CHAPTER 7

“VINCENT!”

Hinila niya ang kamay nilang magkahawak habang naglalakad sila sa dalampasigan para makuha ang atensyon nito. Naroroon sila dahil dadalhin raw siya nito sa lugar na napakaganda. Inabot pa sila ng hapon bago nakaalis ng unit nito dahil dumating pa ang therapist ni Vincent. Gusto nga niyang ma-guilty dahil saglit lang naipahinga ni Vincent ang binti matapos i-therapy at pagkatapos ay naglalakad na sila ngayon.

She likes it when his employees assumed that they have a relationship. Na hindi naman pinagkakaabalahang linawin ni Vincent.

“Sandali nalang. Malapit na tayo.” Anitong hindi siya nililingon. Bahagya nalang ang paghingkay ng paa nito. Mukhang pinipilit ipakitang maayos ang lagay nun. Pero gusto pa rin niyang mag-alala. Okay lang naman na huwag na siya nitong ipasyal kung ang kapalit ay mabalda na ang paa nito.

“Saan ba kasi iyon?”

Sa wakas ay huminto sila sa paglalakad. May dinukot itong tila pager sa bulsa at pinindot ang isang buton. Hindi naglipat sandali at isang humaharurot na speed boat ang paparating sa kanila.

“Bakit gumagamit ka pa ng pager, may cellphone ka naman?” nagtatakang tanong niya kay Vincent.

“Exclusive ito para sa pagtawag sa speed boat ko at hindi sa ibang tao.” Defensive na saad nito.

Hindi na niya nagawang mag-react pa dahil inalalayan na siya ni Vincent na sumakay sa speed boat. Ito ang dapat na inaalalayan niya dahil may injury pa ito pero dahil may pagka-gentleman ang hudyo ay siya pa ang inalalayan. Sumunod ay tinulungan ito ng mga tauhan nito na makasampa rin.

“Akala ko ba ipapasyal mo ako? Bakit sa dagat tayo pupunta? Tsaka, hapon na. Hindi na natin mapupuntahan ang sinasabi mo kung lalaot pa tayo.”

“Sssh!” saway nito sa kanya. “Huwag ka ngang maingay diyan!”

Napasimangot siya. Pinagtitinginan kasi sila ng dalawa nilang kasama sa speed boat. Naramdaman niyang inabot ni Vincent ang kamay niya. And grasp with him. Napatingala siya rito. At sa mga sandaling iyon, wala na siyang ibang nais gawin kundi pagmasdan ito at namnamin ang masarap na pakiramdam nang magkahawak nilang mga kamay.

Who would have thought that the mortal enemy can be a good companion?

Companion. Yeah, they were just a good companion. Pero ngayon lang iyon. Ano bang malay niya kung sa isang araw ay maakit rin ito sa ganda niya? Ah, kailangan niya iyong panghawakan. Hindi naman siguro masamang mag-ilusyon siya. Dahil sa buhay, lahat ay posible.

Magpapakasasa pa sana siya sa iba’t-ibang ilusyon ng huminto ang speed boat sa tapat ng isang sasakyang pandagat na pabilog ang hugis. Para iyong yate, dangan lang at pabilog ang hugis noon. Bigla siyang bumaling kay Vincent.

“Nandito na tayo. Sa float ko.” Anunsyo nito.

Inayos ng mga kasama nila ang steel ladder para makasampa sila sa float. Nauna si Vincent na umakyat sa ladder at inalalayan ng mga tauhan nito. Inabot nito ang kamay niya para alalayan siyang makaakyat. Hindi naman naging mahirap ang pag-akyat nila dahil na rin kay Vincent na nasa itaas na at sa mga tauhan nito na nakaalalay sa kanya sa ibaba. Matapos makasampa sa float ay lumayas na ang speed boat.

Napasinghap siya sa matinding paghanga doon pa lamang sa bungad. Ang upper deck ay tila naging lawn na may iba’t-ibang kagamitan. May panel door na nahuhulaan niyang entrance papasok sa loob.

“Pasok na tayo.” Anyaya niya na nagpatiuna kay Vincent.

