CHAPTER 9

MAGAAN ang pakiramdam ni Ellery habang nag-e-enter ng password ni Vincent sa PIN pad ng unit nito. Maaga siyang gumising para magluto at ipatikim ang kanyang recipe na natutunan lang naman niya rito. Excited siyang makita si Vincent at nami-miss na niya ito kaagad maski kagabi lang sila huling nagkita.

Papasok na siya nang mamataan ang babaeng papalabas ng bedroom ni Vincent—its Tricia! The girl was wearing nothing but a large size of t-shirt! Baka nga t-shirt pa iyon ni Vincent.

“What are you doing here?!” pagalit na sita niya sa babae.

At ano pa ba ang posibleng ginagawa ng babaeng iyon sa loob ng unit ni Vincent ng ganoon kaaga, at ganoon ang hitsura? Hindi ba’t alam naman niyang gabi-gabing may dumuduty sa unit ni Vincent?

“Ikaw ang dapat kong tinatanong? Anong ginagawa mo rito?” Napatingin ito sa food keeper na hawak niya. “Oh? Magde-deliver ka pala ng food?! Sweet—”

Dagli siyang tumalikod at ibinagsak ang pinto ng unit. Hindi niya yata kayang makita ang hubad na katawan ni Vincent na kagabi lang ay pinag-fiestahan ng malanding babaeng iyon.

Hindi si Ellery ang tipo ng babae na madaling magba-back-out lalo na kung kanyang kabaro. Kailanman ay hindi siya natalo! Pero hindi niya yata kayang makipaglaban kung ganitong nakikita niyang sa simula pa lamang ay wala na siyang panalo!

Alam naman niyang maraming babae si Vincent. Pero hindi niya pala kayang makita ang kumpirmasyon na may ginagawang milagro ang mga babaeng pumapasok sa unit ni Vincent. Maski kasi papaano, umaasa siyang walang kakaibang nagaganap dahil maayos ang mga damit ng mga babae kapag lumalabas sa unit ng talipandas. Pero ngayong makikita niya sa ganoong hitsura ang Tricia na iyon, hindi na niya kailangang makita na hubad o half-naked rin si Vincent para makumpirma ang hinala. Palagay niya, hindi niya kakayanin.

“Nakakainis talaga! Porke’t tapos na ang isang linggo naming usapan, napalitan niya kaagad ako?!”

Tinadyakan niya ang pinto ng unit ni Vincent at nagmamartsang sumakay ng elevator. Ibibigay nalang niya kay Mico ang niluto niya. Bago pa man sumarado ang pinto ng elevator ay nakita niyang humahangos na papalapit roon ang nakahubad-baro at mamasa-masa ang buhok na si Vincent. Hindi na ito nakaabot at tuluyan ng sumara ang elevator. Akala niya, nakatakas na siya, pero nagawa pa ring magpasilip sa kanyang mga mata ang nakakainis nitong hitsura!

Masakit pala. Masakit palang makumpirma ang bagay na pilit niyang itinatago sa likod ng kanyang utak at pinapaniwala ang sarili na hindi totoo ang kanyang hinala. Masakit palang tanggapin na hindi niya dapat na ipagkatiwala ang kanyang damdamin sa tulad ni Vincent. Hindi pwede dahil hindi niya kayang isipin na marami silang maghahati-hati sa oras nito. Gusto niya, siya lang ang magmamay-ari sa oras ni Vincent. Ayaw niya ng may kasalo. Selfish na kung selfish, pero hindi niya kayang tanggapin ang ideya na ise-share niya ang mahal niya sa ibang babae. Mas maigi pa na pakawalan nalang niya ito.

NASA SUN Cove si Ellery at pilit na kinakalma ang sarili habang nagsu-sun bathing sa may fool complex. Nabubwisit pa rin siya kay Vincent!

Hindi siya dapat na nagre-react ng ganoon dahil wala naman silang relasyon. Pero ano bang magagawa niya? Sa inaatake siya ng selos at wala siyang kakayahang lumaban. Kung sana ay pinrotektahan man lang siya nito! Pero hindi eh!

