Chapter Wyndham, TB-EHD: 34

“Why? Unprotected sex and unwanted pregnancy?”

Umiling ito. “That night, nalaman ko kay Lolo na ipapakasal niya ako sa babaeng di ko pa nakikita. At hindi ko matanggap iyon lalo na nang magkasama tayo. Heto, natagpuan ko na ang babaeng ine-enjoy ko ang company. I was attracted to your personality and I know it is not a simple attraction. I don’t want to be so selfish. Anong mararamdaman mo kapag nalaman mong ikakasal na ako? A night of passion with me would cost you a lot. Hindi ko iyon kayang gawin sa iyo.”

“I-I didn’t realize that,” she murmured. Ngayon lang niya nakita ang kabuuan ng pangyayari. Paano kung hindi siya nito itinaboy? Mas mamamatay siguro siya sa kahihiyan. Mas masasaktan siya dahil paniniwalain niya ang sariling gusto siya ni Wyndham habang ikakasal naman ito sa ibang babae.

“One of the reasons why I didn’t want to push through with the wedding.” INangat nito ang kamay niya at hinalikan ang pulsuhan niya. “I want that second chance with you.”

“A-Ako?”

Hinila siya nito patayo at niyakap ang baywang niya. “Yes. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na kita maialis sa isip ko mula noon. I want something real in my life and that’s you. You can make me laugh. We can have a real conversation and the emotion that I can feel from you is raw and real.”

He kissed her in a heated passion that drove her to the brink of insanity. This man could really make love with his mouth. At tuluyan na siyang nawalan ng lakas para kumontra dito. Kahit pa siguro utusan siya nitong tumalon sa building pagkatapos niyon ay hindi siya makakatanggi. Inalis na ni Wyndham ang takot na nararamdaman niya.

Sa gabing iyon, siya ang babaeng pinili nito. He cared for her. Their attraction for each other was beyond physical. At iyon naman ang gusto niya mula sa simula pa lang. And now, Wyndham was ready to give her more than she imagined.

“Where will this lead us, Wyndham?” tanong niya.

“Just give me a chance, Jezzie. I will try my best to be the man you deserve. And I will protect you.”

Tumango siya. “Napatunayan mo na iyong huli.”

“And I still have so much to prove.”

She won’t expect too much. Tatanggapin niya kung ano ang kayang ibigay ni Wyndham. Kung hanggang kailan, hindi niya alam. Pero susubukan niyang bumuo ng masasayang alaala sa piling ni Wyndham.

KAKAIBANG excitement ang naramdaman ni Jezzie nang lumipad ang Cessna-182 na minamaneho ni Wyndham sa ibabaw ng Zambezi River.

Kapag may free time sila ay inuubos nila ang araw nila para puntahan ang iba’t ibang magagandang tanawin sa Africa. At ngayon ay pupuntahan nila ang isa sa lugar na gusto niyang mapuntahan. Ang Victoria Falls.

“Hindi ko pa nata-try magpalipad dito,” sabi niya. “Bakit nga pala nag-insist ka na maging piloto ngayon, boss?”

“Para makakuha ka ng pictures para sa libro mo. Kapag ikaw ang nasa control, hindi mo makukuhanan ang mga view na gusto mo. So feel free to take pictures if you want. Don’t worry. I am a capable pilot.”

“Kung may isang department na pinagkakatiwalaan kita, that’s the plane.”

Maya maya pa ay narinig na nila ang dagundong ng tubig. It was defeaning. Parang kidlat. It was called Maosi-a-Tunya or the smoke that thunders. Nakabibingi ang tunog nito na parang kidlat dahil sa pagbagsak ng tubig. Kahit sa malayo ay nariirnig nila ang dagundong ng pagbagsak ng tubig. Maya maya pa ay kaharap na ng eroplano nila ang isang pader ng usok.

“Nasa ibabaw na tayo ng falls,” wika ni Wyndham. Ang usok ay epekto ng lakas ng pagbagsak ng tubig mula sa falls. And they were forming clouds, soaring in the sky.

“Wala akong makita.”

“Nasa langit na kasi tayo,” sabi ni Wyndham at kinintalan siya ng halik sa labi bago pinalipad paitaas ang eroplano.

Nang nasa ibabaw na sila ng mga ulap ay saka niya nakita ang kagandahan ng falls. “It is like a fantasy land, Wyndham. Madaming rainbows!”

“Alam mo ba noong unang beses akong nakarating dito, nagpalipad ako sa gitna ng gorge. I had just had my lisence then. Galit na galit sa akin si Alonzo dahil bawal ang ginawa ko at nahuli kami. Well, I smeared his good reputation,” natatawang kwento nito nang bumalik sila sa river lodge na pinili nitong tuluyan nila para sa gabing iyon. Tomorrow they would fly back to Kenya.

Sumandal siya sa wooden railing ng verandah ng lodge. “You had your lisence when you were sixteen.”

“That was the end of my reckless flying. Gusto ni Lolo na mag-concentrate ako sa business. Ang totoo, pangarap ko noon na maging bush pilot din. Pero mas malaki ang responsibilidad ko kaysa sa maging malayang makapunta kahit saan ko gusto. Katulad ng mga ibon. Wala silang responsibilidad. You answer to no one.”

“You have to be responsible of course. Hindi naman biro ang kompanyang pinapatakbo mo. Your family must be proud of you.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.