Chapter 36

@Tweets4Lavander: Day 373: Sometimes I wish I could tweet you one more time. But then I realize that you were never meant to be mine.

HINDI maintindihan ni Lavander kung bakit sa lahat ng lugar ay ginusto pa ni Christoff na magkita sila sa Luneta Park. Alas nuwebe na ng gabi at kahit may kalapitan naman iyon sa dormitory niya, malaking palaisipin pa rin sa kanya kung bakit doon. Pero binalewala na muna niya ang thought. Ang mahalaga ay malaman na niya ang lahat---despite of the time.

Pagdating ni Lavander sa Luneta Park, nandoon na si Christoff. Kumunot noo pa ito nang makita ang kabuuan niya. Tanging sleeveless na damit na gusto niya palaging pantulog at jogging pants ang suot niya. Hindi na siya nag-abalang mag-ayos rin ng sarili.

Nang lapitan ni Lavander si Christoff ay tinanggal nito ang suot nitong jacket. Ibinalabal nito iyon sa kanya. Malamig ang panahon pero hindi siya nanginig dahil roon. It was because of Christoff’s touch...and well, ang pag-aalaga na naramdaman niya rito.

“Salamat, pero hindi na naman kailangan...”

Umiling si Christoff. “I want to protect you in every way possible, in every way I can. Hindi ko gustong makitang nasasaktan ka, Lav.”

Tinitigan ni Lavander si Christoff. Natunaw ang puso niya sa mga sinabi nito. Pero pinilit rin niya na intindihin iyon, at suriin kung totoo. Dahil nagustuhan man niya ang narinig, paano niya magagawang maniwala kaagad kung ito rin mismo ay sinaktan siya? Ipinagkait nito ang bagay na hinihingi niya rito noon.

“Sinaktan mo ako noon, Christoff. Alam mo iyon.”

“Alam ko. I’m sorry for that. I’m really sorry for that. But then, I just saved you from hurting more...and myself for being hurt, too.”

“Ipaliwanag mo sa akin ang lahat ng iyan.”

Bumuntong-hininga si Christoff. Yumuko ito saglit pero sinalubong rin naman ang tingin niya pagkatapos. “Nick left you, Lav.”

Malinaw kay Lavander iyon. Pero bakit tila malabo ang damdamin niya? Dapat ay makaramdam siya ng sakit. Nakakaramdam naman siya...noon. Hindi naman siya masisisi? Naging importante sa kanya si Nick. Ang maiwan ng walang paalam ay talaga namang masakit.

Pero eventually, natututo rin na mag-move on ang isang tao. Lalo na kapag hindi naman malalim ang nararamdaman. Well, paano niya nasabi? Sa tuwing naiisip niya ang sakit ng pang-iiwan ni Nick at ipagkumpara iyon sa sakit na ibinigay sa kanya ni Christoff sa pagkakait nito ng isang kaalaman na hindi naman niya deserved, mas masakit kapag tinimbang ang huli.

“Gusto kong umasa na may maganda siyang dahilan.”

“And that was the reason why I don’t tell it. Dahil maling umasa ka...”

“You mean?”

“Alam na niyang iiwan ka na niya sa araw na sinagot mo siya.”

Malaking pasabog kay Lavander ang lahat ng iyon. Pero tanging pagkagulat lamang ang kanyang naramdaman niya. “Ano pa?”

“Nick’s parent...may problema sila. Nagkaroon ng isang malaking pag-aaway ang dalawa na nauwi sa paghihiwalayan. Kinuha si Nick ng ama niya na nasa Australia. Alam niya na sa mismong araw na sinagot mo siya ay kinailangan rin niya na umalis.”

“Pero hindi niya sinabi iyon sa akin. Hindi siya nagparamdam...”

