Chapter Wyndham, TB-EHD: 35

Malungkot itong ngumiti. “My grandfather doesn’t think so. Sinuway ko siya. Sana lang mas pinahalagahan niya ako kaysa sa obsession niya sa aristocracy at sa mga title.”

Pinisil niya ang pisngi nito. “In time, magbabago din ang isip niya. Ganoon naman ang mga lolo. Nagtatampo kapag di nasunod ang gusto.”

“Well, mabuti nang ipinatapon niya ako dito. Look what I’ve found.” Niyakap nito ang baywang niya at isinuklay ang daliri nito sa buhok niya. “Noong nasa London ka, mahaba ang buhok mo. Bakit pinaputulan mo?”

“Nagpahaba lang naman ako ng buhok para mapansin mong babae ako. Akala ko tama na iyon para maagaw ko ang atensiyon mo sa ibang babae. I am so naïve. When you threw me out, I decided to cut it. Wala rin namang ipinagkaiba kung mahaba o maikli ang buhok ko.”

“Right. Wala ring ipinagkaiba. I like girls with long hair but you have a sexy neck.” Pabiro nitong kinagat ang leeg niya. “Perfect!”

Hinampas niya ang braso nito. “Wyndham!”

“Hmmm… ano nga pala ang pangarap mo bukod sa libro mo?”

“I want to have my own bush plane. Tapos bibiyahe ako sa buong mundo. Sa lahat ng lugar na hindi basta-basta naaabot ng mga tao,” sabi niya at ibinuka ang dalawang kamay. “I will go wherever I want to go.”

“Akala ko masaya ka na dito sa Africa.”

“Marami pang lugar sa mundo ang di ko pa napupuntahan. Hindi lang dito sa Africa ang gusto ko. it’s like a great adventure.”

Niyakap siya nito mula sa likuran. “Sasama ako sa iyo!”

“Hindi po pwede. May trabaho po kayo,” paalala niya.

Ngumiti ito. “Itanan mo na lang ako.”

Pinisil niya ang pisngi nito. “Sumunod ka na lang sa akin kung saan ako nandoon. Magkita na lang tayo kapag hindi ka busy.”

HInapit nito palapit ang katawan sa kanya. “Jezzie, ayokong wala ka sa tabi ko. Masyado kitang mami-miss.”

Nalusaw na naman ang puso niya. Ayaw din niyang mawala sa paningin niya si Wyndham. Kung alam lang nito. Habang tumatagal ang panahon magiging mahirap para sa kanya na pakawalan ito.

TAHIMIK na pinanood ni Wyndham si Jezzie habang tinuturuan ng nobya ni Marcoe na si Reese. Isang photojournalist si Reese at ang pamilya nito ay may-ari ng isang publication. Base sa experience nito, marami itong maitutulong kay Jezzie. May mga koenksiyon din ito sa Pilipinas at abroad na makakatulong sa pagpapa-publish ng libro ni Jezzie kung sakali.

Nasa Kabunku Lodge sila para mas makapag-concentrate ang dalawa. Malaki ang tiwala niya sa ideas ni Jezzie. Interesante din dahil galing iyon sa isang female pilot. Jezzie had a heart. Naramdaman niya ang puso nito sa bawat isinusulat nito. And he knew that she was a very special woman.

“She’s not a blonde bimbo like your usual conquests,” komento ni Ryuji na tinabihan siya sa may verandah.

“And a very respectable pilot,” dagdag ni Alonzo. “Sana naman seryoso ka na diyan, Wyndham. Maswerte ka nang makatagpo ng isang kagalang-galang na babaeng papatol sa iyo.”

Matalim niyang tiningnan ang kaibigan. “Parang kaiinsulto mo lang sa akin. Wala ba akong karapatan na magkaroon ng kagalang-galang na girlfriend? Saka hindi ko siya pinaglalaruan.”

“Aba! Suutan na ng helmet iyan!” kantiyaw ni Andreas.

“Marcoe, bakit ba pinagsasama mo ang mga ito?” tanong niya at hinarap ang Pranses na kaibigan habang nagwa-wine tasting kasama si Raschid.

“Gusto nilang dalawin si Raschid,” kaswal na sagot ni Marcoe.

“Akala mo naman gusto nilang mag-espiya sa love life mo. Hindi na kailangan. Lagi ko naman silang ina-update,” ngingisi-ngising sabi ni Raschid at inamoy ang raspberry wine na dala ni Marcoe.

It was irritating. Pinagpipiyestahan ng mga kaibigan niya ang lovelife niya. At kung magsalita ang mga ito ay parang wala siyang karapatan kay Jezzie. Gusto ng mga kaibigan niya si Jezzie pero ayaw naman siya ng mga ito para kay Jezzie.

“Huwag kung anu-anong kalokohan ang sasabihin ninyo kay Jezzie,” babala niya. “Huwag ninyo akong sisiraan.”

“Ano bang tungkol sa iyo ang hindi pa niya alam?” tanong ni Nikos.

“Oo nga,” sang-ayon ni Andreas. “Three years mo siyang piloto. And she worked for your company even before that. She knows your exploits. She even flew with your women before. Himala nga at nagustuhan ka pa rin niya.”

“May magaganda naman akong qualities. Saka mula nang dumating ako dito sa Africa, wala akong ibang babaeng tiningnan kung hindi siya lang.”

It was not easy to deal with Jezzie at first. Nasaktan niya ito at wala itong katiwa-tiwala sa kanya. Pero pursigido siyang makuha ang loob nito. wala pang ibang babaeng nakakuha ng interes niya kagaya ni Jezzie. Most women didn’t last long because they were demanding and manipulative. Hindi si Jezzie. Kung ano ang emosyon na inilabas nito, puro iyon at walang halong pagkukunwari. She didn’t ask so much from him. Masaya na itong magkasama sila. Di ito mahirap I-please.

“Kailan ka babalik sa pagiging dakilang jet setter?” tanong ni Ryuji. “The world misses you, Wyndham. I don’t believe nakakatagal ka dito.”

“I have no choice. Dito ako ipinatapon ni Lolo.” Mabuti na lang nandiyan si Jezzie. She made his stay in Africa more bearable.

Kumuha ng alak si Alonzo at inabot sa kanya. “Kung seryoso ka sa piloto mo, bakit hindi mo siya ipakilala sa pamilya mo? Just convince them that you are really serious. May mga mas importante kang responsibilidad sa Royal Air at sa pamilya mo kaysa sa parusa sa iyo ng lolo mo. Jezzie might be the key.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.