Hindi na niya ito hinintay na sumagot dahil siya na mismo ang nagpatiunang pumasok sa loob. Sa entrada pa lamang ay na-impressed na siya sa interior. Condo-like unit ang lay out noon. Magaganda at elegante ang mga kasangkapan. Maayos ang dibisyon at kung may ilang pinto rin ang nakikita niya. Inisa-isa niyang galugadin ang buong float habang si Vincent naman ay prenteng nakaupo lang sa couch roon sa sala at pinapanood ang pag-ro-roam niya sa private sanctuary nito. Nagtataka nga siya kung bakit siya dinala roon ng binata. Samantalang ang pagkakaintindi niya sa mga sinabi sa kanya ni Mico, kahapong magkakwentuhan sila sa lobby ng cluster 1 ay pribadong lugar raw ni Vincent ang Float nito.

“Ang ganda! Bibili rin ako ng ganito!” bulalas niya, hindi pa man siya tapos na pagbubuksan ang bawat pinto.

“Bawal nang magdagdag ng float rito. Hanggang apat lang. Mahihirapan kasi kapag mayroong water activities. Magiging crowded sa dagat.”

Sinimangutan niya si Vincent. “Eh di bibili ako ng sarili kong dagat.”

Pasalampak na naupo siya sa tabi nito. Pinagbigyan na rin niya ang sarili sa paghahangad niyang humilig sa dibdib ng binata. Umangat ang isang braso ni Vincent at pumulupot sa kanyang bewang. Napakasarap pala ng ganoon sa pakiramdam. Nakakulong siya sa mainit na bisig nito. Kahit abutin sila roon ng habambuhay ay ayos lang sa kanya. Hindi na siya aalis sa tabi nito basta’t yakap-yakap siya ng binata. Tiningala niya si Vincent ng may ngiti sa mga labi. Ngumiti lang din ito sa kanya. Kumabog na naman ng malakas ang dibdib niya.

Oh my! You are the most handsome man I’ve ever laid my eyes on. Parang gusto na yata kita?

What? Totoo bang inamin niya iyon sa kanyang sarili? Bakit ang bilis naman? Hindi ba’t nabubwisit nga siya rito dahil…

Dahil…

Wala na siyang maisip na idahilan sa sarili kung bakit siya dapat na mabwisit kay Vincent. Sa dalawang araw na nagkasama sila, nakita niya ang mga magagandang bagay patungkol sa binata. Maski pinagtrip-an siya nito kahapon at dinaya sa oras, hindi niya makitang masama iyon dahil sa totoo lang ay binigyan siya nito ng leksyon. Ipinamulat nito sa kanya kung gaano kahirap magsilbi sa amo.

“Huwag ka nang bumili. Welcome ka naman dito, anytime.” Sabi nito.

“Oo nga pala. Bakit mo ako dinala rito?” naitanong niya.

“Di ba’t sinabi ko na dadalhin kita sa isang magandang lugar?”

“Magandang lugar na ba ito? Parang ‘yung unit mo din lang naman sa cluster 1.”

“Hindi pa ito ang tinutukoy ko.”

“Alin?”

“Basta. Maghintay ka lang.”

Muli siyang kinabig ni Vincent sa kanyang bewang para mas mapadikit sa katawan nito. Kahit buong buhay na utusan siya nitong maghintay lamang at ganito namang nakayakap ito sa kanya ay buong puso siyang susunod.

Ilang sandali at may narinig na siyang umaalingawngaw na boses sa paligid.

“Sir Vincent, okay na po sa ibaba.” Sabi ng boses. Nagpalinga-linga siya sa paligid.

“May megaphone ba? Nasaan?” nagtatakang tanong niya.

Naramdaman naman niya ang pagtayo ni Vincent at hinila na rin siya.

“Saan tayo pupunta?”

“Sa magandang lugar na sinasabi ko.”

Hinila siya nito sa tapat ng pinto na hindi pa niya nabubuksan. At nagulat siyang spiral staircase ang mabungaran roon. Bumaba sila ng spiral staircase at ganoon nalang ang kanyang pagkamangha matapos mabungaran ang tinutukoy ni Vincent na magandang lugar.

“Ito ba ang observation capsule na sinasabi nila?” buong paghangang tanong niya.

“Oo. Naka-enclose ito ng mataas at de-kalidad na uri ng fiber glass para mapanood ang mga marine lifes sa ilalim ng dagat. Retracktable din ito, just in case na may mga bagay na mabubunggo sa ilalim o kailangang iwasan. Safe and secure rin dito. And so far ay wala pa namang namamataang pating o balyena ang mga coast guards.”

