totoo lang, ay baka mas magustuhan niya pa iyon. Kilala siya bilang geek at loner...well, hindi ang pangalawa noong unang taon niya sa kolehiyo. Pero simula nang iwan siya ng dalawang taong palagi niyang kasama noon, hindi na niya ginusto na maghanap ng iba.
May isang tumayo sa klase. Lumapit ito kay Christoff. Nang tignan niya iyon, nakita niya si Hayley, ang pinapasaaway at tamad sa klase nila. “Kung ganoon, si Christoff na ang partner ko!”
“Madaya ka! Akin si Christoff! Best thesis kami panigurado,” sabat ng isa pa. Hanggang sa halos lahat na ay hiniling na sana ay siya na ang maka-partner ng mga ito.
“Unfair kung kailangan mamili. I’ll choose your partners.” Tumingin ang professor sa class record nito.
May ibang napatili at napaungol nang mag-umpisa nang magtawag ang professor ng kanya-kanyang partners. Habang papatagal ay kinabahan na si Christoff. Lalo na at hindi pa rin natatawag ang taong well, kahit hindi naman niya gusto ay ito na rin ang tila nagsasabi na iwasan niya.
Expect the unexpected.
“Christoff Lozada and Lavander Avila,” nakangiti ang professor. “Malaki ang expectations ko rito, ha?”
“Ang daya, Sir! Matalino rin si Ava, eh. Dapat ibinigay niyo siya sa medyo mahina.”
“Gusto yata ni Sir na mapunta sa College natin ang mapipiling best thesis...”
Sari-sari ang komento ng mga kaklase ni Christoff. Pero ang nararamdaman ni Christoff ay iisa lamang: Kaba. Nagtitiwala naman siya sa galing ni Lavander, ganoon rin sa galing niya. Siguro nga ay maaari silang maging best thesis. Pressure iyon---puwede niyang idahilan kung bakit siya kinakabahan. Pero hindi rin naman niya gustong lokohin ang kanyang sarili. Alam na alam niya na dahil iyon kay Lavander.
“Okay, now we are finished with the partnering, I would like you to go to your respective partners. Mag-discuss kayo ng mga gagawin niyo ng mga partners niyo.”
Tumayo ang lahat. Si Christoff naman ay parang idinikit ang mga paa sa sahig. Hindi siya makagalaw. Masyado pa rin siyang bigla. Pero mas nabigla siya nang si Lavander na mismo ang lumapit sa kanya.
“Hey,” she smiled. Mas lalo pang natigilan si Christoff. Whoa, what was that Bruno Mars song? And when she smiles...the whole world stops and stare for a while...
Okay, siguro ay kay Christoff lang nangyayari iyon at hindi sa buong mundo. Sadya talagang malaki ang panghatak sa kanya ni Lavander.
Mula noon hanggang ngayon.
“Hey...” sinubukan na sumagot ni Christoff. Ngunit hindi pa rin noon naalis ang tensyon na kanyang nararamdaman.
Its official: This will be the most awkward project of his life.