Chapter Wyndham, TB-EHD: 36

Excited si Jezzie matapos makatanggap ng tawag sa book agent na ini-refer sa kanya ni Reese. Isang publication daw sa New York ang nagustuhan ang initial part ng manuscript niya. Hindi daw madali ang buhay ng isang babaeng bush pilot lalo na sa kontinente ng Africa. Magkakaroon daw ng insight ang mga tao kung ano ang mayroon sa mga lugar na di nababanggit sa balita o hindi dinadayo ng turista.

Pumunta agad siya sa opisina para ipaalam kay Wyndham ang magandang balita. Lagi itong busy dahil madami itong projects na naiisip. Sa ngayon ay nag-improve ang numero ng pasahero nila. Maganda ang mga promo na inilabas ni Wyndham para makaakit ng tourist. Nag-open din ito ng self-flight safari at bush pilot lesson para sa mga gustong mag-rent lang ng eroplano nila para sa mga tours. Pero hindi siya nito kinakalimutang i-check kahit pa pagod ito sa trabaho. Hindi niya alam kung ganoon din ito ka-attentive sa mga dating nobya pero flattered siya. At tiyak na matutuwa ito kapag ipinaalam niya ang magandang balita.

“Hi, Elai! Busy ba si Boss?” tanong niya sa sekretarya ni Wyndham nang daanan ito sa desk nito.

“Naku! Mainit ang ulo. Hirap yata silang mai-close ang deal nila sa isang importanteng client. Matagal pa mandin iyong inaalagaan ni Sir,” kwento ni Elai. “Nakakatakot pa mandin si Boss kapag masama ang mood.”

“Ganoon ba? Hindi muna ako papasok.” Kapag mainit ang ulo ni Wyndham at trabaho ang dahilan ay hindi muna siya nagpapakita.

Wyndham’s voice suddenly boomed from the intercom. “Miss Hernandez, I want my coffee now.”

Nanginginig ang kamay ni Elai nang magtimpla ng kape. Hindi na sanay ang mga staff ni Wyndham na nagagalit ito o mainit ang ulo. Ngayon lang. Nag-aalala tuloy siya dito. “Elai, ako na ang magdadala ng kape ni Wyndham,” prisinta niya.

“Sige. Thank you!” anito at nakahinga nang maluwag dahil hindi na nito kailangan pang harapin si Wyndham na mas matindi pa ang temperament kaysa sa kaibigan nitong si Alonzo kapag sira ang mood.

Maingat niyang binuksan ang pinto at sinilip ito. Nakapaymang ito habang nakatingin sa glass window sa labas. His shoulders were stiff. She had seen him work under pressure. Pero parang mabigat ang pinoproblema nito ngayon.

“Your coffee, Sir,” untag niya dito.

Marahan itong lumingon sa kanya nang nakakunot ang noo nito. Bahagya itong ngumiti nang makita siya. “Ah! Just the girl that I need.” Kinintalan nito ang labi niya at kinuha ang kape mula sa kanya. “Bakit ikaw ang nagdala ng kape?”

“Mainit daw ang ulo mo. Natatakot ang mga staff mo sa iyo.” HInaplos niya ang noo nito. “May problema ba?”

“Raddison called. Mukhang mawawala ang isang client na inaalagaan namin. ASCORP is a big client. They avail our chartered flights. Kung mame-maintain namin ang account nila, makakakuha pa kami ng iba pang clients through their referral. Pero wala silang ibang gustong kausapin kundi ako lang.”

“Ibig sabihin aalis ka?” tanong nito.

“As if my grandfather will allow it,” anito sa mapait na boses.

“Hindi ba niya pwedeng i-set aside ang differences ninyo para sa kompanya?”

“His pride won’t allow it. Hangga’t hindi ko nagagawa ang gusto niya, hindi ako pwedeng tumapak sa labas ng Africa.”

It must be pretty frustrating on his part. He was trained to handle bigger accounts. Lagi itong nagbibiyahe para makipag-coordinate ang malalaking tao sa mundo pero naka-confine lang ito sa Africa. Hinahayaan ng lolo nito na makawala ang isang malaking account dahil lang sa problema nito kay Wyndham.

“Kung may maitutulong ako sa problema mo, sabihin mo lang sa akin.”

Umiling ito. “No. Huwag mo nang isipin iyon.” pilit itong ngumiti at pinisil ang pisngi niya. “So tell me, bakit bigla kang dumalaw sa akin? Hindi ka naman siguro sinumbungan ng mga staff ko na sinisindak ko sila.”

Si Wyndham ang madalas na dumalaw sa kanya kapag nasa hangar siya. At kundi tapos ang office hours ay hindi niya ito inaabala sa opisina nito.

“May good news ako sa iyo.”

Niyakap nito ang baywang niya. “That’s what I need to hear.”

“Tumawag sa akin ang book agent ko at may publication daw na interesado sa manuscript ko. At ipapadala daw nila ang advance ko.”

“That’s good news indeed. I am so proud of you.”

Ilang beses niya itong kinintalan ng halik sa labi. “Thank you. Kundi mo pinapunta si Reese dito, hindi niya ako matutulungan.”

“You have a nice material. Dapat maka-inspire ka pa ng maraming tao dahil sa mga nakita mo at na-experience mo dito. Dapat siguro ilibre mo ako.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.