“Wow!”

Lumapit si Ellery sa fiber glass wall para mapanood ng maayos ang mga lamang dagat. Totoong napakaganda roon. Marami na siyang napuntahang lugar na ocean world ang tema pero mas maganda roon sa observation capsule ng float ni Vincent. Mas kapana-panabik ang mga marine species na pwedeng magpakita sa kanila. At dahil sinabi nito na wala pang pating o balyena na naligaw sa lugar ay mas napanatag siya. Isa pa, naniniwala siyang hindi siya dadalhin ni Vincent sa lugar na pwede siyang mapahamak.

“I’m glad you like it.” narinig niyang saad nito.

“Ang cute ng mga fish. Si Nemo ‘yun o! Papalapit rito.” Tuwang-tuwang sabi niya.

At tila naging triple ang tuwa niya nang maramdaman ang mga bisig ni Vincent na biglang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Tiningala niya ito at ngumiti lang ito. Wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang magpyesta nalang sa kanyang masarap na pakiramdam.

Tila naramdaman pa niyang sinasamyo nito ang kanyang tuktok. Medyo nag-alala siya na baka hindi na iyon mabango dahil buong araw na silang magkasamang namamasyal. Pero dahil hindi naman siya naka-sense ng violent reaction ay napanatag siya.

It seems like they’ve did it since time immemorial. Parang natural lang na niyayakap siya ni Vincent at nagpapayakap siya rito. Samantalang sa tunay na buhay, may kumapit lang sa kanyang lalaki ay inuundayan na niya iyon ng suntok.

What are you doing to me, Vincent? Bakit lahat ng gawin mo saken, hindi ko magawang tutulan maski dapat ay tinututulan ko na? Bakit mas gusto ko na niyayakap mo at hinahawakan mo? Bakit?!

“Tuwang-tuwa si Nemo. Parang gusto kang i-hug. Nakita na raw niya ang nanay niya, sa wakas.” Biro nito sa kanya.

“Ano ka? Sayo siya natutuwa kasi magkamukha kayo.” Ganti ni Ellery. Gusto niyang ipakita na walang kakaibang nangyayari sa loob ng utak at dibdib niya. Maski pa ang totoo, pakiramdam niya, may sampong elepante na nagdadambahan sa loob noon.

“Ibig sabihin cute ako?”

“Hindi bagay sayo ang cute, pang-tuta lang iyon.”

“Pero sinabi mong cute si Nemo eh isda naman siya.”

“Ah basta. Hindi ka cute.”

“Okay.”

Tiningala niya ito at nakumpirma niyang nakasimangot si Vincent. Napatawa siya. Ang cute pala nito kapag ganoon ang hilatsa ng pagmumukha.

Okay, he knew when and how to looks cute.

“Ang gwapo mo kasi! Kaya hindi bagay ang cute lang.” bawi niya.

“Matagal ko nang alam ‘yun!”

“Yabang talaga! Bolahin mo din ako.”

“You have enough of praises, everyday.”

“Anong everyday. Magmula nang tumapak ako dito sa alien world mo, hindi ko na maramdaman na maganda ako.”

“Alien world?”

“Oo. Mga alien yata ang mga tao dito sa Costa Galaxia. Isang beses lang nila akong pinagkaguluhan tapos hindi na ulit nila ako pinansin.”

“O? Hindi ka na nila pinansin? Kawawa ka naman pala. Hindi mo na maramdaman na maganda ka. Siguro dahil maraming mas maganda kesa sayo?”

Nakatikim ito ng siko sa tagiliran.

“Aray naman!” reklamo ni Vincent pero hindi pa rin binibitiwan ang pagyakap sa kanya.

“Mga alien kasi ang mga residente rito kaya hindi napapansin ang ganda ko!”

Tumawa lang si Vincent. Ibigsabihin ba noon na hindi nito gustong sumang-ayon?

“Umo-o ka!” demand niya.”

Lalong lumakas ang pagtawa nito.

“Bumalik na nga tayo sa coastal area! Ituro mo sa akin ang lahat ng mga magaganda roon at papapangitin ko sila!” pag-aalsa na naman niya.