Tumango si Christoff. “Galit ako sa kanya dahil roon. Pinaasa ka lang niya. Alam ko na kaibigan niyo ako at dapat ay makialam ako. Alam ko na masasaktan ka. Pero pinigilan ako ni Nick. Wala raw akong utang na loob kung pipigilan ko siya sa gusto niya. Pinapangako niya ako na `wag sabihin sa `yo ang lahat.”

“Pero mali ang ginawa niya. I deserved to know the truth...”

Dumilim ang mukha ni Christoff. “Lumaking spoiled brat si Nick. Lahat ay nakukuha niya. Maloko rin siya. Naalala mo ba minsan ng tinanong mo ako kung bakit naging kaibigan ko si Nick gayong magkaiba ang ugali namin? Hindi ko naman talaga gusto na ganoon. Hindi ko gusto si Nick. May pagkamayabang at may pagkamataas siya. But then...kailangan ko na mag-stick sa kanya dahil sino lang ba ako kung ituturing? Anak lang ako ng kasambahay nila. Pinapakain ng pamilya niya ang pamilya ko. Pakiramdam ko, wala akong maggawa sa mga bawat kailangan at gusto niya sa akin.”

“At dahil doon, hindi mo rin ipinaglaban ang tama sa akin. Sinunod mo si Nick na `wag sabihin sa akin ang lahat kahit wala na siya.”

“Hanggang ngayon.” Bumuntong-hininga si Christoff. “I’m sorry, Lav. Pero ginawa ko rin naman iyon para sa sarili ko.”

Naguguluhan na umiling si Lavander. “That’s the part na hindi ko lalong naiintindihan.”

Tinitigan na mabuti ni Christoff ang mata ni Lavander. “You do know that you are special to me, right?”

Lumakas ang tibok ng puso ni Lavander. “I-I feel so. Pero hindi ka nagkaroon ng lakas ng loob...”

“I just give you the explanation why. Dahil kay Nick. Isa pa, paano ako magkakaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ka samantalang ikaw rin mismo ay ginusto siya?”

Nagyuko ng ulo si Lavander. “P-pero ginawa ko lang iyon dahil pakiramdam ko ay wala naman talaga akong kuwenta sa `yo. Nakakapagod rin na maghintay na gumawa ka ng paraan. Si Nick, naggawa niya na ipaglaban ako. Naisip ko na siguro ay sa kanya ko na lang ibuhos ang atensyon ko. Sinubukan ko. Sa tingin ko ay naggawa ko. Pero mahalaga pa ba na pag-usapan natin iyon gayong tapos na ang lahat? Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit pinili mo na magkagalit rin tayo.”

“Nasasaktan rin ako, Lav. Napakasakit ng pakiramdam na lumalapit ka sa akin. Hinahanap siya. Samantalang ako itong nasa tabi mo at umaasa na sana ako ang hanapin mo...”

Nagulat si Lavander. Nasaktan rin siya sa pakiramdam na nasaktan rin niya si Christoff sa paraang hindi niya nakita. Nayakap niya si Christoff. Gusto niyang alisin ang sakit na nakikita niya sa mukha nito. “I’m sorry...”

Hindi niya naisip na ganoon ang nararamdaman ni Christoff. Gaano nga naman kasakit na hanapin sa `yo ng taong espesyal mo, maaaring mahal mo ang isang tao na kaagaw mo sa kanya? Masyado siyang naging makasarili. Sarili lamang niya ang kanyang inintindi.

