Hinila ito ni Raschid palayo sa open area. “Crouch down and keep quiet! Once they see you or hear noises, they will run away. Or worse, they will attack you,” mariing babala nito.
Dumapa siya habang nakaumang naman ang camera niya sa harapan niya. Nakikiramdam siya sa paligid kung may hayop na paparating. Ipinaliwanag ni Raschid ang kahalagahan ng watering hole na iyon para sa mga hayop. IYon daw ang pinakamagandang lugar para maghintay sila.
“What’s taking them so long? If you want to see elephants and wild beasts, why don’t we just visit the zoo?” reklamo ni Ashley. “And it’s freaking hot in here.”
“Nothing beats watching animals in the wild,” sabi naman ni Wyndham.
“I agree,” sang-ayon niya dito. At nang lumingon ito ay nakangiti ito sa kanya. Ngingiti din sana niya nang maalala niyang di pala sila magkabati ngayon. Hindi niya kailangang makipagngitian dito.
Maya maya pa ay may kumaluskos mula sa likuran ng mga halaman. Isang malaking elepante ang lumabas. Pinakiramdaman muna nito ang paligid bago lumapit sa sapa at uminom ng tubig. Di nagtagal ay lumabas rin ang iba pang mga elepante. Hindi lang nasiyahan ang mga ito sa pag-inom ng tubig. Naglaro pa ang mga ito sa sapa.
“Elephants love water,” sabi ni Raschid.
“Okay. You have your elephant. Can we go back to the safari now? It’s freaking hot in here and my make up is gone!” reklamo ni Ashley.
“Okay. In a bit,” sabi ni Wyndham na di umalis sa tabi niya. Patuloy pa rin siya sa pagkuha ng pictures.
“Susunod na ako sa inyo. Tatapusin ko lang ‘to,” sabi niya at di inalis ang mata sa camera.
Umalis siya sa pinagtataguan nila at bahagyang lumapit sa elepante para makuha niya ang anggulong gusto niya. She was fascinated by the biggest elephant who was the leader of the herd. It looked proud and strong.
Tama si Wyndham. Mas masarap panoorin ang mga hayop sa natural na kalagayan at kilos ng mga ito at sa natural na tahanan kaysa sa mga artipisyal na tahanan kagaya ng zoo o kaya ay circus habang gumagawa ng mga bagay na hindi normal para sa mga ito. Nature created them to roam in the wild. At ang magagawa lang ng mga tao ay irespeto iyon at pangalagaan ang mga ito.
Subalit naramdaman ng elepante ang presensiya niya. Lumingon ito sa direksiyon niya. Itinaas nito ang trunk at umiyak nang malakas. Pumihit ito sa direksiyon niya at dumamba. YUmanig ang lupa pa sa bawat pagbagsak nito para sugurin siya.
Masyadong mabilis ang pangyayari. Nabitiwan niya ang camera niya at maang lang na nakatingin sa elepanteng nakahandang manalasa sa kanya. She had never encountered something so huge and strong before. Subalit hindi niya makagalaw. Ni hindi siya makahinga. Hindi niya alam kung paano pa tatakasan ang nakaambang panganib sa kanya.
“Jezzie!” tawag ni Wyndham sa kanya. Mabilis siya nitong hinila sa likuran nito at hinangaran siya mula sa paparating na elepante.
“Wyndham, no!”
Noon lang siya natauhan. Ihinarang ni Wyndham ang sarili para sa kanya. Ito ngayon ang nanganganib. Subalit hindi nito inalintana ang sariling kaligtasan at hindi umalis sa harapan niya. Matapang nitong hinarap ang elepante.
Umiyak ulit ang elepante at sa pagtataka niya ay biglang tumalikod. Ni hindi na sila nito nilingon pa. Nawalan nang lakas ang tuhod niya at napaupo siya sa lupa. Nakatulala lang siya sa sobrang pagkagulat.
“Are you okay?” tanong ni Wyndham.
Tumango siya. “Oo. O-Okay ka lang? Hindi ka nadambahan?”
“No. umurong din siya,” sabi ni Wyndham at hinaplos ang buhok niya.
