Chapter Wyndham, TB-EHD: 32

“Wyndham, thank you for putting your life on the line. Natatakot din ako kasi paano kung ikaw naman ang nasaktan?”

“I am fine,” bulong nito. “I know it is a bluff charge. At kahit pa hindi iyon bluff charge, I will do it anyway.”

She cuddled closer to him. Hindi pa rin kasi nawawala sa kanya nang tuluyan ang takot. “At kung namatay ako kanina, then I’d die a lonely virgin...”

“And what?”

Hindi niya maituloy ang nasa isip. He didn’t know how much she wished at one point that she gave herself to him when she got the chance. Sana ay hindi na niya masyadong pinairal ang pride niya. Kung pinili niyang makasama si Wyndham noon, sana ay nasulit niya ang nalalabing araw niya sa buhay niya.

Maaring isa o dalawang araw lamang siya magiging masaya dahil maaring makahanap agad ito ng babaeng mas maganda at mas sopistikada na babagay dito.

Her life was suddenly empty without him in it. Ni wala siyang magagandang alaala na pwedeng mabaon.

“I am just glad that I am still alive and here with you.”

May oras para makabawi siya. Kasama niya si Wyndham. Kahit ngayong gabi lang ay nasa tabi niya ito. Ayaw na niyang magsayang pa ng panahon nang walang nararamdaman sa buhay niya.

Wyndham made her feel important. Pang-ilang pagkakataon na ito para sa kanila. Hindi na niya ito pakakawalan kahit ilang sandali lang. Gusto lang niyang maging masaya at ayaw niyang mag-isa.

Pero hindi na narinig ni Wyndham ang sinabi niya dahil nakatulog na ito nang mahimbing.

“WHERE did you sleep last night? I’ve been waiting for you. And it costs me eyebags and wrinkles?”

Di mapigilang lumingon ni Jezzie sa histerikal na si Ashley. Nasa wildlife orphanage sila dahil isa ang Royal Air sa benefactor ng naturang sanctuary. Kalong niya ang isang leopard habang kalong naman ni Wyndham ang baby chimphanzee.

Umaga pa lang sa lodge ay inaaway na ni Ashley si Wyndham. Sumasakit na ang tainga nila ni Raschid sa mga ito at nagkukunwaring walang naririnig. Nag-focus na lang sila sa mga hayop na mukhang nadi-distress na rin dahil kay Ashley.

Ang mga hayop doon ay nare-rescue mula sa poachers at smugglers. Kaysa ibalik sa wild kung saan maaring mahuli na naman ang mga ito ng poachers ay sa orphanage na lang itinalaga ang mga ito. Imposible na kasi sa ibang mga hayop na ibalik sa wild gaya mga chimphanzees dahil papatayin ang mga ito ng wild chimphanzees.

“Sleep,” sagot ni Wyndham at kinamot ang leeg ng baby chimpanzee na lalo namang yumakap dito. “I was tired.” At pasimple siyang nilingon nito nang may misteryosong ngiti sa labi.

Iniwas niya ang tingin at hinaplos ang balahibo ng leopard na si Kimmy. Natulog lang naman talaga sila ni Wyndham. Nang lumipat na ito sa kuwarto nito ay naramdaman lang niyang kinintalan siya nito ng halik sa noo.

She didn’t expect that Wyndham actually cared for her. At igagalang siya nito. Siguro nga ay di ito kagaya ng reputasyon nito sa diyaryo o sa nakikita niya. Maybe they could work something out if given the chance. At kung mawawala lang sana sa buhay nila si Ashley sa lalong madaling panahon.

Humikbi si Ashley. “Too tired to make love to me?”

“Ashley, people will hear!” mariing saway ni Wyndham dito.

“I don’t care!” sigaw ni Ashley at nagpatuloy sa pag-iyak.

Inabot ni Wyndham ang chimpanzee dito. Yumakap ang chimpanzee sa leeg nito at pinaghahalikan nito. “Here. Take care of Roger.”

Hindi maipaliwanag ang itsura ni Ashley. Parang maiiyak ito na naiinis lalo na’t hindi nito mabaklas ang pagkakayakap ng chimpanzee dito. “Oh! Don’t kiss me! I hate you!” singhal ni Ashley sa kawawang chimphanzee.

Ibang chimphanzee naman ang kinalong ni Wyndham at lumapit sa kanya. “Kuhanan mo kami ng picture.”

