CHAPTER 8

FOURTH Day ni Ellery sa bahay ni Vincent. Mas maayos na ang binti nito at parang wala na nga yatang injury kung kumilos pero ayaw pa rin niyang kumawala sa pagiging alipin nito.

Masaya na sana siya dahil tinuruan na nga siya ni Vincent ng tamang pagpiprito ay naka-tsansing pa siya ng yakap rito. Pero lahat ng magandang pakiramdam niya ay napawi matapos marinig ang one-sided conversation nito sa kung sinong babaeng katalandian nito sa telepono.

“Yes of course… my place, hindi ako makaalis. I’m injured, Tricia… No, no, no nothing serious. I can still handle you, basta pumunta ka dito mamaya. Uhm, around 7 0r 8? Hmm... Okay, sweetheart, give me a kiss.” Tumawa ito makailang sandali. Siguro ay naghalikan ito at ang kausap sa imagination ng mga ito.

Bwisit talaga!

At ano bang ipinag-iinarte niya? Anong pakialam niya kung sa paglabas niya ng unit nito ay may ibang babaeng pumapasok roon pagsapit ng dilim para pagsilbihan ito sa kama? Wala!

‘Wala akong pakialam. Wala talaga!’

Nabubwisit na ibinagsak niya sa lababo ang kawali. Hindi na niya huhugasan iyon. Bahala ang kung sinong katalandian nito na maghugas noon. Pinaalalahanan niya rin ang sarili na bago umalis ay lalagyan niya ng lason ang mga pagkain na niluto nila ni Vincent para bumula na ang bibig ng kung sinong babaeng hinihintay nito bago mag-alas otso.

Nakakabwisit lang. Hapon na pero nandun pa din siya sa unit ni Vincent dahil naeenjoy niyang maging alila nito. Ngunit ngayon, lahat ng enjoyment na meron siya ay biglang naglaho at pumalit ang pagod na siyang dapat niyang maramdaman.

“Alis na ako!” paangil na pamamaalam niya sa lalaking prenteng nakaupo sa couch.

Dere-deretso siya sa paglalakad palabas sana ng unit nito.

“Sandali, kumain muna tayo. Alas—” nang lingunin niya ito ay nakasimpat sa relo. “Alas-sais na. Early dinner.”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Ayokong kumain kasama ka. Kayo nalang ang kumain ng bisita mo.”

“Teka?” kunot-noong sabi nito. “Ano bang problema? Bakit parang may topak ka?”

‘Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Nandito naman ako at madaming nagkakandarapa sa akin. Ibinigay ko pa nga sayo ang karapatan na kunin ang una kong halik, pero naghahanap ka pa ng ibang babaeng titingnan?’

Ah. Hindi nga lang pala basta tingin ang gagawin nito. Base sa one-sided conversation nito sa Tricia na iyon—kung sinu man iyon—at sa paghingi nito ng halik, alam niyang hindi basta babae lang si Tricia. Baka nga may relasyon sa kama ang dalawa.

‘I can still handle you. Nice choice of words. Alam ko namang sa kama mo siya iha-handle.’

Nahiling niyang sanay hindi nalang bumuti ang lagay ng paa nito. Pero kunsabagay, hindi naman paa ang ginagamit sa…

Shit! Kung anu-anong iniisip niya. Polluted ang kastilyo ni Vincent. Kailangan na niyang makalayo roon at baka ma-suffocate pa siya.

“Naalala kong may dinner appointment nga pala ako.” Pagpapalusot niya.

“Dinner appointment? With whom?”

Mag-iisip pa sana siya ng isasagot nang tumunog ang cellphone niya. “Hey, Kyle!”

“Hulaan mo kung nasaan ako.” Malambing na tanong nito mula sa kabilang linya.

“Saan?” tinatamad na tanong niya. Wala siya sa mood makipagbiruan kay Kyle. Ang mas trip niyang gawin ay gulpihin muli si Vincent para mabalda na ito at hindi na makapanlandi.

