Chapter Wyndham, TB-EHD: 23

“Napag-isipan kong tama ka. I was a bit harsh on them. And you made me realize that. Come to think of it. Hindi ka ganyan ka-vocal sa akin. Samantalang ilang taon din kitang naging private pilot dati.”

“You never raised a voice to anyone before. Kinakausap mo kami nang maayos kaya wala tayong naging problema. So tell me, sinunod mo na siguro ang advice ko na makipag-date ka at lumabas. Naisip ko kasi na baka iyon ang reason kaya nakapag-release ka na ng stress mo. Back to your old self,” aniya sa pilit na pinatatag na boses.

Paano nga kung may bagong babae sa buhay nito? Sino ito? Dapat ba ay hindi na lang siya tumuloy sa trip niya sa mga delikadong lugar na iyon para nabantayan na lang niya ito?

Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi siya ganito ka-possessive kay Wyndham dati. masaya na siyang ngitian lang nito. Ang dating Jezzie, ilang araw nang di makatulog mangitian lang nito. At kung may ganito sila kahabang pag-uusap at nagbago si Wyndham dahil sa kanya, nagpamisa na siguro siya. But that was not enough. Kahit naimpluwensiyahan pa niya ito at nag-aalala ito sa kanya, maaring may ibang babae na higit and dull na nakapagpabago ng disposisyon nito sa buhay. Katulad ng mga babaeng idine-date nito dati – magaganda, sexy, sikat at hindi gaya niya na itatapon na lang nito nang ma-realize nitong ayaw nito sa kanya.

“No. Hindi pa ako nakikipag-date. Yayayain ko pa lang siyang makipag-date.”

Marahan siyang tumango. “O-Oh, good! Hindi ko na kayo aabalahin sa trabaho, Sir. I am sure papayag siyang makipag-date sa inyo.”

“Really?” He smiled seductively then pulled her against his body. Her head spinned. Hinaplos nito ang baba niya at pinisil. “Ibig sabihin wala nang problema. Pumapayag ka nang makipag-date sa akin.”

“Date? tayo?” She was not expecting that from him. Nanlalambot ang tuhod niya at maang lang siyang nakatitig dito. Seryoso ba si Wyndham? Gusto nitong mag-date sila. She lost her tongue for a while. “Oh! Gusto mong uminom tayo? Sabi ko nga kailangan mo ng drinking buddy!”

Nagsalubong ang kilay mo. “Hindi ko sinabing kailangan ko ng drinking buddy. I want a real date. A romantic date.”

Nag-freeze na naman ang neurons sa utak niya. It was a direct hit. Totoong date na ang gusto nito. A romantic one. Ang inaasahan niya ay ibang babae ang yayayain nitong mag-date. siya ang pinakahuling nasa listahan. “Pero bakit?”

“You suggested it, remember?”

“Oo. Pero hindi ko naman sinabing ako ang i-date mo.”

“Gusto kong ikaw ang maka-date ko.”

“Bakit hindi iba?” tanong niya. “Marami namang babae dito sa opisina na gustong-gsuto kang i-date. I mean they are sexy and pretty.”

“So are you. Akala ko ba sigurado kang papayag makipag-date sa akin ang babaeng mapipili ko. Why are you making excuses?” pagalit nitong tanong.

“T-This is just unexpected…” Hindi ba ayaw nito sa kanya? He threw her out before. “You don’t like me.”

Idinikit nito ang noo sa noo niya at saka ngumiti. “Sa palagay mo ba ayaw ko sa iyo? Hindi ko niyayaya ng date ang isang babae kung ayaw ko sa kanya.”

Nalulon na niya ang dila sa pagkakataong ito. Inilayo niya ang mukha dito. “Will you stop crowding my personal space?” Itinulak niya ang dibdib dito at saka umurong. Hindi siya makapag-isip kapag sobrang lapit nito sa kanya.

“Alam ko na may apprehension kang makipag-date sa akin. I hurt you before. wala na akong magagawa sa nangyari sa nakaraan natin. But I can make things right this time. Will you give me the chance?”

Sinapo niya ang magkabilang pisngi. Damn Wyndham for catching her off guard. “Kailan?” naitanong niya bago pa niya mabawi ang tanong.

Lumapad ang ngiti nito. Confident talaga ito na papayag siya. “This Monday would be fine. Wala kang schedule, di ba?”

Saka lang niya hinamig ang sarili niya. Pwede pa naman siyang tumanggi. “I-I can’t. Kailangan kong samahan si Doctor Flint sa Amboseli National Park. May medical mission siya sa mga Maasai tribe.”

Dumilim ang mukha nito. “Doctor Flint?”

He looked like the God of Thunder, Thor. Naramdaman agad niya ang pagbabago ng panahon. Parang bigla ay babagyo sa Kenya. Paurong siyang naglakad papunta sa pinto. “P-Pasensiya na talaga, Sir! I am sure maraming babaeng papayag makipag-date sa inyo. Goodluck!”

Saka siya nagtatakbo palabas ng pinto. Nagtataka pa siyang tiningnan ng mga kasamahan niya. “Okay ka lang?” tanong ni Ivy.

Nag-thumbs up siya. “Wag na muna kayong lalapit kay Boss. Baka kasi hindi na naman maganda ang mood,” sabi niya.

He wanted to make it up to her. He wanted to date her out of guilt. How convenient. Hindi na siya baliw na susugod na naman sa alanganin. He broke her heart big time the first time. Dapat lang na madala siya.

May puwang pa rin sa puso niya si Wyndham pero alam niyang kahit kailan ay hindi siya magiging bahagi ng puso nito.

They would just keep things on a professional level… hangga’t kaya niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.