Niyakap rin ni Christoff si Lavander. “I’m sorry, too. Itinago ko sa `yo ang lahat dahil alam ko na masasaktan ka. Ginago ka ni Nick. Alam ko na lalo ka na masasaktan kapag nalaman mo na ganoon ang ginawa niya. Pipilitin mo rin ako ng kakatanong kung bakit ginawa niya sa `yo iyon pero hanggang doon lamang talaga ang alam ko. Pinaniwala ka niya na magtatagal kayo. Sa lugar na ito, ipinangako niya ang pang habang buhay niyo...kahit alam niya na magkakatotoo iyon. Hindi ba at napakasakit noon? May magagawa siya. Kaya niyang ipaliwanag ang lahat sa `yo. Pero hindi niya ginawa. Kaya ako, hinayaan ko na lamang rin na huwag ipaliwanag sa `yo ang lahat dahil mas masasaktan ka kapag ginawa mo iyon. And I’m sorry, too. Dahil ginawa ko rin iyon dahil alam ko na lalapit ka sa akin. Hihingi ng comfort and I feel like I’m going to be mad with that. Sabihin mo na masama akong kaibigan para gawin sa `yo ang lahat ng iyon sa `yo. But I’m also hurting. Hindi ko gustong lumapit ka sa akin at umiiyak dahil sa isang lalaki. I don’t want to see you like that. Mali iyon...pero...” huminga nang malalim ang lalaki. Bahagyang kumalas ito sa pagkakayakap nito sa kanya. “Para na rin pala akong si Nick ano? I left you when you needed me the most. Magagawa mo pa ba na patawarin ako, Lav?”

Siguro nga ay iniwan siya ni Christoff. May kasalanan rin talaga ito sa kanya. Pero wala siyang maramdaman na galit sa ginawa nito na pagpapaliwanag. Naiintindihan rin niya ito. O siguro ay dahil malaki talaga ang nararamdaman niya rito kaya naman nakaya niyang maggawa iyon. Ng madali...

“I could. Pero sa isang kondisyon...”

“Ano iyon?”

Tumingin si Lavander sa buong paligid. “Puwede mo ba na ituloy sa akin ang pangako ni Nick sa akin sa lugar na ito? C-can we start our forever in this place?”

Ang laki at ang liwanag ng ngiti ni Christoff. Hinawakan nito ang pisngi niya. “Iyon nga ang gusto ko kaya dinala kita rito. Naisip ko kasi na kapag makapagpaliwanag ako sa `yo, maiintindihan mo ako...and maybe, sa pagpapaliwanag ko ay maliwanagan ka rin. I-I feel that you have special feelings for me, too, Lav. At tama naman siguro ako ng hinala `di ba?”

“Hindi ba at kakasabi ko lang? I wanted to start my forever with you. In this place. At isa pa pala. I want you to promise that you will fulfil that...”

Niyakap muli ni Christoff si Lavander. Inilagay nito ang ulo sa ibabaw ng ulo niya. He kissed the top of it. “And I promise you, I will never be like Nick. Hindi kita iiwan. Hindi kita sasaktan. All I would do to you is to love you...forever. Hindi man tayo nabigyan ng pagkakataon noon, pero siguro, ito na nga ang tamang panahon.”

Ngumiti si Lavander. “I will love you, too. Forever. May forever basta kasama kita.”

SINUNDO ni Christoff si Lavander kinabukasan sa dormitory niya para sa unang klase nila ngayong araw. Naturally, magkasabay silang pumasok. Hindi sigurado ni Lavander kung dahil ba sa nagningnging ang kanya at kay Christoff na mga mata kaya parang nakikita niya na ganoon rin ang mga nasa mata ng kaklase niya nang makita silang dalawa.

“Hmmm....” napasipol si Maan nang makita sila. “So totoo na nga talaga?”

“Siguro nga. Mukhang masaya pa, eh.”

Hinawakan ni Christoff ang kamay ni Lavander. Itinaas pa nito iyon. “Sa tingin niyo?”

Naghiyawan ang mga kaklase. Namula si Lavander pero nanaba rin ang kanyang puso. Kinaiinis niya noon na walang lakas ng loob si Christoff na ipakita sa marami ang nararamdaman nito sa kanya. Ngayon ay napakasaya niya na gumawa ito ng paraan para ipakita talaga iyon. Hindi lang basta pag-amin. May kilos rin iyon. Lavander felt that Christoff was proud to have her. And so was she.