“That is bluff charge,” wika naman ni Raschid. “Wala naman talaga siyang planong saktan kayo. Nanakot lang kasi natatakot din siya na tayo ang unang manakit sa kanya. Well, that’s how it works. Great job, Wyndham.”
“Wyndham!” umiiyak itong nilapitan at niyakap ni Ashley. “I thought I lost you. That elephant should be shot!”
“Come on! I am safe. Jezzie and I are safe. And you can’t hurt the elephants here. They are protected species,” matiyagang paliwanag ni Wyndham.
Humagulgol si Ashley. “If I lose you, I’ll die.”
Maang niyang tiningnan ang dalawa. Pinrotektahan siya ni Wyndham pero sa huli ay ibang babae ang yumakap dito. Sana ay nagawa niya iyon kahit sandali para maiabot niya ang pasasalamat niya dito. Malaking bagay sa kanya ang ginawa nito.
Tumalim ang mata ni Ashley nang makita siyang nakatingin sa mga ito. “Will you keep that camera away, stupid girl? This is all your fault.”
Yumuko siya. “I am sorry.”
“Shhh! It’s nobody’s fault, Ashley. Come! Let’s go back to the lodge,” anang si Wyndham at inakay ang babae palayo.
Inalalayan siyang tumayo ni Raschid. “Huwag mong pansinin ang babaeng iyon. Sa susunod mag-ingat ka na lang. Even a nice picture is not worth your life.”
“Yeah! I will keep that in mind.” At hindi rin niya hahayaang manganib ang buhay ni Wyndham para sa kanya. Mas gugustuhin pa niyang makita ito kasama ang ibang babae nang ligtas kaysa kasama siya at mapahamak ito.
MATAMLAY ang pakiramdam ni Jezzie. Pagkagaling sa safari ay nagpahinga agad siya. Parang wala siyang lakas na gumalaw. Ni hindi nga siya nagsasalita kaninang bumibiyahe sila pabalik. Pakiramdam niya ay wala siyang buto.Kahit may sakit siya ay gusto niyang gumalaw. Pero ngayon ay hinang-hina siya.
Naidlip siya at pagdilat niya ay madilim na sa labas. Hindi siya kumain ng tanghalian pero wala siyang lakas para bumangon o gumawa ng kahit ano. At mukhang wala rin siyang lakas na bumaba para kumain ng hapunan.
Nakarinig siya ng katok sa pinto. “Jezzie! Jezzie, it’s Wyndham!”
Hindi siya sumagot. She really felt so bad. Anong kailangan nito sa kanya? Baka may ibibilin itong trabaho sa kanya. Nanlalambot pa rin siya. Siguro naman ay aalis din ito kapag hindi siya sumagot.
Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ito. “W-Wyndham, anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Dinalhan kita ng pagkain. Kanina ka pa kasi hindi lumalabas ng kuwarto mo. Nag-alala ako. Kaya hiniram ko ang extra keycard kay Tita Alita.”
“Hindi naman na kailangan, Sir,” aniya at sinubukang bumangon. “Okay naman ako. Gusto ko lang magpahinga.”
Sinalat nito ang noo niya. “May sinat ka. Gusto mong tawagin ko si Doc Flint para matingnan ka?”
Umiling siya at niyakap ang sarili. “Hindi na kailangan. IT is nothing critical. Pero thank you sa pag-aalala.”
“Kumain ka muna.” Ihinain nito ang soup sa kanya at hinila ito ang extrang upian sa tabi ng kama. “Maputla ka. Baka na-trauma ka dahil sa elephant attack kanina.”
“Siguro. I had never seen anything so huge threatening me. Handa ako sa mga tornadoes at thunderstorms habang nasa ere. Pati mga engine failure. But nothing prepared me from a full elephant charge.”
“Kaya siguro sininat ka. May mga tao na nilalagnat dahil sa sobrang takot.”
“Salamat sa pagliligtas mo sa akin kanina,” sabi niya nang tapos nang kumain. “That was brave of you. Hindi mo man lang inisip ang sarili mo.”
“Ginawa ko lang ang alam kong tama. Pwede ba namang hayaan kitang sugurin na lang ng elepante?” anito. Sumampa sa kama at humiga sa tabi niya.
Nanlaki ang mata niya. “What do you think you are doing?”