“Ah! May mas mataas pa pala sa sigaw ninyo. Parang lagi kayong naka-falcetto,” kaswal niyang sabi. “Sana naman Sir huwag kayong masyadong galit. Hindi bagay sa kaguwapuhan ko.”
“Coming from you, I am sure binobola mo lang ako. They just can’t seem to get everything right. Simpleng instruction lang hindi nila makuha.”
“You can ask them nicely like you used to,” aniya sa magaang boses. “come on! They are nice people. Kaya nilang gawin ang instruction mo nang di mo sinisigawan. A smile and a sexy drawl would be nice. Magkukumahog pa iyan na itanong sa iyo ang susunod mong iuutos.”
“Alam mo ba na baka masigawan din kita sa ginagawa mo?”
Nagkibit-balikat siya. “Okay lang. I just want you to know that I won’t take things lying down. Kung wala ka sa lugar, I will yell back.”
Umangat ang gilid ng labi nito at sumandal. Saka siya pinagmasdang mabuti. “You may be tough but you don’t yell. You are always in control.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Huwag ninyo akong subukan, Sir. Alam ko mahirap ang pinagdadaanan ninyo. But you can’t go on like this. May pampagamot ba kayo kapag inatake sa puso ang mga staff ninyo?”
“You must see me as a rotten monster.”
“The staffs adore you. Kaya sana bumalik na kayo sa dating Wyndham. Sa tagal ng pagtatrabaho ko sa inyo dati, ni minsan hindi ninyo ako nasigawan. Mas gaganda ang takbo ng trabaho kung hindi kayo laging mukhang galit.” Inilapit niya ang chicken pie dito. “Ipinaluto ko iyan kay Tita Alita. Kumain ka na ulit para bumait ka na.”
“Baka may gayuma iyan.” At humalukipkip ito.
“Wala. Pampabait lang. Masarap ang chicken pie.” Hindi na niya hinintay pa ang pagkontra nito. Kumuha siya ng bread knife, tinidor at platito sa maliit na kusina sa opisina nito at hinainan ito. “Kailangan mong ubusin iyan.”
May ngiti sa mga mata nito nang sumubo. “Eksakto! Hindi pa ako kumakain ng hapunan. Sabayan mo ako.”
“Sir, hindi pwede iyang ginagawa ninyo. Hindi lang kayo nagsusungit sa amin. Pinapatay pa ninyo ang sarili ninyo sa gutom.”
“Kasama ba ang sermon mo sa ipapakain mo sa akin?”
His guard was still up. Mukhang hindi chicken pie lang ang makakapagpabago sa frame of mind nito.
“Bakit hindi kayo lumabas, Sir? May ilang bar naman dito sa Nairobi. Not as glitzy as the ones in New York or other popular cities. Pero okay naman sila. Pwede rin kayong makipag-date. Maraming magagandang babae dito. Remember? Nandito sa Nairobi ang anak ng Ambassador natin. Crush kayo no’n.”
Ni wala man lang kumislap na interes sa mga sinabi niya. “I’d rather work. Marami akong kailangang asikasuhin. Kailangang mag-increase ang rate ng customers natin. East Africa is an interesting place.”
“It won’t hurt if you will slow down.”
“I don’t want to slow down.”
Hindi pwede ito. Ikinukulong nito ang sarili nito sa trabaho. Workaholic din si Wyndham noon pero nakaka-gimmick ito at iba’t ibang social events ang napupuntahan. He worked hard and played hard. Kaya naman naire-release nito ang lahat ng stress nito. Ngayon wala itong outlet maliban ang sigaw-sigawan ang mga tauhan nito. and it was not healthy.
“Sir, pwede tayong uminom kung gusto ninyo. I can be your drinking buddy.”
“Drinking buddy?”
“Yeah! Pwede ninyong sabihin sa akin ang lahat problema ninyo. Hindi man siguro ako makapag-offer ng advice pero mailalabas ninyo ang nararamdaman ninyo. It will help.”
Kumunot ang noo nito at matamang pinag-iisipan ang sinabi niya. “I think that drinking buddy stint landed us on trouble the last time.”
Naalala niya ang simpleng drinking session nila. It went out of hand.
“walang malisya. Just drink and talk.”
His eyes was suddenly lit with fire. “No! I can’t promise anything, Jezzie. I know what I want from you. At baka hindi ko makontrol ang sarili ko kapag kasama kita. I might not be able to keep my hands off you.”
Nanuyo ang lalamunan niya at hindi makahinga dahil sa init ng titig sa kanya ni Wyndham. “Hindi naman kayo attracted sa akin.”
“Don’t underestimate yourself, Jezzie. Thanks for being nice but go home. Huwag kang mag-aalala. Susubukan kong huwag nang masyadong magsungit sa mga kasamahan mo.”
Pinagsalikop niya ang palad. “Thank you, Sir!”
“You have five seconds to leave. I might ravish you on the floor.”
Tatlong Segundo ang kinailangan niya bago niya naintindihan ang ibig nitong sabihin. And any moment, Wyndham would touch her. No! Hindi na pwedeng maulit ang nakaraan. She’d make an utter fool of herself again. She couldn’t afford that.
Nagtatakbo agad siya palabas at hindi siya tumigil hanggang nasa labas siya ng building. Malayo kay Wyndham. Narinig pa niya ang halakhak nito habang palayo siya.
Nilingon niya ang opisina nito. He was just bluffing. Of course he was not attracted to her. He won’t ravish her. Ayaw lang nito ng kausap. Pero natutuwa siyang marinig ang tawa nito. Perhaps he would be better afterwards. She wanted the old Wyndham back.