Chapter Wyndham, TB-EHD: 28

“Are you trying to get us killed, bitch?” singhal ni Ashley.

“I am sorry for that, Ma’am. They have a custom here when we fly over a herd of hyenas. It means bad luck. So we have to flip the plane to dispel the bad luck,” palusot niya.

“This is a cursed place, Wyndham. A herd of hyenas can cause bad luck?” narinig niyang usal ni Ashley. Sinarili niya ang tagumpay. Naniwala naman ito sa sinabi niya.

Hindi na niya naramdamang hinalikan pa nito si Wyndham. Subukan lang nito habang lumilipad sila at maraming hyenas ang iikot sa ulo nito kapag nag-acrobatics ulit sila. Kung gusto nitong halikan si Wyndham, doon sa malayo. Sa di niya nakikita.

Nang dumating sila sa Kabunku Lodge ay inasikaso agad ng mga staff sina Wyndham at Ashley. Dumistansiya muna siya sa mga ito at hinarap ang pagche-check up sa eroplano. Sa lugar na iyon malayo sa siyudad, she was her own plane’s mechanic. Kaya sa responsibilidad niya na pangalagaan ang eroplano. Magandang diversion din iyon para maiwasan si Wyndham.

Pangalawang beses na niyang tsine-check ang makina ng eroplano nang lapitan siya ni Wyndham. “Jezzie, may problema ka ba?”

Umiling siya at di ito nilingon. “Wala po, Sir.”

“Hindi ko alam na may sumpa pala kapag nakakita ka ng mga hyenas. At ang alam ko, walang hyenas sa savannah kanina.”

Her back stiffened. Itinigil niya ang ginagawa at nakayuko itong hinarap. “I am sorry about that, Sir.”

“Are you sure about that? Then why the acrobatics?”

“Well, I…” Hindi niya inaasahan ang komprontasyon na iyon. She was blind with jealousy, kahit na wala siyang karapatang magselos. Of course that was not a valid reason. Wyndham would tan her hide for it. “I am just sorry,” nausal niya dahil wala naman siyang maisagot.

“May problema ka ba sa bisita ko?”

Bigla siyang sumabog dahil bigla nitong natunton ang problema. Hindi na niya kayang kimkimin ang nararamdaman lalo na’t kinompronta siya ni Wyndham. “Anong gusto ninyong palabasin, Sir? Na nagseselos ako sa Ashley na iyon? That I am pissed off that you almost make out at the back of my plane without any consideration with how I feel. I hate being treated like a non-entity…”

Bumagal ang pagsasalita niya nang makita niyang gumuhit ang ngiti sa labi ni Wyndham. Tuluyan na siyang natigilan bago pa kung ano ang masabi niya. Masyado siyang nadala ng emosyon. He hit the magic words and she just flared up.

She and her big stupid mouth!

“Ah! Mukhang wala ka ngang problema sa amin ni Ashley,” kaswal na sabi ni Wyndham at humalukipkip. Pigil nito ang ngiti nang hawakan ang baba at tinitigan siyang mabuti na parang isa siyang insektong ida-disect nito sa isang Science project. “Ang totoo hindi sumagi sa isip ko na baka nagseselos ka sa amin. Kasi ang natatandaan ko ayaw mo sa akin.”

“T-Tama! Ayoko sa iyo!” mariin niyang tanggi pero hindi na niya ito matingnan ng diretso. That lie was not enough to save face.

Ano kaya ang tingin nito sa kanya ngayon? Isang babaeng desperado na maagaw ulit ang atensiyon nito? Na namamatay na siya sa selos ngayon?

“Okay. That real rollercoaster stunt was just about the curse of the hyenas. Ii-indicate ko iyan sa meeting natin para ma-warn ang ibang piloto.”

Kinagat niya ang sariling labi. He was rubbing in her stupidity. Hindi na niya alam kung makakabawi pa siya sa kahihiyang iyon. “S-Sir, hindi na mauulit.”

“Alin? Ang rollercoaster stunt o ang pagseselos mo?” tanong nito at saka naglakad papalayo nang di siya makasagot.

Gusto niyang maging bahagi na lang ng lupa ng Africa nang mga oras na iyon. She knew she screwed up big time.