“Puwede na talaga namin na sabihin na okay na kayo, ha? Para kasing kahapon, hindi pa ganoon kaayos talaga, eh.”

Kumapit si Lavander sa braso ni Christoff. “Naayos na namin kahapon ang lahat ng issues sa amin...and we are good now.”

Pakiramdam ni Lavander ay para siyang artista na sumasagot kay Boy Abunda habang nagtatanong ito tungkol sa love life. Pero ang malaking kaibahan nga lamang ay hindi kagaya ng maraming artista, hindi peke ang nararamdaman nila sa isa’t isa. They were both good and really in love with each other.

Kinuha ni Christoff ang ulo niya at dinala sa dibdib nito. “And in love with each other.”

“Kilig much!”

“It’s time to moved on, Ava.” Wika ni Maan. “So ano? Puwede na muli kaming magtanong tungkol kay Nick?”

Nagkatinginan si Lavander at Christoff. “Nick is a jerk.”

Ngumiti si Lavander. “And a frog.”

“Whoa! Kaya ba ganoon ay dahil nagkamali ka ng pagkakilala kay Nick, Ava?”

“Yeah. Dahil si Christoff naman talaga ang prince charming ko...”

Niyakap ni Christoff si Lavander. Iiling-iling pero kinikilig rin naman sa pagka-cheesy nila ang mga kaklase. “Kung ganoon, we expect a happily ever after sa inyo, ha?”

“Hindi niyo na kailangan mag-expect. Dahil talagang patutunayan namin.” Christoff giggled and so was Lavander.

Napahalumbaba ang lahat ng mga nakaupo sa klase. “Haay, may forever sila. Kailan tayo?”

IT was a roller-coaster ride. Ganoon gustong i-describe ni Lavander ang mga sumunod na araw, linggo at buwan. Nakakatakot, may mga hirap na pinagdaanan dahil may lubak at masarap na bahagi rin iyon. Pero dahil hindi siya matatakutin at paborito niya na ride ang roller coaster, masasabi niya na nag-enjoy siya. At alam niya na hindi lang iyon sa pagkapaborito niya sa roller coaster. Iyon ay dahil kasama rin niya ang paborito niyang tao sa mundo.

Nanatiling maganda ang relasyon nila Lavander at Christoff. Pero mahirap ang pinagdaanan nila dahil sa thesis. Ginawa nila ang lahat para sa ikagaganda noon. Nagtitiwala naman siya na magiging maayos ang lahat, lalo na at kasama niya si Christoff. Nagtitiwala siya rito. Pero sa araw ng defense nila para sa thesis ay matindi pa rin ang kanyang kaba. Nakaramdam rin siya ng kung anong lungkot ng makita ang mga kaklase niya.

Bukod sa kanya-kanyang partner at mga kaibigan, marami rin sa mga kaklase niya ang pumunta ang mga magulang para suportahan ang anak ng mga ito para sa darating na defense. Marami kasi ang nagkaroon ng mahirap na oras dahil sa thesis. May ilan pa nga na nagkaroon ng break down. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil kahit siya mismo ay nahirapan. Kung wala nga si Christoff, malamang ay sinapit rin niya ang kaparehong kapalaran. Mabuti na lang at magaling ang kanyang nobyo. Suportado siya nito---isang bagay na hindi niya gaanong naramdaman sa kanyang mga magulang.

Siyempre ay ina-update rin naman ni Lavander ang buhay niya sa pamilya niya. Sinasabi niya rito na nahihirapan nga siya sa thesis. Pero tanging message lamang ng “kaya mo yan” ang nakukuha niya sa mga ito. At ang nakakatampo pa?Sa mismong araw ay ni “good luck” mula sa mga ito ay wala siyang makuha. Hindi niya gaanong maramdaman ang suporta ng kanyang mga magulang kaya nalulungkot siya.

