Chapter Wyndham, TB-EHD: 21

“Jambo!” bati ni Jezzie sa mga kasamahan pagpasok niya ng opisina ng Swan’s Flight sa Nairobi. Magaan ang atmosphere dahil lahat ay nakangiti. Hindi mukhang aligaga ang mga ito at parang maganda ang araw. Nakangiting bumabati sa kanya ang lahat.

Magpapasa siya ng report at kukuha ng flight schedule. Halos iyon naman ang routine niya sa opisina kapag pumupunta siya. Kung wala sa opisina ay nasa hangar siya para i-check ang eroplanong ginamit o gagamitin. Isang linggo rin siyang nawala. Isang grupo naman ng misyonero ang kumuha sa kanya para dalawin ang iba’t ibang depressed areas sa Eastern Africa. Mga lugar na walang kalsada o ni signal ng cellphone at walang anumang modernong kagamitan.

“Jezzie, kain ka! Mamaya na ang trabaho. Dapat siguro mag-relax naman tayo,” yaya ni Ivy at binigyan siya ng plato at kubyertos. Napansin niya ang hilera ng Filipino food na nakahain sa isang buffet table. Mukhang ipina-cater pa iyon. Kaya naman pala maganda ang mood ng lahat dahil may kainan.

“Anong meron? Sino ang may birthday?” tanong niya habang sumasandok ng lumpia. Wala naman siyang natatandaang may birthday sa mga kasamahan.

“Nag-treat si Sir Wyndham,” sabi ni Elai. “Ano kayang sumapi doon? Bigla na lang kasing bumait.”

Sumabay sa pagsasandok niya si Yasmin na nakalimutan yata ang diet. “Oo nga. Last week lang pag-alis mo papunta sa schedule mo, bumait na siya. Nakangiti na palagi. Kahit palpak kami, nakangiti pa rin siya. Ayusin na lang daw namin next time. Sabihin lang daw namin kung may problema kami. Baka makatulong daw siya. Sobrang weird.”

Nang nakaraang linggo niya ito kinausap. Ibig sabihin ay napag-isip-isip na nito na mali ang inaasal nito sa mga tauhan nito. That was good. Akala kasi niya ay magsusungit pa rin ito. He was true to his promise. He tried to be more gentle with them. At maganda naman ang resulta. Nakikinig naman pala ito sa kanya. At ang maganda doon ay hindi siya nito sinesante.

“Ano ba talaga ang totoong Sir Wyndham?” tanong ni Ivy.

“I think the old Wyndham is back.”

Natutuwa siya na bumalik na ang dating Wyndham. Hindi naman kasi bagay dito ang masungit o kaya ay nakasimangot. That was Raddison Archer’s forte. Mas bagay kay Wyndham ang maging charming.

“Pwede na bang ma-in love ulit sa kanya?” tanong ni Yasmin. Naalarma siya dahil mukhang nagbabalak na naman itong akitin si Wyndham.

“HUwag ninyong abusuhin,” babala niya. “Baka may ma-trigger na kung ano sa kanya at maging monster. Mag-concentrate na lang kayo sa trabaho at ipagdasal ninyo na hindi na siya magsusungit.”

Gusto niyang pumalakpak sa tuwa nang makita ang pagkadismaya ni Yasmin at ng iba pang babae. Silly her. She never tried to dissuade any women about Wyndham before. At alam niyang ginawa niya iyon para sa sarili niya. Ayaw niyang may makita na namang babaeng umaaligid kay Wyndham.

“Hindi kaya nabago siya ng love?” tanong ni Elai. “Kasi bigla na lang siyang nagbago. Baka may babaeng nakapagpabago ng isip niya.”

She cautiously looked around her. Ayaw naman niyang maging assuming. Pero wala namang masamang isipin niya na siya ang naka-impluwensiya kay Wyndham para magbago. But she won’t go too far to the idea that he was in love with her. Nagpapatawa siya kapag pinapaniwala niya ang sarili doon.

“Siguro nakikipag-date na siya pero di lang natin alam,” hula ni Ivy.

“Or baka ako ang babaeng mahal niya,” excited na sabi ni Yasmin.

“Kumain ka na lang diyan!” sabay na sabi nina Elai at Ivy.

“Ay naku! Basta kakain na lang ako. Kung sinuman o anuman ang dahilan ng ipinagkakaganyan ni Sir Wyndham, magpasalamat na lang tayo. Enjoy the food. You deserve it pagkatapos ninyong mabaliw sa loob ng ilang linggo dahil sa pagsusungit niya,” tuloy-tuloy niyang sabi.

Nagtaka siya dahil wala na siyang narinig na sagot sa mga kasamahan. Isa-isa na lang tahimik na nagpulasan ang mga ito. Naramdaman na lang niyang may pares ng mata na nakatitig sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon habang unti-unting gumagapang ang matinding nerbiyos sa katawan niya. Tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makita si Wyndham na nakasandal sa hamba ng pinto ng private office nito at nakatitig sa kanya.

“Patay!” mahina niyang usal at iniwas ang tingin dito. “Good afternoon, Sir.” Mahinay ang bati niya. halatang guilty.

Drat! Hindi naman siya tsismosa. Hindi rin ganoon kalakas ang loob niya na pag-usapan ito sa publiko. Lalo na ang love life nito. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya? And yes, idiniin pa niya ang pagsusungit nito nang nakakaraan. Nagbagong-buhay na ito. dapat ay masiyahan na lang siya doon.

“Please report to my office, Castellano,” anito sa pormal na boses at saka pumasok sa opisina nito.

Nawalan na siya ng ganang kumain. She was hoping that he would be more considerate with her. Wala naman talaga siyang nasabing masama maliban sa napagkwentuhan nila ang tungkol sa pagbabago nito. If he was uncomfortable with that, she would just apologize.

“Hindi naman siguro babalik si Sir Lion King, hindi ba?” nanginginig na tanong ni Elai pagdaan niya sa desk nito.

She showed her her crossed fingers. Sana lang ay mapakiusapan niya si Wyndham. Kawawa naman ang mga staff nito na ilang linggong nabuhay sa ilalim ng Komunistang rehimen. Na-trauma na ang mga ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.