“Sa tapat ng unit mo.”

Bigla ang pag-atake ng gulat sa kanya. “What?!” nanlaki ang mga mata niya at napabaling kay Vincent na salimuot ang mukha habang nakatingin sa kanya at tila nakikinig sa one-sided conversation niya. “Bakit nasa tapat ka ng unit ko? Anong ginagawa mo diyan?”

Nagpanic siya. Hindi niya alam ang gagawin kapag lumabas siya ng unit ni Vincent at makita siya ni Kyle na nasa unit ng iba, lalo’t lalaki ang kapitbahay niya. Siyempre ay ayaw naman niyang bumaba ang tingin sa kanya ng kaibigan.

“Yayayain sana kitang mag-dinner.” Sabi ni Kyle.

“Hala! Ano…” pilit niyang pinakalma ang sarili at nag-isip ng idadahilan. Naglakad siya palapit sa pinto ng unit ni Vincent at sinilip ang monitor ng CCTV camera nito sa labas. Naroroon nga si Kyle. “Ano, nasa baba kasi ako. Kakain nga sana ako. Magkita tayo sa lobby.” Pagdadahilan niya.

“Nasa baba ka? Bakit hindi kita nakita?”

Napansin pa niya ang pagkunot ng noo ni Kyle sa monitor.

“Malabo na yata ang mata mo. Sige na. Bumaba ka na ha? Hihintayin kita.”

“Okay.”

Naputol na ang linya. Nakita niya ring umalis na si Kyle sa tapat ng kanyang unit. Nakahinga siya ng maluwag. Mga limang minuto pa bago siya lumabas para siguradong nakasakay na ito ng elevator.

“Bakit nagsinungaling ka pa at hindi mo sinabi na nasa kapitbahay ka lang?” salimuot ang mukha na tanong sa kanya ni Vincent.

Mukhang ayaw nito sa mga sinungaling.

Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Bakit ko sasabihin sa kanya iyon? Edi iba ang tumakbo sa utak nun.”

“Natatakot ka?”

“Hindi.”

“Hindi pala eh. Bakit—”

“Ano bang pakialam mo? Pinakikialaman ko ba ang personal mong buhay?”

Tila natigilan si Vincent. Nabubwisit na binuksan naman niya ang pinto at lumabas siya ng unit nito at pumasok sa unit niya saka sumubsob sa kama.

Ano bang nangyayari sa kanya? She felt like crying. Maisip lang na may ibang babaeng hinihintay si Vincent ay nagmamarakulyo na ang dibdib niya. Bakit siya nag-iinarte ng ganoon? Para sa isang katulong/nurse ni Vincent, wala siyang dapat na pakialam sa mga pinaggagagawa nito. Pero bakit niya nararamdaman ang lahat ng nararamdaman niya ngayon? Epekto ba iyon ng panlalandi niya rito noong nasa float sila? O iyon ang side effect ng halik nito—ang pagiging possessive rito? May pakiramdam kasi siya na ayaw niyang i-share si Vincent sa ibang babae.

“Bwisit ka talaga, Vincent! Ano bang ginagawa mo sa akin?”

Mag-eemote pa sana siya ngunit naalala niya si Kyle. Mabilis na nagpalit lang siya ng damit at nag-ayos ng sarili saka sumakay ng elevator. Halatang nainip si Kyle sa lobby. Nginitian naman niya ito at umabresiete sa braso.

“Sorry. Bumalik ako sa unit ko kasi nadumihan ang damit ko.”

Nangunot ang noo nito. “ Bakit hindi kita nakitang dumaan?”

“Ha? Eh, sa likod ako dumaan. Ayokong may makakita sa akin na marumi ang damit.” Palusot nalang niya.

Dumadalas na ang pagsisinungaling niya. At mas madalas na makatikim ng kasinungalingan ang kanyang sarili. She smiled to everyone pero ang totoo ay may namumuong hindi maganda o tamang sabihin na masakit na damdamin sa kanyang dibdib sa tuwing magpa-flashback ang eksena na naririnig niyang nakikipag-usap sa kung sinong Tricia na iyon si Vincent.