Ngayon ay alam na ni Wyndham kung gaano siya ka-vulnerable pagdating dito. Kahit anong tanggi niya ay hindi ito nawawala sa sistema niya.

Parang kumuha lang siya ng kutsilyo at sinaksak ang puso niya sa harap nito. This was worse than giving him another chance and letting him break her heart. Dahil kahit na tanggihan niya ito o hind, he would just keep on breaking her heart.

TAHIMIK na kumakain ng hapunan sa may verandah si Jezzie at hindi humahalo sa mga bisitang nagkakatuwaan sa camping ground. Mula sa verandah ay tanaw niya ang pagku-kwentuhah ng mga ito sa camping ground habang nag-iihaw ng marshmallow sa malaking campfire. Magkatabi sina Wyndham at si Ashley. Hindi halos mapaghiwalay ang dalawa.

Malungkot niyang pinagmasdan ang mga pictures ni Wyndham sa laptop niya habang nakikipaglaro ito ng soccer sa mga batang Maasai. It was one of those happy moments before she blew up her chance with him. Kung maibabalik siguro niya ang nakaraan, baka siya ang kasama nito at hindi si Ashley.

“Ano iyan?” tanong ni Flint. Nagulat na lang siya dahil nakasilip ito sa laptop niya.

Dali-dali niyang itinupi ang laptop niya. “Wala! Nag-iisip lang ako ng isusulat ko sa journal ko.”

“Okay ka lang?” tanong nito.

“Oo naman!” sagot niya at uminom ng iced coffee.

“Parang hindi ka okay. Parang naiiyak ka.”

Sinapo niya ang sentido niya. “Medyo masakit ang ulo ko.”

He stared at her with disbelief. “Ulo o puso? Kanina pa masama ang tingin mo sa boss mo at sa bisita niya.”

“Ha? Bakit ko naman gagawin iyon?” tanong niya at iniwas ang tingin dito. The last thing she needed was inquisition from Flint. Tama nang nato-torture ang puso niya habang kasama ni Wyndham ang ibang babae.

“You like him and I think he likes you.”

“Come on!” Magaan niyang hinampas ang mesa. “Lalaki ka rin. Huwag mo akong paikutin. Nakikita mo ba ang Ashley na iyan? Ganyang mga babae ang idine-date ni Sir Wyndham. Mga babaeng di kinakapitan ng alikabok at di pinapawisan. Sophisticated. Parang araw-araw nagpa-salon at nagpa-spa.”

Habang siya ay walang alam sa mundo ng fashion. She was not sophisticated. Tomboy pa nga siyang kumilos hanggang ngayon. At wala siyang asset na makakapang-akit sa isang lalaki.

“I saw the way he looks at you when we were in Amboseli. Lalaki din ako. Alam ko kapag interesado ang kapwa ko sa isang babae. And he kissed you.”

Nahigit niya ang hininga at tinakpan ng palad ang mukha. “Oh, no!”

Sino ba naman ang hindi makakakita sa kanila? They kissed on top of a jeepney on an open field. That was stupid.

“What went wrong, Jezzie?” tanong nito.

“Sa palagay mo ba seseryosohin niya ako? Wala lang siguro siyang mapagpilian kaya ako ang pinag-initan niya.”

Umiling ito. “Maraming babaeng nagpapakamatay para sa kanya pero ikaw ang pinili niya. Hindi mo ba siya binigyan ng chance?”

“He threw me out once, Flint. Hindi naman ako insecure dati. Tanggap ko kung ano ako. Hindi man ako kasing ganda ni Ashely Thornton at ng ibang babaeng nai-date niya, confident ako sa sarili ko. Kung anumang insecurities ko dahil din sa kanya. Masisisi mo ba ako kung natatakot akong masaktan ulit?”

She won’t commit that same mistake again. Hindi niya mapipigilan ang puso niya na mahalin si Wyndham pero makakaiwas siyang umasa. Ngayon ay patay na ang pag-asa niya dahil nariyan na si Ashley. Sinundan pa ito hanggang Africa.

“Now this makes you feel better? May kasama siyang iba?”

Hindi. Pakiramdam niya ay namatay na naman ang puso niya. Pero siya ang pumili niyon. It was the consequence of saying no to Wyndham. She had no choice but to live with it even if it was killing her.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.