Chapter Wyndham, TB-EHD: 37

“Iyon ba talaga ang gusto mo? Gusto ko talagang matulungan ka sa problema mo sa family mo. Why don’t you talk to your grandfather instead? Masinsinan kayong mag-usap. Ilang buwan ka nang nandito. Walang masama kung ise-set aside muna ninyo ang differences ninyo.”

Pinisil nito ang ilong niya. “You really don’t stop, do you?”

“Ayoko lang nahihirapan ka. You miss your family. Hindi yata maganda na hindi kayo nagkakasundo lalo na ng lolo mo. Hindi ko nakilala ang lolo ko. Wala rin akong pamilya, MAswerte ka dahil nandiyan pa sila para makasama mo at suportahan mo.”

“Iyon lang ang gagawin ko? Kakausapin ko si Lolo? I know that old man. Hindi siya madadala sa simpleng usapan lang. He wants blood.”

“Makipag-usap ka pa rin. Apologize if you have to.”

Tumigas ang anyo nito. “Jezzie, I will never apologize if I know I am right. Si Lolo ang mali. He wanted to manipulate my life.”

“Sometimes it helps to talk. Matagal na iyon. Siguro naman nabawasan na ang galit niya sa iyo. You just have to try. Ibaba mo nang konti ang pride mo. Para din naman iyan sa pamilya ninyo.”

Mahabang sandali itong tumahimik at tinitigan lang siya. Sa huli ay niyakap siya nito. “Okay. Makikipagkita ako kay Lolo. I will talk to him but I want you to come with me.”

Gulat niya itong tiningala. “Bakit?”

“Una, mami-miss kita. Ayokong iwan ka dito sa Africa habang nasa London ako. Pangalawa, oras na siguro para makilala ka ng pamilya ko bilang girlfriend ko.”

Naestatwa siya habang yakap nito. “I-Ipapakilala mo ako sa pamilya mo?”

“Yes. as my girlfriend.”

“Wyndham, I don’t think that is a good idea. Baka makasama lang ang pagsama ko sa iyo.” Sa palagay niya ay hindi siya ang appropriate na noya para dito.

“I am still taking you with me. Ipagmamalaki kita sa pamilya ko.”

HINDI makakaing mabuti si Jezzie habang kasabay ang mga Archer sa hapunan. Puno ng tensiyon ang malaking dining hall na iyon sa mansion ng mga Archer sa London. Hindi natuwa ang lolo ni Wyndham na si Sebastian Archer dahil sa presensiya ni Wyndham. Sinuway nito ang utos ng lolo nito na huwag tatapak sa London. Pero tumindi ang tensiyong naramdaman niya nang sa kanya nasentro ang atensiyon ng puno ng pamilya Archer.

“So you work for Swan’s Flight Africa. Why did you decide to work as a bush pilot for a desolated region than work as my grandson’s pilot?” tanong nito.

“My father used to work in Africa. He met my mother there and I heard a lot of interesting things about Africa. I get to fly to beautiful places which are not part of the tourism hub and I get to meet ineresting people,” katwiran niya. Ihinahanda na lang niya ang sarili kung sakaling tatanungin nitong pera lang ang habol niya kay Wyndham.

“Bush flying is not a glamorous job,” komento ng ama ni Wyndham.

“I don’t like the glitz and glamour. I just want to fly,” katwiran naman niya. Maganda naman ang pagsalubong sa kanya ng ibang kapamilya ni Wyndham. Kilala siya ng mga ito dahil tatlong taon din siyang nagsilbi sa mga ito.

“But she’s writing a book about her experiences in Africa,” kwento naman ni Wyndham. “You will surely envy her escapades.”

“She’s also the female pilot who volunteered to help out the missions of the charity organization sponsored by Mother,” dagdag ni Raddison. Ipinaramdam nito na hindi sila pinabayaan ni Wyndham.

“I am glad to hear that,” wika naman ni Margaret, ang ina ni Wyndham na kanina pa halos tahimik. Mas pinipili marahil nitong tumahimik at makiramdam kapag may tensiyon sa paligid nito. Pero sanay na marahil ito na matagpuan ang sarili sa gitna ng matinding tensiyon sa pagitan ng mga lalaki sa tahanang iyon.

“Your father used to work for us. I am sorry for your loss. I am sure he will be proud of you if only he is here,” malumanay na wika ni Sebastian Archer.

Hindi niya inaasahan ang pakikiramay nito at ang papuri nito. Kanina ay parang ayaw sa kanya ng lolo ni Wyndham pero ngayon ay hindi na ito masyadong mukhang galit.

“Thank you, Sir,” pasasalamat niya sa nanginginig na boses.

Nagulat pa siya nang ngumiti ito sa direksiyon ni Wyndham. “I am afraid my grandson is stupid. You were under his nose for three years.”

Ginagap ni Wyndham ang kamay niya. “Better late than never, old man. I have my own share of stupidity but I am willing to rectify that.”

And he passionately claimed her lips in front of his conservative family. Gusto niyang itulak ito at panaigin ang katwiran pero nanghihina siya kapag nasa bisig siya ni Wyndham. Nanghina siya nang sa wakas ay pakawalan nito.

“Wyndham, nakakahiya!” mariin niyang saway dito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.