Nang sumali siya ay nagpalakpakan ang mga kalalakihan sa pamumuno ni Raschid. “Look at that! Sino ba ang mag-aakalang may kasama tayong ganito kagandang babae? She’s like an oasis in the desert with knockout legs.”
“Stop it, Raschid. Magkakaroon ng part two ang sipa ko sa iyo,” babala niya at kumuha ng barbeque. She bit it without grace.
“Girl, sayang ang ganda mo kung wala kang ka-poise-poise,” reklamo ni Yasmin. “Konting hinhin naman.”
“Aanhin mo ang kahinhinan? Nasa Africa tayo,” sabi niya at umupo sa upuang inukit mula sa granite rock na nakapaligid sa bonfire. Dumampot siya ng wine at tinungga iyon. “Let’s just have fun.”
“Maganda ka pa rin kahit walang poise ka kung kumain ng barbeque,” malambing na sabi ni Flint.
“Doctor Flirt, tigilan mo ako. Uminom ka na lang diyan,” utos niya.
“Ang sweet naman! Sagutin mo na kasi!” tukso ni Elai.
“Hindi naman siya nanliligaw,” sabi niya.
“Paano kita liligawan kung ayaw mong makipag-date sa akin?” kontra ni Flint.
“Hindi talaga nakikipag-date si Jezzie. Masyado siyang busy sa trabaho,” singit ni Wyndham.
“Hindi siya nakikipag-date dahil bulag ang mga lalaking nakapaligid sa kanya. They don’t see her true worth but I do,” sabi ni Flint at tinitigan siya.
Matalim niyang tiningnan si Flint. Naiilang talaga siya. He was flirting with her infront of her colleagues. At kasama pa sa mga ito ang lalaking una niyang minahal. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya?
“Sir, bagay sila, di ba?” tanong ni Elai at sinalinan ng baso ang alak ni Wyndham.
“Kung hindi niya sasaktan si Jezzie at gusto niya,” malumanay na sabi ni Wyndham habang malungkot na nakatingin sa kanya.
“Let’s drink to that,” sabi ni Elai at nakipag-toast kay Wyndham. Tinungga ni Wyndham ng straight ang alak sa wine glass nito at nagpasalin ulit.
“Hindi kita sasaktan, Jezzie. Gusto mo ba ako?” tanong ni Flint.
Hinarap niya ito. “Stop it! Para kay Sir Wyndham ang gabing ito. Hindi natin kailangang gumawa ng eksena. Let’s just enjoy the night. Kung gusto mong seryosohin kita, huwag mo akong babanatan ng mga ganyang linya ngayon.” Kumuha siya ng kebab at inilagay sa plato nito. “Kumain ka na lang.”
At tahimik niyang pinanood ang pakikipag-kwentuhan ni Wyndham sa ibang babae. What was wrong with her? Wala na siyang pakialam kay Wyndham pero naiinis pa rin siya na may kausap itong ibang babae. At parang mas nagseselos pa siya ngayon kaysa nang huli silang magkasama.
At ano bang problema nito? Bakit parang galit ito nang marinig na boyfriend niya si Flint. At anong klase ang isinagot nito na basta hindi siya sasaktan ni Flint at gusto niya ito? Ano iyon? Nakokonsensiya pa rin ito dahil sa ginawa sa kanya? Talaga bang gusto nitong maging masaya siya sa iba?
Hindi na siya magiging masaya sa iba. Wyndham ruined it for her. Pero mas malaki pa doon ang dilemma niya. Paano siya makaka-recover kay Wyndham kung magkakasama pa silang ulit?
Mababaliw na talaga siya. Malapit na malapit na.
LUMABAS ulit ng kuwarto si Jezzie matapos maglapit ng damit na mas komportable kaysa sa dress at sandals na suot niya. Tutulong siya sa pagliligpit ng mga kalat nila sa party. Ang ilan sa mga kasamahan niya ay maagang sumuko dahil sa kalasingan. Si Wyndham ay naiwan pa sa camping ground kasama ang iba pa niyang kasamahan na mas matatag sa inuman.
Maaga siyang nag-quit sa inuman dahil di titigil si Flint sa pag-inom kundi siya aalis sa party. At mahina ito pagdating sa alak. Pinagbigyan lang niya. Pero di ibig sabihin ay babalik pa rin siya para tumulong.