Alas-diyes na ng gabi nang ihatid siya ni Kyle sa unit niya. Naka-check in raw ito sa Sands Hotel. Ini-invite ito ng isang kliyente na resident roon kaya’t nakabalik. Okay na rin naman na niyaya siya ni Kyle na lumabas dahil medyo nawala ang hindi magandang damdamin na mayroon siya. Subalit bumalik ang damdamin na iyon pagkakita ni Ellery sa eksenang may papalabas na matangkad at maganda ring babae sa unit ni Vincent.

That must be Tricia!

Tapos na yata ang bed session ng mga ito at aalis na ang babaeng ‘yun.

Hindi niya kaagad binuksan ang unit at nagkunwang nagbubulatlat sa kanyang pouch. Masokista rin siya eh. Dahil hinihintay niya ang huling eksena ni Vincent at ng babae nito.

“Bye! Get well soon, Vincent. Hinahanap ko na ang dati mong performance.” Tila nang-aasar na saad nito.

Performance? Sa kama?

“Soon, babalik din ako sa dati.” Nakangiti rin namang saad ni Vincent.

Humalik pa ang babae sa pisngi ng walanghiyang hudas!

Hindi na siya nakatiis at nag-enter na ng PIN para makapasok na. Lumayas na rin ang babaeng habambuhay niyang kaiinggitan at kaiinisan.

Nagulat pa siya na malamang hindi pa pala nagsasara ng pinto si Vincent. Nakatingin ito sa kanya. Mukhang nabubwisit ayon sa pagkakasalimuot ng mukha habang nakatingin sa kanya.

“What?” asar na angil niya rito.

“Kumusta ang date mo?”

“Okay naman.”

Ikaw? Kamusta ang performance mo? Hindi ba nakasagabal ang injury mo?

Ngali-ngaling sakalin niya ito.

“Good night. Inaantok na ako.”

At pinagbagsakan na niya ito ng pinto. Hindi na niya ito kayang tingnan pa. Nasasaktan lang siya sa tuwing maiisip na may kasalo ito sa kama kanina.

Ano bang nangyayari sa kanya?

“ANG TAHIMIK mo yata?” narinig niyang untag ni Vincent sa malalim niyang pag-iisip.

Ika-pitong araw. Iyon na ang huling araw na kasama niya ang binata. At gusto niya ring ipanalangin na sana ay hindi nalang bumuti ang lagay ng paa nito. Sana’y nag-extend pa ang pagkabalda ng binti ni Vincent para may excuse siya para manatili sa tabi ng binata. Huling araw na niya at parang gusto niyang magwala! Ayaw pa niya itong iwan!

Ayaw niyang iwan maski tatlong sunod-sunod na gabi na nakikita niyang may iba’t-ibang babae na lumalabas sa unit nito. Nakakainis lang na bakit kailangan niyang maapektuhan ng ganoon sa nakikita? At maski nakikita niya na marami itong babae, gusto pa rin niya itong makasama.

Nasanay na siyang sa paggising ay pupuntahan ito sa unit nito at uubusin ang oras nila sa pamamasyal, pagfo-food trip o di kaya ay sa pagtuturo nito ng pagluluto ng mga recipe nito. Pero hindi na siya nito pinayagang maghiwa ng sibuyas at mga gulay dahil baka mamaga na naman raw ang mga mata niya at mahiwa ang mga daliri niya.

It so sweet of him! So thoughtful! At hindi niya inaasahang sa maikling panahong iyon ay mas nagustuhan niya ito. O baka nga mahal na niya ito.

