Nakakunot ang noo ni Jezzie habang ipini-print ang report niya. Tourist peak ngayon sa East Africa kaya naman sunud-sunod ang schedule ng flight niya. Pero wala doon ang isip niya kundi nasa kay Wyndham. Kumusta na kaya ito? Ang alam niya ay ngayon ay alis ni Ashley. Parang pinipiga ang puso niya habang iniisip kung paano magpapaalaman ang dalawa.
Siguro nga ay walang gusto si Wyndham kay Ashley pero ang babaeng iyon ang gagawa ng lahat ng paraan para makaakit ng lalaki. Baka mamaya ay wala nang bumalik na Wyndham sa kanya at isama na nito ng New York.
Kanya. Wala naman silang pormal na relasyon ni Wyndham pero pakiramdam niya ay sa kanya na ito. Mas hibang pa yata siya ngayon kay Wyndham kaysa dati.
“Jezzie, tawag ka ni Sir Wyndham,” untag sa kanya ni Ivy.
“Nasaan?” tanong niya at nagpalinga-linga.
“Sa labas. Naghihintay sa may sasakyan niya,” sabi nito.
“May date kayo?” nangingiting tanong ni Elai. “May bulaklak kasi siya.”
“Baka naman ipapaabot lang niya ang bulaklak kay Jezzie para sa akin,” tili ni Yasmin na parang nananaginip ng gising.
“Ay, naku! Nakita ba ninyo iyong kasamang blonde ni Boss. Wala tayong sinabi doon,” sabi ni Ivy.
“Na-meet ko iyong bagong pilot natin. Scottish siya at type daw niya ang mga Filipinas. Bakuran na ninyo kapag pumunta dito,” sabi niya bago lumabas ng opisina. Siguro naman ay mababawasan ang pagpapantasya ng mga ito kay Wyndham.
Pasimple niyang sinipat ang sarili pagdaan sa dingding na salamin. Wala namang nabago sa itsura niya. Hindi nga niya maintindihan kung paanong gugustuhin ni Wyndham ang isang katulad niya.
“Hello, princess!” bati nito at hinalikan siya sa pisngi.
Napaurong siya. “Wyndham! Baka may makakita.”
“Mabuti nang may makakita. Dahil balita ko may mga secret admirer ka.” Inabot nito ang bulaklak sa kanya at hinawakan ang baywang niya. “And they should know that you are mine. Get in the car.”
Parang musika sa pandinig niya ang pagiging possessive ni Wyndham. Pakiramdam niya ay magandang-maganda siya nang mga oras na iyon. He was staking a claim on her.
“Hindi ba mamaya pa ang flight ni Miss Ashley? Bakit nandito ka na?”
“Hindi ko siya ihinatid. I asked someone else to take her to the airport. Nasabi ko na ang kailangan kong sabihin sa kanya. Wala siyang maasahan sa akin. And this is the last time that we’ll talk about Ashley.”
NIlaro niya ang petals ng bulaklak. “Okay. Saan tayo pupunta?”
“Sa flat ko.”
Tumuwid siya ng upo at naalarma. “ANong gagawin natin doon?”
“Dinner. I won’t be a sexual animal tonight. Gusto ko lang talagang mag-dinner. Let’s celebrate life. Muntik na tayong mamatay noong isang araw, di ba?”
His Nairobi flat was more Spartan than the one in London. But it was still elegant and very masculine. Ang tanging nagbigay ng kulay doon ay ang dinner table malapit sa verandah na nahahainan ng masasarap na putahe.
Bigla siyang nagutom. Kapag sobrang abala siya sa trabaho kagaya kanina ay hindi siya gaanong nakakakain. At maraming espesyal na putaheng ipinahanda si Wyndham. “Marcoe’s brother is here in Nairobi. Guest chef si Rouen sa Kenya Hotel. I remembered he cooked once on the plane. Parang ayaw mo na siyang pababain.”
“Because he is excellent.” Dumampot siya ng asado ball at isinawsaw sa sauce. “He remembers my favorite.”
Inilayo nito nang bahagya ang asado ball sa kanya. “Parang gusto ko na yatang isipin na mas interesado ka kay Rouen kaysa sa akin.”
“No. Interesado ako sa luto niya.” Mabilis siyang nakatusok ng asado ball at wala itong nagawa kundi ibalik ang plato sa mesa. “Dapat nga ako ang mag-treat sa iyo. You saved my life. Tapos marami pa akong masasamang nasabi sa iyo nang nasa Amboseli tayo. Galit ka pa ba sa akin?”
Umiling ito at ipinagsandok siya ng crab and corn soup. “Not anymore.”
She watched closely. “Hindi ka nga makatingin sa akin noon. Parang di ako nag-e-exist sa mundo. Sigurado ka?”
“I have a pride to uphold after you bruised my ego. You accussed me of so many awful things. Karamihan doon di ko malulon.”
Napangiwi siya nang maalala ang pagtatalo nila sa Amboseli. She was so hurt and mad at him then. Lahat ng sabihin nito ay masama ang ipinapakahulugan niya. “Gusto ko lang namang malaman ang totoo.” At pakiramdam niya noon ay walang anuman sa sasabihin nito ang totoo.
Ginagap nito ang kamay niya habang direkta nitong tiningnan ang mga mata niya. “I want you. The moment you entered that bar as my drinking buddy, I felt like I was kicked in the gut. I know we will have something special. Kaya nga nagulat ako nang malaman kong ikaw si Jezzie. Nariyan ka lang pero di ko napapansin.”
Sinapo niya ang isang pisngi niya. “Pangit nga siguro ako.”
“No! Just different. Isa pa, buddy ang tingin ko sa lahat ng piloto ko. And I have so much respect for you. Pero nang ipakita mo sa akin ang bagong Jezzie, lumipad na ang lahat ng rason sa utak ko. I knew I must have you.” HInaplos ng daliri nito ang pulso niya. “To hell with the world.”
Her heart flipped into acrobatics. She could vividly remember the pleasure and the sensation she felt when she was in his arms. Then the nightmare. “Then why did you throw me out, Wyndham?”
“Dahil magiging unfair ako sa iyo.”