Chapter Wyndham, TB-EHD: 26

“Anong masama? Mababait naman sila sa akin. Hindi ako nakikipag-flirt. Nakikipag-usap lang ako.” Bumuntong-hininga ito. “Alam mo ba na ang polygamous culture ang dahilan kung bakit kumalat ang HIV at AIDS sa Africa? Kaya nga palagi akong maingat. Except one time.”

She stiffened. “You did it without protection.”

“Almost. I lost my head with you.”

Nahigit niya ang hininga. She didn’t expect that he’d discuss it with her. The knowledge hit her like a tsunami. Of course. Wala itong gamit na proteksiyon noon. She was drowning in sensation then. Hindi niya naisip ang ginagawa niya. “Hindi ko naitanong sa iyo...” Lumunok siya. “Hindi ko kasi inaasahan...”

“I pulled back because we are not protected,” he said then pressed his lips. “Anong gagawin natin kung naituloy ko ‘yon?”

“Unwanted pregnancy with a woman you don’t want,” aniya sa malamig na boses. “Is that why you threw me out? I am not sophisticated enough to remind you to use protection? O dapat ba mga babae mo ang magdadala ng protection.”

“No! Sa palagay ko unfair lang sa iyo...”

Mariin niyang pinagdikit ang labi. Pinapaikot na naman siya nito. “Wyndham, I know you are trying to be nice. Gusto mong bumawi sa akin. Do you think this silly idea of a date will make me feel better? Na babalik ang confidence ko and I won’t feel bad about myself?”

“I asked you out because I like you. Noong magkasama tayo sa London, we had a great time. Hindi lang naituloy iyon dahil...” Ihinilamos nito ang mukha sa palad. “Look! Things got out of hand. Mahirap ipaliwanag sa iyo.”

“Wyndham, naiintindihan ko na!”

“No, you don’t!” he growled at her then pulled her body against his. Then he fused his mouth with hers. It was carnal and basic kiss. Almost angry. Parang galit ito sa kanya. Galit ito sa mundo pero sa isang iglap ay nagawa niyong burahin ang pagtatalo sa isipan niya. She felt so alive. Wala siyang pakialam kung bumuka man nang mga oras na iyon ang lupa, sabugan sila ng Mount Kilimanjaro at tuluyan nang humiwalay ang East Africa sa mother continent nito. Nothing could take her away from Wyndham. At that moment, nothing was wrong. That kiss, his body against hers and the sensation that ran through her system was all that she needed.

“I wish I could make love with you again, Jezzie. I just want that chance to make things right between us.”

Gusto niyang magpadala sa nararamdaman niya pero pinangibabaw niya ang utak niya. Hindi niya pwedeng hayaan ang puso niya ang magdikta sa kanya. May oras para sa pananaginip at may oras para harapin ang totoo. Hindi pwedeng habambuhay na lang siyang managinip. His kisses were good. She knew that they could create a supernova explosion when they make love. Pero hindi niya iyon gagawin dahil hindi naman siya nito mahal. Niloloko lang niya ang sarili niya kapag hinayaan niyang puso niya ang magdikta at isasara niya ang isip niya. For Wyndhamn, it would be just physical. At hindi siya masokista para tanggapin lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. He would never give her love.

“You call that a pity fuck, Wyndham.”

Biglang dumilat ang mga mata nito. “A pity what?”

“A pity fuck!” She scrambled away from him. Dali-dali siyang bumaba ng jeep. “I am twenty-six and still a virgin. Kundi mo ako hinalikan, wala pa rin akong first kiss hanggang ngayon. You threw me out the first time, gusto mong bumawi. Kasi iniisip mo na kasalanan mo kung bakit magmumukmok ako habambuhay at magiging virgin. And what is it this time? You can’t release your sexual tension so I am the best candidate. You will release the tension, nakabawi ka pa sa akin.”

Humihingal siya sa galit habang nag-iinit ang mga mata niya sa namumuong luha. Parang winawarat ang puso niya sa sama ng loob. Hindi siya naniniwala na may isang lalaking gaya nito na magugustuhan siya. At hindi niya inaasahan na gugsutuhin pa rin siya matapos siya nitong itapon minsan. Kung gusto siya nito nang unang beses, hindi nito palalagpasin ang pagkakataong iyon.

Iniisip siguro nito na sexual innuendo ang suhestiyon nila na lumabas noon. Na nang sabihin niyang makipag-date ito ay ino-offer niya ang sarili niya. At ngayon ay nagpapakipot lang siya. But they almost made love once. Alam nito kung gaano siya kahina pagdating dito. Kaya nitong subukan ulit. No harm done. No strings attached. At mawawalan ito ng guilt sa konsensiya.

“That’s foul, Jezzie! I deserve more than that. And you deserve more than that!” sigaw nito habang nakasunod sa kanya. “I can give you more if you want to because we have something special between us. Naiintindihan kita kung galit ka sa akin. But to accuse me of offering you a pity fuck...” Naramdaman niya ang tinitimping galit nito. Kahit di niya itong tingnan, alam niyang madilim na madilim ang mukha nito. His eyes were probably dark like a brewing storm. “If you don’t want me, hindi na kita guguluhin.”

Tiniis niyang huwag tingnan si Wyndham sa loob ng ilang sandali. Nang lumingon siya naglalakad na ito palayo. Hinayaan lang niyang tumulo ang luha niya. Tumakbo siya sa likuran ng puno at doon umiyak.

Sino ba ang hindi matatakot na sumubok ulit? Kahit mahal pa niya si Wyndham, kakayanin ba niyang masaktan ulit? Hindi na siya ang simpleng Jezzie na masaya sa atensiyon lang nito. She wanted more from him. She wanted his love. If he can’t give that, then he would have nothing.

Yes, she was too selfish this time. Gusto niya ito nang buo. And she knew that she was asking for the impossible. Wyndham would never love her.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.