She was worried for Wyndham. Gusto niyang malaman kung sinong babae ang kasama nito sa gabing iyon. Hindi naman niya iyon ginagawa noon. Wala siyang pakialam kung sinong babae ang kasama nito. Manhid na siya. Pero ngayon ay hindi. Naiinis siya sa mga babaeng lumalapit dito and she hated Wyndham for laughing with them and dancing with them.
“Wasted na ang ibang kasamahan mo,” sabi ni Raschid na kasunod lang niya. “Ayun! Kahahatid ko lang kay MOrsely sa kuwarto niya.” Si Morsely ang marketing head nila na isang Kenyan. “Di rin pala tatagal ‘yon.”
“May naiwan pa ba sa camping ground?” tanong niya.
“Oo. Si Wyndham at si Yasmin,” sabi nito. “Nag-aalala nga ako kay Wyndham dahil masyado siyang maraming nainom. Baka lasing iyon.”
“Si Wyndham inaalala mo? I don’t believe you.” Mas alalahanin nito ang babaeng kasama ni Wyndham.
Pagdating sa camping ground ay naestatwa siya sa kinatatayuan. Wyndham was kissing Yasmin. Ano ba ang unang damit gawin ng isang lalaking di natuloy ang kasal? Hindi ba ang maghanap ng kaligayahan sa piling ng ibang babae? Sino ba siya para makialam? Ayaw naman na niya kay Wyndham. Wala siyang pakialam kung sino ang babaeng piliin nito.
“Uh oh! Gusto mo bang bumalik na lang mamaya?” tanong ni Raschid. “O kaya bukas na lang ‘yan.”
“No! Ako na lang ang maglilinis kung ayaw mo.”
Dapat ay iniwan na niya ito pero ipinagpatuloy lang niya ang pagliligpit. They could make love all they want. Gusto ng mga ito ng adventure? Wala siyang pakialam. Basta hindi siya titigil sa pagliligpit doon.
“No!” narinig niyang usal ni Wyndham. “Go away.”
Tumigil siya sa pagpupulot at nilingon si Wyndham. Tama ba ang narinig niya? Tumututol ito sa ginagawa ni Yasmin.
“Shhh… I will make it good for you, Wyndham. We will make love under the stars. I will do everything to make you happy,” sabi ni Yasmin at hinalikan si Wyndham sa leeg na parang isa itong bampira.
“I said no!” tutol ni Wyndham at sinubukang itulak si Yasmin pero wala na itong lakas dahil sa kalasingan.
Hindi na siya nag-isip pa. Dali-dali niyang nilapitan ang dalawa. HInawi niya si Yasmin palayo kay Wyndham. “Excuse me. Excuse me. Pero kailangan na naming iakyat sa kuwarto niya si Sir Wyndham.”
“Excuse me din! Pero hindi mo ba nakikita na may importante kaming ginagawa dito?” mataray na tanong ni Yasmin at pinanlakihan siya ng mata. Hindi ito lasing habang walang kalaban-laban si Wyndham dito.
“Pagod na si Sir Wyndham. Sa ibang pagkakataon na lang kung pwede,” sabi niya at sinenyasan ang ilang staff ng lodge. “Please bring Miss Yasmin to her room.”
Pumiglas si Yasmin. “Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko!” anito at nagmartsa pabalik sa lodge.
Sinaklolohan agad siya ni Raschid. “Ako na ang aalalay sa kanya.” Pumalatak ito. “Hindi kasi siya dapat umiinom nang marami lalo’t pagod siya. Hanggang limang baso ng wine lang ang kaya niya. Kanina yata naka-sampu siya.”
“Baka masyado lang siyang nag-enjoy.”
“No! Umiinom siya nang marami kapag may problema siya. You have no idea kung gaano katindi ang problemang kinakaharap ni Wyndham.”
Anong problema nito? Dahil ba sa kahihiyan nang pagtatatanan ng babaeng pakakasalan nito ay wala na itong mukhang ihaharap sa iba? Kaya ba ito nasa Africa para magtago sa mga tao?
Hanggang sa kuwarto ni Wydham ay sumunod siya. INalalayan ito ni Raschid na humiga sa kama. “Pwede bang ikaw na ang magbihis sa kanya?”
“Ano? Bakit ako?” bulalas niya.
Tinapik nito ang balikat niya. “I trust you. Hindi mo pagsasamantalahan ang kaibigan ko.”