Nakadagdag pang nakaalibadbad sa paningin niya ang mga magkakaparehang pabalik-balik na naglalakad sa kanyang harapan. Hindi na siya nakatiis. Hinablot niya ang sunglass at hinarap ang papadaan sa kanyang tapat. Bahagya pa siyang nagulat ng makitang si Chary pala iyon at may kaangklang lalaki. But what the hell she cares? Ito ang tatanga-tangang nagpapahara-hara sa harapan niya sa ganoong naiiritang estado niya kaya’t pasensiyahan sila nito.

“You’re blocking the sun, guys! Huwag na nga kayong magpa-araw kasi hindi na kayo tatalaban. Maiitim na kayo!” pamalditang sita niya sa mga ito.

“What the fuck—”

“Fuck you rin! Bwisit kayo, lumayas kayo sa harapan ko!”

Umakmang dadaluhungin siya ni Chary pero mabilis itong napigilan ng lalaking kasama nito. “Hayaan mo na siya sweetheart.” Sabi noon. “Gusto niyang magpainit at tama siyang nasasanggaan natin ang araw.”

Iyon ang isang bagay na parati niyang nae-enjoy. Kahit anong gawin niyang kamalditahan ay parati siyang napapatawad ng mga kabaro ni Adan.

Pero hindi sa mga sandaling iyon siya nag-enjoy. Hindi niya ma-enjoy dahil hindi ito ang kabaro ni Adan na gusto niyang makaharap sa mga sandaling iyon.

“What? Kinakampihan mo ba siya, Ken?” sita rito ni Chary. Kitang-kita ang pagseselos sa mga mata nito. Hindi siguro nito matanggap na kaya niyang akitin ang lalaking may karelasyon na maski magpakita siya ng magaspang na pag-uugali.

Dagling umiling ang lalaki. “Of course not.”

“Yes, you are!” giit nito.

“No! I love you.”

“Pwede bang lumayas na kayo sa harapan ko? Nakakarimarim kayo.” sikmat niya. Naalibadbaran na siya sa paglalandian ng dalawa sa harapan niya.

Bumaling sa kanya si Chary at pinagtaasan siya ng kilay. “Palibhasa inggitera ka.”

“Whheeeew!” Napatayo siya. “Pakiulit ng sinabi mo?”

“Inggitera ka!” ulit nga nito.

“Inggit? Kanino?” Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. “Sayo? Wow ha? Ang ganda ko naman kumpara sayo!”

“Maganda?” sarkastikong saad din ni Chary. “Kung maganda ka, nasaan ang boyfriend mo? Ang mga magaganda, hindi nawawalan ng boyfriend.”

Natigilan siya. Para siyang sinampal ni Chary sa sinabi nito. Oo nga naman. Maganda siya pero wala siyang boyfriend!

“Aba’t!” Sa inis niya nang ngumisi si Chary ay umakma siyang hahablutin ang buhok nito. Pero agad itong naprotektahan ng boyfriend nito.

Lalo siyang nagngitngit ng mailayo si Chary ng lalaki na hindi man lang niya nakakalmot ang mukha nito na tinapalan ng makapal na foundation!

Nakakabwisit talaga na may pumoprotekta sa kaaway niya!

“Bwisit ka! Bwisit kang babae ka!” nanggigigil na tili niya.

“Tama na iyan, Ellery.” Saway ng pamilyar na tinig sa kanyang likuran. She didn’t mind the voice coming from her back.

“Kakalbuhin kitang babae ka, makita mo!” Umakma siyang hahabulin sina Chary ngunit agad siyang napigilan sa braso ng kung sino. Paasik na bumaling siya sa pakialamero. “Ano bang pakialam mo!? Ano?! Sasabihan mo din akong pangit dahil wala akong boyfriend—”

Natigilan siya nang mabungaran si Vincent na siyang pumipigil sa kanya. Parang gusto tuloy niyang dito nalang ibunton ang galit niya kay Chary!

“Anong ginagawa mo rito?!” singhal niya.

“I own the place.” Paalala nito.

“Okay. Ako nalang ang aalis.” Inagaw ni Ellery ang braso kay Vincent pero hindi naman siya pinakawalan. “Let me go!” demand niya.