Mabuti pa si Christoff. Nasa ganoong pag-iisip si Lavander nang makita niya ang Mama ni Christoff na sinamahan pa ito sa Brookshire. Nag-mano siya rito.

Hinawakan ng Mama ni Christoff si Lavander. “Good luck, Anak.”

Ngumiti si Lavander at niyakap ang babae. Naging malapit sila ng babae dahil kay Christoff. Dahil rin dito, hindi niya na pinagkaisip na wala siyang kahit anong suporta na nakuha mula sa mga magulang. Ina na rin kasi talaga ang turing niya sa Mama ni Christoff.

Pero kung masaya na si Lavander at kumalma dahil sa Mama ni Christoff, ang totoong anak ay hindi. Tingin ito nang tingin sa cell phone nito na para bang may kung sinong inaantay. Hindi ito mapakali.

“May problema ba?” kinakabahan si Lavander pero parang mas kinakabahan si Christoff. Hindi niya maisip kung bakit. Kahapon ay kampanteng-kampante ito. Masaya. Isa pa, nandoon pa nga ang Mama nito para sumuporta.

Nang humarap si Christoff kay Lavander ay nakangiti naman ito. Pero may pag-aalala pa rin doon. Hinawakan nito ang balikat niya saka hinalikan siya sa noo---kagaya ng paborito nitong gawin at paborito naman niya. She felt special and feel very comfortable with that gesture of his. Hindi rin kagaya ng dati, nawala na ang lahat ng tensyon na nararamdaman niya kay Christoff ngayong maayos na sila. All she felt around him was a feeling that she wanted to be around him for forever. Kagaya ng palaging sinasabi nila na mayroon sila.

“May iniisip lang ako.”

“Tungkol ba sa defense natin?”

“Sort of.” Pinindot ni Christoff ang ilong ni Lavander. “Don’t worry about it.”

“All right.”

Nagsimula na ang defense. Pangatlo sa araw na ito sina Christoff at Lavander. Lalong dumagundong ang puso ni Lavander nang magsimula na ang pangalawa. Isang oras na lamang at sila na ang isasalang. Pero nabawasan ang kaba niya at ganoon rin ang hindi pa rin mapakaling si Christoff nang maya-maya ay may pamilyar siyang mukha na nakita.

“Mommy! Daddy!” Ilang beses ikinurap ni Lavander ang mga mata para masigurado na mga magulang nga niya ang nakita. Nang lumapit ang mga ito at makasigurado siya, niyakap niya ang mga ito. “Oh...thank you for coming!”

Ginulo ng Daddy ni Lavander ang kanyang buhok. Pagkatapos ay tumingin ito kay Christoff. “Thank you rin sa pag-imbita. Mukhang kabado nga talaga itong pangalawa ko.”

Nanlaki ang mata ni Lavander. “I-ikaw ang kumausap kayna Mommy at Daddy na pumunta rito?”

Ilang buwan na rin ang relasyon nila ni Christoff. Naipakilala na niya ang lalaki sa magulang niya. Tatlong beses na itong nakarating sa bahay nila sa Batangas. Hindi naman minasama ng kanyang mga magulang iyon. Ayon sa mga ito ay hindi na rin gustong maghigpit ng mga ito sa kanya dahil graduating na naman siya. Isa pa, minsan rin na isinama ni Christoff ang magulang ng mga ito. Nagustuhan na gesture iyon ng kanyang mga magulang. Madalas rin na magkausap ang Daddy niya si Christoff sa cellphone kaya masasabi na malapit na rin ang mga ito kaya hindi nga imposible na kinausap ni Christoff ang kanyang mga magulang.

Tumango si Christoff. “Kaya ako kinakabahan talaga. Baka kasi hindi sila makaabot.” Hinawakan ni Christoff ang balikat ni Lavander. “Alam ko kung gaano ka kinakabahan. Kahit ako ay hindi maggawang paalisin iyon sa `yo. So I thought of calling them. Magulang mo sila at sa tingin ko ay sa kanila ka mas makakuha ng comfort...”

