Ilang beses na in-inspect ni Jezzie ang Cherokee plane na ipipiloto niya papunta sa tribo ng MAasai na matatagpuan sa Amboseli National Park sa dulong Timog ng Kenya. Doon ang medical mission ni Flint. Nasa hangar siya ng Swan Air sa Nairobi. Doon manggagaling ang supplies na dadalhin nila para sa medical mission.
She had never been there before. Excited siyang makapunta doon dahil mula sa National Park ay makikita ang view ng Mount Kilimanjaro, ang pinakamataas na kabundukan sa buong Africa.
Pero mas malaking dahilan kung bakit gusto niyang makaalis ng Nairobi. She was anxious to get away from Wyndham.
Parang nananadya ito. Kung saan siya naroon ay naroon din ito. Sa opisina at sa hangar. Nakasunod ang mga mata nito sa kanya lalo na kapag hindi siya nakatingin. Parang may binabalak ito sa kanya. Napapraning na siya. Kaya tuloy kahit sa panaginip ay nakikita niya ito.
Aminado siyang may nararamdaman pa rin siya dito. Pero hindi na siya susubok pa katulad nang dati. She was happy to love him from afar. Wala namang problema dati noong tahimik lang siyang nanonood dito. But when she acted upon what she feels for him, everything was doomed. Wala pa ilang oras ay nawasak na ang lahat ng pag-asa niya. And she was scarred for life.
“Good morning, goddess!” bati ni Flint sa kanya.
“Ready for the trip?” tanong niya. “Ready na rin ang camera ko.”
Gusto niyang kumuha ng pictures kapag nagbibiyahe siya. Gusto niyang magsulat ng libro tungkol sa mga experiences niya sa Africa. Wala lang siyang oras ngayon dahil nag-iipon pa siya ng materials.
“Sandali lang. May hinihintay pa ako.”
“Okay,” aniya at isa-isang ikinarga ang mga kahon ng gamot at pagkain na ipapamigay nito sa tribo. May lugar pa sa likuran ng eroplano para sa isa pang pasahero. Naikarga na ang lahat ay wala pa rin ang kasama ni Flint.
Sumama ang timplada niya nang makita ang kotse ni Wyndham na paparating. Great! Ano naman ang plano nitong gawin? Tanghuran siya at titigan? Nasaan ba ang kasama ni Flint? Gusto na niyang umalis.
He was wearing khaki pants and light blue polo. Nang tanggalin nito ang shades, napigil niya ang paghinga lalo na nang ngumiti ito sa direksiyon niya. Plano pa yata nitong akitin siya. Akala ba nito ay ipagpapalit niya ang medical mission na iyon para lang makipag-date dito?
“Good morning, Sir Wyndham!” bati ni Flint.
“Sir!” aniya at tinanguan ito.
Tinapik nito sa balikat si Flint. “Wyndham is fine, buddy.”
“Buddy?” magkasalubong ang kilay niyang tanong. Kailan pa naging buddies ang mga ito?
Inakbayan naman ito ni Flint na abot-tainga ang ngiti. Proud na proud itong maging ka-close si Wyndham. “Yeah! Drinking buddies na kami mula kagabi. We had a great time at PlanitKenya.” Isa iyong popular na bar sa Nairobi.
With women, awtomatiko niyang naisip. Ibig sabihin siguro ay hindi na siya guguluhin pa ni Wyndham.
“Good. He could use a date and a drinking buddy,” nakangiti niyang sabi kahit na torture para sa kanyay ang isiping may ibang babaeng kasama si Wyndham.
Tumawa si Flint. “Mukha ngang wala siyang interes sa ibang babae kagabi. Sabi niya isang babae lang daw ang gusto niya.”
Gusto niyang humalakhak nang nang-aasar. Si Wyndham isang babae lang ang magugustuhan? Magugunaw ang mundo pero di ito mapipirmi sa isang babae.
“Let’s go!” yaya ni Wyndham at inalalayan siya sa siko.
“S-Sandali lang! Mag-usap tayo!” mariin niyang sabi at hinila si Wyndham palayo sa eroplano at kay Flint. “What do you think you are doing? May medical mission si Flint. Hindi ako makikipag-date sa iyo!”
“Magde-date pa rin tayo.” Pinisil nito ang pisngi niya. “I am coming with you.”
“What? Nasisiraan ka ba? You can’t...”
Kinawayan nito ang naghihintay na si Flint. “O! Hinihintay na tayo ng chaperone natin. Halika na! Baka magbago pa ang isip ko at ibang piloto pa ang ipadala ko. Magde-date tayo nang walang chaperone. Gusto mo?”
She gritted her teeth. Talagang inuubos ng lalaking ito ang pasensiya niya. Nang hindi siya pumayag makipag-date dito, sisingit pa ito sa medical mission ni Flint. Akala niya ay makakatakas siya sa paningin nito pero hindi.
“You are impossible, Wyndham Archer!” bulalas niya habang nakasunod dito. “Hindi pwede!”
“Hey, buddy! Kasya pa ba ako?” tanong ni Wyndham.
“But of course. Walang problema. Sabi sa akin ni Jezzie pwede pa,” sabi ni Flint.
“Good!” At pinirmahan na ni Wyndham ang document na kailangan sa pagsama nito sa flight. Binuksan nito ang pinto ng upuan sa tabi ng piloto.
Pinigilan agad niya si Wyndham. “Uh oh! Diyan si Doc Flint, Sir!”
“Okay na ako dito sa likod,” sabi ni Flint.
Hinila niya si Flint papunta sa harapan. “Ay, hindi! Doktor ka. Ikaw ang pinakamaraming gagawin mamaya. Hayaan mong si Sir Wyndham ang magkandong ng mga kahon ng gamot diyan. Walang problema kay Sir iyan. For charity’s sake.”
“For the people of Africa,” Wyndham said grimly. Maganda ang ngiti nito pero alam niyang fake iyon. Nautakan kasi niya ito.
“Enjoy the trip, buddy!” pabulong niyang sabi bago isinara ang pinto ng eroplano. Anong palagay nito? Magpapatangay na lang siya sa charm nito at forever na magiging grateful na nagpupumilit itong makipag-date sa kanya? In his dreams.
Hinayaan lang niyang magkwentuhan sina Wyndham at Flint. Inaaliw ni Flint ang binata dahil nararamdaman sigburo nito ang discomfort ni Wyndham.
“It must be good working with each other once again,” komento ni Flint. “Ilang buwan lang nang mag-resign si Jezzie pero ikaw ulit ang boss niya.”