Jezzie loved her job as a bush pilot. Kagagaling lang niya a Burundi at dumalaw sa isang chimpanzee orphanage. They were cute and cuddly. Biniro nga siya ng mag-asawang pasahero niya na nasa second honeymoon na. Hindi magkaanak ang mga ito kaya gusto ng mga ito na dalawin ang mga orphaned animals ng Africa. Kundi daw siya mag-aasawa o walang planong magkaanak, pwede daw niyang gugulin ang oras sa mga naulilang hayop.
Bukod sa mga hayop, dumalaw din ang mag-asawa sa mga naulilang bata dahil ang mga magulang ng mga ito ay biktima ng AIDS. Nangako siyang dadalaw muli kapag nagkaroon siya ng oras. Hindi niya kailangang malungkot kung mag-isa man siya sa mundo. Marami ring ulilang gaya niya na nangangailangan din ng atensiyon at pagmamahal niya.
Dumaan siya sa desk ni Elai para iwan ang report niya. “Hi, Elai!”
“H-Hi!” bati nito pero hindi siya nilingon dahil may hinahalungkat ito sa mga files nito.
“Mukhang busy ka.”
“Oo. May ipinapahanap lang si Boss,” humihingal nitong sabi. Hindi siya makapaniwala sa Elai na kaharap niya. Mukhang dinaanan ito ng bagyo. Magulo ang buhok nito at lusaw na ang make up nito. and she couldn’t give a damn. Haggard na haggard ito at mukhang anumang oras ay babagsak na.
“O-Okay. Iiwan ko lang ang report ko at kukunin ang bagong flight schedule ko,” sabi niya.
Hindi pa siya natatapos ay narinig niya ang boses ni Wyndham mula sa nakabukas na intercom.
“Miss Fulgencio, I need the quarterly report of Tanzania. Not the annual report of Zambia. Bakit annual report ng Zambia ang ang nasa harap ko?”
“Y-Yes, Sir. Nakita ko na po ang Tanzania. Ipapasok ko na po.” Tumayo ito bitbit ang folder. “S-Sandali lang ha?”
Tumango siya. “Sige.”
“Bakit parang mainit ang ulo ni Sir Wyndham?” tanong niya pagbalik ni Elai. Hindi naman maiinitin ang ulo ni Wyndham. Madalas nga ay mahinahon ito.
NIyakap ni Elai ang sarili. “Wala akong ginagawang masama. Hindi ko na siya inaakit. Basta mula nang magtrabaho siya dito, lagi na lang siyang galit.”
“Masama siguro ang gising,” hula niya.
“Araw-araw? Hindi na nga iyan ngumingiti mula nang makabalik ng Nairobi. Ganyan ba talaga kasungit iyan? Akala ko si Sir Raddison ang masungit.”
Umiling siya. “Ewan ko rin. Pero hindi ganyan si Sir Wyndham. Paborito siya ng mga tauhan niya dahil nakangiti siya kahit na may problema. Baka masakit lang ang ngipin niya.”
“Dadalhin ko na ang tooth fairy niya para lang maging mabait siya ulit.”
“Miss Fulgencio, I want my coffee black!” wika ni Wyndham na sumilip sa pinto ng opisina nito. Madilim ang mukha nito habang hawak ang tasa ng kape. “Bakit may sugar and cream ‘to? Ano ba sa instruction ko ang hindi mo maintindihan?”
“P-Papalitan ko na po, Sir!”
Maiiyak na si Elai nang ibagsak ni Wyndham ang pinto. Nagtaka rin siya sa inasal nito hanggang makabalik siya ng apartment niya. Hindi iyon ang Wyndham na kilala niya. May kinalaman ba ang pagkakapadala dito sa Africa? Dahil ba sa kahihiyang idinulot ng di pagkakatuloy ng kasal nito?
Nasa malalim siyang pag-iisip nang makatanggap siya ng tawag mula kay Faye. She was just the person she needed. “Faye, I need to talk to you…”
“Mamaya ka na. Importante ang sasabihin ko,” anitong habol ang hininga. “Maghanda ka na! Paparating na si Sir Wyndhan. Siya na ang regional manager para sa East African branch ng Swan Air sabi ni Sir Raddison. Magkikita kayong dalawa. Anong gagawin mo?”
“KUmalma ka lang pwede? Nandito na siya.”
“Ha? Anong nandiyan na siya?” naguguluhan nitong tanong.
“Isang linggo na siya dito sa Kenya. Late na ang balita mo.”
“N-Nagkita na kayo?”
“Oo. At hindi ko siya sinaktan kung iyan ang inaalala mo.” Baka tumawag ito sa takot na gulpihin niya si Wyndham kapag hindi niya nakontrol ang emosyon niya. She was glad that she was more civilized than that.
“May naramdaman ka bang kilig?” nanunukso nitong tanong.
Napaungol siya. What a question! “Pwede ba? Hindi ito ang oras ng tuksuhan. Nag-aalala ako kay Sir Wyndham. Kakaiba siya ngayon. Parang laging masungit. Daig pa ang nagme-menopause. Hindi naman siya ganyan dati. Ayaw ba niyang magtrabaho dito? Ayaw ba niya sa mga staff?”
“Hindi naman siguro. Mabait naman si Sir.”
“Nag-iba na nga siya ngayon. Lahat ng mga tao sa office takot na sa kanya. Konting mali lang nakasigaw. Baka mamaya isa-isa na lang silang isugod sa ospital. Daig pa niya si Hitler. Kung galit siya sa babaeng pakakasalan niya dahil nakipag-tanan sa ibang lalaki, huwag niya kaming idamay dito.”