Lumulutang pa si Jezzie nang lumabas ng kuwarto para mag-agahan. Hindi siya nakatulog dahil pinapakiramdaman niya ang kabilang kuwarto kung saan natulog si Ashley. Baka kung anong kababalaghan ang ginagawa nito at ni Wyndham. Wala siyang tiwala kahit nang ihatid lang ito ni Wyndham sa pinto. Paano kung bumalik si Wyndham o si Ashley naman ang pumunta sa kuwarto nito?
She knew it was stupid. Hindi na siya nadala kahapon. GUmagawa na naman siya ng sakit ng ulo. Wala ngang nangyaring kababalaghan pero kulang naman ang tulog niya. Di na siya magtataka kung naglalakad pa siya habang tulog.
Nakayukyok siya sa mesa habang nakatingin sa mga aktibidades sa camping ground. Naghahanda na ang ibang bisita para pumunta sa safari. Ang alam niya ay pupunta ding safari si Wyndham. Wala na siyang lakas para bantayan pa ito at si Ashley. Matutulog na lang siya. Mamayang gabi na lang siya magvi—vigil.
“You missed the sunrise, Jezzie!”
Inangat niya ang tingin. Nakatayo sa harap ng mesa niya si Wyndham. He looked so refreshed. Mukhang maganda ang tulog nito habang siya naman ay mukhang bilasang isda. “Masarap matulog, Sir.”
“Good. So you have no problem coming with us at the safari?” tanong nito.
Tumuwid siya ng upo. “Ako? Isasama ninyo sa safari?”
“Wala ka namang gagawin dito, di ba?”
“Well, I…”
“Napansin ko noong nasa Amboseli tayo gusto mong kumuha lagi ng pictures. Then you should join us. Sabi ni Raschid hindi ka pa nakakapasyal. They have really interesting animals here. Sayang naman kung mami-miss mo.”
“Ayoko namang makaabala sa inyo, Sir.”
“No! gusto ni Ashley na makasama ka sa tour. Kunan mo daw kami ng pictures. So I will see you?” Tiningnan nito ang wristwatch. “Let’s say within an hour?”
Nananadya ba ito? She didn’t believe that he was inviting her out of kindness of his heart. Parang gusto pa yata siya nitong ma-torture. Ipapakita nito kung gaano ito ka-sweet at si Ashley. At gusto pa nitong kunan niya ng picture ang mga ito?
Kinailangan niyang pilitin ang sarili niya na kumain at maligo. Wala siyang pakialam sa oras. Mabilis siyang kumilos. Ni minsan ay hindi siya na-late sa trabaho niya. Pero sa pagkakataong ito ay tamad na tamad siya. Wala siyang pakialam kung iwan man siya ng mga ito. Let them have their safari.
Sinusuklay niya ang basang buhok niya nang katukin siya ni Alita. “Jezzie, naghihintay na sila sa iyo sa baba.”
“Susunod na po ako, Tita. Thank you!”
Nang bumaba siya ay nakaabang sa tabi ng safari jeep sina Wyndham at Raschid. “Sorry. Natagalan ako.”
“It’s okay. May hinihintay pa naman tayo,” sabi ni Wyndham. Saka niya napansin na wala pa si Ashley.
Raschid suddenly let out a wolf whistle. “Now that’s worth the wait.”
Poise na poise na naglakad si Ashley palapit sa kanila. She was wearing a complete safari costume – from the hat to the pair of khaki blouse and shorts. At mukhang pinaghandaan nito ang pagsama sa safari dahil kinulot pa nito ang buhok nito at kuntodo make up pa. Feeling yata nito ay artista ito sa isang Hollywood film.
“How do I look?” tanong nito pagtigil sa tapat ni Wyndham.
“A-ma-zing!” sagot naman ni Wyndham. “Let’s go!”
“That’s it? I am just amazing?” reklamo ni Ashley.
Ano pa ba ang gustong papuri nito? gusto ba nito na yukuran nila ito at sambahin ang kagandahan nito?
May ibinulong si Wyndham dito na mukhang ikinatuwa nito. Sumakay agad siya sa tabi ni Raschid na nasa manibela at hinayaan sina Wyndham at Ashley sa likuran. Nakahalukipkip siya at di maipinta ang mukha habang tumutulak ang safari jeep habang papasok sila sa bushes.
Ang mabagal na pag-usad ng sasakyan ay lalo lang nakapaantok sa kanya. Pinili na lang niyang ipikit ang mga mata kaysa naman pakinggan at pakiramdaman ang ginagawa nina Wyndham at Ashley sa likuran niya. Lalo lang siyang masasaktan. Sana talaga ay di na lang siya sumama at natulog na lang siya.
Naalimpungatan siya nang marinig niya ang pagtili ni Ashley. Parang sirena ito nang bumbero. Noon niya napansin ang leon na nakadungaw sa bintana nito. Binuksan niya ang camera niya at kinuhanan ng picture ang leon. Pero pinaandar na ni Raschid ang sasakyan kaya ang tumitiling si Ashley na lang ang nahagip ng camera niya.
Nadismaya siya. Mas gusto niyang makuhanan ng picture ang leon. Pero di na rin masama. Maganda sigurong ipakalat sa internet ang nakakatawang picture ni Ashley. Or perhaps she’d even include that in her book.
“We have to move on or the whole pride of lions would surround us,” sabi ni Raschid. Gusto lang siguro nitong ipa-experience ang madungawan ng leon sa sasakyan. Natural na iyon sa safari. Pero ibang usapan kapag na-ambush sila ng grupo ng mga hayop.
“Hindi ka ba natakot, Jezzie?”
Nagulat siya dahil tinanong siya ni Wyndham. Nang lumingon siya ay bakas ang pag-aalala sa mukha nito. MArahan siyang umiling. “No. I am okay.”
“Nakatulog kasi siya,” tatawa-tawang sabi ni Raschid.
“Too bad I missed the lion,” nausal na lang niya.
“Mabuti naman hindi ka natakot,” sabi ni Wyndham.
Oh, shut up! Hindi na siya nito kailangang alalahanin. Si Ashley ang intindihin nito. Ano ngayon kung matakot man siya? Would he comfort her? Yayakapin ba siya nito habang nakayakap dito si Ashley? Three is a crowd.
“Where are we going now? I don’t want to die yet,” maluha-luhang sabi ni Ashley na nakakunyapit pa rin kay Wyndham.
“I thought you want to see the elephants,” sabi ni Wyndham. “Do you know that our company helps with their preservation?”
Isa sa target ng mga poachers ang mga elepante. Ang ivory tusk ng mga ito ang gustong makuha ng mga hunter. Mataas ang value niyon sa market. At hindi sapat ang mga tauhan sa mga national parks para protektahan ang mga ito. malaking pondo ang kailangan lalo na’t di iyon sapat sa bansang gaya ng Kenya na dumadanas din ng kahirapan ang mga tao.
“Okay,” nausal na lang ni Ashley. She obviously wanted to please Wyndham. Obvious naman na ayaw na nitong manatili sa lugar na iyon. Ashley was a city girl. Kung wala si Wyndham doon, tiyak na hindi ito tatapak sa Africa.
Maya maya pa ay tumigil sila sa isang sapa. “I thought we will see the elephants. Where are they?” tanong ni Ashley. “Yahoo! Dumbo!”