Niyakap siya nito at ihinilig ang ulo niya sa dibdib nito. “I am offering you comfort. Are you feeling better now?”
Yes. She never felt better. Kanina pakiramdam niya ay naubusan siya ng lakas. Matapos siyang muntikang mamatay, parang nabawasan ang bahagi ng kaluluwa niya. With Wyndham’s body heat slowly penetrating her system, she started to feel alive once again. Deliciously alive.
She shivered a little. Naalala na naman niya ang biglang pagsugod ng elepante sa kanya. She snuggled closer to him. Kahit na alaala na lang ang nangyari ay nakakaramdam pa rin siya ng takot.
“It’s okay,” bulong nito. “You are safe.”
Ito ang kailangan niya kanina pa. Na may taong yayakap sa kanya at magsasabing ayos lang ang lahat. And Wyndham was there to protect her. And now he was bringing her back to life.
Bigla siyang naalarma nang maramdaman ang mainit na labi nito sa noo niya. “W-Wyndham, hindi mo ‘to dapat ginagawa?”
“What? Ang bantayan ka?”
Tiningala niya ito. “Si Ashley...”
Si Ashley ang ka-date nito. Si Ashley ang babaeng laging nasa tabi nito habang siya ay hamak na piloto lang nito. He had no business lying down with her and comforting her.
“She was not attacked by the elephant. Ikaw ang muntik nang mamatay kanian. Hindi mo lang alam kung gaano katindi ang takot na naranasan ko dahil akala ko dadambahan ka ng elepante. Sa palagay mo ba maiisip ko pa si Ashley ngayon?” may halong sermon nitong tanong. Parang bahagya pa siya nitong sinisisi kung bakit ito natakot.
“I am sorry. Hindi ko naman alam na susugurin ako ng elepante. But he was so beautiful. Gusto ko lang siyang makunan ng picture.”
“It’s okay. It’s a wild animal. An attack is expected. Minsan masyado tayong naaakit sa gandang nakikita natin kaya nakakalimutan natin na pwede tayong mapahamak.”
“Thank you, Wyndham. Pero I am sure hindi matutuwa si Ashley kapag nalaman niyang nandito ka. Naisip ko...”
“Will you stop thinking?” Idinikit nito ang noo sa noo niya. “Or do you want me to kiss you so you won’t talk about Ashley at all?”
Lumunok siya dahil malapit na malapit ang guwapong mukha nito sa kanya. Hindi rin madaling iwasan ang labi nito na ilang pulgada ang layo sa kanya. Seryoso ba ito? Hahalikan siya nito? “Wyndham, you won’t dare...”
Lalo pa nitong inilapit ang labi sa kanya. Their lips almost touched. “What makes you think that I won’t kiss you? Nagawa ko na dati. And I would be delighted to do it again.”
Saglit na tumigil ang pagdaloy ng impormasyon sa utak niya. How could she think at all? The prospect of kissing Wyndham was delicious. Sa ilang sandali ay pinakiramdaman lang niya ito. Hindi siya pwedeng magpadala sa nararamdaman niya.
“Ayoko lang magka-problema kayo ni Ashley sa akin.”
He groaned and closed his eyes. “Ashley is my visitor, Jezzie. Hindi ko girlfriend at hindi ko rin asawa. I didn’t invite her here. Siya ang pumunta dito. Dahil kaibigan ni Lolo ang dati niyang asawa kaya pinakikisamahan ko siya.”
“She likes you.”
“And I don’t like her. Jezzie, iniwan niya ang asawa niya para sa mas batang gigolo. Well, mukhang nadala siya sa gigolo na iyon dahil halos ubusin na ang kayamanan niya. kaya humanap siya ng bata pero mayamang target and that’s me. So don’t take her seriously.”
Nakakunot ang noo niya itong tiningnan. “Hinalikan mo siya.”
Nakaramdam na naman siya nang matinding selos nang maalala ang ginagawa ng mga ito sa likuran ng eroplano nang papunta sila sa lodge. Sa palagay niya ay hindi naman napipilitan si Wyndham.
“She kissed me. She has a trick. She’s like a viper. Hindi ko alam kung paano siya maihihiwalay sa akin." Bubuka sana ang bibig niya para tanungin kung may nangyari na sa mga ito pero inunahan siya nito. “And no! Put your mind off the gutter because I didn’t go to bed with her.”
Ipininid niya ang bibig. “Wala akong sinabi.”
“Your eyes say it. I’m very particular with the women I kiss and make love to.” Hinaplos nito ang labi niya habang nanunukso siyang tinitigan. “So give me the benefit of the doubt. Di lahat ng babaeng lumapit sa akin, hinahalikan ko. And mind you, contrary to popular beliefs I don’t go to bed on first dates.”
Namula siya nang maalala niya ang muntik nang mangyari sa kanila noon. Hindi ba first date lang nila iyon.
“You are an exemption. You make me lose control, Jezzie,” bulong nito. Pero sa halip na halikan ang labi niya at kinintalan nito ng halik ang ilong niya. “Okay. I promised myself that I will just hold you tonight. Gusto ko lang alisin ang takot mo. I might lose control again.”
Hindi niya maintindihan. Tama ba ang narinig niya? Nawawalan ito ng kontrol sa kanya? Pero bakit? Nakita niya ang mga babaeng nakaka-date nito. They were all beautiful. Tipong beauty queen, artista o kaya ay supermodels. May diperensiya ba si Wyndham?
“Ashley is pretty. Kung ibang lalaki mas gugustuhing makasama siya kaysa sa akin.”
“I am not every man, Jezzie. Mabuti nga iyon. Kung gusto nila kay Ashley, wala akong kaagaw sa iyo.”
“Bakit?” tanong niya. Hindi talaga niya maintindihan. Wala namang kakaiba sa kanya. Hindi siya katulad ng mga babaeng gaya ni Ashley na lahat ng lalaki ay napapalingon at tumutulo ang laway kapag nakikita.
“I just do! Kung ipapaliwanag ko sa iyo, magtatalo lang tayo. Hindi ka rin maniniwala. And I don’t have the power to argue with you right now. I just want to hold you. Napapagod na ako, Jezzie. You put me through a lot of stress today. I nearly lost you. Ngayon pwede na akong matulog,” wika nito at ipinikit ang mata.
Saka niya napansin ang harsh lines sa mukha nito. Mukhang tumanda ito ng ilang taon dahil sa nangyari kanina. Hindi niya ito masisisi. Hindi lang ito natakot para sa kanya. He also put himself on the line. Kahit naman sinong matapang na lalaki, isama pa sina Alexander the Great at Atilla the Hun ay tiyak na matatakot kapag makikipag-one on one sa isang dambuhalang elepante.