Hindi niya yata gusto ang ideya na may mas maganda pa sa paningin ni Vincent kesa kanya. Araw-araw ay todo effort siya sa pagpapaganda para akitin ito. Tapos ngayon ay parang wala lang iyon para rito?

Tiningnan niya ang malabong repleksyon niya sa glass enclosure. Nag-aalala siya na baka nga naka-lusyang-look na siya. Pero sa halip na hitsura lang niya ang mapagmasdan ay ang magkayakap na repleksyon nila ni Vincent ang kanyang nakita. Titig na titig ito sa kanya.

“Masyado ka namang conscious pagdating sa physical beauty.” Komento ni Vincent na hindi siya pinakawalan. “Maganda ka Ellery. But the problem is the people here in Costa Galaxia were equal.” Senserong saad pa nito. “Walang pangit, lahat magaganda. Kaya pasensiya ka na kung hindi dinudumog rito ang ganda mo na pinagkakaguluhan ng mga tao sa siyudad. Pero gusto ko pa ring sabihin na isa ka sa pinakamagagandang babae na nakilala ko.”

I’m just one of them?

“Syempre naman maganda talaga ako!” pagbabangon niya sa ego.

Hindi niya matanggap na isa lang siya sa mga pinakamaganda sa paningin ni Vincent. She used to look at her best pero runner up lang siya para rito? Hindi siya sanay ng ganoon dahil parating siya ang pinakamaganda sa paningin ng lahat ng nakapaligid sa kanya. “Hindi ako magiging modelo kung hindi ako maganda. At dahil gwapo ka, ano kayang ibigsabihin noon?”

“Bagay din ako sa showbiz? Nah! It’s not my thing.”

Kasura kang lalaki ka! Ang gwapo-gwapo mo, ang slow-slow mo! Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Dahil gwapo ka at maganda ako, we belong together!

Kumawala siya kay Vincent at sumalampak sa couch na nasa kalagitnaan ng observation capsule.

“Dito ako matutulog, ha?” aniya.

“Ha? Bakit? Ano pang gagawin mo dito?”

“Makikipagtitigan ako kay Nemo.”

Tumawa ito.

“Oy, bumenta ang joke ko.” Nakasimangot na sabi niya.

“Huwag kang sumimangot.”

“Bakit?”

“Bawal ang nakasimangot rito, kiss ang parusa.” Nakatawang sabi ni Vincent. Halata namang nagbibiro ito.

Lalo siyang sumimangot.

“Oy, gusto talagang mahalikan.” Tudyo pa ng walanghiya.

“Ano bang pakiramdam ng nahahalikan?” painosenteng tanong niya.

Ang totoo, hindi pa naman talaga siya nahahalikan dahil hindi pa naman siya nagkakaboyfriend. Ang tanging kahalikan niya lamang araw-araw ay ang kanyang lipstick.

Tila nagulat si Vincent. Hindi siguro ito makapaniwala sa ibigsabihin ng tanong niya.

“Totoo, sa ganda kong ito, hindi pa ako nahahalikan.” Sabi naman niya.

“Ang tatanga ng mga lalaki sa paligid mo.” Sabi nito.

“Ibigsabihin, isa ka sa mga lalaking tanga na tinutukoy mo?”

Napamaang ito sa kanya. Para nga namang hinahamon niya ito na halikan siya.

She just smiled at him. Hindi niya maintindihan pero parang nae-enjoy niyang i-flirt ito.

“Kung sakali ba, ibibigay mo sa akin ang first kiss mo?”

Siya naman ang napamaang. He looks very serious. Maski ang mga mata nito ay seryosong nakatitig sa kanya na tila ba inaarok ang magiging reaksyon niya. She wanted to yell ‘yes’ to his face. Pero kung kailan nasa kalagitnaan na siya ng panlalandi rito at mukhang papatulan na siya nito ay tila gusto niyang mapahiya. Dalagang Pilipina pa rin naman siya. At talagang nakakarimarim ang mga pinaggagagawa niya.

Didistansya nalang sana siya kay Vincent subalit bigla niyang naramdaman ang isang kamay nito sa likod ng kanyang mukha at inilalapit siya sa mukha nito. Hindi niya maramdaman ang pagtutol, sa halip matinding pananabik ang nasa kanyang dibdib. At ang tanong na:

How would it feel when Vincent kissed me?