Posible ba iyon? Ah ewan! Basta isa lang ang sigurado niya, masaya siya kapag kasama ito. Para ngang ayaw na niya na nawawaglit ito sa kanyang mga paningin. Kaya nga maski anim na oras lamang ang kanilang usapan, hindi na niya natatagpuan ang sarili na nagbibilang ng oras habang magkasama sila. Kung maaari nga niyang pahintuin ang orasan ng mundo ay gagawin niya huwag lang dumating ang sandali na kailangan na niyang umuwi sa kanyang unit.

Gusto naman niyang hilahin ang oras gabi-gabi para matapos na ang paghihintay na mag-umaga at makasama muli si Vincent. O kung maaari ay huwag nang maggabi para walang ibang babae na duduty rito.

They started in the wrong paths but what the heck? Mahalaga pa ba ang simula? Ang mahalaga ay natutunan nilang magkasundo sa mga sumunod na araw. At sana, sa darating pa—kung may darating pang bukas para sa kanilang dalawa.

Papalubog na ang araw at naglalakad sila sa may dalampasigan na magkawak ang mga kamay. It seems like a natural thing to do.

Naisip niyang ituloy ang nakagawiang pakikitungo kay Vincent maski hindi niya gusto ang pakiramdam na alam niyang may mga babaeng dumuduty sa unit nito gabi-gabi. Naisip niya kasi na baka siya lang itong madumi ang isip at wala naman talagang kakaibang nagaganap sa loob kapag wala siya. Paano kung business colleagues lang nito ang mga iyon?

Mukhang tama naman ang desisyon niya na umaktong parang walang alam sa mga babae nito dahil naging napakaganda at masaya ang samahan nila. Ang totoo, nakaka-wirdo na mabait si Vincent sa kanya nitong nagdaan dahil walanghiya nga ito. Pero bigla niyang naisip na tama si Mico na sabihing mabait din ang amo noon. Hindi lang basta mabait, sweet at thoughtful din ito.

Gustong-gusto niya kapag basta nalang dadakmain ni Vincent ang kamay niya at hihilahin siya sa kung saan nito nais na magpunta sila. Katangahan man, pero kinikilig siya.

Sa mga Korean movies and Koreanovelas niya iyon madalas na nakikita at talagang kinikilig siya kapag ganoon umarte ang isang lalaki. Minsan nga niyang pinantasya na sana, may dumating na lalaki na gagawa sa kanya noon. And out of the blue, dumating si Vincent, na ginagawa ang kaparehong-kapareho ng bagay na pinapantasya niya.

“Wala, naisip ko lang na last day na pala ng duty ko sayo. EndO na ako.”

EndO ang naririnig niya sa mga contractual crew na nasa huling araw ng mga ito.

“Oo nga eh.” Nginitian siya ni Vincent and it made her heart almost jump out from her chest! Paano bang nagagawa sa kanya iyon ni Vincent? Naramdaman niya ang marahan nitong pagpisil-pisil sa kanyang kamay. “Pwede pa naman tayong magkita ‘di ba?”

Nakangiting tumango siya.

Ayoko na ngang umalis sa tabi mo!

“Pwede ko pa rin bang gawing school of culinary ang bahay mo?” naitanong niya.

Tumawa ito at inakbayan na siya. Hinapit pa siya ni Vincent sa bewang palapit rito. “Anytime. Huwag lang bukas dahil may board meeting ako.”

Napasimangot siya. Kumawala siya kay Vincent at sumalampak sa buhanginan habang pinapanood ang sunset. “Eh kailan? Babalik na ako sa Makati anytime soon. Madami na din kasi akong trabaho na dapat harapin na ipina-re-sched ko dahil sa bakasyon na ito.” Eksaheradang sumimangot pa siya.

Parang gusto nalang niyang mag-quit sa showbiz at sundin ang payo ng mga magulang na maligo nalang sa pera ng mga ito. Pipirmi nalang siya roon sa Costa Galaxia para makasama niya si Vincent at nang maitaboy niya ang mga babae nito.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Vincent. Naglakad ito papunta sa likod niya at sumalampak roon. Saglit pa at naramdaman na niyang nakapulupot na sa kanyang katawan ang braso nito. Pati ang dalawang binti nito ay pinaggitnaan siya. Her heart skips a beat while she’s enjoying the delicious feeling he’s giving her.