“Traffic kasi,” kakamot-kamot ang Daddy ni Lavander. “But we are glad na nakaabot kami. We want to support you, too, Anak.”

Naiyak si Lavander. “Nagtatampo ako kung bakit ni-good luck, `di kayo nagpadala ng message o tumawag man lang. Iyon pala, personal niyo na gagawin iyon.” Tumingin si Lavander sa boyfriend. “Thank you...”

“You don’t have to. Sinabihan ko lang sila so its their choice pa rin na suportahan ka nila.”

Siguro nga. Hindi rin biro ang layo ng Batangas mula sa Brookshire. Isa pa, may mga day job ang magulang niya. Mahalaga at na-appreciate niya nang husto na pumunta ito para suportahan lang siya sa masasabi niyang isa sa pinakamalaking araw sa buhay niya. Pakiramdam kasi niya, ang defense day ang magiging susi para maka-graduate siya. Next semester kasi ay internship na lamang sila at wala naman raw bumabagsak roon. Maayos rin ang grade niya sa ilan pa nilang subjects.

“Make us proud, Anak.” Niyakap si Lavander ng parehong magulang bago sila magsimula na mag-defense.

Nagkaroon ng lakas ng loob si Lavander. Si Christoff ay kampante lamang. Pero hindi na ipinagtaka iyon ng iba at ganoon rin si Lavander. Magaling naman talaga si Christoff. Pinatunayan nito iyon nang sumalang sila sa defense room.

Walang kahit anong kaba ang mararamdaman kay Christoff habang nagsasalita kaya naging maganda ang dating noon sa panel. Paniwalang-paniwala ang mga ito sa pinagsasabi ni Christoff. Sinubukan rin ni Lavander na makisabay kay Christoff. Pagkatapos ng lahat, marami rin naman siyang naggawa sa thesis nila. Alam niya ang sinasabi niya at napansin naman iyon ng panel.

Mukhang maayos naman ang kinalabasan ng defense. Nasagot nila ang lahat ng tanong. Pero nang paalisin sila sa loob para ihanda sa deliberation ay hindi pa rin maiwasan na kabahan ni Lavander. Napayakap siya kay Christoff.

“We’re good...” pagpapakalma ng nobyo sa kanya.

Naniwala si Lavander at nangyari ang paniniwala niya. Pagkatapos ng limang minuto na deliberation ay pinapasok na muli sila sa loob. Nagbigay ng komento ang panel. Pero lahat naman ng mga iyon ay positibo.

Napakalalim ng hugot ng hininga nilang dalawa ni Christoff nang ibigay ang pinakaantay nilang komento. “Passed.”

Napayakap muli si Lavander sa nobyo. Ngumiti ang panel at dinugtungan pa ang sinabi. “Without revisions.”

Nanlaki ang mga mata nila Christoff at Lavander. “Seriously?”

Tumango ang mga ito. “Your work is very neatly done. Perfect. Aantayin ko kayo sa graduation para makuha ang best thesis award, ha?”

May pakiramdam sina Christoff at Lavander na maaari nga nilang makuha iyon---but maybe sa department nila. Ang labanan kasi ng best thesis ay may bawat candidate sa isang department at mula sa best candidate bawat department ay saka roon ang pipiliin. Bihira ang makapasa na walang kahit anong revisions kaya naman mas lalong lumaki ang pag-asa niya.

“Thank you so much!” habang nagkakamayan sa pagko-congratulate sa kanila ay mangiyak-ngiyak si Lavander. Nang makalabas sila ay lalo pa siyang naiyak nang salubungin ng mga kaklase at pamilya. Lahat ng mga ito ay masaya para sa kanila.

“Dahil diyan, magse-celebrate tayo.”

