Chapter Wyndham, TB-EHD: 22

Kumatok siya at marahang binuksan ang pinto nang marinig ang utos ni Wyndham na pumasok siya. “Good afternoon, Sir!” pormal niyang bati.

The trick when going to a war was to show a brave front. Kapag ipinakita niyang natatakot siya, lalo lang siyang sisindakin. Magpapatay-malisya na lang siya na parang wala siyang sinabi at wala itong marinig. It was safer that way.

Nakangiting humarap si Wyndham sa kanya. “Take a seat! How’s your trip?” tanong nito habang itinatapik ang daliri sa arm ng swivel chair nito.

“Great! Mababait ang mga missionaries na nakasama ko sa trip. Nagbibigay siya ng food, medicine at agricultural aide sa mga depressed areas sa Africa. We went to visit Karamoja tribe in Burundi.”

“What?” Tumayo ito at nilapitan siya. He pulled her up by the shoulders. Saka nito kinapa ang braso niya at ang ibang parte ng katawan niya.

“What do you think you are doing?” she asked in outrage.

“I am just looking for injuries,” anito at tumigil ang kamay sa baywang niya. “Alam mo ba na may tendency na maging bayolente ang Karamoja warriors kapag nakainom ng gin na gawa nila?”

“Noong nandoon kami, hindi naman sila bayolente. They banned the gin in that region. Hindi mo ba nabalitaan?”

“Kahit na. Delikado pa rin ang lugar na iyon with gunrunners and all,” sabi nito at pinindot ang intercom. “Miss Fulgencio, bring me Captain Castellano’s flight report.”

Bumagsak ang balikat niya. “What’s the problem this time?”

Isinenyas nito ang kamay na umupo muna siya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito habang binabasa ang flight report niya. His face became grim. “Uganda and Burundi. Parehong may suicide bomber threat ang mga bansang ito dahil sa mga Somalian rebels dahil may ipinadalang contingent sa Somalia ang dalawang bansang para sa peacekeeping.”

“So? Ano ngayon kung may bomb threat? Kade-deactivate lang nila ng nakuha nilang bomba.”

“See? It’s not just a threat. Talagang may bomba na!”

“I am fine! Hindi naman maiiwasan ang conflict sa mga lugar na iyan. This is Africa, Sir Wyndham. People die of starvation, AIDS, military strife, animal attacks, malaria, virus… ganoon din naman sa ibang parte ng mundo.”

Naningkit ang mga mata nito. “Alam mo ba kung gaano kadelikado ang mga lugar na pinuntahan mo?”

Nagkibit-balikat siya. “We never stop sending people to those places before. Nagpasa ng flight plan ang mga client natin, it was approved at natuwa sila na kunin ulit ang service natin.”

Ihinagis nito sa desk nito ang report niya. “You can always say no to those conflict areas, Jezzie.”

“Missionaries ang mga pasahero ko. Doon sila pupunta kung saan sila kailangan. And I am a capable pilot.”

“Maswerte ka kung nakakabalik ka ng buhay. How about next time?”

Mahina siyang tumawa. “Ano bang nangyayari sa iyo? Flying is dangerous itself. Hindi ba alam mo rin iyon dahil piloto ka rin. You even risk breaking your neck parasailing and sky diving. That’s also dangerous. Come on! People die for lesser reasons. Pero may mga taong handang magbuwis ng buhay para sa iba. And it’s not just from the adrenaline rush. They make a difference to people’s lives and offer hope. Masama bang tulungan ko rin sila.”

“Is this about the money?” Mas mataas ang rate na sinisingil nila para sa mga conflict areas. Buhay nila ang nakataya doon.

“This is not about the money, Sir Wyndham. I just want to make a little difference. Ikaw din naman tumutulong ka sa mga tao.”

“In the comfort of my own office. I just give away money.” Umungol ito at huminga nang malalim. “Now you make me feel bad about myself.”

“Hindi lahat ng tao kailangang sumugod sa conflict areas para makatulong. It’s the money of people like you who fund those organizations.” Tinapik niya ang balikat nito. “Don’t feel bad about yourself. Bakit tayo nagdadrama?” bigla ay naitanong niya nang ma-realize ang tinatakbo ng usapan.

“I just don’t want you hurt. Silly!” Then his knuckles grazed her cheek. “Mula ngayon iche-check ko na ang mga flight schedule mo. No conflicting areas.”

“Saan mo ako gustong pumunta? Sa Disneyland?” Humalukipkip siya at kumawala dito. Kung ibang pagkakataon siguro ay mato-touch siya sa pag-aalala nito. Ngayon lang ito nag-alala nang todo sa trabaho niya. Pero mahal niya ang trabaho niya at iyon na lang ang natitirang mahalaga sa buhay niya. Magkakagulo sila ni Wyndham kapag trabaho na niya ang kinukwestiyon nito. “Nasa Africa tayo. There’s conflict, risk and danger everywhere. Ginagantihan mo ba ako dahil sa narinig mong usapan namin kanina sa labas tungkol sa iyo at nasabi kong masungit ka?”

“No! masungit naman talaga ako recently. At hindi ako kasing lupit ng iniisip mo. Sanay na akong pag-usapan ang buhay ko,” kaswal nitong sabi.

“Salamat na rin sa pagiging mabait mo sa kanila. Siguro naman ngayon mag-i-improve na ang trabaho nila.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.