“Nai-insecure ka ba sa kaibigan mo?”

“Kaibigan?” Pinandilatan niya ito. “Yung Chary na iyon? Hindi ko siya kaibigan. Wala akong kaibigang maganda!” Nabubwisit na bulalas niya. “Maganda daw siya dahil may boyfriend siya at ako, pangit dahil walang boyfriend. Sige, ako na ang pangit!” pagmamaktol na naman niya. Naipadyak pa niya ang isang paa.

Nakakainis talaga!

Pero ang lahat ng inis at pagngingitngit niya ay naglahong tuluyan ng maramdaman ang paghapit ni Vincent sa bewang niya palapit rito.Pumalit ang masarap na pakiramdam na parati nitong kaloob sa tuwing mapapadikit siya sa mabango nitong katawan.

“Tingnan mo ‘yung couple na iyon.” Utos nito. “Maganda ba ‘yung babae?”

Dapat ay tinatadyakan na niya si Vincent dahil ito ang dahilan ng hindi niya magandang mood pero hayun siya at lumilingon sa itinuturo ng daliri nito. Napakunot-noo siya.

“Nagbibiro ka ba? Paanong naging maganda iyon? Wala ng space sa mukha niya for the new pimples. At ang katawan niya, diosko! Parang si Dumbo! Hindi man lang ako pumuwesto sa ikatlo. ‘Yung lalaki naman, akala mo, tuko—” Natigilan siya matapos mapansing hindi na maganda ang inilalabas ng bibig niya. “Pasensiya na. Hindi naman talaga ako pintasera.”

“Oo nga. Hindi nga halata.” Sabi naman ni Vincent.

“Ikaw ang may kasalanan!” Baling niya rito. “Bakit mo ba itinatanong sa akin kung maganda ‘yung babae, samantalang alam mo na naman ang sagot?”

“No. I still didn’t know the answer. Ikaw, alam mo agad?”

“Hindi mo alam? Hindi ka naman bulag. Hindi ka rin duling. At mas lalong hindi ka banlag!”

Naiinis na hinarap siya ni Vincent. “Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Hindi lang ang mata ang nakakakita ng kagandahan. Walang taong purong maganda at purong masama. Siguro, hindi man maganda ang babaeng iyon sa paningin ng ibang tao, pero para sa taong nagmamahal sa kanya at sa taong nakakakita ng tunay niyang ganda, maganda siya!” Umawang ang bibig niya sa pagkamangha.

Kung ganoon, nakikita mo ang kagandahan ng mga babaeng kasiping mo gabi-gabi, pero ang sa akin ay hindi? I’m not just a beautiful face, Vincent. May maganda rin naman akong character traits. You just don’t even care to notice! Ikaw na ang nagsabi, walang taong purong masama. Kung masama man ang tingin mo sa akin noong una, bakit hindi ka man lang nag-abalang hanapin ang maganda sa akin sa mga araw na magkasama tayo para magustuhan mo rin ako? Hindi ko naman ipinagdamot na ipakita sayo yun, eh. Ikaw lang itong hindi nag-abalang maghanap!

“You don’t have to always be a beautiful face para makakuha ng boyfriend o lalaking magmamahal sayo. Love isn’t just because of a beautiful face, Ellery. It is also because of a beautiful feeling a person was willing to give. Love should be felt not seen.”

Ah, at naramdaman mo ang pag-ibig sa gitna ng pagniniig niyo ng babaeng iyon na nasa loob ng unit mo at suot ang oversize t-shirt mo? Bwisit ka!

Aminado naman siyang tama ito. Actually, medyo nabawasan na nga ang pagtingala niya sa kanyang sarili. Kaya lang, sumasabog muli ang kasamaan ng kanyang ugali dahil sa nakita niya kaninang umaga. Muling lumiliko ang utak niya sa mga maling isipin!

At oo, nai-insecure siya. Dati ay hindi niya nararamdaman ang insecurities sa kanyang mga kabaro dahil kampante siyang napakaganda niya! Hindi siya pag-aagawan ng mga cosmetics company bilang modelo at endorser ng mga ito kung hindi siya maganda. Pero kaninang makita niya si Tricia sa ganoong ayos, bigla siyang kinain ng insecurities!