“Kahit wala sina Pinky at Red?” ayon sa mga magulang ay abala sa trabaho ang kanyang Ate Pinky bilang nurse at hindi maka-absent dahil bago pa lamang ito. Si Red naman ay exam week rin kaya hindi naka-absent.

“Of course. A celebration could go on with them. Anak ka namin at espesyal ka sa amin. Magse-celebrate tayo kahit wala sila dahil napakalaking parangal para sa amin ang nakuha mo.”

Tumaba ang puso ni Lavander. Ngayon niya lubos na masasabing espesyal naman pala rin siya sa kanyang mga magulang. Niyaya ng mga magulang niya sa celebration ang pamilya ni Christoff. Sumunod ang ama ni Christoff sa restaurant.

Nag-bonding silang pamilya sa pamamagitan ng lunch date na iyon. Magkasundo ang pamilya nila dahil nga nakabisita na rin naman ang magulang ni Christoff sa bahay nila. Maayos ang samahan ng mga ito. Naging maayos at enjoy rin ang lunch date. Nang magbabayaran na ay nag-unahan pa ang Daddy ni Lavander at Papa ni Christoff sa pagbayad.

“Balae, ako na. Naka-quota na ako ngayon sa pasada tanghali pa lang,”

Dahil nagkagulo ang pamilya ni Christoff ay naapektuhan rin ang mga tao na nagtatrabaho para sa mga ito. Nawalan ng trabaho ang magulang ni Christoff. Pero dahil marunong humawak ng pera, may sariling ipon ang mga ito. Nakabili ang mga ito ng bahay. Naging house wife na lamang ang ina ni Christoff samantalang nag-apply na taxi driver ang ama nito. Maayos ang kita ng Papa nito kaya nanatili na maayos pa rin ang buhay ng mga ito. Isa pa, wala namang halos gastos kay Christoff dahil na rin sa pagiging scholar nito sa Brookshire.

“Ako ang nagyaya, balae.” Kahit hindi pa naman tunay na mag-balae ay ganoon na ang tawagan ng magulang sa isa’t isa. “Ako na ang magbabayad. Pagkatapos ng lahat, pakiramdam ko nga ay baon na kami sa utang sa inyo ng pamilya mo. Baon sa utang na loob. Paano ay kayo ang palaging nandiyan para kay Ava. Itinuring na ninyong anak ang anak namin. Hayaan mo naman na kami ang bumawi kahit sa ganitong paraan.”

Pumayag na rin naman ang mga magulang ni Christoff. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ang mga ito na umalis. Pinagpaalam rin naman ni Chrisoff si Lavander sa magulang para i-date sa labas.

“Sige lang. Kailangan niyo na mag-relax. Deserve niyo rin na mag-celebrate dalawa.” Binigyan pa sila ng kanya-kanyang mga magulang ng pera para roon.

Nagpunta sina Lavander at Christoff sa spa. Matagal na nilang plano na magpa-masahe dahil na rin sa stress ng thesis. Kay sarap ng pakiramdam nina Christoff at Lavander pagkatapos.

“Naggawa rin natin sa wakas. I feel so relaxed,” komento ni Lavander pagkatapos. “Ikaw ba?”

Ngumiti si Christoff at hinawakan ang kamay niya. “Good. Everything is good. Pero hindi iyon dahil naggawa na rin natin na magpa-massage pareho. It is because of you, my honey. My Lavander, my Lav. My honey Lav Everytime I’m with you, my heart smiles. Lahat iyon ay sapat na para sa akin.”

Napayakap si Lavander kay Christoff. Sa mga sinabi lang nito, pakiramdam niya ay makakatulog na siya sa sobrang relax.

What a good day for Lavander. Naramdaman niya na espesyal rin naman siya sa kanyang mga magulang. Hindi lang sila basta pasa thesis defense nila---they passed it with flying colors. Colorful colors. At ngayon...naggawa niya pang i-spend ang araw na iyon sa pinakapaborito niyang tao sa mundo.

Life is so good.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.