“Sure!” sabi niya at saglit na iniwan ang baby leopard. “Bagay pala sa iyo ang maging tatay.”

“Sige! Kung anak ko chimphanzee, gusto ko ikaw ang nanay,” panunukso nito.

“Mas gusto kong maging nanay ng baby leopard.”

She somehow grew closer to Wyndham.Hindi nito alam kung nararamdaman nito. Pero magmula nang alagaan siya nito, nawala na ang galit niya dito. And she was seeing him in a whole new light.

“Hey, Ashley!” tawag ni Wyndham dito.

Pumunit ang sigaw ni Ashley sa buong orphanage. Tumakbo sila ni Wyndham dito. Naabutan nila ang chimpanzee na si Roger na sinasabunutan ito.

“Stop pulling my hair, you moronic beast!” sigaw nito. Parang natuwa naman lalo si Roger dito at lalong hinila ang blonde nitong buhok. Dali-daling kinuha ng orphanage staff si Roger at inilayo kay Ashley. “I will kill that monster!”

“Ashley, don’t!” saway ni Wyndham dito. “He is just playful.”

“No! He wants to kill me.” Naluha na naman si Ashley subalit naroon pa rin ang galit sa mga mata. Nagmartsa ito palabas ng orphanage. Nagmamadali tuloy silang nagpaalam sa administrator ng orphanage.Nangako na lang silang babalik ulit.

Hindi kumikibo si Ashley nang pabalik na sila ng lodge. Sila na lang ni Raschid ang nagkwentuhan habang pinapakiramdaman sina Wyndham at Ashley sa likuran.

“I am leaving this godforsaken place, Wyndham. We don’t belong here,” bulalas ni Ashley nang makabalik sila sa lodge.

“I am sorry if you don’t like Roger...” wika ni Wyndham na kasunod nito pagbaba ng eroplano.

“No! It’s this place! This is sooo another planet.” Sinubukang ayusin ni Ashley ang magulo nito at bawiin ang composure. “I know that you are trying your best to pretend that you like this place. I know you miss your old life.” Hinawakan ni Ashley ang kamay ni Wyndham. “Come with me. You don’t have to hide yourself to the world. So what if your fiancee left you? I am here for you.”

Pigil niya ang hininga habang tsine-check up ang eroplano. She just couldn’t leave. Gusto niyang malaman kung ano ang isasagot ni Wyndham.

Noong una, alam niyang ayaw nito sa Africa. At heto ang pagkakataon nito para bumalik sa dati nitong buhay. Sa pamamagitan ni Ashley. Back to the endless parties, the glitz and the glamour. Lahat ng iyon ay naghihintay kay Wyndham. Nakatakda na naman itong mawala sa kanya.

“Thanks for the visit, Ashley. But I love this place. I am afraid I have to stay.”

“What?” bulalas ni Ashley. Kahit siya ay nagulat dahil parang napakadali para kay Wyndham na magdesisyong huwag umalis. “You choose this desolated land over me? You prefer beast and uncivilized people over...”

“I really appreciate your concern,” nakangiting sabi ni Wyndham. “Tell our friends that I am doing great here.”

Hindi pa rin makapaniwala si Ashley sa desisyon ni Wyndham. “You are saying no to me? Then rot in here! I thought you are hot and we have something good together. Just don’t call me once you are back to the real world. I might find another guy to fill my time.”

“Okay,” sabi lang ni Wyndham at nagdadabog na bumalik ng lodge si Ashley. Dismayado ito sa sagot ni Wyndham. Hindi marahil ito sanay nang tinatanggihan.

“Bakit hindi ka sumama?” tanong niya dito.

“At iiwan kita dito?” Pinisil nito ang ilong niya. “I feel great here. Kung may mami-miss man ako sa dati kong buhay, hindi ang parties o ang kasikatan. I just want my family back.” Lumungkot ang mga mata nito. “I will see you later.”

Hindi niya alam kung paano niya ito matutulungan. Ayaw niyang magtanong kay Wyndham. Kung may gusto siyang malaman dito, mas gusto niyang kusa nitong sabihin. At kung may maitutulong lang siya para makuha nito ang gusto nito ay gagawin niya. Gusto niyang maging bahagi ng tunay na kaligayahan na maaring maramdaman ni Wyndham.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.