Masakit ang ulo ni Jezzie. Ilang araw siyang hindi makatulog matapos silang manggaling ni Wyndham sa Amboseli National Park. Matigas ang paninindigan niya na tama lang ang ginawa niya nang tanggihan at itaboy ito. Pero kung tama ang desisyon niya, bakit parang nanghihinayang siya? She knew it was her stupid heart talking. Tuwing nakikita niya ang sakit sa mukha nito, nasasaktan din siya.
Pero bakit nga ba siya nagi-guilty? Pride lang nito ang nasaktan. It’s not as if he was in love with her. Habang puso niya ang sinaktan nito. Hindi ito ang ni-reject niya. it was the prospect of getting hurt again.
Pilit siyang ngumiti nang pumunta sa aviation office para mag-file ng flight plan. Tuloy pa rin ang trabaho niya. Kaya nga kahit day off niya ay tinanggap niya ang trabaho. Sa Kabunku Park ang punta niya ngayon. Mula doon ay saka daw magde-decide ang pasahero niya kung saan nito gustong mamasyal pa.
Matapos mag-file ng flight plan ni Jezzie ay naabutan niyang nagkakagulo ang mga aircraft mechanic nila. “The boss is lucky! You call that a bomb,” sabi ni Mark.
Nagkakandahaba ang leeg ng mga kalalakihan habang sumisilip. May iba pang halos tumulo ang laway. “What bomb?” tanong niya at kinalabit si Mark.
“That piece of morsel in our boss’ arm. I love blondes.”
Her eyes zeroed in the couple who was walking towards her plane. It was Wyndham with a buxom blonde. Mukha itong artista o kaya ay Hollywood star. She was wearing white blouse. Bukas ang dalawa o tatlong butones niyon na nagpapakita ng cleavage nito at nag-accentuate ng malulusog nitong hinaharap. Nakahakab sa mga hita nito ang tight fitting jeans at astig itong tingnan sa knee-high brown boots. Hinahangin ang blonde nitong buhok at parang di man lang inaalinsangan. Even the harsh Kenyan climate was kind to her. Habang siya ay init na init kahit kaliligo lang.
She clenched her teeth when she saw the way the blonde clung to Wyndham. And Wyndham smiled at her. Ngiting hindi nito ibinibigay sa kanya nitong nakakaraang araw.
“What a cute little plane!” the blonde said in a sing song voice.
Cute little plane? Iyon lang ang tawag nito sa eroplanong pinapalipad niya na parang laruan lang? Naningkit ang mata niya kung paanong idikit ng babaeng iyon ang dibdib kay Wyndham.
Napayuko siya sa sariling dibdib na nasa ilalim ng uniform niya. Grabe! Mahihiya ang Mount Kilimanjaro sa babaeng iyon. Nakakahinga pa ba ito?
“Captain Castellano!” untag sa kanya ni Wyndham.
“S-Sir!” Nagulat pa siya nang makita ito sa harapan niya. Nakakunot ang noo nito. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya habang nakatingin siya sa sarili niyang dibdib? “Good morning!” aniya nang makabawi.
“Captain Castello, this is Ashley Castleworth from Manchester,” pagpapakilala ni Wyndham sa kanya.
Yumakap si Ashley sa leeg ni Wyndham. “I am back to being a Thornton, honey. I am free from that old Castleworth, okay?”
Great! Just Wyndham’s type. Madalas makaakit si Wyndham ng mga babaeng iniwan ang asawa tangay ang malaking pera ng lalaki. Tiyak niyang isa ang mga babaeng ito sa mga gold digger na iyon. And perhaps she was eyeing Wyndham’s money as well. Bulag yata si Wyndham sa ganitong klase ng babae.
Pero bakit siya naiinis? Tinanggihan na niya ito. BAhala ito sa buhay nito kung gusto nitong magpaloko sa mga gold digger. Sa tagal ni Wyndham na naglalaro ng larong iyon, di pa naman ito napipikot. He was just enjoying the morsel.
“Ashley, she’s Captain Jezzie Castellano. She will be our pilot for the whole week,” wika ni Wyndham.
Kasama niya si Wyndham at ang blonde na ito sa buong linggo? Great! Sa kaiiwas niya dito, kay Wyndham din pala siya babagsak. Ang alam niya ay naka-reserve lang ang eroplano kay Ashley Thornton. Hindi niya alam na kasama si Wyndham. Kapag nga naman sinuswerte.
Tiningnan siya ni Ashley mula ulo hanggang paa. “Do you think she can fly this plane?”
“Of course. She’s qualified. She was my private pilot for three years until she decided to work here in Africa,” wika ni Wyndham.
Until you decided to dump me, you mean. Ano bang inaangal niya? Piloto pa rin siya ni Wyndham. At kailangan niyang pagsilbihan ang bisita nito. She was being paid for to do the job.
Sinubukan niyang maging professional, magbulag-bulagan at magbingi-bingihan habang bumibiyahe sila papunta sa Kabunku Lodge. Sanay na siyang makakita ng babaeng nakapulupot na parang sawa kay Wyndham at lalamunin ito nang buhay. Pero humihigpit ang hawak niya sa stick o control wheel ng eroplano lalo na kapag naririnig niya ang paghalik ni Ashley kay Wyndham.
“I miss you, honey. Good thing I found you again. I think we are really meant for each other. I divorced my husband and you are free from your little baroness. And I am so concerned about you staying here in this desolated land. Do you have anything to eat here? Maybe you are just eating rations like a refugee,” Ashley said in a purring voice.
Umikot ang mga mata niya. Anong palagay nito sa kanila? Kumakain na lang ng nilagang tipaklong sa sobrang gutom? Alam niyang hindi gaanong maalwan ang pamumuhay ni Wyndham kumpara nang wala pa ito sa Africa. But he was definitely not starving.
“You are associating yourself with uncivilized people. Aren’t you scared that they will just throw you with a spear?” Ashley asked another dumb question.
“They are pretty cultured here, Ashley. Once you get to know the people better, you will realize that they are pretty educated and well informed,” paliwanag ni Wyndham dito.
“I know you are saying that so I won’t worry much. But I know that this place is a curse. So I am here to make you feel better.”
Nanginginig ang laman niya habang pinakikinggan ang mga ingay na nasa likuran niya. Okay. Driver lang siya dito. She must be discreet with her client’s activities. Pero hindi ba mahintay ng mga ito na makapunta sa isang pribadong lugar? Hindi iyon katulad ng private plane ni Wyndham gaya ng Lear Jet at Gulfstream IV na may privacy ang mga ito.
And she couldn’t take Wyndham kissing that woman. With her scarlet hands touching him intimately. Sasabog na talaga siya.
Pinihit niya ang manibela at bumaligtad ang eroplano nila na parang rollercoaster. Kasabay ng pagtili ni Ashley ay pinakawalan niya ang isang halakhak. MAbilis niya iyong binawi nang bumalik na sa normal ang mundo.