At ano bang magagawa niya kung parating ganito ang pakiramdam niya kapag niyayakap siya ni Vincent? She was inlove with him and she doesn’t want to deny it to herself anymore. Pahihirapan niya lang ang sarili kung parati niyang itatanggi iyon. Maski na hindi alam ni Vincent, okay lang. Dadating rin siguro sa pagkakataong mapapansin nito ang damdamin niya maski hindi pa niya aminin.

Naunawaan at napangalanan na niya ang kahulugan ng kaguluhan sa loob ng kanyang dibdib sa tuwing mapapalapit kay Vincent, subalit wala naman itong ipinapakitang anumang senyales na nagpapahiwatig na naaakit ito sa ganda niya—na lantaran niyang ipinapakita. Maliban sa pagiging sweet at thoughtful nito ay wala na siyang makitang pwedeng magpalakas ng loob niya na ipaalam rito ang nararamdaman niya. Ayaw rin naman niyang mapahiya sa pag-aming kay dali niyang na-develop rito.

Ah, siguro, dapat na maging masaya nalang siya na sa wakas, natagpuan din niya ang sarili na nagmamahal ng isang lalaki. At hindi lang basta lalaki, kundi lalaking walang kasing gwapo, walang kasing sweet, kasing thoughtful at kasing yabang.

Anu’t-ano pa man, si Vincent ay si Vincent. Mahal niya ang lahat ng patungkol rito.

“Ako nalang ang pupunta sa unit mo kapag free time ko. Medyo natambak din ang trabaho ko dahil sa pag-absent ko.” Narinig niyang hayag ni Vincent.

“Ikaw naman ang boss eh. Marami kang pwedeng utusan.” Nagmamaktol na reklamo niya.

Sinabi na nga niyang malapit na siyang umalis pero hindi nito maikansela ang anumang gawain nito. At bakit nga ba nito ikakansela gayong hindi naman siya mahalaga?

She was being unreasonable and selfish again. Syempre mahalaga ang trabaho nito para rito. Kaya lang ay naiinis pa rin siya dahil may oras ito sa mga babae nitong ikinakama pero sa kanya ay wala. At bakit naman ito maglalaan ng oras para sa kanya, aber?

Lalo lamang humigpit ang pagyakap ni Vincent sa kanya at natatawang dumampi ang mga labi sa buhok niya. Sigurado siyang mga labi nito ang dumampi roon dahil sa mainit na buga ng hininga nito na dagling nagpasiklab ng apoy sa buo niyang sistema. Kung hahalikan siya nito ngayon ay duda siyang makakaderetso pa sila sa kama.

“Let’s just enjoy this moment together. Napakaganda ng sunset. Huwag mo nang ubusin ang oras mo sa pagmamaktol because you’re just missing a great scene our God given us.”

Nagpatianod nalang siya sa suhestiyon nito. Tama naman nga si Vincent. The sunset is an amazing scene to view. At mas masarap iyong panoorin kasama ng lalaking ni sa hinagap ay di niya akalain kahuhulugan niya ng loob at sa huli ay mamahalin.

She leaned against his wide chest and enjoyed his adorable scent. Napakasarap makulong sa mainit nitong mga bisig. His warmth gives her tingling sensation she never thought she was able to feel.

“Matutulog ako sa mga braso mo, pakitapon nalang ako sa unit ko kapag pauwi na tayo.” And she gave him her unit password.

Buo ang loob niyang ipagkatiwala ang kanyang kaligtasan kay Vincent. Afterall, alam naman niyang harmless ito. Mas pabor pa nga sa kanya kung maging harmful ito.

Hehehe!

NAGISING si Ellery sa malumanay na pag-ugoy niya sa alapaap.

Alapaap?