Ang mahabang paghihintay ay tinapos ni Vincent sa pagbaba ng mga labi nito sa kanya. She felt paralyzed. Nanlaki rin ang mga mata niya. Pero saglit lamang iyon. Dahil nang magpumilit pumasok ang dila ni Vincent sa loob ng bibig ni Ellery ay kusa niyang ipinikit ang mga mata at iniawang ang mga labi niya.

Ang bawat paghagod ng mga labi ni Vincent sa kanya ay talagang nagbibigay ng excitement sa kanyang buong pagkatao. Naghahatid iyon ng masarap na pakiramdam na patuloy na nagpapatibok ng mabilis at malakas sa dibdib niya. Tila ba kinokontrol ng sensasyong hatid ng halik na iyon ang takbo ng kanyang isip at buong pagkatao. Ni hindi niya namalayan kung paanong umangat ang mga braso niya sa batok nito. Gayundin ang kusang paghaplos ng isang kamay niya sa ulo nito at ang isa pa sa mukha. Parang may sariling isip ang katawan niya na kusang lumalapit at dumidikit sa katawan ni Vincent.

Nag-aapoy ang mga kamay ni Vincent na humahaplos at sumasamba sa makinis niyang balat. He was very fast that he had run his one hand inside her blouse and gentle caress her skin up to her breast. Napasinghap siya ng maramdaman ang isang kamay nito na marahang kumakarinyo sa isang umbok sa kanyang dibdib.

Gusto pa niyang mapaungol ng bumaba ang mga labi nito sa kanyang dibdib. Ngunit natigilan siya nang maramdamang tila umangat ang kanilang kinaroroonan na tulad ng sa elevator. Napamulat siya at tuluyang nahagip ang kanyang katinuan. Halik lamang ang hiniling niya kay Vincent pero pa higit roon ang ibinigay nito. At wala siyang pinagsisisihan, sa halip ay naging napakasaya pa ng kanyang pakiramdam. Kaya lang, hindi sila pwedeng lumagpas roon dahil… kailan lang ba sila nagkakilala?

“Bakit ang dilim?” nagtatakang tanong niya.

Dinig niya ang paghingal ni Vincent. Hindi niya makita ang napakagwapong mukha nito at nais niyang magreklamo.

“Jeric, pakibuksan ng ilaw at pakibaba mo na ulit kami.” Pasigaw na saad ni Vincent sa kawalan.

“Sinong kausap mo?” naitanong niya.

“Yung float pilot ko.” Bumukas na ang mga ilaw. At naramdaman niyang biglang bumaba silang muli sa tubig.

“Siya ang pumatay ng ilaw?”

“Oo, at nag-retract ng submerge. Siya ang nagmomonitor ng lahat at malamang na nakita ang ginagawa natin kaya binigyan tayo ng privacy.” Ngumisi pa ito.

Namula naman ang mukha niya. Noon na siya tinablan ng hiya. Naramdaman ni Ellery ang kamay ni Vincent na itinataas ang kanyang baba.

“Now. What’s the verdict?”

“Ha?”

“Of my kiss.”

Napatanga siya. Parang gusto na niyang malunod nalang dala ng kahihiyan. O mas tamang sabihin na gusto niya itong iumpog sa bato. Kung magtanong ito, para bang isang masarap na putahe ang kanilang pinagsaluhan. Pero kung ihahalintulad sa pagkain ang halik ni Vincent, masasabi niyang iyon na ang pinakamasarap na putaheng natikman niya sa buong buhay.

Sa pagkagulat niya’y ngumiti ng matamis si Vincent. Napakagwapo ng ngiti nito na unti-unting inaalis ang nadadama niyang kahihiyan.

“Pwede ka palang ma-tame ng halik, Ellery. Sana’y noon ko pa ginawa.”

“Ha?”

Noon pa ginawa? Kelan lang naman sila nagkakilala nito ah?

“Now, I know how to tame the beast in you. Kaya lang, sa akin naman may gustong magwalang demonyo.”

‘Ano raw?’

“I wanted to kiss you again. Pagbigyan mo na ang demonyo sa loob ko.”

Bago pa siya makapagsalita ay muli na namang sinakop ni Vincent ang kanyang mga labi. At patuloy din lang siyang nagpaubaya. Tame the beast in her for all she cares! Ang mahalaga ay nae-enjoy niya ang mga labi nito at ang pakiramdam na dulot noon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.