“Okay. Nahimasmasan na ako. Nag-text na nga pala ang manager ko. Aalis na ako ng Costa Galaxia—Errr! My God! Why do I have to explain myself to you? Aalis ako dahil iyon ang gusto ko?!”

Tinabig niya ito at umakmang lalagpasan ito. Gusto niyang magwala dahil ni hindi man lang siya nito pinigilan! Nakakainis talaga ang walanghiyang ito!

“Hindi ko na alam kung paano pa kita mapapaamo sa kamalditahan mo at paano ko mababago ang pananaw mo sa panlabas na anyo.”

Napabaling siya rito. “But then, I wanted you to know na sa kabila ng lahat ng bagay na ayaw ko sayo, I still like you, Ellery.”

Gusto niyang maging masaya. Gustong kumawala ng puso niya para makipaglingkisan kay Vincent dahil sa sinabi nito. Pero nirendahan niya ang kanyang katinuan. Gusto siya nito. Gusto lang siya nito. At tulad lang siya ng mga babaeng gusto nito at pinapapunta sa unit nito para aliwin ito sa kama.

No, she wouldn’t stoop down into that level.

“You do? Ang dami mo namang gustong babae.” Naaasar na saad niya.

Gusto na niyang maiyak kasi hindi siya pwedeng maging katulad ng mga babae nito. Ayaw niyang maging katulad ng mga babae nito. Pero naiinggit siya sa mga babaeng iyon na malayang nakakalapit rito at nahahawakan ito o higit pa. Habambuhay siyang maiinggit sa mga iyon pero hindi niya pipiliing mapabilang sa kanila.

“She was just a fling, Ellery.” Narinig niyang pahabol ni Vincent. Gusto niyang lingunin ito pero pinigilan niya ang sarili. Natatakot kasi siya na kapag nilingon niya ito ay baka mabago na naman ang plano niyang pag-alis ng lugar. At matagpuan na naman niya ang sarili na gumagawa ng bagay na malayo sa una niyang plano. “I’ve got myself drunk last night. Dahil na-depressed ako. Nagising ako kaninang umaga na kasama siya. Well, I have to admit that Tricia was one of my flings before. We have a great time last night. But that was it. At malinaw sa kanya na walang anumang romantic feelings sa pagitan namin. That was just a one night of… great thing.”

‘And what we have last week was just a week of great things together, huh?’

“Gawin mo ang gusto mo, buhay mo iyan. Bahala ka.”

At tuluyan na siyang naglakad palayo rito. They also have a great time together. Great time lang para rito ang mga pinaggagagawa nila ni Vincent nang nakaraang linggo at siya lang itong tanga na nahulog sa proseso ng pakikipag-good time nito sa kanya. Hindi niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Hindi rin naging maganda ang tunog ng lahat ng mga iyon sa kanyang tenga. Para iyong mga patalim na lumuluray sa kanyang puso.

‘Walanghiya ka!’

Pero wala naman siyang karapatang magalit. Inutusan siya ni Vincent na maging nurse/katulong nito pero hindi siya nito inutusang mahalin ito. Siya itong masyadong masipag at nag-volunteer pang ipatihulog ang damdamin dito. Tapos ngayong hantarang makikita niya itong nakikipag-great time sa ibang babae nito ay ganoon nalang ang pagseselos niya?

What the heck?! Siya ang tanga at wala siyang dapat na sinisisi kundi ang sarili niya.

Napakadaming lalaki ang nagpapantasya sa kanya pero bakit sa lalaking iyon pa na walang pakialam sa existence niya, dito pa siya nahulog?

‘Bwisit ka talaga Vincent! Ibalik mo ang puso kong ninakaw mo!’

Makaalis man siya sa lugar na iyon ngayon, sigurado siyang babalik at babalik siya roon dahil naiwan na niya at ayaw ng umalis pa ng puso niya sa lugar kung saan naroroon si Vincent Periera.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.