Bigla ang pagdilat ng kanyang mga mata. And then, she was greeted by the most handsome and the most elegant man she’d known in the world. Nakangiting nagsumiksik siya sa mabangong katawan ni Vincent habang nagpapasasa sa kagwapuhan nito. Ang sarap ng pakiramdam niya. Para siyang idinuduyan.

“Good morning.” Bati niya.

“Good evening pa lang.” nakangiti namang baling nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya. Pagkuway luminga sa paligid. Noon lang niya napansin na naglalakad sila. Ah hindi! Ito lang ang naglalakad dahil karga-karga siya nito at malapit na sila sa Earth Cove.

“Hindi ko akalain na seryoso ka nang sabihin mong matutulog ka.”

“Teka! Ibaba mo ako.” Nagpumiglas siya at nagtangkang bumaba.

“Huwag kang malikot. Bumibigat ka lalo.”

“Ano?! Sexy kaya ako!” pinagtaasan niya ito ng kilay na ikinatawa lang nito. “Ibaba mo na sabi ako eh.”

“Huwag na. Malapit na tayo. Nangalay na din naman ako kaya’t lubus-lubusin mo na.”

Natigilan siya. Masyadong malayo ang Sun Cove papuntang Earth Cove para buhatin siya nito mula sa dalampasigan ng Sun Cove hanggang doon.

Oh! He’s so sweet she’ll kiss him!

Pero dahil nakakapagpigil pa siya ay hindi niya ginawa. Ikinawit nalang niya ang mga braso sa batok nito para mapagmasdan ito ng husto.

“I’m going to miss this handsome face of you.” Pumikit siya at ninamnam ang masarap na pakiramdam na iyon habang karga-karga nito. “Matutulog ulit ako ha? Sabihin mo lang sa akin kapag nasa unit ko na tayo.”

“Okay.”

Hindi man siya magmulat ng mga mata ay tila nakikita pa rin niya ang napakagwapong ngiti na iyon ni Vincent. Kaya nga kahit aware siyang naroroon na sila sa tapat ng unit niya ay hindi pa rin siya nagmumulat ng mga mata. She still wanted to fantasize with Vincent’s gorgeousness from her imagination.

Naramdaman niya ang pagbukas ni Vincent sa unit niya at ang pagpasok nila. Gayundin ang pagbaba nito sa kanya sa kama niya. Akala niya ay iiwan na siya nito, pero ilang minuto na ang nakakaraan ay di pa rin niya maramdaman ang pag-alis ni Vincent.

Gusto niyang kiligin ng maramdaman ang pagdampi ng mga daliri nito sa kanyang pisngi. It seems like she was the heroine from a Koreanovela she used to watch! Napakislot siya dahil hindi na niya napigilan ang kilig sa kanyang puso.

“Vincent…” Bigla ay nasabi niya. Gusto niyang magmulat ng mga mata pero nag-aalala din siya na baka bigla itong umalis kapag ginawa niya iyon. “I wish I could always be here by your side.”

She heard him chuckled. “Me, too. Nasanay na akong nandiyan ka.” He gave a frustrated sigh.

Ngumiti nalang siya habang nananatiling nakapikit. Nakaramdam siya ng paghihikab at hindi niya napigilang pakawalan iyon. Wala na siyang pakialam kung ma-turn off ito sa ginagawa niya. Sa hindi niya mapigilan.

“See you in dreamland, sweety.” At naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanya.

Bago pa man siya makapag-react at maimulat ang mga mata ay nakita na niya itong lumabas ng silid niya. Seeing him heading through the door, she wanted to get up and stopped him. Pero nakontento na siyang haplusin ang sariling mga labi.

Dagling isinubsob ni Ellery ang sariling mukha sa kanyang unan at napatili. It was like an after effect of their first kiss. Maraming beses na niyang nahiling na sanay masundan ang halik na iyon sa float at hindi niya kayang sabihin iyon ng harapan. Kaya’t ngayong halikan ulit siya ni Vincent ay talagang dumoble ang kaguluhan at kaligayahan sa kanyang puso.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.